You are on page 1of 14

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 6

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG


COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
REDUCTION AND MANAGEMENT
ALAMIN
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang magkaroon ng malawak na
kaalaman sa iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk
Reduction Management (CBDRRM) Plan. Ang CBDRRM Plan ay mahalaga upang ikaw ay
mabigyan nang maayos na paghahanda at pagtugon sa anumang panganib na
maaaring maranasan ng iyong komunidad. Sa pamamagitan ng pagbuo ng plano
alinsunod sa mga hakbang na nailahad sa modyul na ito ay iyong mauunawaan ang
kahalagahan ng CBDRRM Approach para sa mas epektibong pagtugon sa panahon ng
panganib.
MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)
• Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan
Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:
a. nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng
CBDRRM Plan;
b. nasusuri ang mga yugto ng CBDRRM Plan;
c. nakabubuo ng CBDRRM Plan sa komunidad na kinabibilangan.

TUKLASIN AT SURIIN
Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster
Prevention and Mitigation)

Ang yugtong ito ay tinatalakay kung


paano mapipigilan o mahahadlangan
(prevention) at mababawasan ang panganib
(mitigation) na maaaring maidulot ng
kalamidad at hamong pangkapaligiran. Sa
bahaging ito ng pagpaplano, tinataya ang
mga panganib at ang kakayahan ng
pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang
kalamidad at hamong pangkapaligiran.
Mula sa mga impormasyon na makukuha sa https://www.megapixl.com/different-type-of-natural-
disasters-illustration-63434164
pagtataya ay bubuo ng plano upang maging
handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang
Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment,
Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at
kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. (Draft-
Learners Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10).

2
Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)

Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala


na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pagsasagawa ng hazard assessment,
dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito (Draft- Learners
Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10).

Pisikal na Katangian ng Hazard


Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard.
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard.
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng
hazard.
Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard.
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala.
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
Temporal na Katangian ng Hazard
Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap
taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung
taon o kaya ay biglaan lamang.
Duration Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring
ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw
tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang
sibil.
Speed of onset Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang
babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay
ng babala tulad ng bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard
at oras ng pagtama nito sa isang komunidad.
Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad
ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog,
flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar;
apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic
tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng
digmaang sibil, rebelyon, at pagaaklas; industrial/technological
tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng
nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom,
tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)
Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na
maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang
mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: ang Hazard Mapping

3
at Historical Profiling/Timeline of Events. Ang Hazard Mapping ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard
at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala.
Sa Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng historical profile o timeline
of events upang makita kung ano ano ang mga hazard na naranasan sa isang
komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. (Draft-
Learners Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10)

Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment)

Sa bahaging ito, tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad


maging ito ay sa mga mamamayan o sa mga imprastrukturang may mataas na antas
ng panganib. Ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong
kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng tao tungkol
sa panganib (Anderson at Woodrow,1990).

Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal


at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga estruktura na kayang
hadlangan ang epekto ng kalamidad. Ang kahinaang panlipunan ay tumutukoy sa
kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at ng mga
mamamayan ang panganib. Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay nagdudulot din
ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa
isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago
ng mga mamamayan maging ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon
sa harap ng panganib ay may malaking kaugnayan sa pagiging vulnerable ng
komunidad. May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang
sa pagiging ligtas ng isang komunidad.

Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na


konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng Pagtataya ng Kahinaan at
Kakulangan:

Elementong nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan


tulad ng mamamayan, kabahayan, imprastruktura, mga alagang hayop at pananim
na maaaring maapektuhan.

Mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa mga taong maaaring higit


na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng
kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata.

4
Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa
lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng
panganib o vulnerable. Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay maaring
makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng
bundok. Ito ay halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable.
(Draft-Learners Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10)

Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)

Ang Pagtataya ng Kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng


komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Katulad ng Pagtataya ng
Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya: Pisikal o Materyal,
Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.

Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga


mamamayan na muling bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng
kalamidad. Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga mamamayan na muling
manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang
kabahayan, magagawa ba ang mga imprastrukturang naapektuhan, maibabalik ba
ang kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan?

Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na


harapin ang panganib at pagsusuri kung epektibo ang plano sa pamamahala sa
kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga mamamayan
na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga
kalamidad. Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang
ugnayan ng pamahalaan at mamamayan?

Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakayahan


na ibahagi ang kanilang panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may
kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon mula sa pinsala ng
kalamidad. Maayos ba ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong
programa ng pamahalaan?

Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng


sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).

5
Ang Mitigasyon ng Panganib ay maaaring ikategorya sa dalawa, ang
Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural.

Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na


ginagawa ng isang komunidad upang maging handa sa panahon ng pagtama ng
panganib.Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga estruktura na hahadlang sa
matinding epekto ng kalamidad. Ang paglilinis ng mga baradong kanal, ang
pagpapalalim sa mga ilog, pagtatayo ng dike ay nakatutulong upang maibsan ang
pagbaha. Ang paggawa ng mga gusali na earthquake proof ay nakakatulong upang
mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng paglindol.

Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan


at komunidad kabilang sa mga gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa
kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad
ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad. Isang
epektibong paraan na maaring gawin sa mitigasyong di-estruktural ay ang
pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa katangian ng mga panangib na maaring
maranasan at ang kahalagahan ng kahandaan. Dito masasabi natin na “Ligtas ang
may alam”.(Draft-Learners Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10)

IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS)

Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng


plano ng CBDRRM ay tinatawag na
Paghahanda sa Kalamidad. Ito ay
tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa
ng mga mamamayan, komunidad at
pamahalaan bago ang panahon ng pagtama
ng kalamidad o sakuna. Sa pagkakataong
ito, mahalaga na magkaroon nang sapat na
kaalaman ang lahat ng mamamayan sa mga
http://clipart-library.com/clipart/emergency- dapat gawin sa panahon ng pagtama ng
preparedness-cliparts_16.htm
kalamidad.

Tatlong Pangunahing Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad


Magbigay Pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga panganib, peligro,
impormasyon kakayahan, at pisikal na katangian ng komunidad na mahalaga sa
pagtugon sa kalamidad.

6
Magbigay Pagbibigay ng gabay tungkol sa mga nararapat gawin para sa
payo proteksiyon, paghahanda, paghadlang at pag-iwas sa epekto ng
kalamidad.
Magbigay ng Paglalahad ng mga hakbang na dapat gawin, ligtas na lugar na
panuto dapat puntahan, at mga ahensiya na maaaring lapitan sa panahon
ng kalamidad.

IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response)

Sa yugtong ito sa paghahanda


ng plano sa pamamahala sa
kalamidad o CBDRRM plan tinataya
kung gaano kalawak ang pinsalang
maaaring maidulot ng isang
kalamidad. (Draft-Learners Module
Kontemporaryong Isyu Araling
Panlipunan 10)

Ang mga impormasyong


makakalap ang magsisilbing batayan
upang makabuo ng epektibong https://medium.com/pcmag-access/disaster-recovery-how-
technology-gets-the-job-done-707481308efd
paraan sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan o ng komunidad na makararanas ng
kalamidad.

Sa pagsasagawa ng epektibong pagtugon sa kalamidad ang sumusunod na


pagtataya ay nararapat gawin upang magkaroon ng konkretong basehan sa pagbuo
ng plano ukol dito.

Ang Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment ay ginagawa upang


matukoy at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.

Ang Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoy sa lawak ng


pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng pagkasira ng mga imprastruktura at
kabahayan.

Ang Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala


o pangmatagalang pagkawala ng serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad
ng pagkasira ng mga pananim. (Draft-Learners Module Kontemporaryong Isyu Araling
Panlipunan 10)

7
IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster
Rehabilitation and Recovery)

Ang huling yugto sa pagbuo ng plano


ng CBDRRM ay nakatuon sa Rehabilitasyon
at Pagbawi sa Kalamidad. Sa bahaging ito,
sinusuri ang mga nararapat na hakbang at
gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng
mga napinsala ng kalamidad.

Sa pagbuo ng plano para sa


Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
nararapat na may konkretong hakbang
upang maging sistematiko ang pagsasagawa
https://medium.com/@agalappatti/three-key-actions-
for-mental-health-and-psychosocial-support-in-the- ng mga programa. Ilan sa mga pangunahing
aftermath-of-may-2016-floods-8fb2f5806974
bibigyang pansin ay ang pagpapanumbalik
sa sistema ng komunikasyon at transportasyon; pagkukumpuni ng kabahayan;
pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga
kabuhayang napinsala ng kalamidad.

Kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang


isang lugar, maaaring maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan, Non-Government Organizations
(NGOs) at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at implementasiyon ng mga
programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad. (Draft-Learners
Module Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan 10)

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ano ang mga hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction
Management Plan?
2. Bakit mahalagang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng
Prevention at Mitigation?
3. Bakit kailangan na magkaroon ng maayos na pagpaplano sa pagbuo ng
Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan?
4. Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para magkaroon ng konkreto at
komprehensibong pagpaplano ng CBDRRM?
5. Maaari bang mabuo ang CBDRRM plan kung tanging mga sangay lamang ng
pamahalaan ang gagawa nito?
6. Paano mo maipapakita ang iyong pakiki-isa at kooperasyon sa pagbuo ng
plano ng iyong komunidad?

8
PAGYAMANIN
Gawain 1: Tukoy-konsepto
Panuto: Hanapin sa kahon ang pisikal at temporal na katangian ng Hazard na
tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

A. Pagkakilanlan E. Saklaw I. Duration


B. Katangian F. Predictability J. Speed of onset
C. Intensity G. Manageability K. Forewarning
D. Lawak H. Frequency L. Force

1. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.

2. Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard.

3. Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang


mabawasan ang malawakang pinsala.
4. Pag-alam sa uri ng hazard.

5. Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng hazard.

6. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano

ito umusbong sa isang lugar.


7. Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard.

8. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.

9. Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng


malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal
wave at storm surge.
10. Bilis ng pagtama ng isang hazard.

11. Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-


taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan
lamang.
12. Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras
ng pagtama nito sa isang komunidad.

9
Gawain 2: Disaster Management Cycle
Panuto: Buoin ang graphic organizer ayon sa yugto ng CBDRRM at lagyan ng
maikling paliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

THE
DISASTER

4 1

3 2

Gawain 3: Info-let
Panuto: Pumili ng isang uri ng kalamidad o sakuna na maaaring maranasan sa
iyong komunidad. Gumawa ng info drive tungkol sa napiling kalamidad o
sakuna na nagpapakita sa sumusunod:
a. Larawan at impormasyon tungkol sa kalamidad o sakuna
b. Katangian at kahulugan ng kalamidad o sakuna
c. Mga sanhi at epekto ng kalamidad o sakuna
d. Mga dapat gawin, bago, habang at pagkatapos ng kalamidad o sakuna

Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng iyong info drive.

Rubrik para sa Pagmamarka ng Info drive


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mga 10
impormasyon
Kaangkupan Madaling maunawaan ang ginamait na 5
salita, larawan at simbolo sa ginawang info
drive
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensiyon ang info drive 5
dahil sa ginamit na mga larawan at salita
Kabuoang Puntos 20

10
TAYAHIN
I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan.
a. Disaster Preparedness c. Disaster Response
b. Disaster Prevention and Mitigation d. Recovery and Facility
2. Alin ang hindi bahagi ng unang yugto ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan?
a. Capacity Assessment c. Loss Assessment
b. Hazard Assessment d.Vulnerability Assessment
3. Alin ang hindi nagbibigay ng interpretasyon sa DRRM?
a. Isinusulong ang disaster-resilient ng buong bansa.
b. Binibigyang diin ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa
panahon ng mga kalamidad at hazard.
c. Layunin nito naipaalam ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t-ibang
kalamidad at hazard.
d. Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging
disaster-resilient ang buong bansa.
4. Ano ang mangyayari kung hindi magiging bahagi ng masusing pag-
aaral sa komunidad ang Community-Based Risk Reduction
Management Plan?
a. Wala, kulang o huli sa kaalaman
b. Walang epektibong pagtugon
c. Walang malayuang pagtingin
5. Nagpagawa ang Alkalde ng San Juan ng dike dahil laging umaapaw ang
ilog malapit sa mga kabahayan tuwing umuulan ng malakas. Ang
ginawa ng Alkalde ay halimbawa ng .
a. Disaster Prevention c. Non-Structural Mitigation
b. Hazard Assessment d. Structural Mitigation
II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng
katotohanan at MALI kung ito ay hindi.
1. Ang yugto ng Disaster Preparedness ay kakikitaan ng mga gawain na
naglalayong maipanumbalik sa dating kaayusan ang daloy ng
pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
2. Isinasagawa ang Capacity Assessment upang matukoy ang
kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang
kalamidad.

11
3. Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na
Disaster Response.
4. Nakapaloob sa Disaster Preparedness ang mga gawain tulad ng
hazard assessment at capability assessment.
5. Ang yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery ay tumutukoy sa mga
gawain upang mapanumbalik ang kaayusan sa mga lugar na
nasalanta ng kalamidad.

III. Panuto: Bumuo ng CBDRRM Plan ng inyong paaralan.

Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan sa paggawa ng CBDRRM Plan.

Pamantayan Puntos
Kaangkupan 10
Nilalaman 10
Praktikalidad 5
Pagsunod sa proseso 5
Kabuoang Puntos 30

12
SANGGUNIAN
Aklat:
Banogon, G.P (2020). Alternative Delivery Mode, Unang Markahan Modyul 5: Mga
hakbang sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan (1st ed.).
Learners Manual, Mga Kontemporaryong Isyu, Araling Panlipunan 10, pp. 103-138
Websites:
Slideshare, “Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan” Accessed August 3, 2021
https://www.slideshare.net/ruthferrer2/mga-hakbang-sa-pagbuo-ng-
communitybased-disaster-risk-reduction-and-management-plan
Slideshare, “Mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk” Accessed
September 5, 2021
https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/mga-hakbang-sa-pagbuo-ng-community-
based-disaster-risk?fbclid=IwAR1LAjlujpC-
gyuxypXIgDlGORs_C1ZkKdZOVuM0lglYSpArdgn6dDbnQ0k

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christan Maeco M. Meneses

Tagasuri: Dr. Marilex A. Tercias Teodora B. Camagay


Danilo T. Siblag Jo Ann B. Domaoal
Dr.Nelson T. Ocasion Dr.Alberto O. Rabang
Virginia B. Fregillana
Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison Dr. Arlene B. Casipit
Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

13
14

You might also like