You are on page 1of 19

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng Ekonomiks


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Handa Ka na
Ba?
Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng
sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong
uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang
pinakahuli.
• Biglang umulan at nakasampay sa
likod-bahay ang mga damit na
iyong nilabhan.
• Naamoy mo na nasusunog ang
sinaing.
• Narinig mo na nag-ring ang iyong
celphone.
• Umiyak ang iyong inaalagaang
sanggol na kapatid.
Sandaling
Isipin?
• Maaari mo bang gawin ang mga
sumusunod nang sabay-
sabay?

• Ano ang batayan sa iyong


pagpilili sa kung anong gawain
ang uunahin?
suliranin? Araw-araw, ang
tao ay laging
nahaharap sa
sitwasyong
kailangan niyang
pumili.

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot


ng labis na kapakinabangan.
Ang mabuting pasya
ay magdudulot sa iyo
ng kasiyahan
(satisfaction).
Ang di-mabuting pasya
ay magdudulot sa iyo
ng dusa (suffering).

Ninanais ng tao ang maging masaya at


iniiwasan ang pagdurusa.
Kahulugan ng
Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang mga kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na
paraan.
• Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at
matalinong pagpapasya sa mga suliranin
(economist’s perspective).
• Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng
tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
• Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng
Ekonomiks
• Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
• Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.
• Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang
limitadong pinagkukunang-yaman.
• Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot
ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang
Konsepto ng Ekonomiks
Efficiency
• Masinop na paggamit sa mga pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Pangunahing tuon ng ekonomiks ang pag-aaral
kung paano tutugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan.
Mga Mahalagang
Konsepto ng Ekonomiks
Equality
• Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.
• Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang
Konsepto ng Ekonomiks
Sustainability
• Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman nang
hindi nanganganib ang kakayahan ng susunod na
henerasyon na tugunan ito.
Ekonomiks bilang Isang
Agham Panlipunan
• Ang agham panlipunan ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-
uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at kapaligiran.
• Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang
Siyentipiko
Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)

Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok
Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPA
T
Dibisyon ng
Ekonomiks
• Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang
dibisyon: maykroekonomiks at
makroekonomiks.
Maykroekonomiks
• Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw
at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit – sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomik
s
• Ang makroekonomiks naman ay tumitingin
sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Sinusuri nito ang pambansang produksyon
pati na ang pangkahalatang antas ng presyo
at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa
kabuuan.
Paghahambing sa
Dalawang Dibisyon ng
Ekonomiks
Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks
Maykro- Produksyon ng Presyo ng Distribusyon
ekonimiks bawat bawat ng kita ng
industriya kalakal bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansang


ekonomiks Produksyon lebel ng kita
presyo
Bilang
Pagtatapos…..
• Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili
ang tao.
TAKDA
:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga para sa mga kabataan ang


pag-aaral ng ekonomiks?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like