You are on page 1of 38

Larawan suri.

Suriin ang larawan at sabihin ang ipinahihiwatig


nito.
SINAUNANG URI NG PAMUMUHAY
NG MGA TAO
Pagkaraang lumitaw ng mga HOMO species
partikular ang mga HOMO HABILIS noong dakong
2.5 milyong taon na ang nakakaraan, nagsimula na
rin ang PANAHONG PALEOLITIKO. Ito ang unang
yugto ng pagunlad ng KULTURA ng mga tao.
Ang salitang paleolitiko ay nagmula sa salitang
Griyego na "PALAOIS" na nangangahulugang
"MATANDA O LUMA", at "LITHOS" na
nangangahulugang "BATO".

FACT OR BLUFF?
ANSWER: BLUFF
Fact:
Ang salitang paleolitiko ay nagmula sa salitang Griyego na "PALEOS" na
nangangahulugang "MATANDA O LUMA", at "LITHOS" na
nangangahulugang "BATO".
Sa panahong ito naobserbahan ang kauna-
unahang anyo ng pamumuhay ng mga tao.May
tatlong yugto(period)ang PANAHONG
PALEOLITIKO, basahin at unawain sa tsart ang mga
yugtong ito.
Ang mga sinaunang tao ay pulo-pulotong o
grupo-grupo sa paghahanap ng mga pagkaing
kinakalap(foraging)nila mula sa kapaligiran.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Sila ay pulo-pulotong o grupo-grupo
sa paghahanap ng mga pagkaing
kinakalap(foraging)nila mula sa
kapaligiran. Ganoon din ang kanilang
sistema sa paghuli ng mga galang
hayop(hunting)sa ilang.
Ang mga sinaunang tao ay lagalag at palipat-
lipat ng tahanan, subalit karaniwang
panandaliang nananatili sa mga yungib at
malalaking punong kahoy para makaiwas sa
mga mababangis na hayop at ilan pang mga
panganib na nagbabanta sa kalikasan.

FACT OR BLUFF?
Answer: FACT
Fact:
Ang mga sinaunang tao ay lagalag at
palipat-lipat ng tahanan, subalit
karaniwang panandaliang nananatili
sa mga yungib at malalaking punong
kahoy para makaiwas sa mga
mababangis na hayop at ilan pang
mga panganib na nagbabanta sa
kalikasan.
Ginamit na sandata ng mga sinaunang tao na
nabuhay noong PANAHONG PALEOLITIKO ang
mga makikinis na bato.

FACT OR BLUFF?
Answer: Bluff
Fact:
Ginamit na sandata ng mga sinaunang tao
na nabuhay noong PANAHONG
PALEOLITIKO ang mga magagaspang na
bato. Ginamit nila ito para manghuli ng
mga maiilap na hayop sa ilang, panghiwa
ng karne, pamputol ng kahoy, at maging sa
pagkuha ng iba pang halaman.
Natuklasan ang apoy sa panahong
paleolitiko.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Natuklasan nila ang APOY sa
panahong paleolitiko.
ANG PANAHONG NEOLITIKO

Dahan-dahang umunlad ang pamumuhay ng mga


tao hanggang makamit nito ang isa pang yugto na
siyang naging dahilan ng tuluyang pagbabago sa
kanilang pamumuhay at kultura sa pangkalahatan.
Tinawag ang yugtong ito na PANAHONG
NEOLITIKO. Basahin at unawain ang tsart tungkol
dito.
Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang
mga prehistorikong tao sa pangangaso at
pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim.
Tuluyan ding umunlad ang kanilang
mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis
na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong
Neolitiko.
Sa panahong neolitiko natuklasan ng mga
sinaunang tao ang pagtatanim ng butil, buto
ng prutas, gulay at iba pang halaman.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Sa panahong neolitiko natuklasan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim ng butil, buto ng prutas, gulay at iba pang halaman.
Nagawang magpaamo ng hayop ng mga
sinaunang tao sa panahong neolitiko.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Nagawa nilang magpaamo ng hayop na nagsilbing malaking tulong sa
kanilang mga gawain at pagbubungkal ng lupa.
Nakagawa ang mga sinaunang tao ng palayok
mula sa luwad sa panahong neolitiko.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Nakagawa sila ng palayok mula sa luwad na ginagamit nila para lutuan
at imbakan ng pagkain.
Sa panahong neolitiko, naging pirmihan na
ang mga tahanan ng mga sinaunang tao.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Naging pirmihan na rin ang kanilang mga tahanan, nakapagtatag sila ng
mga pamayanan, at dumating ang panahon ay nagkaroon sila ng mga
pinuno at pamahalaan. Isang halimbawa ng neolitikong pamayanang ito
ay ang "Catal Huyuk" na matatagpuan sa Anatolia Turkey.
MGA KAGAMITANG BATO NA GAMIT NOONG
PANAHONG NEOLITIKO
Mas makinis, pinakintab, at higit sa lahat ay may
disenyo. Bawat desinyo at ayon sa kani-kanilang
gamit sa pangangaso at gawaing bahay. Ipinapakita
nito na ang mga taong ito ay maunlad na ang pag-
iisip at may kakayahan nang magdesinyo at
magpaunlad ng kanilang mga kagamitan.
ANG PANAHONG METAL
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumu
hay ng mga sinaunang tao nang matutuhan nila
ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang
yari sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E.
Inilalarawan sa susunod na diyagram – ang
Panahon ng Metal.
Ang mga HITTITE ang nagpasimula ng
paggamit ng metal.

FACT OR BLUFF?
Answer: Fact
Fact:
Nahahati sa tatlong yugto ang PANAHONG METAL, batay sa uri ng
ginamit na metal ang bawat yugto. Sinimulan ng mga HITTITE ang
paggamit ng metal. Karaniwan nilang ginagamit ito sa armas pangdigma
subalit kalaunan ay ginamit na din sa mga kagamitang ginagamit sa
kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Nagdulot ang paggamit ng
metal sa higit pang pagunlad ng TEKNOLOHIYA.
MGA KAGAMITANG METAL NA GAMIT NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL
SINAUNANG PAMAYANAN NG MGA TAO NOONG PANAHONG METAL

You might also like