You are on page 1of 17

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng Ekonomiks


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Handa Ka na Ba?
Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng
sabay-sabay ang mga sumusunod. Ano ang iyong
uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang
pinakahuli.
Biglang umulan at nakasambay sa
likod-bahay ang mga damit na
iyong nilabhan.
Naamoy mo na nasusunog ang
sinaing.
Narinig mo na nag-ring ang iyong
celphone.
Umiyak ang iyong inaalagaang
sanggol na kapatid.
Araw-araw, ang tao ay laging
nahaharap sa sitwasyong
kailangan niyang pumili.
sitwason desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot


ng labis na kapakinabangan.
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang katapusang kagustuhan
at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay
na paggamit ng pinagkukunang-yaman.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at
pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula sa
tinatawag na economists perspective.
Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng
tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may hangganan.
Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang kanyang
limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay nagdudulot
ng suliranin ng kakapusan.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Efficiency
Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang
paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat
bansa.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Equality
Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.
Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay
nakabatay sa hirap at haba ng kanyang
pagpapagod sa pagkamit nito.
Mga Mahalagang Konsepto
ng Ekonomiks
Sustainability
Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at
kagustuhan nang hindi nanganganip ang kakayahan
ng susunod na henerasyon na tugunan ito.
Ekonomiks bilang Isang
Agham Panlipunan
Ang agham panlipunan ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-
uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at kapaligiran.
Isang displina ng agham panlipunan ang
ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang
Siyentipiko
Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)

Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok
Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT
Dibisyon ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang
dibisyon: maykroekonomiks at
makroekonomiks.
Maykroekonomiks
Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw
at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Ang makroekonomiks naman ay tumitingin
sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Sinusuri nito ang pambansang produksyon
pati na ang pangkahalatang antas ng presyo
at pambansang kita. Ito ay tumitingin sa
kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang
Dibisyon ng Ekonomiks
Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon ng Presyo ng Distribusyon


ekonimiks bawat bawat kalakal ng kita ng
industriya bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang lebel Pambansang


ekonomiks Produksyon ng presyo kita
Bilang Pagtatapos..
Ang pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang
tao.
PAGPAPAHALAGA

Mahalaga pa ba para sa mga kabataan ang


pag-aaral ng ekonomiks? Bakit?
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like