You are on page 1of 16

Alamin

Sa araling ito mauunawaan ng mga mag-aaral ang


bawat konsepto ng pagkonsumo at bakit kailangan ito
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Ang mga gawain sa bahaging ito ay


lilinang sa kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa mga konsepto ng
pagkonsumo at kung bakit
mahalagang maitaguyod ng tao ang
kanyang pangangailangan at
kagustuhan sa pamamagitan ng
pagkonsumo.

1. Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto


sa pagkonsumo

Learning Objectives:
1.1. Natutukoy ang mga konseptong nakapaloob sa
pagkonsumo.
1.2. Naibabahagi ang saloobin ukol sa pagkonsumo.
1.3. Nakagagawa ng pamamaraan sa pagkonsumo.
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang


matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan.
a. Pagkonsumo b. Produksyon c. Alokasyon d. Distribusyon
2. Ang biniling produkto o serbisyo ay ginagamit sa produksyon ng iba’t-ibang
produkto o serbisyo.
a. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
3. Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag ang ating pagbili at paggamit ng
produkto ay nakapagdudulot sa atin ng agarang kasiyahan at kapakinabangan.
a. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
4. Ang pagbili ng produkto o serbsyo ay hindi tumutugon sa pangangailangan
ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya.
a. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
5. Uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaring magdulot ng sakit at
perwisyo sa tao.
a. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
6. Ito ay isang bagay na ginagawa para maibenta at magamit upang
makamit ang kasiyahan.
a. Kagamitan b. kalakal c. Laruan d. Produkto
7. Ayon sa batas na ito, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa
isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.
a. law of Diminishing Marginal Utility
b. Law of Demand and Supply
c. Law of Interaction
d. Law of Purchasing Power of Peso.
8. Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay
tinatawag na _____________.
a. Happiness b. Satisfaction c. Utility d. Goods
9. Ang kasiyahang natatamo ay nasusukat sa pamamagitan
ng_________________?
a.Happy Meter b. Satisfaction rate c. Marginal Utility d. PriceGoods
10. Ayon sa kanyang “Hunger in the Contemperary World” may tuwirang
relasyon ang kita at pagkonsumo sa pagkain.
a. Karl Marx b. Adam Smith c. Amartya Sen d. Plato

II.Pag-uuri. Isulat ang Titik T kung tuwiran; P kung produktibo; M kung maaksaya at MP
kung mapanganib ang mga sumusunod na pahayag o pangungusap.

_____ 11. Pag-inom ng gatas bago matulog

_____ 12. Labis na pag-inom ng alak.

_____13. Paggagawa ng mga paso mula sa mga sirang gulong ng sasakyan.


_____ 14. Paghahabi ng tela upang gawing damit.

______15. Panunuod ng telebisyon at pakikinig ng radio.

______16. Pagbili ng softdrinks dahil mainit ang panahon

______17. Paggamit ng kahoy sa pagkumpuni ng mga silya

______18. Pagdidilig ng halaman kahit umuulan.

______19. Paggamit muli ng mga papel.

______ 20 Pagbili ng maraming sapatos upang ipagmalaki sa kaibigan at mga


kabarkada

Balikan
Gawain 2: SMILE KA DIN KAHIT KAUNTI

Sagutin ng buong katapatan ang checklist. Lagyan ng kung May natutuhan,

Di gaanong natutuhan at Di-natutuhan ang bawat aytem.

Aytem Natutuhan Di-Gaanong Di natutuhan


natutuhan

1. Tradisyunal na Ekonomiya

2. Market Economy

3. Command Economy

4. Mixed Economy

5. Alokasyon

6. Pangangailangan at kagustuhan

7. Kakapusan

8. Kakulangan

9. Prodyuser

10. Konsyumer

Matapos mong maorganisa ang iyong paunang


Kaaalaman tungkol sa pagkonsumo,
ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin
upang higit mong maunawaan ng mas malalim
ang konsepto nito.
Tuklasin

GAWAIN 3. WORD HUNT

Hanapin at bilugan ang mga sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba.


Ang salita ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad.

1. Kasiyahan 6. Produksyon
2. Maaksaya 7. Produktibo
3. Mapanganib 8. Produkto
4. Pagkonsumo 9. Serbisyo
5. Pangangailangan 10. Tuwiran

P M A P A N G A N I B
A A N A S G N K I P I
N A G A A N A L O S E
G K A K B A T A T E S
A S R T O G K N N R A
N A S I N N A B A B I
G Y A B G A S A L I N
A A T O N B W U U S T
I T U W I R A N M Y O
L E P R O D U K T O W
A P R O D U K S Y O N
N I U S A B U L K A N
G O B I T K U D O R P
A N A T A E S T A T E
N A H A Y I S A K M E

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong mga salita/konsepto na tila bago sayo?


2. Sa iyong palagay, sa anong bagay o paraan nagkakaroon ng
ugnayan ang mga salita/konseptong ito?
Gawain 3: Pag-isipan Mo……
Suriin

Sa panahon na kumakalat ang epidemya na COVID 19 sa bansa


maraming mamamayan ang naapektuhan at nawalan ng pagkakakitaan
upang makabili ng pang-araw-araw na pangangailangan. Ang
Pamahalaan ay nagkaroon ng Social Amelioration Program na nagbibigay
ayuda sa mga piling mamamayan ng bansa na sobrang naapektuhan ng
epidemya. Isa sa mga nabigyan ng ayuda sa halagang P 6,500.00 ay si
Aling Auring na isang Senior Citizen at walang natatangap na anumang
benepisyong pensyon. Pagkatanggap ni Aling Auring ng kanyang ayuda ay
daglian siyang nagpunta sa isang grocery upang mamili.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga produktong pagkain ang bibilhin ni Aling Auring?
2. Ano ang naging pamantayan niya sa pagpili ng mga produkto?

Matapos mong malaman ang mga paunang


impormasyon tungkol sa paksang-aralin,
ngayon naman ay iyong aalamin ano nga ba
ang pagkonsumo at gaano nga ba ito
kahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay
ng tao.

PAUNLARIN

KAHULUGAN NG PAGKONSUMO

Ang Pagkonsumo ay ang pagbili o paggamit ng mga produkto


serbisyo upang matugunan ang pangangailangang ng tao. Ayon kay
Amartya Sen sa kanyang “Hunger in the Contemporary World may
tuwirang relasyon ang kita at pagkonsumo sa pagkain. Dahil pagkain
ang pangangailangan ng mundo. May world food problem na tila
walang katapusang at bagkus ay patuloy na lumalala. Ang
pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang
pagkasilang sa mundo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay
patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang napakaraming
pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may
pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na
“An Inquiry in the Nature and Causes of the Wealth of Nations”,
ang pangunahing layunin ng produksiyon ay pagkonsumo ng mga
tao.

PRODUKSYON PAGKONSUMO

Produksyon Produkto at Serbisyo

Paggawa Pagkonsumo

Dayagram 1

Ipinapakita sa dayagram 1.1 ang patuloy na ugnayan ng dalawang


mahalagang ekonomikong aktibidades ng tao—ang produksyon at pagkonsumo.
Mahalaga ang prosesong ito sa usapin ng ekonomiks dahil dito nakasalalay ang
pagsasagawa ng iba’t-ibang gawain sa alinmang ekonomiya. Ang produksyon o
paglikha ng mga produkto at serbisyo ay mawawalan ng kabuluhan kung hindi bibili at
gagamit ng produkto ang mga tao.
Ibig sabihin ang pagkonsumo ng tao ang magpapaunlad at magpapalawak ng
produksyon sa isang bansa kaya madalas nating naririnig na walang produksyon kung
walang pagkonsumo.

Gawain 4: PAG-ISIPAN MO!


Kapag ikaw ay bumili at uminom ng softdrinks ikaw ba ay
konsyumer or prodyuser? Batay sa iyong nabasa bakit
mayroong pagkonsumo? Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

Mga Uri ng Pagkonsumo


Ang uri ng pagkonsumo na
nagaganap kapag ang ating pagbili at
paggamit ng produkto at serbisyo ay
nakapagdudulot sa atin ng agarang
kasiyahan at kapakinabangan.
TUWIRAN O Halimbawa, kapag kumain ka ng
DIREKTA pandesal upang tugunan ang iyong
pagkagutom at matapos ito, napawi
ang iyong pagkagutom. Ang
pagkapawi ng gutom ay isang uri ng
pagtugon sa ating pangangailangan
na nakapagdudulot ng kasiyahan sa
atin.

Nagaganap kapag bumili tayo ng


produkto upang gamitin sa paglikha ng
ibang produkto o serbisyo. Halimbawa
PRODUKTIBO ang pagbili ng karayom upang gamitin
sa pananahi ng damit na iyong isusuot.
Ang uri ng pagkonsumo na ang pagbili
at paggamit ng produkto ay hindi
tumutugon sa pangangailangan ng
mamimili at hindi nagdudulot ng
MAAKSAYA kasiyahan sa kanya. Maaaring ang
ginagawang pagbili ay bunga ng mga
salik na nakaiimpluwensiya sa ating
pagkonsumo. Halimbawa ng ganitong
uri ay ang pagbubukas ng ilaw kahit
maliwanag.

Ang uri ng pagkonsumo ng mga


bagay na maaaring magdulot ng sakit
o perwisyo sa tao. Ang pagbili at
MAPANGANIB paggamit ng mga ipinagbabawal na
gamot ay isang halimbawa nito dahil
nagdudulot ito ng kasiyahan sa
gumagamit nito, ay nagsisilbing banta
rin sa kalusugan ng tao

Pagkonsumo batay sa Marginal Utility


• Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay
tinatawag na utility. Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng marginal utility.

• Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ang pakinabang o kasiyahang


nakukuha mula sa isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na
pagkonsumo.
Gawain 5: Pagkonsumo’y Kilalanin
Batay sa iyong binasang teksto, kompletuhin ang Halimbawa ng
nilalaman ng graphic organizer sa ibaba. Produkto

? ?

? ?

Mga URI ng
Pagkonsumo ? ?

? ?

Gawain 6: FILL the BOX

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin sa pamamagitan


ng paglalapat ng titik sa mga kahon upang makabuo ang kasagutan.

1. Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag ang ating pagbili at


paggamit ng produkto at serbisyo ay nakapagdudulot sa atin ng agarang
kasiyahan at kapakinabangan.

T W R N G P G K S U O
2. Uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at
perwisyo sa tao.

M P N I B
3. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang
matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan.

P G N S M
4. Ang biniling produkto o serbisyo ay ginagamit sa produksyon ng iba’t-ibang
produkto o serbisyo.

P O D K B O
5. Ito ay isang bagay na ginagawa upang maibenta at magamit upang
makamit ang kasiyahan.

P R D T O

6. Ayon sa batas na ito, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa


isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.
L W O F D M N S H N G
M R G N L U T L T Y

7. Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay


tinatawag na.
U I I T Y

8. Ang ginagamit sa pagsukat ng kasiyahang natatamo sa paggamit ng mga


produkto at serbisyo.

M R I N L U T L I Y
9. Ang pagbili ng produkto o serbsyo ay hindi tumutugon sa pangangailangan
ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya.

M A K S Y
10. Ayon sa kanyang “Hunger in the Contemporary World may tuwirang relasyon
ang kita at pagkonsumo sa pagkain.

A M R T A S N

Isaisip
Gawain 7: MIND MAP
Isulat sa bawat bilog mind map ang mga kahulugan ng bawat uri
ng pagkosumo at sa text box naman ay isulat ang mga halimbawa ng mga produkto o
serbisyo.

PRODUKTIBO TUWIRAN

PAGKONSUMO

MAPANGANIB MAAKSAYA
Isagawa

Gawain 8: I-lis-tahanan

Gumawa ng isang lingguhang schedule ng mga pagkain, produkto o


serbisyo na kinakailangan sa panahon na may sakuna, kalamidad o
epidemya na maaaring kinokonsumo sa loob ng tahanan.

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga produktong pagkain o serbisyo ang iyong binigyang
pansin?
2. Ano ang naging pamantayan mo sa pagpili ng mga produkto?

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang


matugunan ang mga pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan.
b. Pagkonsumo b. Produksyon c. Alokasyon d. Distribusyon
2. Ang biniling produkto o serbisyo ay ginagamit sa produksyon ng iba’t-ibang
produkto o serbisyo.
b. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
3. Ang uri ng pagkonsumo na nagaganap kapag ang ating pagbili at paggamit ng
produkto ay nakapagdudulot sa atin ng agarang kasiyahan at kapakinabangan.
a. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
4. Ang pagbili ng produkto o serbsyo ay hindi tumutugon sa pangangailangan
ng mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya.
b. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
5. Uri ng pagkonsumo ng mga bagay na maaring magdulot ng sakit at
perwisyo sa tao.
b. Maaksaya b. Mapanganib c. Produktibo d. Tuwiran
6. Ito ay isang bagay na ginagawa para maibenta at magamit upang
makamit ang kasiyahan.
a. Kagamitan b. kalakal c. Laruan d. Produkto
7. Ayon sa batas na ito, ang pakinabang o kasiyahang nakukuha mula sa
isang kalakal o paglilingkod ay bumababa sa patuloy na pagkonsumo.
a. law of Diminishing Marginal Utility
b. Law of Demand and Supply
c. Law of Interaction
d. Law of Purchasing Power of Peso.
8. Ang kasiyahang nakukuha ng tao mula sa isang kalakal o serbisyo ay
tinatawag na _____________.
a. Happiness b. Satisfaction c. Utility d. Goods

9. Ang kasiyahang natatamo ay nasusukat sa pamamagitan


ng_________________?

a.Happy Meter b. Satisfaction rate c. Marginal Utility d. PriceGoods

10.Ayon sa kanyang “Hunger in the Contemperary World” may tuwirang


relasyon ang kita at pagkonsumo sa pagkain.

a. Karl Marx b. Adam Smith c. Amartya Sen d. Plato

II.Pag-uuri. Isulat ang Titik T kung tuwiran; P kung produktibo; M kung maaksaya at MP
kung mapanganib ang mga sumusunod na pahayag o pangungusap.

_____ 11. Pag-inom ng gatas bago matulog

_____ 12. Labis na pag-inom ng alak.

_____13. Paggagawa ng mga paso mula sa mga sirang gulong ng sasakyan.

_____ 14. Paghahabi ng tela upang gawing damit.

______15. Panunuod ng telebisyon at pakikinig ng radio.

______16. Pagbili ng softdrinks dahil mainit ang panahon

______17. Paggamit ng kahoy sa pagkumpuni ng mga silya

______18. Pagdidilig ng halaman kahit umuulan.

______19. Paggamit muli ng mga papel.

______ 20 Pagbili ng maraming sapatos upang ipagmalaki sa kaibigan at mga


kabarkada
Ekonomiks: Araling Panlipunan. Modyul sa Mag-aaral
pp.60-62

Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, pp. 86-90

Project EASE: Modyul 5 Pagkonsumo

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1. A 11. T
2. C 12. MP
3. D 13. P
4. A 14. P
5. B 15. M
6. D 16. T
7. A 17. P
8. C 18. M
9. C 19. P
10. C 20. M

May pagkakaiba-iba ng sagot ang mga mag-aaral sa mga gawain


May
pagkakaiba
sa mga
produkto o
serbisyong
ilalagay

FILL THE BOX

1. TUWIRANG PAGKONSUMO 6. LAW OF DIMINISHING MARGINAL UTILITY


2. MAPANGANIB 7. UTILITY
3. PAGKONSUMO 8. MARGINAL UTILITY
4. PRODUKTIBO 9. MAAKSAYA
5. PRODUKTO 10. AMARTYA SEN

May pagkakaiba sa mga magiging kasagutan ng mga mag-aaral


Tayahin: Assessment
1. A 11.T
2. C 12.MP
3. D 13.P
4. A 14.P
5. B 15.M
6. D 16.T
7. A 17.P
8. C 18.M
9. C 19.P
10. C 20.M

Inihanda ni:
LENDY C. LACANILAO
Pasig National High School
Candaba

You might also like