You are on page 1of 45

ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOM
IKS
ATTENDANCE
PANALANGIN
BALIK-ARAL
Ang ekonomiks ay isang sangay ng
Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang
_________________ pinagkukunang-
yaman.
BALIK-ARAL
Ang ekonomiks ay isang sangay ng
Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman.
BALIK-ARAL
Ang EKONOMIKS ay nagmula sa
salitang Griyego na _________________.
BALIK-ARAL
Ang EKONOMIKS ay nagmula sa
salitang Griyego na oikonomia.
BALIK-ARAL
Ang “oikonomia” ay nagmula sa
dalawang salita: ang oikos at nomos.
Ang oikos ay nangangahulugang
_________________.
BALIK-ARAL
Ang “oikonomia” naman ay nagmula sa
dalawang salita: ang oikos at nomos.
Ang oikos ay nangangahulugang
bahay.
BALIK-ARAL
Ang nomos naman ay
nangangahulugang ________________.
BALIK-ARAL
Ang nomos naman ay
nangangahulugang pamamahala.
BALIK-ARAL
BALIK-ARAL
PAGGANYAK (LARAWAN-
SURI)
Suriin kung ano ang nais ipabatid ng larawan.
Ang ipinapakita ng larawan ay
PAGPILI o paggawa ng desisyon.
Makatutulong sa iyo ang pag-aaral ng
EKONOMIKS upang makagawa ng
matalinong desisyon.
Batay sa naunang gawain, ano sa
palagay mo ang ating paksa ngayong
araw?
KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS SA PANG-
ARAW-ARAW NA
PAMUMUHAY
Ano ang inaasahang matututunan mo sa
araling ito?
Pagkatapos ng paksang ito, ang mag-aaral
ay inaasahang:
1. Natataya ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng
lipunan.
Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-
aaral ng Ekonomiks? Tara’t ating
alamin!
KAHALAGAHAN
NG PAG-AARAL
NG EKONOMIKS
BILANG MAMAMAYAN NG
LIPUNAN:
Magagamit mo ang kaalaman sa
ekonomiks upang maunawaan ang mga
napapanahong isyu na may kaugnayan
sa mahahalagang usaping ekonomiko
ng bansa.
Maaari mo ding maunawaan ang mga
batas at programang ipinatutupad ng
pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.
BILANG MIYEMBRO NG PAMILYA:
Maaari mong magamit ang kaalaman sa ekonomiks
sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga
pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral,
pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong
magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
Ngayon alam mo na kung bakit mahirap
magpabili ng cellphone kay nanay.
Ang iyong kaalaman ay makatutulong
upang makapagbigay ka ng
makatuwirang opinyon tungkol sa
mahahalagang pagdedesisyon ng iyong
pamilya.
BILANG MAG-AARAL:
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging
higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa
mga nangyayari sa iyong kapaligiran.
Karaniwang tanong:
Bakit pabago-bago ang presyo ng
gasolina o krudo?
Dahil mayroon tayong “OIL
DEREGULATION LAW”
-ibig sabihin hindi pwedeng itakda ng
pamahalaan ang presyo ng petrolyo.
Nakadepende ang presyo sa world
market.
Maaari din itong humubog sa iyong
pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang
makatutulong sa iyong pagdedesisyon
para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
Paglalaro ng ML Pagpasok sa klase
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagdedesisyon mula sa
mga simpleng bagay hanggang sa komplikadong
sitwasyon. Araw-araw, gumagawa ang tao ng
pagpapasya at pagpili kung alin sa kanyang mga
pinagpipilian ang mahalaga at kapaki-pakinabang.
Gumagawa ng mga pagpapasya ang mga tao dahil
marami ang kanilang pangangailangan at walang
katapusan ang kanilang kagustuhan ngunit limitado
lamang ang pinagkukunang-yaman.
Sagutan ang mga sumusunod:
Gawain 2 sa pahina 6
Gawain 3 sa pahina 7
Tayahin sa pahina 9-10
Maraming Salamat! Stay safe!

You might also like