You are on page 1of 1

ANG KABIHASNANG TSINO SA ASYA

Mga Layunin 1. Nasusuri ang pasimula at pagsulong ng kabihasnang Tsino sa Asya; 2. Natatalakay ang heograpiya ng lugar kung saan umusbong ang kabihasnang Tsino; 3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Huang Ho sa kasaysayan ng China; 4. Naipaliliwanag ang mga kaisipang umusbong sa dinastiyang Zhou; 5. Nasusuri ang mahahalagang kaganapan sa ilalim ng dinastiyang Han; at 6. Naipaliliwanag ang pagtatatag ng imperyong China. Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing napinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ito ay maiuugat halos apat namilenyo na ang nakalilipas. Mula pa man noong unang panahon, ang pagkakaroon ng isang mahusay na pamamahalaang nagging mithiin ng mga Tsino. Ang pagkakaroon ng mgaideolohiyang suportado ng estado, particular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspetong pulitikal, ang China ay halinhinang nakaranas ngpagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang pagpasok ng mgaimpluwensyang dayuhan sa China ay nalagom at napailalim lamang sa pagkakakilanlan ng mga Tsino. Ang mga kaganapang ito ang humubog sa kultura at tao ng bansa sa makabagong panahon

You might also like