You are on page 1of 28

Aralin 4

Alokasyon at Sistemang
Pang-ekonomika
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: ROBERT A. CAPAGUE
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Balik-aral:
• Pangunahing suliranin ng isang
ekonomiya ang kakapusan at walang
katapusang pangangailangan ng tao.
• Layunin ng ekonomiks na malutas ang
mga suliraning ito.

Paano nakatutulong ang ekonomiks sa


paglutas sa suliranin ng kakapusan?
Tamang Paggamit ng Pinagkukunang
Yaman

• Bagaman hindi matutugunan


ng limitadong
pinagkukunang-yaman ang
lahat ng panganga-ilangan
at kagustuhan ng tao, dapat
pa ring tiyakin ang lubos na
paggamit nito.
Break muna!
• Magkano ang nakahanda
mong gastusin sa mga
sumusunod na
pangangailangan?
• Meryenda sa tanghali
• Bagong T-shirt
• Pampagupit o pampaayos ng
buhok
• Notebook
• Ano ang iyong naging batayan
sa pagtatakda ng halaga?
JOHN WATSON HOWE
“There isn’t enough to go around’’
Ito ang kasabihang sumasalamin
sa suliranin ng kakapusan. Ito rin
ay naglalahad ng katotohanang
limitado ang mga pinagkukunang-
yaman kung kaya’t kailangang
gumawa ng tamang desisyon
kung papaano gagamitin ng
mahusay ang mga ito at upang
matugunan ang nagtutunggaliang
pangangailangn at kagustuhan ng
tao.
Alokasyon
• Pagtatakda ng dami ng pinagkukunang
yaman (halaga) para matugunan ang mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
• Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao
ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga
pinagkukunang yaman.
• Mekanismo ng pamamahagi ng
pinagkukunang yaman, produkto at
serbisyo.
ALOKASYON

Pangangailangan
Pinagkukunang
Yaman
Budget
• Ang halagang inilalaan upang tugunan
ang isang pangangailangan o
kagustuhan.
PAGPAPAHALAGA

• Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto


ng alokasyon sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon?
Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa
apat na katanungan pang-ekonomiya.
Anu-anong produkto at serbisyo
ang gagawin?

Paano gagawin ang naturang


produkto at serbisyo?

Para kanino gagawin ang mga


produkto at serbisyo?
Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa
apat na katanungan pang-ekonomiya.
Gaano karami ang
gagawing produkto at
serbisyo?
Anu-anong produkto at serbisyo ang
gagawin?

• Kabilang dito ang pagpili ng mga


bagay na dapat likhain at kung anu-
ano ang maaring gawing alternatibo
para dito.
Paano gagawin ang naturang
produkto at serbisyo?

• Kabilang dito kung sinu-sino ang lilikha


ng mga kalakal at serbisyo at ang mga
paraan, teknolohiya at presyo ng mga
bagay na kailangan sa paglikha nito.
Para kanino gagawin ang mga
produkto at serbisyo?

• Kabilang dito kung sino-sino ang


makikinabang sa mga malilikhang
kalakal at serbisyo at kung paano
maisasagawa ang maayos na
distribusyon nito.
Gaano karami ang gagawing
produkto at serbisyo?

Kailangang malaman ang laki ng


pangangailangan ng ekonomiya upang
makapagdesisyon kung gaano karami ang
gagawing produkto at serbisyo. Ang
potensiyal na makabuo ng produkto at
serbisyo ay nakabatay sa gagamiting
input.
Break Muna!
• Tukuyin kung alin sa apat pangunahing
katanungang pang-ekonomiko batay sa mga
ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito.
• Palay, mais, kotse, o computer
• Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya
• Mamamayan sa loob o labas ng bansa
• 500 kilo ng bigas o 200 metrong tela
• Bibili ng ready-made o ipapagawa
Alamin Natin!
• Mag-isip ng negosyo na maaring itayo sa harap
ng paaralan batay sa apat katanungang pang-
ekonomiko.
 
Pangalan ng Negosyo
 
Mga Produkto o
Serbisyo
 
Maaring Kostumer
 
Pagmumulan ng tinda
 
Dami ng Produkto o
Tagal ng Serbisyo
Sistemang Pang-ekonomiya
• Ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang
yunit upang makatugon sa suliraning
pangkabuhayan ng isang lipunan.
• Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na
paglikha ng mga kalakal at serbisyo at
maiwasan ang kakulangan ng mga ito.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

ANG PAGKAKAIBA NG SISTEMANG


PANG-EKONOMIYA AY NAKABATAY
SA KUNG SINO-SINO ANG
GUMAGAWA NG PAGPAPASYA AT
SA PAMAMARAAN NG
PAGPAPASYANG GINAGAWA.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

Traditional
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Traditional
• Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala ng lipunan.
• Umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng damit,
pagkain at tirahan.
Market Economy
• Ang produksyon ng mga kalakal at
serbisyo ay nagaganap sa malayang
pamilihan.
• Ang bawat kalahok ay kumikilos
alinsunod sa kanyang pansariling interest.
Command Economy

• Ang ekonomiya ay nasa kontrol at


regulasyon ng pamahalaan.
• Ang pamahalaan ay may ganap na
kapangyarihan na gamitin ng husto ang
lupa, paggawa at kapital upang makamit
ang mga layuning pang-ekonomiya.
Mixed Economy
• Pinaghalong sistema ng Market at
Command economy.
• Hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaring manghimasok
ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan
ng mamimili.
PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga na magkaroon ng


sistemang pang-ekonomiya ang isang
lipunan?
• Para sa iyo, ano ang angkop na
sistemang pang-ekonomiya sa Pilipinas.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at


serbisyo ay tinatawag na
a. Produksyon c. Alokasyon
b. Pagkonsumo d. Pangangailangan
2. Ito ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko na nakabatay sa
tradisyon, kultura, at paniniwala.
a. Market Economy c. Tradisyonal na Ekonomiya
b. Mixed Economy d. Command Economy
3. Ito ang ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong control at
regulasyon ng pamahalaan.
a. Command Economy c. Market Economy
b. Mixed Economy d. Tradisyonal na Ekonomiya
4. Ito ang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at
command economy.
a. Market Economy c. Command Economy
b. Mixed Economy d. Tradisyonal na Ekonomiya
5. Sino ang nagsabi nang kasabihang “There isn’t enough to go around”.
Na sumasalamin sa suliranin ng kakapusan.
a. John Watson Howe b. John Locke c. John Dowe d. John le
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at
Pag-unlad, VPHI

You might also like