You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU PROVINCE
BARTOLOME AND MANUELA PAÑARES MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Barili, Cebu, Philippines
THIRD DIAGNOSTIC TEST IN FILIPINO 10
S.Y. 2023-2024
NAME:____________________________________________SECTION:______________________SCORE:___________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.
A. Aristocratic B. Egalitarian C. Matrilinear D. Patrilinear
2. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar.
A. Ahmad B. Sarah C. Liongo D. Toby
3. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan
ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
A. alamat B. mito/mitolohiya C. epiko D. parabula
4. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil; ibinaba niya ito at
hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito,
si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang _____________.
A. masipag B. maunawain C. matiisin D. pabaya sa anak
5. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin.
A. pagkiklino B. pagsasaling-wika C. pagpapakahulugan D. pagsusuring-wika
6. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa
pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na
ito ay nagpapatunay na si Liongo ay ____________.
A. paulit-ulit na nakulong B. madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa
C. magaling tumakas tuwing siya’y madarakip D. malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid
8. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
9. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong magsalita sa mga taong
hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya B. pagkasiya C. pagkalito D. pagkatuwa
10. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika ng sultan, “Ang
nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang
loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng sultan?
A. dalamhati B. lungkot C. galit D. tuwa
11. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
A. malalim na pang-unawa B. matinding pangangailangan
C. malakas na pangangatawan D. masidhing pananampalataya
12. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?
A. pinakamagaling na hari B. pinakamabuting komedyante
C. pinakamahusay sa pagkukuwento D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento
13. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. pananampalataya B. kuwento ng kaibigan
C. karanasan sa buhay D. paninindigan sa buhay
14. Ano ang dahilan kung bakit sa gitna ng disyerto namamanata ang Mongheng Mohametano?
A. Nakalilibang ang lugar. B. Nakadaragdag sa sidhi ng pagninilay ang init ng sikat ng araw.
C. Payapa ang lugar upang magnilay. D. Nakapagbibigay ng dagdag na dusa ang init ng buhangin.
15. Batay sa anekdotang binasa, ano ang dulot sa tao ng pagpapatawa, ayon sa paniniwala ng Sufis?
A. naghahatid ng suwerte sa mga tao B. nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao
C. nagpapayaman sa kaalaman ng mga tao D. nagdadala ng ibayong pagpapala sa mga tao
15. Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at -in ang salitang-ugat na “sambit”, ano ang magiging bagong kahulugan
nito?
A. sasabihin B. sinasabi C. sinabi D. sinasabihan
16. Ano ang kahulugan ng salitang, “naimbitahan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na “imbita”, na kinabitan ng
mga panlaping na- at -han.
A. nagpaanyaya sa isang pagtitipon B. naanyayahan sa isang pagtitipon
C. inaanyayahan sa isang pagtitipon D. nagpapaanyaya sa isang pagtitipon
17. Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng
kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang
anak na pag-aaralin sa Maynila. Anong damdamin ang ipinakikita ng mag-asawang Irene at Simon sa pahayag?
A. malungkot B. nananabik C. masaya D. ninenerbiyos
18. Ito ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay, pasulat man o pasalita.
A. anekdota B. pagsasalaysay C. mitolohiya D. talambuhay
19. Sa pagpili ng paksa, dapat na ito ay likas na napapanahon, may mayamang damdaming pantao, may
kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan. Ito ay tumutukoy sa __________.
A. kawilihan ng paksa B. kakayahang pansarili C. sapat na kagamitan D. kilalanin ang
mambabasa
20. Isa sa mapagkukunan ng paksa na sinasabing pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan mismo ng nagsasalaysay.
A. napanood B. narinig sa iba C. likhang-isip D. sariling karanasan
21. Bahagi ito ng komiks kung saan isinusulat ang maikling salaysay.
A. kuwadro B. kahon ng salaysay C. lobo ng usapan D. pamagat ng
kuwento
22. Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?
A. Dr. Jose P. Rizal B. Roderic P. Urgelles C. Virginia Hamilton D. Consolation P.
Conde
23. Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa
ng kuwento.
A. anekdota B. magasin C. komiks D. mitolohiya
24. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamasidhi o pinakamatinding antas ng damdamin?
A. inalagaan B. kinupkop C. kinalinga D. tinangkilik
25. Alin sa sumusunod na salita ang nagpapakita ng pinakamababang antas ng damdamin?
A. nababalisa B. natatakot C. nagigimbal D. natitigatig
26. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa maingat na pagpili ng mga salita sa isang tula?
A. kariktan B. tayutay C. sukat D. tugma
27. Alin sa sumusunod na salita ang tumutukoy sa magkakatunog na pantig sa bawat dulo ng taludtod ng
tula?
A. kariktan B. tayutay C. sukat D. tugma
28. “Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta, mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga
mata.” Anong damdamin ang mahihinuha mula sa pahayag?
A. pagdurusa B. pagkamuhi C. paghanga D. pagmamahal
29. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy o nagpapakita ng kaluluwa ng akda?
A. kariktan B. talinghaga C. sukat D. tugma
30. “Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin, na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.” Ang
kaniyang anak ay _______.
A. marangal B. mahina’t sakitin C. magiging mandirigma D. malakas kahit na
siya’y maliit
31. Namayani ang pagmamahal ni Kibuka sa alagang baboy kaya hindi niya ito maipagbili. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagunita B. nanaig C. nakita D. nangibabaw
32.Ito ang damdaming naramdaman ni Kibuka sa pagkamatay ng kaniyang alaga.
A. pagkalungkot B. pagkadismaya C. pagkasiya D. pagkabagot
33. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, ito’y napamahal na kay Kibuka. Ang damdaming
nangingibabaw sa pangungusap ay______.
A. pagkalungkot B. pagkadismaya C. pagkasiya D. pagkabagot
34. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
Ang damdaming ipinahihiwatig ng pahayag ay ______.
A. pagkalungkot B. pagkadismaya C. pagkasiya D. pagkainis
35. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang ginugol
niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Ano
ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap?
A. pag-ayaw B. pagkagusto C. pag-asam D. pagnanais
36. Namayani ang pagmamahal ni Kibuka sa alagang baboy kaya hindi niya ito maipagbili. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagunita B. nanaig C. nakita D. nangibabaw
37. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon.
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. tumalsik B. tumumba C. tumapon D. tumurit
38. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di inaasahang pangyayari ang
naganap. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?
A. nagdudukot B. nagkakalkal C. naghahanap D. naninimot
39. Sa tingin ko, kamangha-mangha at tila kabalintunaan pa ang kabaitang ipinakita ni Jasmine sa lahat ng
uri ng tao at maging sa hayop kaya’t masasabing tunay nga siyang iba. Anong pahayag na naglalahad ng opinyon
ang ginamit sa pangungusap?
A. tila B. kamangha-mangha C. tunay D. sa tingin ko
40. Sa palagay ko, puno ng inspirasyon at hitik sa kabutihang-asal ang pelikulang, “Unforgettable”. Anong
pahayag na naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?
A. sa aking palagay B. sa paniniwala ko C. sa palagay ko D. sa tingin ko
41. puso : dibdib :: utak : ____________
A. bibig B. mata C. ilong D. ulo
42. malapad : makitid :: ____________ : malakas : ____________
A. mahaba B. malaki C. mahina D. maliit
43. kaligayahan : kagalakan :: kalungkutan : ____________
A. dignidad B. kapighatian C. kapayapaan D. katarungan
44. pagkakahati-hati : pagkakabuo-buo :: pagkakaisa : ____________
A. kaligayahan B. pagkakabuklod C. kapayapaan D. pagkakawatak-
watak
45. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng
publiko.
A. dulaan B. talumpati C. salaysay D. tula
46. Ito ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng mabisang talumpati.
A. opinyon B. pagpili ng paksa C. oras at panahon D. pook at okasyon
47. Ito ang mga katangiang dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati maliban sa isa.
A. Bumabatikos B. nanghihikayat C. magulong balangkas D. nagpapabatid
48. “Pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw. Nakita ko sa ABS-CBN and na-retrieve ‘yung footage,
ipakulong ko siya.” Ang damdaming nangibabaw sa pahayag na ito ay __________.
A. Pagkagalit B. pagkatuwa C. Pagkalungkot D. panlulumo

You might also like