You are on page 1of 5

St.

John-Hill
Academy
Calero, Morong, Rizal
DepEd Recognized and PEAC
Certified
014 Natividad St. Calero,
1960 Morong, Rizal, Philippines Home of the Whiz-Kids

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

PANGALAN: ___________________________ ISKOR: ______________


GURO: G. AARON SIBAOT MUNAR PETSA:______________

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay ang matematikong pag lalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.


A. demand curve B. demand schedule C. demand function D. demand

2. Ang sumusunod ay mga bansa na bumubuo ng Organization of Petroleum of Exporting Countries


(OPEC) maliban sa.
A. Iraq B. Saudi Arabia C. Nepal D. Iran
3. Isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na
maaring kabilang ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining.
A. Patent B. Copyright C. Trademark D. Brand
4. Dibisyon ng ekonomiks na tumitingin sa bawat indibidwal nay unit –ang sambahayan, bahay-
kalakal at industriya.
A. Maykroekonomiks B. Econometrics C. Makroekonomics D. International Ekonomics
5. Ito ang istruktura ng pamilihan na kinilala bilang modlo o ideal. Sa ganitong uri ng sistema walang
sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaring makakontrol sa takbo ng pamilihan particular sa
presyo.
A. hindi ganap na kompetisyon C. perpektong kompetisyon
B. imperpaktong kompetisyon D. ganap na kompetisyon
6. Isinasaad ng___ na mayroong magkataliwas na ugnayan sa presyo at quantity demanded.
A. Batas ng Demand B. Demand Curve C. Batas ng Supply D. Demand Schedule
7. Ang pamilihang may kartel ay katangian ng isang __
A. Monopolyo C. Perpektong kompetisyon
B. Oligopolyo D. Monopolistikong Kompetisyon
8. Ang patakarang ipinatutupaad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sa pamilihan.
A. Price Floor B. Price Freeze C. Price Ceiling D. Prize
stabilization
9. Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago
sa quantity demanded.
A. Perfectly inelastic B. Perfectly elactic C. Elastic D. Inelasctic
10. Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy o ang tawag sa pinakamamabang
presyo.
A. Price Floor B. Equilibrium Price C. Price Freeze D. Price Ceiling
11. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito
ay maituturing na ____
A. Complementary goods B. Substitute Goods C. Inferior Goods D. Normal Goods
12. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng demanded kaysa sa dami ng produkto na
nais i-supply.
A. Supply B. Demand C. Surplus D. Shortage
13. Ayon sa ___ na mayroong direkta o positibong ugnayan ng presyo sa quantity supplied ng isang
produkto.
A. Batas ng Demand B. Demand Curve C. Batas ng Supply D. Demand Schedule
14. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo
ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalaminad (bagyo,
lindol, atbp.)
A. Price ceiling B. Price Floor C. Price Freeze D. Price
Stabilization
15. Uri ng elastisidad ng demand na nangangahulugan na anumang pagbabago sa presyo ay
nagdudulot ng infinite na pagbabago sa quality demanded
A. Inelastic B. Perfectly Elastic C. Perfectly Inelastic D. Unitary
16. Maaaring magpataas ng demand ng indibidwal dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto.
A. Panlasa B. bandwagon effect C. demand schedule D. demand
17. Kapag mas mataas ang nagging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa bahagdan
pagbabago ng presyo. Maaring marami ang substitute sa isang produkto.
A. Elastic B. inelastic C. perfectly elastic D. perfectly inelastic
18. Ito ay paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging
pagtugon ng demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
A. Price elasticity of supply C. Bahagdan pagbabago sa demand
B. Price Elasticity of demand D. Bahagdan pagbabago ng presyo
19. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Nery dahil sa suspensiyon ng klase kaninang
umaga.
A. Surplus B. shortage C. ekwilibriyo D. disekwilibriyo
20. Kapag tumaas ang presyo ng ice cream ang demand para sa apa ay____.
A. Tataas B. bababa C. Hindi magbabago D. wala
21. Kapag tumaas ang presyo ng sampalok na panigang sa ulam, ang demand para sa kamias
ay______.
A. Tataas B. bababa C. Hindi magbabago D. wala
22. Ang demand na para sa damit na hindi na uso o napapanahon ay kalimitang_______.
A. Wala B. hindi nagbaago C. Tataas D. bababa
23. Dahil inaasahan ang pagdating ng inyong sweldo sa susunod na lingo, ang pagkonsumo ng
produkto sa kasalukuyan ay______.
A. Wala B. hindi nagbabago C. Tataas D. bababa
24. Alin sa mga sumusunod na produkto ang halimbawa sa monopolistikong kompetisyon?
A. Semento B. bakal C. shampoo D. elektrisidad
25. Ito ay nag papahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay
hahanap ng pamalit na mas mura.
A. Substitution effect B. Price ceiling C. Income effect D. Price floor
26. Ang printer at ang ink cartridge ay mga komplementaryong produkto. Alin ang maaaring
mangyayari kapag tumaas ang presyo ng ink cartridge?
A. Tataas din ang preso ng printer C. Tataas ang demand sa printer
B. Bababa ang demand sa printer D. Pareho rin ang demand sa printer pero
tataas ang presyo nito

27. Isa sa mga uri ng elastisidad ng demand na nangangahulugan na ang quantity demanded ay hindi
tumutugon sa pagbabago ng presyo.
A. Perfectly Inelastic B. Inelastic C. Elastic D. Perfectly Elastic
28. Sa ilalim ng ganitong uri ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na prodyuser ang
nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
A. Monopolistic Kompetisyon B. Monopsonyo C. Oligopolyo D. Monopolyo
29. Ano ang ipahiwatig ng downward sloping na kurba ng demand?
A. Tumaas ang demand dahil sa pagbabago ng presyo
B. May positibong realasyon ang demand at presyo
C. May negatibong ugnayan ang presyo at demand
D. Magbabago ang demand kasabay ng pagbabago ng presyo
30. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng maykroekonomiks?
A. Mga epekto sa presyo C. Interaksyon ng suplay
B. Pag-aaral ng mga patakaran piskal D. Kilos at gawi ng mga prodyuser
31. Elastisidad ng supply na pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng
pagbabago ng quantity supply.
A. Elastic B. Unitary C. Inelastic D. Infinite
32. Ang kompetisyon sa oligopolyo ay nasa sa mga sumusunod malibansa __
A. Uri B. presyo C. anunsyo D. dami ng produkto
33. Ang ___ ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto
sa pagbabago ng quantity demanded.
A. Ceteris Paribus B. Substitution Effect C. Price Ceiling D. Demand
Function
34. Sitwasyong nagkaisa ang isang pangkat ng negosyante na kontrolin ang pamamahagi at
pagpresyo ng mga bilihin.
A. Oligopolyo B. hoarding C. kartel D. chiseling
35. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay
may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating
mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay
nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A. Department store B. pamilihan C. talipapa D. tiangge
36. Ang nagbebenta o gumagawa ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. Konsyumer B. Competitor C. Prodyuser D. Economist
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi saklaw ng maykroekonomiks?
A. Mga epekto ng presyo C. interaksiyon ng suplay at demand
B. Pag-aaral ng mga patakarang piskal D. kilos at gawi ng mga prodyuser
38. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan
para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari, gumagawa ng hakbang
ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa
pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga
produkto o serbisyo?
A. Price ceiling B. floor prices C. market clearing price D. price support
39. Alin sa sumusunod na industriya ang hindi kabilang sa estrukturang oligopolyo?
A. CALTEX B. SHELL C. SMART, SUN, PLDT, GLOBE D. TIDE
40. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng
pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng
estrukturang ito maliban sa___
A. Malayang kalakalan sa bilihan C. maraming prodyuser at konsyumer
B. May kakaibang produkto D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon
41. Paraan na ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga
prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
A. Price Elasticity ng Demand C. Equilibrium Price
B. Price Elasticity ng Supply D. Supply Function
42. Siya ang nag sasabi na ang mga negosyante ay hindi aktuwal na nagkikita upang pag-usapan
ang takbo ng kanilang mga negosyo subalit ay nagkaroon ng pagkaroon ng pagkakaunawaan sa
pamamagitan ng sabwatan sa pagtatakda ng mg produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. Adam Smith B. Amartha Syen C. Abraham Maslow D. Karl Marx
43. Elastisidad ng supply na kung saan mas malaki ang nagging bahagdan ng pagbabago ang
quantity supplied kaysa bahagdan ng pag babago ng presyo.
A. Unitary B. Infinite C. Elastic D. Inelastic
44. Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nag bibigay serbisyo
kung kaya’t walang pamalit o kahalili.
A. Monopsonyo B. Monopolistic Competition C. Oligopolyo D. Monopolyo
45. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan ito na ang
pagbabago ng presyo ay magpapabago rin sa desisyon ng____.
A. Pamahalaan B. pamilihan C. prodyuser D. konsyumer
46. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng
graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga knosyumer?

PRESYO

2 4 DEMAND

A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.


B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer.
D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer
47. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping,
ito ay nag papahiwatig ng _______.
A. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
B. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
C. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
D. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand.
48. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap
na pagtugon ang quantity demanded kahit patumaas ang presyo, ano ang ipinapahiwatig nito?
A. May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito
makabibili pa rin tayo ng alternatibo para ditto.
B. Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan,
maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito.
C. May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong
pamalit.
D. May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.
49. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng
tatlong piso ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na
lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng quantity demanded ni Juanito
para sa bananacue?
A. Ang quantity demanded sa bananacue ay hindi-elastik sapagkat si Juanito ay tumutugon ng
malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananacue.
B. Ang quantity demanded sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumutugon ng malaki
sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity demanded para sa bananacue.
C. Ang quantity demanded sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na quantity
demanded sa bananacue ay kasing dami ng quantity demanded sa pamalit na bananacue ni
Juanito.
D. Ang quantity demanded sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si
Juanito na hindi kumain ng bananacue sa loob ng isang lingggo.
50. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang
isang uri ng produkto. Halimbawa may 30, 000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon
sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa
ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php 10.00. Batay sa
pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?
A. 6 C. 20,000
B. 10 D. 30,000
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

AARON SIBAOT MUNAR FLORFINA B. GONDRANEOS, MC, MA Ads, FIRE


Guro Head Teacher

You might also like