You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
VICENTE L. PIMENTEL, SR. NATIONAL HIGH SCHOOL
Quezon, Tandag City

Ikalawang Markahan sa Filipino 10


S.Y 2019-2020

Panuto: Basahin at sundin ang panuto sa bawat pagsusulit. . Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Test I- Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang diyos ng kulog at kidlat.
A. Elli B. Loki C. Thor D. Utgaro

2. Ito ang katipunan ng iba’t ibang paniniwal at mga kuwento tungkol sa mga diyos at
diyosa?.
A. Alamat B. Dagli C. Epiko D. Mitolohiya

3. Alin sa sumusunodang hindi kabilang sa elemento ng mitolohiya?


A. mga karaniwang mamamayan sa komunidad ang tauhan
B. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
C. tumalakay sa pagkalikha ng mundo
D. tungkol sa mga diyos at diyosa

4. Ano ang tawag sa mga higanteng naninirahan sa Asgard?


A. Aesir B. Balder C. Jotunheim D. Odin

5. Ang Yggdrasil ay ang pinagmulan ng mundo ayon sa mitolohiyang norse, may ilang
mundo ang bumubuo dito?
A. Anim B. Siyam C. Pito D. Walo

6. Ibigay ang kolokasyon ng salitang puso.


A. Mamon B. Talo C. Tubig D. Ulan

7. Maliban sa isa, alin ang hindi pwedeng kolokasyon ng tubig?


A. Alat B. Ulan C. Mata D. Pampaligo

B. Panuto: Tukuyin kung nasa anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa


pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. TAGAGANAP C. KAGAMITAN E. SANHI


B. LAYON D.GANAPAN

8. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista.


9. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
10. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
11. Ang pangingibang bansa ng kanyang tatay ay ikinalungkot ni Maria.
12. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
13. Ang sandok ay ipinangkuha ni Ate Flor ng adobong manok sa kawali.
14. Ang adobong manok ay niluto ni Ate Flor.
15. Si Ate Flor ay nagluto ng adobong manok
16. Ang pagluto ni Ate Flor ay ikinasaya ni Nanay.
17. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso.
18. Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman.
19. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.

C. Panuto:Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang bawat pangungusap. Isulat


ang titik sa patlang.

A. SIMILI C. PAGMAMALABIS E. METONIMYA


B. METAPORA D.EUPEMISTIKO F. APOSTROPHE

20. O tukso! Layuan mo ako!


21. Bumabaha ng dugo sa lansangan
22. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin
23. Tila porselana ang kutis ni Celia.
24. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
25. Nagsalita na ang Palasyo hinggil sa isyung kinakaharap nito.
26. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
27. Sumakabilang buhay na ang kanyang ama.
28. Lumabas siya ng silid dahil sa tawag ng kalikasan.
29. Hinalikan ako ng malamig na hangin.

D. Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salita na nasa ibaba. Piliin lang ang
letra ng tamang sagot.

30. Malamig A. Mabango B. Mainit C.Malamig D. Mapurol


31. Salapang A. Bato B. Barko C. Sandata D. Tsinelas
32. Magapi A. Manalo B. Madaya C. Matalo D. Masaya
33. Dentuso A. Maliit B. Malaki C. Masarap D. Matulin

34. Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa
walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Samson At Delilah C. Florante At Laura
B. Romeo At Juliet D. Thor At Loki

35. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?


A. Pakakasal na si juliet kay paris
B. Maraming kasintahan si romeo
C. Magkaaway ang kanilang mga angkan
D. Labag sa kultura ng mga capulet na mapakasal sa isang montague.

36. Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong “nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante
upang hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito.”
A.. Matalino man ang matsing napaglalalangan din.
B. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
C. Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.
D.. Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan

37. Nagbalik-loob si Samsom sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng


kilos ng tauhan na _______.
A. Sa diyos pa rin siya hihingi ng tulong.
B. Siya ay nagsisi at nanalig sa diyos.
C. Sa diyos pa rin siya kumuha ng lakas.
D. Kinilala niya ang kapangyarihan ng diyos.

38. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet?”
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.
B. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig
C. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
D.. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.

39. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _______.


A. Marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. Pagsaway sa utos ng kanilang angkan
C. Pagtataksil ni juliet kay paris
D. Lahat ng nabanggit

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang
tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob
niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong
salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero
mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas
armado lang ako.
-Ang Matanda at ang Dagat

40. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao
pero hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _______.
A. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.
D. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.

41. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?


A. Mabait C. Mapagpahalaga
B. Maalalahanin D. Mabuti

42. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa


paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita
ng uri ng tunggaliang,
A. Tao vs Tao C. Tao vs Lipunan
B. Tao vs Sarili D. Tao vs Kalikasan

43. Sino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil?


A. Barack Obama C. Dilma Rouseff
B. Corazon Aquino D. Vilma Santos

44. Ito ay uri ng sanaysay na binibigkas sa entablado sa harap ng madla.


A. Alamat C. Epiko
B. Dula D. Talumpati

45. Si Dilma Rousseff pala ang pangulo ng Brazil. Ano ang ginamit na pagpapalawak ng
pangungusap na ginamit?
A. Brazil C. Pala
B. Dilma D. Pangulo

46. Ano ang dagli ay mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksiyong umuunlad, gahol ang banghay, at paglalarawan lamang.
A. Alamat C. Epiko
B. Dagli D. Maikling Kwento

47. Maliban sa isa, alin ang hindi kabilang sa elemento ng nobela?


A. Alamat C. Tagpuan
B. Banghay D. Tauhan

48. Ang mga diyos ng Norse ay kilala sa tawag na ____?


A. Aesir C. Halimaw
B. Baliw D. Higante

49. Ito ay paniniwala na kung saan ang mundo ay nagmula sa magkabaligtad na puno?
A. Mitolohiyang Greek C. Mitolohiyang Norse
B. Mitolohiyang Roman D. Mitolohiyang Mediterranean

50. Ito ay akdang pampanitikan na natatanging kwento tungkol sa diyos at diyosa at kung
paano nabuo ang daigidig.
A. Alamat C. Epiko
B. Dagli D. Mitolohiya

You might also like