You are on page 1of 2

KWARTER 1- ARALING ASYANO

ARALIN 3: ANG LIKAS NA YAMAN SA ASYA


Ang Asya ay nagtataglay ng iba’t ibang klima at iba pang katangiang pisikal ang mga
rehiyon sa Asya kung kaya iba’t ibang pananim at yamang Likas ang matatagpuan sa
Kontinenteng ito.May iba’t ibang uri ng likas na yaman ang isang bansa . Ang ilang mga likas na
yaman ay higit na mahalaga sa isang bansa at maaaring hindi mahalaga sa iba. Ito ay naaayon sa
pangangailangan ng isang bansa sa isang likas na yaman.

Mga Uri ng Yamang Likas ng Asya

1. Yamang Lupa -- Ito ay yamang galing sa lupa , hayop man o halaman .


2. Yamang Tubig – mga yamang naggaling sa tubig.
3. Yamang Gubat— ang pinakamahalaga na yaman .Ito ay mga yamang naggaling sa gubat.
4. Yamang Mineral – ito ay mga yamang makikita sa kuweba o sa kailaliman ng lupa.
Magkakaiba – iba ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya , karaniwan na may
malawak na damuhan na mainam na pagpastulan ng mga alagang hayop ang mga rehiyon
ditto.

Mga Mahahalagang Yamang Likas sa mga rehiyon ng Asya

HILAGANG ASYA may malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang


hayop ang rehiyong ito. bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang puno ang nabubuhay
dito.Ang mga torso mga torso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito.Sa yamang
panisdaan ,produktong panluwas ng rehiyon ang Caviar [ itlog]ng mga sturgeon ,ang malalaking
isdang likas dito.Kyrgyztan may pinakamalaking deposito ng ginto ang Tajikistan ay may tatlong
uri ng mineral; Metalikong mineral [ Ginto ] , Mineral na panggatong [ Natural gas ], Industriyal na
mineral [ Phosphate ].Turkmenistan ay pangunahing produkto ang natural gas at langis at
nangunguna sa produksiyon ng ginto ang bansang Uzbekistan.Pagtatanim sa mga Lambak-Ilog at
mabababang burol ang pangunahing ikinabubuhay ng rehiyong ito …

KANLURANG ASYA ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at


petrolyo.Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia ,at malaki
rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates [UAE] ,Kuwat at
Oman.Pagtatanim at Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga taong naninirahan sa mga
lugar na bulubundukin.Lubhang nabago ang tanawin at pamumuhay ng tangway ng Arabia nitong
huling 30 taon.Malaki ang naging pagbabago ng kapaligiran bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo
ng langis na nagbibigay ng maraming salapi sa mga bansang may minahan ng langis.Jordan ay
isang mahirap na bansa na may kaunting yamang likas ,ang nililinang na mineral ay ang
phosphate , sulphur at tanso.Tatlong bahagi ng tao dito ay nabubuhay sa pagsasaka.Pangunahing
pananim ang trigo ,barley,kahol,olive at gulay.Pangunahing industriya ang pagrerepina ng langis
,pagkukulti ng balat ,paggawa ng mga produktong elektrikal,emento at sabon.

SILANGANG ASYA ang pinakamalaking potensyal sa produksyon sa pagsasaka sa daigdig


ay matatagpuan sa mga kapatagan at lambak-ilog ng Tsina.Gayunpaman, magtatagal pa bago ito
makamtan ng mga Tsino sapagkat sinauna pa ang paraan ng pagsasaka at di gaanong gumagamit
ng bagong teknolohiya ang mga magsasaka tulad sa Europa.Sa Hapon , kaunting lupa lamang ang
sinasaka at dito inaani ang palay,trigo,barley, millet,prutas at gulay .Nagtatanim ng punong
mulberry na pagkain ng mga uod o silkworm ang mga Hapones kaya nangunguna sila sa industriya
ng telang sutla.Ang Tsina ,isang bansang nakahihigit sa iba sa yamang likas ditto matatagpuan ang
iba’t ibang uri ng mineral tulad ng manganese ,mercury at tungsten.Malaki ang naitutulong ng mga
kayamanang ito sa pag unlad ng Tsina bilang isang pwersang industriyal.Karbon ang
pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya sa Tsina.Pangatlo ang Tsina sa pagmimina sa
karbon at sa dami ng deposito ng karbon. Nasa lambak ng Hwang Ho ang pinakamalaking deposito

1
SIR ALEX CLASS
KWARTER 1- ARALING ASYANO

ng karbonat isa sa mga pangunahing minahan ng karbon sa buong daigdig. Ang Timog Korea
pangunahing bansang pang –industriya sa tangway at patuloy ang pag unlad nito. Nagbibigay ng
lakas haydro-elektrika ang mga ilog. May graphite at magnesium ang minimina sa bansang
ito.Palay ang mahalagang produktong agrikultura dito.Taiwan ay isang bulubundukin at panay
kagubatan ang pulong ito, kaunti lamang ang yamang –mineral ang Estados Unidos ay tumutulong
sa bansang ito upang mabago ang Taiwan sa isang pulo ng mahihirap at magsasaka tungo sa isang
bansang makabago at industriyalisado.Iniluluwas ang maraming produkto mula sa kagubatan tulad
ng kawayan, plywood,table,troso at papel.Iniluluwas din ang produktong semento, pataba, plastic-
kemikal,tela at mga pagkaing de-lata.

TIMOG SILANGANG ASYA ang mga bansa sa rehiyong ito na nakakabit sa kapuluan ng
Asya ang mga bansang pansakahan.Sa Myanmar ,itinatanim ang palay sa delta Irrawaddy at sa
mga lambak-ilog.Nagtatanim din ang mga magsasaka ng pagkaing butil,bulak, mani,goma,tubo at
tabako.Palay rin ang mahalagang produkto sa matabang kapatagan sag awing hilaga ng Thailand
itinatanim din ang mga punong goma sa timog,mga punong niyog ,bulak at mais.Isa sa
pinakamalaking bansa sa mundo ang Indonesia at patuloy pa ang mabilis na paglaki ng populasyon
nito.Isa sa mahalagang yamang likas ng bansang ito ay lata at nagluluwas din ito ng goma.Ang
pinakamahalagang produkto nito ay langis.Walumpong porsiyento ng kita ng Indonesia ay galing sa
iniluluwas naproduktong galing sa langis.Malaysia ay sagana sa mga yamang likas .Ang ikatlong
bahagi ng likas na goma sa buong mundo at ikatlong bahagi ng lata ay nanggagaling sa Malaysia
.Isa sa mahalagang produktorin ng bansang ito ay ang langis ng niyog.Ang Singapore ay mataas ang
antas ng pamumuhay bagaman ito ay walang yamang likas ang bansang ito ay isang mahalagang
daungan at isang sentro ng kalakalan at industriya.Thailand ay isang maunlad na bansa marami
itong yamang likas .Nagluluwas ng goma at tabling teak sa ibamg bansa.Suliranin nitong
pangkabuhayan ang mataas na halagang ibinabayad nito sa inaangkat na langis. Karbon , bakal ,
manganese at phosphate , lata at zinc ang ilan sa yamang –mineral na makikita sa Vietnam
samantalang mayroon ding karbon, tingga, apog, at molybdenum sa bansa.Mula sa kagubatan ay
nanggagaling ang mga produkto ng cinnamon,quinine, at kawayan.Karamihan sa mga Vietnamese
ang magsasaka at ang pangunahing industriya ng bansa ay ang pagmimina ng karbon at ang
paggawa ng repinadong asukal,paggawa ng goma ,tela at semento.

TIMOG ASYA pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay at palay ang mahalagang produkto
sa rehiyong ito.Sa India, umaani ang mga magsasaka ng trigo at palay sa mga lupang mataba at
natutubigan.Ang ibang pananim ay bulak, jute, tubo ,tabako at mga gulay .Nangunguna ang India
sa produksyon ng tsaa na itinatanim sa Assam.Maraming yamang likas ang bansang ito.Malaki ang
reserba nito ng bakal at karbon.Mayroon din itong pinagkukunan ng ibang mineral na ginagamit sa
industriya tulad ng manganese , chromium at bauxite.Bangladesh ay may matabang lupain na
napagtataniman ng tatlong beses sa isang taon .Ang tsaa at jute ay dalawang produktong iniluluwas
sa ibang bansa.Kabaligtaran sa sulranin ng ibang bansa sa rehiyon ang Pakistan ay tuyo at tigang
ang lupa.Ang pagsasaka ay maaari lamang gawin sa pook ng ilog Indus dahil may irigasyon .Trigo
ang pangunahing pananim dito .Maaaring mag –alaga ng mga tupa at kambing sa tuyong bahagi ng
bansa.Sri Lanka ay isang bansang maraming taniman ng niyog , goma at tsaa batay sa katabaan ng
lupaing ginagamit na taniman.

2
SIR ALEX CLASS

You might also like