You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 10
(Kontemporaryong Isyu)
KWARTER 2
Aralin 1.C: Dimensyon ng
Globalisasyon
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:________________________________________

1
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
Aralin 1C: Dimensyon ng Globalisasyon
Gawain 1: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.

Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula
paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang
manipestasyong ito. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya,
bansa o maging ng mga samahang. Kung paano binago ng globalisasyon ang sistema ng komunikasyon,
paglalakbay, ekonomiya, kultura at politika sa ating bansa? Anu-ano ang mga impluwensiya nito sa pamumuhay
ng tao?
Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang globalisasyon bilang isyung panlipunan. Nilalayon din na matapos
ang aralin ay iyong maipapaliwanag kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Tulad
nalang sa komunikasyon, lahat ng tao ay gumagamit na ng cellphone, upang mapadali nito ang transaksyon. Gumagamit
ito ng Internet. Sa balita naman mayroon na tayong telebisyon, radio at iba pa para maparating ang balita. May mga
news network din na naghahatid ng mga balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at iba pa. Sila din ang nakatulong sa
globalisasyon dahil naiparating at naipalabas nila ang mga balita sa iba’t ibang dako sa mundo. Sa Larangan ng
teknolohiya, dahil sa globalisasyon, nagkakaroon din ng pagkakataon makagawa ng ilang trabahong online – based,
kaya dumami ang call center agents, maging ang home based
online at ang pinaka uso ngayon ang proseso ng barter ay sa pamamagitan ng Facebook.

Sa paglalakbay milyon-milyong mga tao pumunta sa ibang panig ng mundo, upang magbakasyon, mag-aral,
mamasyal o magtrabaho. Dahil sa higit na malayang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, madaling
kumalat ang iba’t ibang sakit tulad ng AIDS, SARS, H1N1 FLU, Ebola at MERS-COV at sa kasalukuyan ang
kinatatakutan ang 2019 N- Corona Virus.Ang pag-unlad ng telekomunikasyon at information technology tulad ng
kompyuter,Internet at cellular phone ay lalong nagpabilis sa takbo ng kalakalan.Mas maraming free trade agreements
ang naisulat na nagpapaluwag ng kalakalan.Sa politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga
bansang kasapi sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang pangangailanagan.Sa larangan ng
kultura ,ang daming popular na kultura ang napapansin sa buong daigdig tulad ng pakikinig ng mga musika ng Koreano
kahit hindi maintindihan,marami pa rin ang tumatangkilik.Dahil sa globalisasyon, ang panonood ng K drama o soap
opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba pang bansa.Maging sa estilo ng pananamit halo-halo na
rin.Halimbawa ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo kadalsan nang nagsuot ng maong na pantalon o jeans,t-
shirt, sapatos na goma,sandals at iba pa. kasama rin dito ang pagdadala ng mga negosyong nagtitinda ng mga damit.
Dahil dito, tumataas ang kita ng mga negosyo kasama ang pagpapalaganap ng pop culture.

Gawain 2: Paano makikita ang globalisasyon sa sumusunod? Magbigay ng isang


halimbawa sa bawat isa. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Komunikasyon

2. Paglalakbay

3. Popular na kultura

4. Ekonomiya

5. Politika

2
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU
Gawain 3: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula mga pagpipilian.

______1. Ano ang pangyayaring lubusang ______ 7. Saang dimension ng globalisasyon ang
nakapagpapabago sa buhay ng tao sa nagsaad na mas madaling
kasalukuyan? magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga
A. Ekonomiya B. Globalisasyon bansang kasapi sa
C. Migrasyon D. Paggawa organisasyon upang magtulungan para sa
_______2. Maaaring suriin ang globalisasyon sa kapakanan ng kanilang
iba’t-ibang anyo o dimension nito pangangailanagan?
maliban sa isa. A. Kultura B. Politika
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Ekonomiko D. teknolohiya
C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal _______ 8. Alin sa mga sumusunod na dahilan
_______ 3. Ano ang ginagamit upang mapadali ang bakit ang mga Pilipino ay
transaksyon lalung-lalo na sa nahuhumaling sa K drama?
paghahatid ng mensahe? A. Dahil Hi - Tech ito
A. Radio B. Cellphone B. Dahil naintindihan nila
C. telegrama D. Sulat C. Dahil maganda ang estorya at napupulutan ng
_______ 4. Dahil sa globalisasyon, maraming aral
trabaho ang nabuo, Anong trabaho D. Dahil maraming magandang lugar at artista na
ang naging uso dulot ng online process based? makikita
A. Benta B. Gaming _______ 9. Ang N- Corona Virus ay isa sa pinaka
C. call center Agents D. Networking tatakutan na sakit sa kasalukuyan,
_______5. Anong tawag sa kasunduan ang naisulat kailan ito nagsimula?
na nagpapaluwag sa takbo ng A. 2017 B. 2019
kalakalan? C. 2018 D. 2020
A. Free Trade Agreement B. Online Agreement _______10. Ano ang kasabay ng K Pop na mabilis
C. Tariff Agreement D. Trade Agreement na lumaganap ang pag-unlad sa
______ 6. Lahat ng mga sakit na kumalat sa buong buong daigdig?
daigdig ay dulot ng paglalakbay A. Pagtaas ng kita sa negosyo
ng mga tao. Alin dito sa nabanggit ang hindi B. Pagtaas ng sahod ng manggagawa
kasali? C. Pagtaas ng porsyento sa buwis
A. 2019 N- Corona Virus B. H1N1 Flu D. Pagtaas ng bilang ng nangingibang bansa
C. Ebola D. Malaria

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel:

1. DepEd MELC, May 2020


2. DepEd AP10LM (Draft)
3. DepEd AP10TG (Draft)
4. Kontemporaryongisyu.blogspot.com
5. https://depedjuniormaterials.blogspot.com

3
Araling Panlipunan 10- KONTEMPORARYONG ISYU

You might also like