You are on page 1of 6

Ikalawang Digmaang Anglo Burmese

1. Kailan?
 Naganap ito mula 1852-1853
2. Dahilan?
 Hidwaan sa kalakalan.
 Sapilitang kinuha ng mga British ang barkong
pangkalakalan ng mga Burmese.
3. Bunga?
 Natalo ang mga Burmese
 Nawalan ng karapatan ang mga Burmese na
dumaan sa mga rutang pangkalakalan na dati
nilang pagmamay-ari.

Ikatlong Digmaang Anglo Burmese


1. Kailan?
 Naganap ito mula 1885-1886
2. Dahilan?
 Nakipagkasunduan ang mga Haring Burmese sa
bansang France.
 Itinuring ito na pagtataksil ng mga British.
3. Bunga?
 Natalo ang mga Burmese.
 Sinakop ng mga British ang Burma.
 Sinama ito bilang probinsya ng India.
 Naging kahihiyan ito sa kaharian ng Burma.
Resident System
 Isang patakarang pinatupad ng mga British sa
Burma.
 Kinatawan ng England sa Burma.
 Nanirahan ang British Resident sa Burma.
 Tungkulin niyang makipag-ugnayan sa mga
dayuhang bansa.
 Dahil sa sistemang ito, nabawasan ang
kapangyarihan ng hari ng Burma.

Indo-China
 Lupaing sinakop ng France.
 Ito ay umabot mula sa ilang bahagi ng India
hanggang sa China.
 Direktang pinamamahalaan ng France ang Indo-
China.
 French ang mga humawak sa posisyon sa
pamahalaan.
 Sinakop ito dahil sa mayamang kalikasan at
magandang daungan.

1. Laos
 Hiningi ng France ang kaliwang pampang ng
Mekong River bilang pambayad pinsala sa
pagpapatalsik ng misyonerong French.
 Naging protectorado ito ng France.
2. Cambodia
 Ito ay naging protectorado ng France matapos
nito maangkin ang Cochin China noong 1862.
3. Vietnam
 Sa pamamagitan ng puwersang military,
napabilang sa protektorado ng France ang
Vietnam.
 Sinubukan tumanggi ng China ngunit wala itong
nagawa dahil sa lakas ng puwersa ng France.
Singapore at Malaysia
 Napasakamay ng British ang Singapore na noon ay
bahagi ng Malaysia dahil nakahanap sila ng daungan
para sa kanilang mga barkong pangkalakalan mula
India patungong China.
 Nakilala ang Singapore bilang isa sa mga
pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa
Timog Silangang Asya.
 Malawak ang plantasyon ng Malaysia sa goma
(rubber) at may malawak na reserba ng lata (tin).
 Hinikayat ng mga British ang mga Tsino na
mandayuhan sa Malaysia upang mapabilis ang
produksyon ng rubber at tin.
 Dumami ang mga Tsino na nandadayuhan sa
Malaysia kaysa sa mga katutubong Malay.
 Nagdulot ito ng paghihirap at kaguluhan sa pagitan
ng mga Tsino at mga Katutubong Malay.

Melting Pot
 Lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo-tagpo ang
iba’t ibang pangkat etniko.
 Halimbawa nito ay ang Malaysia.

1. Sino ang mga sumakop sa Pilipinas?


2. Kailan ginanap ang Battle of Manila Bay?
3. Sino ang naglaban sa Battle of Manila Bay?
4. Ano ang pinagdiwang noong Hunyo 12, 1898?
5. Sino ang namuno rito?
6. Saan ito ginanap?
7. Sino ang nagtatag ng Malolos Constitution?
8. Ano ang nilalaman ng Kasunduan sa Paris 1898?
9. Kailan ito isinagawa?
10. Ito ang iminungkahi ni Presidente William McKinley.
11. Kailan niya ito iminungkahi?
12. Ano ang nilalaman nito?
13. Kailan nangyari ang digmaang Amerikano-Pilipino?
14. Sino ang nahuli sa Isabela?
15. Kinailangan gamitan ng pwersa ang mga Pilipino rito.
16. Nagpatayo rito ng libreng edukasyon, kalsada, ospital, gusaling pampamahalaan.
17. Tawag sa mga gurong Amerikano.
18. Ano ang barkong sinakyan ng mga gurong Amerikano?
19. Ito ang mga guro sa Pilipinas bago ang mga gurong Amerikano.
20. Ito ay Pamahalaang Demokratiko.
21. Sino ang nagtatag ng Pamahalaang ito?
22. Para saan ang pamahalaang ito?
23. Ilan ang nilalaman ng isang Estado? Ano ang mga ‘yon?
24. Anong katangian ng isang Estado ang wala sa Pilipinas?
25. Tawag ito sa government kung saan kontrolado ang namumuno sa Pilipinas.

26. Sinakop ito ng Dutch.


27. Inatasan ang mga magsasaka na ibigay ang 1/5 ng kanilang lupain. Kung wala’y,
kinakailangan nilang magtanim sa loob ng 66 na araw.

28. Tawag dito sa Ingles ay Lion’s City.


29. Ano ang dahilan ng pananakop ng mga British dito?
30. Ano ang dalawang bansa na noon ay iisa?

31. Tanyag dito ang plantasyon ng goma at lata.


32. Ito’y nagmula sa South America at Rubber Tree.
33. Ano ang paraan ng pananakop na ginawa ng mga British?
34. Iba’t-ibang rehiyon/lugar kung saan naghahalo ang iba’t-ibang kultura.
35. Ano ang Melting Pot dito sa Pilipinas?
36. Ngayon ay Myanmar.
37. Ano ang bansang sumakop ditto?
38. Ano ang dahilan ng pananakop dito?
39. Tawag sa labanang Burmese at British.
40. Kailan ginanap ang Unang Digmaang Anglo-Burmese?
41. Ano ang sanhi ng labanang ito?
42. Ano ang tatlong estado na nilusob ng mga Burmese?
43. Nang matalo ang Burmese, saan ito lumagda?
44. Ano ang ibinigay ng mga Burmese?
45. Ano ang dalawang lugar na napasakamay ng English East India Company?
46. Ano ang tinanggap ng Burma?
47. Kailan ginanap ang Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese?
48. Ano ang sanhi ng labanang ito?
49. Ano ang naging bunga?
50. Kailan naganap ang Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese?
51. Ano ang sanhi ng digmaang ito?
52. Ano ang naging bunga?
53. Pinatupad ng mga British sa Burma.
54. Ito ay ang kinatawan ng pamahalaan ng England sa Burma.
55. Ano ang apat na karapatan ng isang British Resident?

56. Anong mga bansa ang bumuo sa Indo-China?


57. Ano ang ‘sinasabing’ dahilan ng pananakop ng mga French dito?
58. Ano ang tunay na dahilan?
59. Ano ang hiningi ng French sa Laos?
60. Ito ay nakuha ng French sa Cambodia noong 1862.
61. Napabilang bilang protektorado ng France dahil sa pwersang pang-militar.
62. Ano ang ipinag-utos ng mga French?

You might also like