You are on page 1of 15

FILIPINO 10

Mga Akda Pampanitikan ng Mediterranian

UNANG MARKAHAN

Ikalawang Linggo

Modyul 2

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa:

1. pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan at sa pokus ng pandiwa;


2. tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing, pinaglalaanan at
kagamitan sa pagsulat ng saloobin sa paghahambing sa sariling kultura
at ng ibang bansa; at

3. tagaganap at layon sa isinulat na sariling kuwento.

Inihanda nina:

MARIA THERESA F. ESCANO MARK ALLEN L. LACADIN


Teacher II Teacher II

MILAGROS F. CALIBUSO
Master Teacher I

MARLYN S. IBAAN, Ed. D. ROBERTO B. QUEZON, Ed. D.


Head Teacher VI Principal IV

1
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
SANGAY NG PANGASINAN II

Pozorrubio

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


Grade 10
Week 2, Quarter 1
October 19-23, 2020
Day Learning Learning Competency` Learning Tools Mode of
&Time Area Delivery
Nagagamit nang wasto I. Tukuyin at suriin ang mensahe at Ipasa ang output
ang pandiwa sa: layunin ng larawang nakita. Isulat sa sa pamamagitan
ng paghulog sa
1. pagsasaad buong pangungusap ang iyong mga
Monday Filipino Drop box na
1:00– ng aksyon, sagot. nakatalaga sa
3:00 pangyayari at bawat barangay
karanasan at II. Basahin o/at panoorin ang Pygmalion at sa mismong
sa pokus ng paaralan. May
at Galatea ng Gresya gayundin ang mito
pandiwa; mga gurong
ng Tausug na pinamagatang “Biraddali”
2. tagaganap nakatalaga sa
at layon sa bawat barangay
III. Kompletuhin ang hinihingi ng bawat
pagsulat ng at sa paaralan ay
patlang sa kasunod na gawain upang may mga Drop
paghahambing,
pinaglalaanan mabuo ang isang hambingang -suri ng Box sa bawat
at kagamitan Baitang.
mga mitong binasa. Kuhanin sa loob ng
sa pagsulat ng kahon ang mga kasagutan.
saloobin sa
paghahambing IV. Lumikha ng sariling mito na
sa sariling
kultura pumapaksa sa kasalukuyang pandemya
at ng ibang na nararanasan ng mundo at isaalang-
bansa; at alang ang wastong gamit ng pokus ng
3. tagaganap at pandiwa sa layon at tagatanggap
layon sa
isinulat na
sariling
kuwento.

(FW10GW-la-b-57)

Inihanda nina

MARIA THERESA F. ESCANO MARK ALLEN L. LACADIN


Teacher I Teacher I
MILAGROS F. CALIBUSO
Master Teacher I
MARLYN S. IBAAN, Ed.D. ROBERTO B. QUEZON, Ed.D.
Head Teacher VI Principal IV

2
UNANG KWARTER

Linggo 2 (Gamit at Pokus ng Pandiwa sa Pagsulat at Pagpapahayag)

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakagagamit nang wastong pandiwa sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at


karanasan at pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng
paghahambing, pinaglalaanan at kagamitan sa pagsulat ng saloobin sa
paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; tagaganap at layon sa
isinulat na sariling kuwento;
2. nakahahayag ng mga mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang
mitolohiya; at
3. natutukoy ang mensahe at layunin ng nakita o napanood na cartoon ng isang
mitolohiya.

SAPULIN

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. (10 puntos )

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng mitolohiya?

A. tauhan B. taludtod C. tagpuan D. tema

2. Paano nakatutulong ang mito sa buhay?


A. nagsisilbing gabay
B. nagpapayaman sa tao
C. nagpapatalino sa kabataan
D. nagpapahalaga sa sariling interes
3. Ano ang nagpapakita ng ugnayan sa pag-aaral ng pokus ng pandiwa?
A. paksa at panag-uri
B. panag-uri at sugnay
C. paksa at pandiwa
D. paksa, pandiwa at panag-uri
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasaklaw sa gamit ng pandiwa?
A. aksiyon, kilos, galaw B.karanasan

C.pangyayari D.kaganapan

5. Kung ang MITO ay SUHAY ng buhay, paano mo ito mas mapalalaganap?


A. sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling likhang mito
B. sa pamamagitan ng paggagaya ng ibang kuwento
C. sa pamamagitan ng pag-aaral ng panulaan
D. lahat ng nabanggit
6. Sa pangungusap na “Ang buong bansa ay nagsisikap para sa makataong layunin ng
nagkakaisang bayan,” ano ang gamit ng pandiwa?
A. aksiyon, kilos o galaw B. karanasan

C. pangyayari D.kaganapan

3
7. Sa pangungusap na “Ang sama-samang panalangin ng bawat isa ay ipanlalaban sa
kumakalat na virus sa mundo,” ano ang pokus ng pandiwa?
A. kagamitan B. layon C. pinaglalaanan D. tagaganap
8. Sa pangungusap na “Lumalaban ang katawan ng taong dinapuan ng COVID-19 sa kabila
ng matinding dulot na panghihina nito sa pasyente,” ano ang tinutukoy na pokus ng
pandiwa?
A. tagaganap B. pinaglalaanan C. layon D. kagamitan
9. Sa pangungusap na, “Nagkakaisa ang mga LGU at ilan pang kawaning pangkalusugan
para labanan ang sakit na kumakalat,” ano ang gamit ng pandiwa?
A. aksiyon, kilos o gawa B. karanasan

C. pangyayari D. kaganapan

10. Sa pangungusap na “Si Psyche ay tulad din ng mga frontliners sa kasalukuyang


nararanasan nating pandemya dahil sila ay may kakayahang magsakripisyo para sa
kapakanan ng kapuwa at bayan, “ano ang panlaping ginamit upang tukuyin ang
kabayanihan ng mga frontliners?
A. –na B. mag- C. na- D. –ma

BALIK-TANAW

Panuto: Tukuyin ang angkop na kasagutang hinihingi ng bawat bilang.


Kuhanin ang sagot sa nakahandang puzzle. 10 puntos.

1. Tawag sa mga kuwento ukol sa mga diyos-diyosan


2. Anak ni Venus
3. Simbolo ng asawa ni Cupid
4. Resulta ng katapatan at pagtitiwala na binigyang-pansin sa “Cupid at Psyche”
5. Asawa ni Cupid
6. Akda ni Lucius Apuleius Madaurensis, isang Latinong manunulat ng nobelang
Metamorphosis
7. Nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito
8. Bansang pinagmulan ng “Cupid at Psyche”
9. Diyosa ng kagandahan
10. Simbolo ng anak ni Venus.

Latin

4
SIMULAN

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

SUHAY NG MITO Ano ba ang SUHAY?

Ito ay maaaring iugnay sa salitang TUKOD na ikinakatang o isinasandig para tumatag ang
bagay na mabuwag. Samantala, sa mundo ng panitikan, ang SUHAY ay isang GABAY! Ang
panitikan ay isang gabay sa pamumuhay ng bawat tao. Kaugnay nito, malaki ang gampanin ng
MITOLOHIYA bilang tungkuran o gabay sa buhay ng isang kabataan, gayundin ng lipunan. Kaya
naman kailangang maipabatid sa buong mundo ang malalim na gampanin nito sa sangkatauhan.
Kaya nararapat na ito ay maipamalas sa pamamagitan ng sariling paglikha ng isang kuwento na
maisasalaysay at maihahayag gamit ang malayang kaisipan.

Sa kabilang banda, ang SUHAY ay hindi lamang gabay. Ito ay isa ring instrumento sa
pagpapahayag na kung tawagin ay SUlat-HAYag.

Kaya naman, handa ka na bang sumulat ng sariling mito?

Ngunit bago sumulat, dapat ay alalahanin mo na mahalagang malaman ang mga elemento
ng Mitolohiya at ang tamang gamit ng pandiwa, gayundin ang pokus nito.

Mga Elemento ng Mitolohiya

1. Tauhan > Ginagampanan ng mga diyos o diyosa > Makulay at puno ng imahinasyon ang
pagganap ng mga tauhan > May taglay na kapangyarihan > May pakikipagsapalaran ng
mga diyos/diyosa > May kakaibang katangian at nagpapakita rin ng makataong emosyon
2. Tagpuan > May kaugnayan sa kulturangkinabibilangan > Naglalarawan ng sinaunang
panahon
3. Banghay > Maraming kapana-panabik na pangyayari at tunggalian > Nakapokus sa
mahihirap na pagsubok na dapat harapin > Taglay ang ugnayan sa tao at mga
diyos/diyosamaaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago sa araw,
buwan at daigdig > May kakaibang katangian ang mga hayop
4. Tema Nagpapaliwanag sa mga sumusunod:
> natural na phenomena o pangyayari
> pinagmulan ng tao, mundo o daigdig
> ugali ng tao – kalakasan/kahinaan
> pangyayari sa lipunan/pamumuhay
> relihiyon, paniniwala at tradisyon
> mga aral sa buhay

Gawain 1: CUPID vs COVID

Panuto: Tukuyin at suriin ang mensahe at layunin ng larawang nakita. Isulat sa buong
pangungusap ang iyong mga sagot. (10 puntos )

5
KATANUNGAN:

1. Ano ang aksiyon, kilos o ginawa ng pangunahing tauhan para mailigtas ang kaniyang
mahal sa buhay?
_________________________________________________________________
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo nang Makita mo ang larawan?
_________________________________________________________________
3. Paano kaya nakaapekto ang “PAMAMANA” sa kaligtasang inaasam ng daigdig?
_________________________________________________________________
4. Ano ang mensahe ng larawang nakita mo sa iyong sarili, sa kapuwa, lipunan at
daigdig? Ipaliwanag. _________________________________________________________________
5. Paano nakatutulong sa iyong pamumuhay bilang kabataan ang mensahe at layunin ng
larawan? Ilahad. ________________________________________________________________

Gawain 2: Oo o HINDI

Panuto: Ilahad ang paninindigan ukol sa paksang tinalakay sa tulong ng katanungang


makikita sa larawan. Ipaliwanag kung bakit oo / hindi ang iyong sagot. (10 puntos)

*Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
________________________________________________________.

6
Gawain 3. 1 MAGBASA AT/O MANOOD!

Panuto: Basahin o/at panoorin ang Pygmalion at Galatea ng Gresya gayundin ang mito ng
Tausug na pinamagatang “Biraddali”

PYGMALION AT GALATEA

Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga kababaihan dahil sa


ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok hanggang makagawa siya ng
isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa
isang babae. Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang
opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang diyosa
ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig
at kanyang binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at
Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Paphos
at Metharme. Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na
nag-aalay sa templo ni Aprodite.

Brainly.ph-https://brainly.ph/question/801686#readmore -
Mapapanood sa hatirang pangmadla ng ALAMIN NATIN Make Life Easy BIRADDALI

Maraming nag-iisip na kathang-isip lang kami sa daigdig na ito, ngunit nag-iingat lang
kami upang ‘di makita ng iba. Puwera na lang noong isang pagkakataon, isang sandaling kami’y
nagpabaya. Alam niyo kasi, kaming lahat na pitong magkakapatid na babae, pumapanaog kami
mula sa langit tungo sa lupa gamit ang isang bahag-hari. Sa tuwing kami’y maliligo sa malalamig
na batis sa bundok, hinuhubad namin ang aming mga makikislap naming pakpak upang
guminhawa.

Isang araw, nakita ng isang tao ang aming pakpak na sa lupa, at saka kami binantaang
gawing kaniyang mga asawa.

Marunong kaming mga mas nakatatandang kapatid na madaliang abutin ang aming
mga papak upang agad na makalipad patungong langit. Ngunit ‘di ito napagtanto ng aming bunso,
at inilapag niya ang kaniyang pakpak nang malayo sa kaniya. Ninakaw ito ng lalaki.

Hindi basta bastang susuko ang mga biraddali. Nagpalit anyo ang aming bunso, una’y
bilang ahas upang makagapang ng mabilis papalayo. Ngunit mangangaso pala ang lalake, at
nahuli niya sa isang hawla ang aming bunso. Sunod nama’y nag-hugis alakdan ang aming bunso,
at nagtago sa mga nagsihulog na dahon sa gubat. Ngunit matalas ang mata ng lalaki, at nakita
siyang tumatakas. Nagpalit anyo muli ang bunso namin upang maging alupihan, at madaling
inakyat ang mga punong-kahoy nang ‘di mahuli. Ngunit matulin ang lalake’t naabutan siya sa
isang sanga. Sa huli, walang nagawa ang aming bunso. Unti-unting humihina ang kaniyang
kapangyarihan dahil ‘di niya suot ang kaniyang mga pakpak

Bumigay ang aming bunso sa nais ng lalake na siya’y maging asawa. Nagsama sila, ngunit
ang aming bunso’y tahimik lang na nagaantay na makuha muli ang kaniyang mga makikislap na
pakpak upang makalipad at umuwing muli sa langit. Hindi kami makapayag na mga ate niya na
hayaang maiwan ang aming bunso sa lupa kasama ng taong iyon.

Ngunit nag-iingat kaming ‘di mahuli ng lalaking ito. Takot kaming makuhanan ng aming
mga pakpak, kaya’t ipinahatid namin sa hangin ang aming mga bulong, nawa’y umabot sa aming
nahuling bunso ang aming mensahe.

7
Binulungan namin ang gubat at ang lahat ng mga puno, upang ipaabot sa aming bunso na
inilibing ng lalaki ang kaniyang mga pakpak sa ilalim ng isang puno, sa tabi ng ilog. Pag-asa’t
paglaya ang laman ang aming mga bulong. Ibinulong din naming nangungulila kami para sa
kaniya.

Sa wakas, narinig niya kami. Sa sandaling umalis ng bahay ang lalaki, tumakas ang aming
bunso. Humangos siya tungo sa gubat. Walang briddali ang mas mabilis pa ang kaysa sa aming
bunso, maging mga anghel, ‘di matatalos ang halaga ng nadama niyang paglaya.

Maraming mag-aakalang kathang-isip lang ang mga briddali. Pero ito’y dahil alam namin
ang kalupitan na kayang iparanas ng tao. Hindi na maaring may kumupit muli ang aming mga
pakpak. Hindi na muling mararanasan ng isa sa amin ang pagdurusa ng pagiging ‘di buo.

Mabubuhay na lamang kami sa kathang-isip ng tao, at sa likas ng kariktan ng bahag-hari,


mula ngayon, at magpakailanman.

Orihinal na panulat ni Karl Gaverza


Salin sa Filipino ni Ruiz Act

Gawain 3.2 Pagkompleto sa Hambingang-Suri

Panuto: Kompletuhin ang hinihingi ng bawat patlang sa kasunod na gawain upang


mabuo ang isang hambingang-suri ng mga mitong binasa. Kuhanin sa loob ng kahon
ang mga kasagutan. 10 puntos

ipinakilala inaliw binahaginan pinasasalamatan

pinasasalamatan ipanlaban ipanggamot Ibinahagi

ipanlunas ipinagmamalaki ipinambigkis ipinandilig

Ang panitikan ng mga Roma at Gresya ay (1)___________ng mundo para muling ipaunawa
ang katuturan ng buhay. Karagdagan, (2)__________ang bawat mambabasa ng mga kaalamang
magagamit sa araw-araw na pamumuhay.

Batay sa aking mga nabasa, (3)__________ ko rin ang Pilipinas. Ang mga Pilipino ay
maihahanay sa mga bansang may maunlad na panitikan na tulad ng Gresya at Roma.Tulad na
lamang ng mitolohiya, ginamit ang Biraddali, Cupid at Psyche at Pygmalion at Galatea upang
(4)__________ ng mga suliraning panlipunan ng ating daigdig. Ito ay sa pamamagitan ng mga aral
at kaisipang hatid ng bawat mitong nabanggit.

Sa kabilang banda, nagkakaiba ang mga mitong binasa batay sa kultura. (5)__________ ng
mitong Biraddali ang mundo para ipakilala ang kultura ng mga Tausug sa malalim na
pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at pamilya – mga salik ng pag-unlad ng isang bansa.
Samantalang sa Cupid at Psyche at Pygmalion at Galatea ay (6)__________ ang kanilang mga mito
sa mundo para ipaliwanag ang kahalagahan ng batas at seguridad ng buhay.

Nakatutuwang isipin din na iba’t iba ang naging sentro ng kaisipan sa mga mitong binasa.
Sa Biraddali, (7)____________ sa mga uhaw na isipan ng mga mambabasa ang konsepto ng
kalayaan – bagay na nagpapatingkad sa demokrasya ng isang bansa. Samantalang (8)____________
ang mga Romano at Griyego sa mundo dahil sa mga mitong nagbigay-pansin sa konsepto ng
pagtitiwala at pag-asa – mga salik na nagpapatibay ng isang samahan. Ang mga ito ay ibinahagi
sa mitong Cupid at Psyche gayundin sa Pygmalion at Galatea.

8
Kaya naman, (9)____________ ko ang naituro sa akin ng MITOLOHIYA.

Nawa, ang mga aral at kaisipang natutuhan mula sa mito ay (10)________ at ipanlunas
natin sa mga isyung pandaigdig na nararanasan ng sangkatauhan.

LAKBAYIN
*TANDAAN (GAMIT NG PANDIWA)

Ang gamit ng pandiwa ay binubuo ng tatlong bahagi; Aksiyon, Kilos o Galaw, Karanasan
at Pangyayari.

Ngayon, balikan ang iyong mga sagot sa unang tatlong tanong sa Gawain 1. Ang unang
tanong ay sumasagot sa kilos na ginampanan ng tauhan. Ang ikalawang tanong naman ay
sumasagot sa damdamin batay sa iyong nasaksihan at ang ikatlo ay sumasagot sa proseso
(maaaring bunga o epekto) ng kilos na isinasaad sa pangungusap.

Ang lahat ng iyan ay bibigyang-linaw ng mga sumusunod na kaalaman.

I. Aksiyon, Kilos o Galaw – Kapag naghahayag ng aksiyon, kilos, o galaw ang pandiwa,
lagi itong may aktor o tagaganap ng aksiyon, tao man o bagay. Halimbawa: Lumipad nang
mabilis ang agila. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng Diyos. Mabubuo ang mga
pandiwang nagsasaad ng aksiyon, kilos o galaw sa tulong ng mga panlaping um- -in- at –um- na
pawang nagpapahiwatig ng isang aktor na gumaganap ng kilos.

II. Karanasan – Nagpapahayag ng damdamin o saloobin. May tagadanas ang damdamin o


saloobin na inihuhudyat ng pandiwa

Halimbawa: Natutuwa si Venus sa mga nararanasan ni Psyche. Nagluluksa ang pamilya


sa maaaring nangyari kay Psyche.

*Pansining nagsasaad din ng aksyon ang nagbubulag-bulagan o nagbibingibingihan,


gayunman nangangahulugan ito ng pagwawalang-bahala o kawalan ng malasakit kaya mas
angkop sa pagpapahiwatig ng damdamin.

*Mabubuo ang mga pandiwang nagsasaad ng karanasan sa tulong ng mga panlaping:

-um- : bumait, sumgaya, tumapang

ma- : magalit, malungkot, matuwa

mag- : magsawa, magtaka

mang- : mangilabot, manghinawa

mag- + s.u.(dupl)+ -an : magdunung-dunungan, magmaang-maangan

III. Pangyayari – May ipinahihiwatig na naaapektuhan ng naturang proseso o


pangyayari na karaniwang hindi sinadya o binalak. Tatawaging “tagatanggap” ng proseso (o
pangyayari) ang bagay na naaapektuhan.

9
Halimbawa: Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Kumukulo na naman ang dugo ni
Venus kay Psyche.

Mabubuo ang mga panlaping nagsasaad ng proseso o pangyayari sa tulong ng mga


panlaping sumusunod na nagpapahiwatig ng mga di-sinasadya o di-binalak na kaganapan
kapag kasama na ng mga salitang-ugat na nilalapian.

Halimbawa:

um- : umaraw,umulan

-um- : lumindol, bumagyo, tumubo, bumukal, sumibol, sumikat, gumaling

ma- : madapa, malason, matapilok, maaksidente maka- : makatulog, makabuti,


makagaling

Tadaan!!!!

*Gayunpaman, may mga pandiwang naghahayag ng proseso o pangyayari na hindi


tinitiyak ang tagatanggap ng binanggit na proseso o pangyayari. Halimbawa nito ang mga
pandiwang naghahayag ng mga penominal o pangkalikasang kaganapan, tulad ng makikita sa
ibaba.

Umuulan! Lumindol na naman. Kukulog nang malakas pagkat kumidlat nang


matalim.

GALUGARIN

POKUS NG PANDIWA

Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa paksa ng


pangungusap. Naipakikita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Ngayon naman, balikan ang iyong mga sagot sa dalawang tanong sa Gawain 2. Ang
tanong sa unang bilang ay sumasagot sa aktor o tagaganap ng kilos. Samantalang sa ikalawang
bilang, ang tanong ay sumasagot sa layon ng kilos. Ang lahat ng iyan ay bibigyang-linaw ng mga
sumusunod na kaalaman.

Pokus sa Tagaganap o Aktor – Ang paksa ay tagaganap ng kilos na isinasaad ng


pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na “Sino ang gumagawa ng kilos?” Ang
mga panlaping ginagamit ay na- , nag-, mag-, um- Halimbawa:

1. Nagtaksil si Psyche sa kaniyang asawa.


2. Umuwi si Cupid sa kaharian ng kaniyang ina.

Pokus sa Layon – Ang paksa ay layon ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot sa


tanong na “Ano?” Ang mga panlaping ginagamit ay –in-, -i-, -ipa-, ma-, -an, na-

Halimbawa:

10
1. Nagawa lahat ni Psyche ang ipinaliwanag ng tore.
2. Narinig niya ang tinig ng lalaki.

Sa puntong ito, balikan ang iyong mga sagot sa sampung patlang sa Gawain 3.2.
Pansinin ang kayarian ng mga salitang inilagay mo sa bawat patlang. Ngayon, muling balikan
ang mga panlaping ginamit. Iyan ang mga kaalamang lilinawin ng mga sumusunod na datos.

Pokus sa Piinaglalaanan o Tagatanggap

Ito ang nagtuturo na ang pinaglalaanan ng kilos ay siyang paksa ng pangungusap.


Nagbibigay-pansin ang pangungusap sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na
isinasaad ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit ay i-, ipang-, ipag-, maipag-, ipinang-,
ipinag-, -in- Halimbawa:

1. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit.


2. Ipinakukuha niya si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog.

Pokus sa Kagamitan

Ito ang naglalahad na ang instrumento o kagamitang ginagamit sa pagganap ng


isinasaad ng kilos ay ang paksa ng pangungusap. Mga panlapi: ma + ipang, ipang, ipina-

Halimbawa:

1. Ipansasaksak sana ni Psyche ang punyal sa dibdib ng pinagtaksilan niyang asawa.


2. Ipinasuot kay Psyche ang panluksang damit.

Upang mas maging madali ang pagtukoy sa pokus ng pandiwa, naririto ang
sistematikong paglalahad na dapat isaalang-alang:
1. Basahing mabuti ang pangungusap.
2. Tukuyin sa pangungusap ang ginamit na paksa at pandiwa. Tandaan na ang paksa
ay ang pinag-uusapan sa pangungusap. Madalas ang paksa ay sinusundan ng mga
panandang “si” , “sina” at “ang” o “ang mga”.ng pandiwa naman ay laging
nagsasaad ng kilos na taglay ang mga panlapi sa kayarian ng salita.
3. Kapag natukoy na ang paksa at pandiwa, suriin ang ugnayan nito sa isa’t isa.
4. Pansinin ang ginamit na mga panlapi.
5. Balikan ang mga datos na ibinigay ng guro.

PALALIMIN
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Unang Bahagi

Panuto: Tukuyin ang hinihinging titik ng tamang sagot sa bawat bilang. (10 puntos)

1. Sa pangungusap na, “Minsan tayo ay nagbubulagan-bulagan sa katotohanan na


ang Diyos ang siyang ating sandigan sa kabila ng kumakalat na sakit sa mundo,”
ang gamit ng pandiwa ay _________________________________.
A. aksiyon, kilos o galaw B. karanasan

C. pangyayari D. kaganapan

11
2. Sa pangungusap na, “Ang vaccine para sa COVID-19 ay kasalukuyang pinag-
aaralan,” ang pokus ng pandiwang ginamit ay _________________________.
A. tagaganap B. tagatanggap

C. layon D. kagamitan

3. Sa pangungusap na “Ang tamang dispilina sa sarili ay ipanlalaban natin sa sakit


na kumakalat sa mundo,” ang pandiwang ginamit na nagbibigay-tuon sa paksa ay
________________________.
A. kumakalat B. ipanlalaban

C. disiplina D. mundo

4. Ang pokus ng pandiwang ginamit sa bilang 3 ay __________________.


A. layon B. kagamitan

C. tagaganap D. tagatanggap

5. Ang paksang tinutukoy sa bilang 3 ay ____________________.


A. tamang disiplina B. ipanlalaban

C. sakit D. mundo

6. Ang ________________ ay tumutukoy sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa


paksa ng pangungusap.
A. komplemento ng pandiwa
B. pokus ng pandiwa
C. antas ng pang-uri
D. gamit ng pandiwa
7. Naipakikita ang pokus ng pandiwa sa pamamagitan ng taglay na __________ng
pandiwa.
A. kayarian B. panlapi
C. salitang-ugat D. gamit
8. Sa pagtiyak ng pokus ng pandiwa na ginamit sa pangungusap, mahalagang
tukuyin ang ginamit na _____________ at pandiwa.
A. panag-uri B. pang-uri
C. sugnay D. paksa
9. Tandaan na ang __________ ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.
A. panlapi B. panag-uri
C. paksa D. salita
10. Ang ____________ naman ay laging nagsasaad ng kilos na taglay ang mga panlapi
sa kayarian ng salita.
A. pandiwa B. paksa
C. sugnay D. panag-uri

12
Ikalawang Bahagi

Panuto: Lumikha ng sariling mito na pumapaksa sa kasalukuyang pandemya na


nararanasan ng mundo at isaalang-alang ang wastong gamit ng pokus ng pandiwa sa
layon at tagatanggap. (30 puntos.)

Ngunit bago magsimulang sumulat, naririto ang mga dapat tandaan.

1. Ang tauhan ba ay isang diyos o diyosa na may taglay na kakaibang


kapangyarihan? Ipakilala.
2. Saan at kailan kaya naganap ang mga pangyayari? Patunayan.
3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay? Isalaysay.
4. Ano ang temang tinalakay sa ginawang mito?

Tatayain ang ginawa mong pagsusuri gamit ang sumusunod na pamantayan:

1. Naipakilala nang mahusay ang tauhan sa sariling likha


2. Nailarawan nang mabuti ang tagpuan
3. Naisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari
4. Nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya

Ang bawat pamantayan ay bibigyan ng katumbas na eskala

4 – Napakahusay

3 – Mahusay

2 – Katamtamang husay

1 – Dapat pang paghusayin

SUKATIN

PANGWAKAS NA PAGSUBOK

Unang Bahagi

Panuto: Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
sagutang papel. (5 puntos)

1. Alin sa mga sumusunod ang elemento ng mitolohiya na sumasaklaw sa mga aral ng


buhay?
A. tauhan B. taludtod C. tagpuan D. tema
2. Paano naging gabay sa buhay ang mito?
A. nakapagpapamulat ito ng pandaigdigang kamalayan
B. nakapagbibigay ng pag-asa sa buhay ng tao
13
C. nakapagpapalawak ng kaalaman
D. lahat ng nabanggit
3. Paano mabisang nakatutulong sa pagsasalaysay ng mito ang mga pandiwa sa aralin?
A. sa pamamagitan ng wastong gamit at pokus nito
B. sa pamamagitan ng mga panag-uri at pandiwa
C. sa pamamagitan ng matalinong pagkukuro-kuro
D. sa pamamagitan ng pagpapalalim ng kaalaman
4. Ano ang walang kinalaman o ugnayan sa pag-aaral ng pokus ng pandiwa?
A. pandiwa B. paksa C. panlapi D. pang-uri

5. Alin sa mga sumusunod na gamit ng pandiwa ang nagpapahayag ng damdamin?


A. aksiyon, kilos, galaw B. karanasan
C.pangyayari D.kaganapan

Ikalawang Bahagi

Panuto: Tukuyin ang wastong tiitk ng tamang sagot para mabuo ang diwa ng
pangungusap. (5 puntos)

6. Sa pangungusap na “Ang buong bansa ay nagsisikap para sa makataong layunin ng


nagkakaisang bayan,” ang paksa ng pangungusap ay ________.
A. nagsisikap B. bayan C. buong bansa D. layunin
7. Sa pangungusap na “Ang sama-samang panalangin ng bawat isa ay nagpupuyos ng
pag-asa sa kumakalat na virus sa mundo,” ang gamit ng pandiwa ay __________.
A. karanasan B. aksiyon, kilos o galaw
C. pangyayari D. lahat ng nabanggit
8. Sa pangungusap na “Ipinanggagamot sa katawan ng taong dinapuan ng COVID-19
ang mga antibiotic na mabisang lunas habang wala pang opisyal na vaccine para
dito,” ang pandiwang ginamit ay nasa pokus sa ________.
A. tagaganap B. pinaglalaanan C. layon D. kagamitan
9. Sa pangungusap na, “Dinaramayan natin ang mundo sa pagdarasal para labanan ang
sakit na kumakalat,” ang pokus ng pandiwa ay __________.
A. tagatanggap B. layon C. kagamitan D. wala sa nabanggit
10. Sa pangungusap na “Ang mga frontliners ay nagsasakripisyo para sa bayan na tulad
ng ipinamalas ni Psyche para sa kapakanang panlahat,” ang gamit na pandiwa ay
__________.
A. aksyon, kilos o galaw B. karanasan
C. pangyayari D. komplemento

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

14
Panuto: Ipaliwanag ang malalim na mensahe at layunin ng larawan. Bilang
kabataang Pilipino, paano nakatulong sa iyong pamumuhay ang pag- aaral at pagpapahalaga
sa mitolohiya? (15 puntos )

Isulat ang iyong sagot sa iyong


sagutang papel.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
SANGGUNIAN:

Resuma, V. (2010). Pedagohikal na Pag-aaral ng Wika at Gramatika. University of thePhil.

Cabuhat, N. S. 2019. Mga Akdang Mediterranean. KAYUMANGGI LEO-ROSS Publication.


Noche, P. (2012). https://samutsamot.files.wordpress.com

Gaverza, C. (2018). Biradalli. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-


psyche-mitolohiya-panitikang.html

Brainly.ph - https://brainly.ph/question/801686#readmore ALAMIN NATIN Make Life Easy

*******************************Dulo ng Modyul 2**********************************

*PAGBATI NATAPOS MO NA ANG MODYUL 2 ! ! !

Hindi matutumbasan ng kahit na anumang PINAKAMATAAS NA MARKA ang MATAPAT AT


MAPAGSUMIKAP MONG PAG-UUGALI sa pagtugon sa mga gawain ng modyul na ito.

Saludo kami sa iyo. 

- Sir Allen, Madam Miles at Madam Theresa


Grade 10 Filipino Teachers

15

You might also like