You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

SECOND QUARTERLY ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)
SY 2021-2022
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________/___/_________

Pangkat: ________________________ Lagda ng magulang: __________________ Iskor: _____________

I. MARAMIHANG PAGPILI
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat bilang.

__________1. Isa sa mahahalagang konsepto sa microeconomics ang konsepto ng demand. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop
na kahulugan ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t
ibang halaga o presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.
__________2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang magpapaliwanag sa ipinapahiwatig ng graph sa ibaba kaugnay ng
Batas ng Demand?

A. Habang tumataas ng presyo, tumataas din ang quantity demanded ng konsyumer.


B. Habang tumataas ng presyo, bumababa ang quantity demanded ng konsyumer.
C. Malaki ang kakayahan ng konsyumer na bumili kapag mataas ang presyo.
D. Kapag mababa ang presyo ng produkto, hindi mahihikayat ang konsyumer na bumili nito.
_________3. Ang downward sloping na galaw ng demand curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at demand.
B. Positibong ugnayan ng presyo at demand.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity demanded.
D. Pagtaas ng presyo ng mga produkto at paglilingkod.
_________4. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa walang katapusang pangangailangan ng tao ay tungkulin ng prodyuser.
Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. demand B. produksiyon C. ekwilibriyo D. supply
_________5. Ang upward sloping na galaw ng supply curve ay nagpapahiwatig ng:
A. Kawalang ugnayan ng presyo at quantity supplied.
B. Positibong ugnayan ng presyo at quantity supplied.
C. Inverse na ugnayan ng presyo at quantity supplied.
D. Pagbaba ng quantity supplied kapag tumataas ang presyo ng mga produkto at paglilingkod.

1
_________6. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng demand para sa isang partikular
na produkto o paglilingkod.
A. Demand Schedule C. Demand Function
B. Demand Curve D. Quantity Demanded

7-10. Suriin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin isa-isa ang mga tanong sa bilang 7-10.

Demand Schedule para sa Siomai

Presyo (P) Quantity Demanded (Qd)

Ela Ara Stephen

₱7 4 5 0

₱6 8 10 2

₱5 12 15 4

₱4 16 20 6

₱3 20 25 8

_________7. Kung ang halaga ng bawat piraso ng siomai ay ₱5, ang dami ng demand ni Ela para rito ay ______.
A. 4 piraso. B. 8 piraso. C. 12 piraso. D. 16 piraso.
_________8. Kung si Stephen ay may kakayahan lamang bumili ng anim (6) na piraso ang siomai, ang pinakamataas na
handa at kaya niyang ibayad ay ____________.
A. ₱ 3. B. ₱ 4. C. ₱ 6. D. ₱ 7.
_________9. Kung ang halaga ng siomai ay tumaas mula ₱ 3.00 tungong ₱ 5.00, babawasan ni Ara ang dami ng kanyang
demand para rito nang sampung (10) piraso. Ito ay dahil sa:
A. Batas ng Supply. C. kanyang mga inaasahan.
B. Batas ng Demand. D. pagbabago ng kanyang panlasa.
_________10. Kung si Ela at Stephen lamang ang bibili ng siomai, at ang halaga ng siomai ay ₱ 4 bawat piraso, ang
kabuuang demand nila para sa siomai ay_________________.
A. 10 piraso. B. 16 piraso. C. 6 piraso. D. 22 piraso.
_________11. Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan na nagpapakita ng kaugnayan ng presyo at dami ng supply para sa isang partikular
na produkto o paglilingkod.
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Supply Curve D. Quantity Supplied
________12. Ayon sa Batas ng Supply:
A. Kapag mataas ang presyo, kakaunti lamang ang handa at kayang ipagbili ng prodyuser..
B. Kapag mataas ang presyo, marami o mataas din and bilang ng produktong handang ipagbili ng prodyuser.
C. Kapag mababa ang presyo, marami ang handa at kayang bilhin ng mamimili.
________13. Tumutukoy ito sa punto sa pinagsamang kurba ng demand at suplay na magkasalubong; o punto kung saan
ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o magkapareho.
A. Ekwilibriyo C. Surplus / kalabisan
B. Disekwilibriyo D. Shortage / kakulangan
________14. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto.
Halimbawa, may 15,000 piraso ng instant noodles ang kailangan. Ayon sa datos, mayroong kumpanya ng noodles
ngunit sa bilang na ito, 2 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 10,000 piraso ng instant noodles kung ipagbibili ito
sa presyong Php7.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng instant noodles?
A. 2 piraso B. 4 piraso C. 10,000 piraso D. 15,000
piraso
________15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity
supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

2
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga
konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang
tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na
lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis
na quantity supplied.
________16. Magreresulta sa isang kondisyon ng disekwilibriyo maliban kung may:
A. labis na suplay C. kakulangan sa suplay
B. labis na demand D. sapat na suplay upang tugunan ang demand.
________17. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang kandila at bulaklak sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa kandila at rosas. Ito ang nagbibigay-daan sa
paglipat ng kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga ito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang
presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng kandila at rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay
sapagkat hindi matatawaran ang kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay, itinatago ng mga prodyuser ang panindang kandila at bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
________18. Alin ang tamang graph para sa talahanayang ito?

Presyo (P) QS

10 14

9 12 A. graph na nagpapakita ng isang supply curve


B. graph na nagpapakita ng isang demand curve
8 10 C. graph na nagpapakita ng pababang supply curve
(dalawang linya na ang arrow ay pababa)
D. graph na nagpapakita ng pataas na supply curve (dalawang linya na ang arrow ay pataas)

19-20. Suriin ang mga sumusunod na datos at isa-isang sagutin ang mga tanong sa bilang 19-20.

Price Elasticity ng Demand


ED = %ΔQd
%ΔP

Q1 = 150 P1 = 85
Q2 = 250 P2 = 75

%ΔQd %ΔP
= _250 – 150_ x 100 = _75 – 85 x 100
150 + 250 85 + 75
2 2
= 100 x 100 = -10 x 100
400 160
2 2
= 100 x 100 = -10 x 100
200 80
%ΔQd = 50% %ΔP = -12.5%

________19. Gamit ang datos sa itaas, ano ang coefficient ng Elasticity ng Demand?
a. 12.5% B. 40% C. 4% D. 5%

3
________20. Sa nakompyut na coefficient ng Elasticity ng Demand sa bilang 19, ano ang uri o digri ng elastisidad ng demand?
A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Inelastic
_____21. Nagsasaad na mayroong magkataliwas ng ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand?
a. Demand b.Supply c. Batas ng Demand d.Batas ng Supply
_____22. Grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded?
a. Demand Function b. Demand Curve c. Demand Schedule d. Graph
_____23. Ipinapahayag na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantit demanded/Supply habang ang ibang salik ay
hindi nakakaapekto?
a. Ekwilibriyo b. Inverse Relation c. Intercept d. Ceteris Paribus
_____24. Tumutukoy ito sa bilang ng Quantity Demanded/Quantity Supply kung a g persyo ay zero?
a. Slope b. Function c. Presyo d. Intercept
_____25. Itinuturing itong independed variable?
a. Presyo b. Quantity Demanded c. Movement d. Slope
_____26. Nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo?
a. Income Effect b. Substitution Effect c. Ceteris Paribus d. Services
_____27. Ang mga sumusunod ay itinuturing na iba pang salik na nakakaapekto sa demand,maliban sa?
a. kita b. Panlasa c. Band Wagon Effect d. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
_____28. Tumutukoy sa balangkas ba umiiral sa Sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser?
a. Pamilihan b. Kompetisyon c. Monopolyo d. Ekwilibriyo
_____29. Ang estruktura ng pamilihan kung saan ang pinakamabisang halimbawa ay ang pamahalaan na siyang kumukuha ng mga serbisyo ng
mga sundalo,pulis at bumbero?
a. Monopolyo b. Monopsonyo c. Oligopolyo d. Pamilihan
_____30. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at handa at kayang at
kaynag ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan?
a. Disekwilibriyo b. Ekwilibriyo c. Konsyumer d. Presyo
_____31. Ito ay uri ng Elastisidad kung saan mas malaki ang bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng Presyo?
a. Inelastic b. Elastic c. Perfecly Inelastic d. Unitary
_____32. Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo?
a. Unitary b.Elastic c. Perfectly Inelastic d. Perfectly Elastic
_____33. Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong ___________ na ugnayan ang presyo at quantity supplied ng isang produkto?
a. Ceteris Paribus b. Inverse Relation c.Direct an Positive Relation d. Magkasalungat na Ugnayan
_____34. Isa itong talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gusting ipagbili ng mga prodyuser sa ibat ibang presyo?
a. Demand Schedule b. Supply Function c. Supply Schedule d.Demand Function
_____35. Isa itong kaganapan sa pamilihan kung saan mas marami ang quantity supplied kaysa quantity demanded?
a. Surplus b. Shortage c.Elasticity d. Ekwilibriyo

II. TAMA O MALI


Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay wasto at M naman kung
di-wasto.

__________36. Ang pamilihan ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.
__________37. Ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao.
__________38. Sa ilalim ng isang monopolyo, iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay serbisyo kung kaya’t
walang pagpipiliang pamalit o alternative ang mga mamimili.
__________39. Ang konsepto ng copyright ay tumutukoy sa pagpapalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at
serbisyo na siyang nag sisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
__________40. Sa uri ng pamilihang tinatawag na monopsonyo, walang kapangyarihan ang mamimili na maimpluwensiyahan ang
presyo sa pamilihan
__________41. Ang konsepto ng kartel ay nangangahulugang pagkakaroon ng alliances of enterprises.
__________42. Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing produkto.
_________43. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at ang produkto.
__________44. Ang price freeze ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring
ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang mga produkto.
__________45. Price floor ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga
produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad.

III. PAGSUSURI: LABIS? KULANG? o SAKTO?


A. Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
surplus, shortage, o ekwilibriyo. Isulat ang titik L kung ang pahayag ay nagsasaad ng surplus/kalabisan, K kung
shortage/kakulangan at E kung nagsasaad ito ng ekwilibriyo.
__________46. Wala pang kalahating araw ay nabenta na lahat ang panindang home-made pancake ni Jessa Mae.
__________47. Nagkasundo sina Thea at ang kanyang suking kostumer na si Enzo sa halagang Php4 bawat piraso ng ice

4
candy at sa dami na 25 piraso.
__________48. Dahil sa semestral break, naging matumal ang benta ng buko juice ni Mang Brandon.
__________49. Limampung kilo ang supply ng karne ng baka sa Manaoag Public Market at limampung kilo rin ang
demand ng mga mamimili para rito.
__________50. Dahil sa biglaang pagsuspinde ng klase kaninang umaga dulot ng bagyo, napanis lamang ang mga
panindang puto ni Aling Julienne.

“STRIVE NOT TO BE A SUCCESS BUT RATHER TO BE OF VALUE”

5
6

You might also like