You are on page 1of 6

DISASTER RISK

UNANG YUGTO: ASSESSMENT


DISASTER ASSESSMENT
PREVENTION AND OF HAZARD
CAPABILITY
MITIGATION ASSESSMENT

PAGHAHANDA SA MGA
IKALAWANG YUGTO:
DAPAT GAWIN BAGO,
DISASTER HABANG AT PAGKATAPOS NG
PREPAREDNESS KALAMIDAD
DRRM PLAN NG
BRGY. BAYUGO
PAGTUGON SA
IKATLONG YUGTO: PANGANGAILANGAN
DISASTER NG KOMUNIDAD BUNGA
RESPONSE NG NAGAGANAP NA
KALAMIDAD

PAGSASAAYOS NG
IKAAPAT NA YUGTO:
KOMUNIDAD UPANG
DISASTER MAIPANUMBALIK ANG
REHABILITATION NORMAL NA DALOY
AND RECOVERY NG PAMUMUHAY
UNANG YUGTO:
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Ang Disaster Prevention and Mitigation ay ang pagbabalangkas ng plano kung ano ano angmga
hazard,mga risk,at sino at ano ang maaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

HAZARD ASSESSMENT
Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak,sakop,at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung
ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad.Sa pamamagitan nito matutukoy kung ano ano ang
mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaring maganap sa isang lugar.

VULNERABILITY AT CAPACITY ASSESSMENT


Sa vulnerability assessment,tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsala na dulot ng hazard.
Sa capacity assessment ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang ibat ibang
Uri ng hazard.

RISK ASSESSMENT

Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago o pagtama ng sakuna,kalamidad at hazard
na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao o kalikasan.
IKALAWANG YUGTO:
DISASTER PREPAREDNESS
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng kalamidad
sakuna o hazard.Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya,ng mga mamamayan sa
komunidad,at maging mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o
Kalamidad.

Tatlong pangunahing layunin:


1.To Inform-Magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard,risk,capability,at pisikal na katangian ng
komunidad.

2. To Advise-Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,paghahanda,at


pag iwas sa mga sakuna,kalamidad at hazard.

3. To Instruct-Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin,mga ligtas na lugar na dapat


Puntahan,mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna,kalamidad,at hazard.
IKATLONG YUGTO:
DISASTER RESPONSE
Ito ang nagtataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.Mahalaga ang
impormasyon makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo
ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakararanas ng kalamidad

Tatlong uri ng Pagtataya:

1. Needs Assessment-Tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng


kalamidad tulad ng pagkain,tahanan,damit,at gamot.

2. Damage Assessment-Tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian


dulot ng kalamidad

3. Loss Assessment-Tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala


O pangmatagalang pagkawala ng produksiyon.
IKAAPAT NA YUGTO:
DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY

Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa


pagsasaayos ng mga nasirang istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang manunbalik sa dating
kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad.Halimbawa nito ang panunumbalik
ng sistema ng komunikasyon at transportasyon supply ng
tubig at kuryente,sapat na supply ng pagkain,damit,at
gamot.
Hazard Types Speed of
Frequency Duration Forewarning Force When
onset

Flood

Earthquake

Landslide

Pollution

You might also like