You are on page 1of 30

ARALIN

3:
MGA LIKAS NA
YAMAN NG ASYA
KONSEPTO NG LIKAS NA YAMAN
• Likas na yaman – tumutukoy sa mga yamang nagmumula sa kalikasan
at maaaring makapanatili kahit walang gawing pagkilos ang tao.

• Iba’t ibang elementong matatagpuan sa daigdig:


o Sinag ng araw
o Lupa
o Tubig
o Hangin
o Mga mineral na matatagpuan sa lupa
o Mga halaman.
• Biotic – matatawag ang likas na yaman kung nagmula ito sa
mga buhay o organikong materyal.
• Kasama dito ang mga hayop, kagubatan, fossil fuels
(coal at petroleum).

• Abiotic – ang likas na yaman kung nagmula ang mga ito sa


mga di-buhay at di-organikong materyal.
• Kasama rito ang lupa, tubig, hangin, at mga bakal (tulad
ng ginto, pilak, at tanso).21
Hilaga at Gitnang Asya
• Russia – ang napakasagana sa mga likas na yaman.
• Nagtataglay ito ng ol reserves sa Siberia at natural
gas reserves sa bahaging Arctic.
• Ito ang pinakamalaking prodyuser ng natural gas sa
buong daigdig at pinakamalaking tagapagtustos ng
natural gas sa Europe.
• Pangunahin sa kanilang produksiyon ang coal,
tungsten, mga diyamante, iron, at steel.
• Russia
• Taglay nito ang ikaapat sa pinakamalaking lupain sa
buong daigdig na tinatamnan ng tao.
• Nakatuon ito sa produksyon ng grano (grain
production), tulad ng bigas, mais, trigo (wheat),
sebeda (barley), at millet.

• Langis ang isang mahalagang yamang mineral na


nakapagpabago sa ekonomiya ng mga bansa sa Gitnang
Asya.
• Ang coal ay ginagamit para sa suplay ng electrical power,
pagluluto, at pagpapainit.
• Kyrgyzstan at Tajikistan ang mga bansang may malaking
produksyon ng coal.
• Amu Darya at Syr Darya – sa dalawang ilog na ito nagmumula
ang malaking bahagdan ng yamang tubig ng rehiyon.
• Kazakhstan – ang pinakamalaking prodyuser ng mineral sa
rehiyon.
• Polymetals - tumutukoy ito sa mga substance o sangkap na
binubuo ng mga pinaghahalong metal.
• Salt – ito ay isang ionic compound na rsulta ng neutralization ng
isang acid at base.
Kanlurang Asya
• Nasa rehiyong ito ang pinakamalalaking deposito ng langis
at petroleum sa buong daigdig.

• Light sweet crude oil – ginagamit upang makagawa ng


gasoline, kerosene, at diesel fuels na lubahang mahalaga sa
mgamauunlad na bansa.

• Saudi Arabia – nangunguna bilang pinakamalaking


prodyuser ng petroleum liquids sa buong daigdig.
• Ilan sa mga produktong agricultural ng
Kannlurang Asya ay date, kamatis, sibuyas, melon,
trigo, sebada, tabako, tsaa, mais, ubas, hazel nut,
cherry, at plum.

• Ginagamit naman ang iba pang lupain sa pag-


aalaga ng baka, tupa, kambing, at manok.
Timog Asya
• Pagtatanim ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga tao
sa rehiyon. Ilan sa mga pananim na matatagpuan dito ay
kasoy, millet, sesame seed, at tsaa. Nag-aalaga din ng baka at
tupa ang mga tao dito.
• India – pinakamalaking bansa sa imog Asya.
– Masagana ang likas na yaman dito tulad ng
pagkakaroon ng matabang lupa, kagubatan, tubig, at
mineral.
– May malaking reserba ng coal, iron, at petroleum.
• Ang Geological Survey of India at Indian
Bureau of Mines – mga ahensyang nangangasiwa
sa paggamit ng mga yamang mineral sa India.

• Ang India ang pangunahing prdyuser ng aluminum


at iron ore
• Pakistan – pangunahing pinagmumulan ito ng mga
pagkain, kahoy, papel, fuel wood, latex, at mga
sangkap sa panggagamot.
• Pinakamahahalagang pananim dito ay bulak, trigo,
bigas, gas, tubo, mais, sebada, sorghum, millet, mga
prutas, at gulay.
• Mahalaga ang industriya ng pangingisda dito.
• Kabilang sa mga likas na yamang matatagpuan dito
ay natural gas, langis, hydropower, coal, iron ore,
copper, salt, at limestone.
• Afghanistan – nagtataglay ito ng malalaking
deposito ng iba’t ibang mineral. Kabilang dito ang
ginto, copper, iron, cobalt, at lithium.
• Mamahaling bato na matatagpuan dito ay emerald,
lapis lazuli, red garnet, at ruby.

• Sri Lanka – ay ikaapat sa buong daigdig


paggdating sa produksyon ng tsaa.
Silangang Asya
• China – nagtataglay ito ng halos 175 milyong ektarya ng kagubatan at
napakaraming ilog at lawa na pinagmumulan ng suplay ng tubig.
– Mayroon itong langis, natural gas, coal, uranium, at iba pang
mga bakal bilang yamang mineral.
– Coal ang pinakamahalagang likas na yaman sa China na
kanyang nililinang hanggang sa kasalukuyan.
– Nangunguna ito sa buong daigdig sa produksiyon ng mga
panel, papel, at mga kasangkapan.
– Ito rin ang pinakamalalaking prodyuser ng coal, aluminum,
tin, at ginto sa buong daigdig.
• Japan – may malaking reserba ng sulfur.

– mayaman din ito sa kagubatan at yamang


dagat tulad ng isda.

– mataba rin ang lupain dito na nagreresulta


sa mataas na ani ng mga produkto sa bawat
ektarya ng lupa.
• South Korea – narito ang isa sa pinakamalalaking
suplay ng graphite at tungsten sa buong daigdig.

• North Korea – may mga likas na yaman tulad ng


marble, granite, coal, iron core, ginto, at mga rare
earth.

• Mongolia – ay may mga deposito ng copper, ginto,


coal, molybdenum, fluorspar, uranium, tin, at
tungsten.
Timog-silangang Asya
• Ang ilang bansang nasa mainland ay nagtataglay ng malaking
deposito ng tin tulad ng Myanmar, Laos, Thailand, at Malaysia.
• Pilipinas – nagmumula ang malaking bahagi ng suplay ng perlas.
• Indonesia – pangunahing prodyuser ng coal, ginto, copper, at tin.
• Indonesia, Malaysia, at Brunei – ilan sa mga bansang prodyuser
ng langis.
• Mayaman din sa mga kagubatan ang rehiyong ito na pinagkukunan
ng mga troso at goma.
• Thailand at Pilipinas – nagmumula ang pinakamalaking suplay ng
pinya sa rehiyon.
• Malaysia at Indonesia – pinakamalalaking tagapagtustos
ng mga kahoy tropical (tropical timber) tulad ng teak na
ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at flooring.

• Masagana din sa suplay ng isda at mga shellfish ang ilang


bansang napapalibutan ng dagat.

• Dahil sa matabang lupain nakapag-aani sa rehiyon ng


malalaking suplay ng bigas.

• Thailand at Pilipinas – nagmumula ang pinakamalaking


suplay ng pinya sa rehiyon.
Wastong Paggamit ng Likas na
Yaman
• Nagtataglay ang Asyang iba’t ibang uri ng likas na yaman –
lupa, tubig, at mineral.

• Yamang napapalitan (renewable) – sinag ng araw at


hangin.

• Yamang di-napapalitan (non-renewable) – coal, natural


gas, at petroleum.
• Fossil fuels – ay posibleng mangaubos sa paglipas ng mahabang
panahon.
• Tinatawag itong fossil fuel sapagkat nabuo ang mga ito sa
pamamagitan ng anaerobic decomposition ng mga nakabaong
organismo sa ilalim ng lupa at nagtataglay ng enerhiya.
• Maaaring sa pamamagtan ng teknolohiya ay paigtingin pang lalo
ang paggamit ng hangin o sinag ng araw para sa produksiyon ng
enerhiya na hindi na masyadong nakadepende sa fossil fuels.
• Solar farms – direktang ginagawang koryente ang sinag ng araw
• Wind farms – nakalilikha ng koryente mula sa puwersa ng hangin.
SOLAR
FARM
WIND
FARM
• Nararapat ding isaalang-alang ang pagtatayo ng mga dam sa
ilang mga lugar dahil sa mga isyung pangkalikasan at
panlipunan.
• Three Gorges Dam sa China na sinimulan noong 1993 ay
nasangkot sa kontrobersiya dahil sa pagbahang dulot nito sa
mga lungsod at pamayanan.
• Sa mga proyektong nauukol ang mga anyong tubig,
mahalagang isaalang-alang ang politika sa rehiyon.
• Halimbawa, Mekong River sa Timog-silangang Asya ay
dumadaloy sa anim na bansa. Ang anomang mga
proyektong nauukol sa paggamit ng tubig ay dapat pag-
usapan ng mga sangkot na bansa.
Three Gorges Dam
• Ang mga kagubatan ay mahalagang likas na yaman
sapagkat maliban sa mga produktong nagmumula rito tulad
ng troso at kahoy, tumutulong ito sa pagpapanatili ng ating
kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas sa carbon
dioxide at pagpapanatili ng klima. Pinipigilan din nito ang
pagguho ng lupa at pinatataba ang lupa.

• Dapat isaalang-alang din nating ang susunod na henerasyon


na siyang gagamit pa ng mga likas na yaman ng daigdig
para sa kanilang sariling kapakinabangan at kaunlaran.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like