You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

9
ARALING
PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jovy Pongase Arebado, Arlyn E. Villanueva, Centy Davis B. Santos, Jayson
B. Bonaobra, Niño Salvador Bacerdo, Florence Florentino, Maria Grace
Alejandrino, Mayette De Leon Ricafort
Editor: Jay Orongan, Ria F. Dela Cruz, Mayette De Leon Ricafort
Tagasuri: Ruth R. Reyes
Tagaguhit: Eric De Guia – BLR Production Division
Tagalapat: Johnny Fred Limbawan
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin .......................................................................................1

Modyul 1 & 2 ...............................................................................3

Modyul 3 & 4 ...............................................................................10

Modyul 5......................................................................................18

Modyul 6 & 7 ...............................................................................24

Modyul 8......................................................................................33

Tayahin .......................................................................................43

Susi sa Pagwawasto......................................................................45

Sanggunian ............................................................................. 46
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto serbisyo na gusto at kayang bilhin ng


mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon?

A. Batas ng Demand C. Batas ng Supply


B. Demand D. Supply

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salik ng demand?

A. Klima, teknolohiya, kagastusan, espekulasyon


B. Kita, teknolohiya, subsidy, buwis
C. Ekspektasyon, buwis, teknolohiya, populasyon
D. Okasyon, presyo ng ibang produkto, kita, panlasa

3. Ito ay salita mula sa wikang Latin na nangangahulugang “All other things are
equal”, mahalaga ito sa konsepto ng demand at supply. Ano ito?

A. Aequalis Omnimodus C. Rerum Reditus


B. Ceteris Paribus D. Dare Omnis

4. Ito ay tumutukoy sa dami ng ng produkto o serbisyo na handa at kayang


ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo sa isang takdang panahon.

A. Supply C. Alokasyon
B. Demand D. Pangangailangan

5. Ang surplus o kalabisan ay nagaganap kapag…

A. ang demand sa produkto ay mas mataas kaysa suplay nito.


B. ang demand sa produkto ay mas mababa kaysa sa suplay nito.
C. ang demand sa produkto ay kapantay ng suplay nito.
D. Wala sa nabanggit

6. Ang shortage o kakulangan ay nagaganap kapag…

A. ang demand sa produkto ay mas mataas kaysa suplay nito.


B. ang demand sa produkto ay mas mababa kaysa sa suplay nito.
C. ang demand sa produkto ay kapantay ng suplay nito.
D. Wala sa nabanggit

1
7. Maituturing na may ekwilibriyo kapag…

A. ang konsyumer at prodyuser ay nagkasundo sa presyo at bilang ng


produkto o serbisyo na kaya at nakahanda nilang bilhin at ipagbili.
B. Ang prodyuser ay malayang nakakapagtakda ng presyo ng kanyang
produkto at dami ng kanyang nais na ipagbili
C. Ang konsyumer ay may kalayaang magtakda ng presyo ng produktong nais
nyang bilhin
D. Wala sa nabanggit

8. Saang lugar nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser?

A. pamilihan C. simbahan
B. pabrika D. negosyo

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng pamilihan?

A. lokal
B. panrehiyon
C. pandaigdigan
D. panlabas

10. Isang mahalagang institusyon sa ating bansa na ang pangunahing tungkulin ay


paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.

A. Ahensya C. Pamilihan
B. Tao D. Pamahalaan

2
MODYUL 1 & 2

Sa nakalipas na yunit ay natutunan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-


aaral ng ekonomiks. Bilang bahagi ng lipunan, natutunan din na ang pagkakaroon
ng matalinong pagdedesisyon ay isang katangiang magagamit ng tao sa lahat ng
pagkakataon.
Ang araling ito naman ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isa sa
mga batayang kaisipan ng ekonomiks. Matutukoy ang kahulugan ng Demand at
kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa ating pamilya at sa
komunidad.

Sa oras na matapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang,


● natutukoy ang kahulugan ng Demand;
● naiuugnay ang demand sa pang araw araw na pamumuhay ng isang
pamilya;
● nauunawaan ang kilos o gawi ng mamimili sa pagsusuri ng demand;
● nasusuri ang mga Salik na nakakaapekto sa demand at
● matalinong nakapagdedesisyon na dulot ng pagbabago bago ng salik na
nakakaapekto sa demand

Aralin
Demand
1

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at


kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Demand

Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na


ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang
presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang
ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik
ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw
at ang iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo,
ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa
tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang
iyong bibilhin.

3
Demand Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng
demand schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami
na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa
susunod na pahina ang halimbawa ng demand schedule.
Demand Schedule para sa Face Mask
Presyo bawat piraso Quantity Demanded
Php 35 10
30 20
25 30
20 40
15 50
10 60

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity


demanded para sa facemask sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang
sampung piso (Php10.00) bawat piraso ng face mask, animnapu (60) ang dami ng
gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong labinlimang piso (Php15.00)
bawat piraso, limangpung (50) piraso naman ang gusto at kayang bilhin ng mga
mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging tatlumputlimang piso (Php35.00)
ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa
facemask. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at
quantity demanded ng facemask para sa mamimili.

Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo


sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay
tinatawag na demand curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng
ugnayan ng presyo at quantity demanded.

4
Demand Curve

Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan.


Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity
demanded ay mabubuo ang demand curve para sa facemask. Halimbawa, sa
punto A na ang presyo ay animnapung piso (60), sampu (10) ang dami ng
facemask na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang presyo ay
labinglimang piso (Php15), limampu (50) ang dami ng facemask na gusto at
handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang
punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang
kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa
dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Halimbawa, ang paggalaw sa kurba
mula punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula
animnapung piso (Php60) pababa ng limangpung piso (Php50), ang demand sa
facemask ay tataas ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas
ng presyo makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung
(10) piraso.

Demand Function
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng
presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang
presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa

5
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at
kayang bilhin ng mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand
function ay sa equation na:
Qd = a – bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

∆Qd
b=
slope= ∆P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong
pagbabago sa presyo.
Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang
demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.
Demand Function mula sa Demand Schedule para sa facemask:
Qd = 60 – 10P

Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?

Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P

Qd = 60 – 10(5) Qd = 60 – 10 (1)

Qd = 60 – 50 Qd = 60 – 10

Qd= 10 piraso Qd = 50 piraso

Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity


demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na
P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula
rito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa
naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand maliban sa Presyo

● Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagbago ng demand


para sa isang partukular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao,
tumataas ang kanyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.
Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kanyang kakayahang bumili ng
produkto ay nababawasan.

6
● Panlasa o kagustuhan- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang
pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang produkto o serbisyo ay naaayon
sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito.

● Dami ng Mamimili- Maaari ring magpataas ng demand ng indibidwal ang


tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang
produkto, nahihikayat kang bumili.

● Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo- Masasabing


magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay
komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga
produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang
produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat
anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto.

● Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap o ekspektasyon-


kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular
na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng
nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.

● Populasyon- Ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang


pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng bilang ng mga konsyumer
na siyang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang kumukonsumo ng
mga produkto ay tumataas ang demand sa iba’t-ibang produkto.

7
Panuto: Tukuyin kung Demand Up  o Demand Down ang inilalarawan ng mga
sumusuonod na sitwasyon.

______________ 1. Noong buwan ng Abril 2020, ang halaga ng face shield sa


pamilihan ay P 50.00 bawat isa. Makalipas ang dalawang
buwan, naging P 20.00 na lamang ang halaga nito.

______________ 2. Mabili ang alcohol na Brand X sa halagang P 50.00 bawat bote


na may sukat na 500ml, samantalang ang Brand Y naman ay
nagkakahalaga ng P 80.00 bawat bote na may sukat na 500 ml.
Itinaas ang presyo ng Brand X sa P 60.00, ano ang mangyayari
sa demand para sa brand Y.

______________ 3. Ang Barangay A ay may populasyong 50, 000 na kumukonsumo


ng 1500 kaban ng bigas bawat buwan. Ang presyo ng bigas ay P
1,500.00 bawat kaban. Hindi naman tumataas ang presyo ng
bigas ngunit patuloy naman ang pagtaas ng populasyon. Ano
ang mangyayari sa demand para sa bigas?

______________ 4. Ang isang generic na vitamin C ay nagkakahalaga ng P7.00 sa


mga botika, ngunit dahil sa pangangailangan nito dulot ng
kaganapan bunga ng pandemya, tumaas ang halaga nito sa
P8.00 bawat isa, ano ang mangyayari sa demand para rito?

______________ 5. Ang pamilya Manaloto ay kumikita ng P 50,000.00 bawat


buwan. Kumukunsumo sila ng P30,000.00 para sa pagkain.
Nabawasan ang kita nila at naging P 40,000 na lamang ito dulot
ng pandemya. Ano ang mangyayari sa konsumo nila sa pagkain?

8
Panuto: Pumili ng 5 bagay sa loob ng inyong tahanan na sa palagay mo ay
naapektuhan ang Demand nito ngayong panahon ng Pandemya.Tukuyin kung
paano ito naapektuhan ng pandemya sa ikalawang hanay. At sa huling hanay ay
tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa Demand ang inilalarawan ng
ikalawang hanay. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot sa ganitong pormat:

Anong salik na
Paano ito naapektuhan
Bagay Nakakaapekto sa
ng pandemya?
Demand?

Marami ang bumibili ng


Halimbawa: facemask upang maiwasan
Panahon o Klima
Facemask ang pagkalat ng sakit
dulot ng Pandemya.

1.

4.

9
Modyul 3 & 4

Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman ukol sa mahalagang


konsepto at salik ng suplay (supply). Bilang mamamayan at bahagi ng lipunan ang
pagkatuto sa araling ito ay nagbubukas ng kamalayan kung papaanong
nakatutulong ang pag-aaral ng asignaturang ito sa pang araw-araw na
pamumuhay. Alam mo bang kahit ikaw ay mag-aaral pa lamang maaari kang
makatulong sa paglago ng ating komunidad at bansa. Isa sa kaparaanan ay ang
pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks higit sa ibat-ibang mga konsepto nito.
Halika, tuklasin at basahing mabuti.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin, Ito ay ang:


● Aralin 2 – Konsepto ng Suplay
● Aralin 3 – Mga Salik na nakaaapekto sa Suplay

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natatalakay ang konsepto at mga salik na nakaaapekto sa suplay sa pang-
araw –araw na pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan.
2. Nasusuri ang ibat-ibang mga konsepto at mga salik na nakaaapekto sa
suplay upang maunawaan ang direktang ugnayan nito sa kabuhayan.

Aralin KONSEPTO NG SUPLAY


2 (Supply)

Sumagi na siguro sa iyong isipan kung papaano nakatutulong ang paggawa


ng mga produkto tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Ito ay may direktang epekto
upang makamit ng bawat tao ang pangangailangan at kagustuhan. Sa
pamamagitan ng bawat tapos o gawang produkto mayroong pagkonsumo, isa sa
bumubuhay sa ekonomiya ng bansa ang patuloy na pagdami at paglago nito.

Mula sa nakaraang modyul batid kong naunawaan mo na ang kahulugan ng


demand, kaya’t sa araling ito mabuti na malaman mo na kaugnay sa pagbili ng tao
ay ang mga produktong dumaan sa proseso upang ito ay makonsumo. Sa
pagkakataong ito pagtutuunan naman natin ng pansin ang mga prodyuser. Sa
pag-aaral ng supply malalaman natin ang kahandaan at kakayahan ng mga
prodyuser upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

10
Konsepto ng Suplay

Upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ang mga


prodyuser ay lumilikha ng mga produkto at magbigay serbisyo upang kumita.
Mula sa nakaraang aralin ang mga tao naman na komukunsumo ng mga
produktong ginawa ng mga prodyuser ay ang mga konsyumer.

Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at


kayang ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo sa takdang panahon.

Binanggit sa depinisyon ng suplay na ito ay tumutukoy sa dami, bilang


producer isinasaalang alang rin nila kung ilan ang bilang ng mga produkto o
serbisyo na kanilang gagawin upang hindi masayang at mawalan ng saysay ang
kanilang mga ginawa. Sakaling ito ay masayang ang kanilang mga Negosyo o
pagawaan ay malulugi.

Ang mga produkto at serbisyo bago ipagbili ng mga prodyuser ay dumadaan


muna sa ibat-ibang proseso. Suriin ang mga larawan sa ibaba upang maunawaan
ang prosesong nagaganap sa isang produkto bago makabuo ng “supply”

PROSESO SA SUPLAY
Mapapansing bago makabuo ng
mga produkto at suplay nito, ito ay
Kapag tumataas ang PRESYO,
dumaraan muna sa masusing
dinadagdagan din ang dami (QS) ng
pagpaplano at paglikha. Kinakailangang
produkto o serbisyo na handa at
ang mga prodyuser ay mayroong
kayang ipagbili ng mga prodyuser.
MATALINONG PAGDEDESISYON upang
maibahagi sa mga konsyumer ang sapat Gayundin naman kapag bumaba ang
na mga produktong kinakailangan nito. PRESYO bumababa rin ang QS.

DEMAND NG PRODUKTO mula sa PROSESO SA SUPLAY

Matapos magkaroon ng sapat na suplay ng mga produktong nalikha saka ito


dinadala sa mga pamilihan upang bilhin ng mga konsyumer para sa pang-araw
araw na pangangailangan o kagustuhan.

Katulad sa demand ang presyo ang pangunahing salik na nakaaapekto sa


pagbabago ng supply ng produkto at serbisyo sa pamilihan. Mapapansin nating
kapag may pagbabago sa presyo ng mga bilihin hindi lang pala sa dami ng
mamimili may malaking epekto, pati rin sa suplay ng mga produkto nagkakaroon
ng epekto sa mga pamilihan.

Paano nga ba ito nangyayari? Sundan sa susunod na bahagi ng modyul na ito.

11
Batas ng Supply

Noong nakaraang aralin ay tinalakay rin dito ang batas ng demand, kung
saan ito ay inverse kapag nagbabago ang presyo salungat ang pagbabago ng
demand ng tao (Kapag tumaas si Presyo bumababa ang Demand, vice versa).

Mayroon din naman tayong tinatawag na Batas ng Supply, ang katawagan


naman dito ay direct ipinapakita rito ang positibong ugnayan ng presyo at
quantity supplied (QS).

Quantity Supplied – ito ay tumutukoy sa bilang ng produkto o serbisyo na nagawa


ng mga prodyuser para ikonsumo ng mga mamimili.

Ito ang tinatawag na direktang ugnayan ng KAPAG TUMAAS ANG


Presyo at Suplay (Quantity Supplied).

Katulad sa Demand ang ganitong


pangyayari ay tinatawag na Ceteris Paribus P S
mula sa wikang latin na ang ibig sabihin ay R U
“all other things are equal”. Ipinapakita rito E P
na lahat ng salik o dahilan ng pagbabago sa S L
suplay maliban sa presyo ay hindi Y A
nagbabago. O Y

Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing


ang mga prodyuser ay magdedesisyon na
TUMATAAS RIN ANG QS
gumawa ng mga produkto o magkaloob ng
serbisyo, ang presyo ang kanilang
pangunahing pinagbabatayan. Kaya naman bilang prodyuser kailangan rin nilang
isaalang alang ang pagbabago sa presyo upang hindi malugi at kumita. Kaya
naman sakaling tumataas ang presyo ng kanilang mga produkto mas pinaparami
nila ang suplay nito upang mas malaki ang kikitain. Sakali namang bumaba ang
presyo ng kanilang produkto binababaan o kinokontian nila ang suplay nito upang
kahit papaano hindi malugi at mawalan ng kikitain.

Halimbawa:

● Ikaw ay prodyuser o nagnenegosyo ng Jam, dumating ang


panahon na tumaas ang presyo ng mga jam sa pamilihan. Upang
kumita at magkaroon ng paglago sa iyong Negosyo, tinaasan mo
ang suplay ng iyong produkto.

● Mapapasin mo bilang prodyuser ang pagtaas ng kita ng


iyong binebenta sapagkat kumpara sa dati mong presyo at dami
ng binebenta mas marami ang iyong kinita kasabay ng pagbabago
ng presyo nito.

Dahil sa ganitong mga pagkakataon higit ang pagnanais ng mga prodyuser na


magbenta ng mas marami (mag suplay ng mas marami pang produkto) kapag mas
mataas ang presyo.

12
Upang higit na maunawaan mo pa ang konsepto ng suplay mayroong mga
karagdagang kaalaman na ginagamit ang mga ekonomista upang mas maipakita sa
mga datos ang pagbabago ng supply dahil sa presyo.

Aralin IBA PANG MGA SALIK NA


3 NAKAAAPEKTO SA SUPLAY
May iba pang salik na nakaaapekto sa supply maliban sa presyo. Upang
makabuo ng matalinong desisyon ang mga prodyuser sa paglikha ng produkto,
mahalagang malaman at masuri ang mga salik na ito.
1. Pagbabago sa Teknolohiya
Bilang mag-aaral, paano nakatutulong ang teknolohiya upang mapadali
ang iyong mga gawain? Paano napapagaan ng teknolohiya ang buhay ng
isang tao? Sadyang lubos na
nakatutulong ang paggamit ng
makabagong teknolohiya sa buhay
natin araaw-araw. Ang modernong
teknolohiya ay may malaking
natutulong sa mga prodyuser sa
paglikha ng mas maraming supply ng
produkto. Dahil dito, maaaring
bumaba ang halaga ng produksiyon na
lalong hihikayat sa mga prodyuser na
dagdagan ang kanilang supply.

2. Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon


Iyo pa bang natatandaan ang iba’t ibang salik sa paglikha ng produkto? Ito
ay binubuo ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Ang pagbabago
sa halaga ng bawat salik ng produksiyon ay may malaking epekto sa
paglikha ng mga produkto. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik,
mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon
kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng
presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang
gastos sa produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply.

Halimbawa, nagkaroon ng
pagtaas ng presyo ng asukal na
pangunahing salik sa paglikha
ng softdrinks. Ito ay
magdudulot ng pagtaas ng
halaga ng softdrinks at
pagbaba ng produksiyon nito.

13
3. Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand.
Dahil sa pagtangkilik ng mga mamimili sa mga produktong nauuso ay
nagaganyak ang mga prodyuser na lumikha ng mas marami at magtinda
nito.

Halimbawa, nauuso ang pagtitinda


ng frappe, milktea, ube pandesal at
unli wings, mas marami ang
nahihikayat na magtinda ng
kaparehong produkto.

4. P
agbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto

Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa


quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito.

Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa


panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang
gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot
ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.

S
S
U
U
P
P
P P
L
L
Y
Y

5. Ekspektasyon ng Presyo

May mga pagkakataaon na inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang


halaga ng kanilang produkto sa madaling panahon, kung kaya't ilan sa
kanila ay nagtatago ng produkto upang ibenta ito sa mas mataas na
presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na
nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan.

Halimbawa, sa panahong ito ay may kinakaharap tayong


pandemiya. Tumaas ang demand ng face mask, face
shield, at alcohol. May ilang mapagsamantalang
negosyante na nagtatago ng kanilang supply dahil sa
inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag
nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng face
mask, face shield, at alcohol, muli nilang ilalabas sa
pamilihan ang mga itinagong produkto.

14
Gawain: 4 PICS 1 WORD

Bago natin malaman ang depinisyon ng suplay, subukan muna nating alamin ang
mga terminong may kinalaman dito. Ano ano nga ba ang bumubuo na mga salita
upang bigyan tayo ng paunang kaalaman sa suplay? Buuin ang mga salitang
hinahanap mula sa mga larawang ipinapakita sa ibaba.

15
Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo maiuugnay ang nabuong salita mula sa larawan sa mga


prodyuser?

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______

Gawain (Ano ang Desisyon Mo?)


Ngayong nalaman na natin ang konsepto ng suplay, paano kung ikaw
ay magiging isang prodyuser? Ano-ano kaya ang iyong plano at desisyon sa
mga sitwasyong may kinalaman sa pagbabago bago ng presyo sa pamilihan?
Sundan ang sumusunod na gawain sa ibaba.

Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat at ipaliwanag sa


bawat patlang ang iyong desisyon sa bawat sitwasyon patungkol sa suplay.

1. Mayroon kang sari-sari store at marami kang nakatabing de-lata na


nabili mo lamang nang mura. Makalipas ang ilang araw, tumaas ang
presyo nito. Ano ang gagawin mo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________

2. Tumataas ang gastos sa produksiyon dulot ng pagtaas ng halaga ng


mga materyales. Hindi ka makapagtaas ng presyo sapagkat marahil
marami ang hindi na bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________

16
3. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang
banta ng kalamidad at krisis sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano
mo mapatatatag ang iyong negosyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________

17
Modyul 5

Ang modyul na ito ay nilikha batay sa iyong pangangailangan bilang mag -


aaral. Naglalayon itong mabigyan ka ng angkop at sapat na kaalaman upang
maunawaan ang nilalaman ng asignaturang Ekonomiks. Ang mga aralin ay
nakaayos batay sa pamantayang pagkakasunod – sunod na itinakda para sa
asignaturang ito. Ang wikang ginamit para sa modyul na ito ay akma sa lahat ng
mga mag – aaral na gagamit rito.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagkamit ng kasanayang pampagkatuto na:


• Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo
at pamilihan.

Sa oras na matapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang,


• natutukoy ang kahulugan ng pamilihan;
• naisa – isa ang mga aktor sa interaksyon ng demand at suplay; at
• nauunawaan ang konsepto ng ekwilibriyo, disekwilibriyo, kakulangan at
kalabisan

Aralin
Interaksyon ng Demand at Suplay
4

Alis muna tayo!


Tingnan ang larawan sa bahaging ito
ng modyul.
Kung ikaw ay pupunta sa
pinakamalapit na pamilihan sa inyong
lugar, ano – ano kaya ang sa tingin mo
na mabibili mo rito? Ilista ang iyong
kasagutan sa kahon sa ibaba.

18
Ikaw ba ay nakarating na sa mga lugar na katulad ng ipinapakita sa larawan? Ano
ang iyong masasabi o paano mo mailalarawan ang lugar sa itaas?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ano ang mga naiisip mong dahilan ng pagpunta ng mga tao sa mga lugar na
katulad ng nasa itaas?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Batay naman sa mga nailista mo sa kahon, masasabi mo bang mabibili mo ang


lahat ng mga nailista mo? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan, lubos nating mauunawaan ang tunay na


kahulugan ng salitang pamilihan, ang mga tao na nagtutungo rito at ang mga
pagbabagong nagaganap na bunga ng mga kaganapan sa pamilihan.

Interaksiyon ng Demand at Suplay

Sa mga nakaraang aralin, parehas mong natutunan ang relasyon sa pagitan


ng presyo at demand at presyo at suplay. Isinasaad sa Batas ng Demand na
habang ang presyo ay tumataas, ang demand naman ay bumababa, gayundin
naman kung ang presyo ay bumababa, ang demand naman ay tumataas. Sa Batas
ng Suplay naman, kasabay ng pagtaas at pagbababa ng presyo ang pagbaba at
pagtaas ng suplay.

Sa pagkakataong ito, ang tatalakayin natin ay ang nagaganap na


interaksyon sa pagitan ng presyo, antas ng demand at antas ng suplay, ngunit
bago tayo magpatuloy, kinakailangang nalalaman natin kung saan at kailan ba
nagaganap ang interaksyon ng demand at ng suplay.

Kung ating babalikan ang gawain sa bahagi ng Tuklasin, iyong mapapansin


ang isang halimbawa ng tinatawag na pamilihan.

19
Pamilihan

Ito ay tumutukoy sa isang mekanismo kung saan


ang mamimili at nagtitinda ay nagkakaroon ng
transaksiyon ng upang makabili at makapagtinda ng mga
produkto o serbisyo na kanilang handang bilhin at
ipagbili. Ang pamilihan ay hindi lamang limitado sa
palengke, supermarket at malalaking tindahan, kahit ang
mga nauusong online store at cash – on – delivery shops
ay kabilang dito.

Ang pamilihan rin ang nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes sa pagitan


ng mamimili at ng bahay – kalakal.
Sa ang mga taong nagtutungo sa pamilihan ay mauuri natin sa dalawa, ang
mga mamimili o konsyumer na siyang gumagawa ng demand o sa madaling salita
ay sila ang mga taong nakahandang bumili ng produkto o serbisyo. Ang isa
namang pangkat ay ang mga nagtitinda o prodyuser na siya namang nagtutustos
ng kinakailangang suplay sa pamilihan.

Pamprosesong Tanong:

Bilang mag - aaral, bakit mahalagang maunawaan mo ang papel na ginagampanan


ng pamilihan sa interaksiyon ng demand at suplay?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Ekwilibriyo at Disekwilibriyo

Ang nagaganap na transaksiyon sa pagitan ng mga nagbebenta at mamimili


ay nakapagdudulot ng dalawang kaganapang pang – ekonomiko, ito ay ang
tinatawag na ekwilibriyo at disekwilibriyo.
Suriin natin ang market schedule na ito
Ano ang iyong napapansin sa quantity
demanded (Qd) at quantity supplied (Qs) sa
presyo mula 0 hanggang 2, sa 3 at sa 4 at 5?
Nagkaroon ba ng pagkakataon na nagpantay
ang Qd at Qs sa market schedule?

Ekwilibriyo
Ito ay tumutukoy sa kaganapan sa pamilihan kung saan ang bilang ng
produkto o serbisyo na nakandang ipagbili ng nagbebenta ay kapantay ng bilang
ng produkto at serbisyo na nakahandang bilhin ng mamimili sa isang partikular na
presyo. Tinatawag na ekwilibriyong presyo ang presyong napagkasunduan ng

20
nagbebenta at mamimili, ekwilibriyong dami naman ang tawag sa
napagkasunduang bilang ng produkto o serbisyo na nakandang bilhin at ipagbili.

Kung ating babalikang muli ang halimbawang


market schedule sa itaas, makikita natin doon
na sa presyong 3, ang quantity demanded (Qd)
at quantity supplied (Qs) ay parehas na 60.
Samakatuwid, ang ating ekwilibriyong presyo
ay 3, samantalang ang bilang ng produkto at
serbisyo na nakahandang bilhin at ipagbili ay
parehas na 60.

Disekwilibriyo

Nagaganap naman ito kung ang bilang ng nakahandang bilhin at ipagbili ng


mamimili at nagbebenta ay hindi nagpantay o nagparehas sa isang partikular na
presyo. Mauuri ang disekwilibriyo sa dalawa, ito ay ang shortage o kakulangan at
surplus o kalabisan.

Shortage o Kakulangan

Ang kakulangan o shortage ay nagaganap


kung ang quantity demanded (Qd) ay higit na
mas mataas kaysa sa quantity supplied (Qs),
sa mas madaling salita, hindi sasapat ang
bilang ng mga produkto at serbisyo na
handang ipagbili ng mga prodyuser at
nagtitinda sa bilang ng mga produkto na
nakahandang bilhin ng mga konsyumer,
kadalasan ito ay nagdudulot ng pagtaas ng
presyo ng produkto at serbisyo.

Ayon sa ating market schedule, sa


presyong 1, kapansin – pansin na ang
quantity demanded (Qd) na 50 ay higit kaysa
sa sa quantity supplied (Qs) na 10,
samakatuwid, sa halagang 1, limampu (50)
ang bilang ng nakahandang bilhin ng
mamimili samantalang sampu (10) lamang
ang nakahandang ipagbili ng nagtitinda. Ang
kaganapang ito ay isang halimbawa ng
shortage o kakulangan. Nang ang presyo ay tumaas at naging 2, nabawasan ang
bilang ng quantity demanded (Qd) na mula 50, ito ay naging 40 na lamang
samantalang ang quantity supplied (Qs) naman ay tumaas mula 10, ito ay naging
20 na. Ibig sabihin, sa pagkakataong tumaas na ang presyo, ang quantity
demanded (Qd) ay bababa at ang quantity supplied (Qs) ay tataas.

21
Surplus o Kalabisan

Ang kalabisan o surplus ay


nagaganap naman kung ang quantity
demanded (Qd) ay higit na mas
mababa kaysa sa quantity supplied
(Qs), ibig sabihin, ang bilang ng
produkto o serbisyo na nakahandang
bilhin ay mas mababa kaysa sa bilang
ng nakahandang ipagbili o supply ng
mga ito Kadalasan ay nagdudulot ito
ng pagbaba ng presyo ng isang
partikular na produkto.

Ayon sa ating market schedule, sa


presyong 4, mapapansin na ang quantity
demanded (Qd) na dalawampu (20) ay mas
mababa na kaysa quantity supplied (Qs) na
apatnapu (40). Ibig sabihin, sa halagang 4,
may mabili man ang lahat ng nakahandang
bilhin ng mamimili, may dalawampung (20)
pa rin kalabisan mula sa bilang ng
nakahandang ipagbili ng nagtitinda. Ganoon din ang mangyayari kung tataas pang
muli ng nagtitinda ang presyo, mas lalong bababa ang quantity demanded (Qd) at
tataas pang muli ang quantity supplied (Qs).

Ipinapakita sa
larawang ito
ang ugnayan
ng demand
curve (A) at
supply curve
(B), at ang
punto ng
ekwilibriyo (C).

22
Gawain: Market Schedule
Panuto: Suriin ang market schedule ng isang litrong alcohol na isa sa mga naging
pangunahing pangangailangan ngayong panahon ng COVID – 19 Pandemic.
Tukuyin ang sitwasyon kung ito ba ay ekwilibriyo, shortage o surplus.
Market schedule ng 1 litrong alcohol

(*ang mga ginamit na presyo rito ay tinantiya lamang)


Quantity Quantity
Punto Presyo (P) Sitwasyon
demanded (Qd) supplied (Qs)
A 50 40 10
B 100 35 15
C 150 30 20
D 200 25 25
E 250 20 30
F 300 15 35
G 350 10 40

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa market schedule sa itaas, ano ang naging ekwilibriyong presyo at
ekwilibriyong dami?
_____________________________________________________________________

2. Kung susuriing maigi ang market schedule, ano ang nangyayari sa Qd at Qs


sa tuwing tumataas ang presyo?
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Bilang isang konsyumer o mamimili, ano ang iyong gagawin kung


magkaroon ng shortage o surplus sa produktong kailangan mo?
Shortage: _________________________________________________________________
Surplus: __________________________________________________________________

4. Kung ilalagay mo ang iyong sarili sa kalagayan ng mga nagtitinda, ano ang
gagawin mong pagtugon kung maganap naman ang shortage o surplus sa
produktong itinitinda mo?
Shortage: _________________________________________________________________
Surplus: __________________________________________________________________

23
MODYUL 6 at 7

Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahalagang konsepto na


binibigyang pansin sa pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat tao ay may
pangangailangan na dapat tugunan ngunit hindi lahat ay kayang gumawa o
magprodyus upang matugunan ang mga pangangailangang ito.

Sa pagtugon sa pangangailangan natin, papasok ang isang mekanismo ng


ekonomiya na nakaaalam kung may sapat bang mga produkto o serbisyo na siyang
tutugon sa walang hanggang pangangailangan at kagustuhan natin. Ito ang
Pamilihan, ang pokus natin sa araling ito.

Ano? Handa ka na ba para sa araling ito? Kung ready ka na, halina’t alamin
natin ang mga layunin para sa araling ito.

Inaasahan na iyong matutunan ang mga sumusunod na kasanayan.

• Mabibigyang kahulugan ang konsepto ng pamilihan.


• Mauunawaan at masusuri ang iba’t-ibang estruktura ng pamilihan.
• Madedebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsuri ng mga datos,
larawan at mga babasahin.

Aralin
Konsepto ng Pamilihan
5

Ang pagtugon sa pangangailangan ang isa sa mahalagang konsepto na


binibigyang pansin sa pag-aaral ng ekonomiks. Ang bawat tao ay may
pangangailangan na dapat tugunan ngunit hindi lahat ay kayang gumawa o
magprodyus upang matugunan ang mga pangangailangang ito. Tayong lahat ay
tinatawag na konsyumer. Mula pagsilang hanggang pagkamatay tayo ay
kumokonsumo ng mga bagay.

Basahin at unawain ang mensahe ng tula. Sagutan ang pamprosesong


tanong sa ibaba.

24
Pamilihan
Gng. Maria Grace G. Alejandrino

Samut-saring tao dito’y matatagpuan,


Ibat-ibang produkto, at serbisyo ating masisilayan.
Mga pangangailangan at kagustuhan di lang dito
makakamtan,
Sapagkat, maging online man kayraming pagpipilian.

Mgaa prodyuser at konsyumer minsa’y di magtagpo,


May mataas magtinda,
Mayroong ding abot kaya.
May mga mamimiling mahilig tumawad
Mayroon din naming madaling kausap.

Sa daming nagtitinda at bumibili,


Iyong katapat matatagpuan din sa bandang huli.

Pamprosesong Tanong

1. Tungkol saan ang tula?


2. Ano ang mensahe ng tula?
3. Anong estruktura ng pamilihan ang inilalarawan sa tula?

Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng konsyumer at prodyuser.


Ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang dalawang mahalagang tauhan sa
pamilihan. Dito nakakamit ng konsyumer ang kasagutan sa kanyang mga
pangangailangan. Ang mga prodyuser naman ang tumatayong tagatustos ng mga
produkto at serbisyo upang ikonsumo nating mga tao. Dito itinatakda kung anong
mga produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano ito karami.

Konsyumer – ang mga taong bumibili ng mga produkto o serbisyo na gawa


ng mga prodyuser.

Prodyuser – gumagawa ng mga produkto at serbisyo na binibili ng mga


konsyumer.

Ang pamilihan ay maaaring mauri (batay sa lawak) sa mga sumusunod:

1. Lokal - tulad ng mga sari-sari store kung saan nakakabili agad ng mga
pangangailangan

2. Panrehiyon - mga produkto tulad ng strawberry ng Baguio, danggit ng


Cebu at iba pang natatanging produkto ng mga probinsya.

25
3. Pambansa - mga prutas,gulay at bigas

4. Pandaigdigan - tulad ng produktong petrolyo, at online shopping

Aralin
Estruktura ng Pamilihan
6
Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral
sa merkado kung saan naipapakita ang ugnayan ng prodyuser at
konsyumer. Ito ay nahahati sa dalawa—ang pamilihang may ganap na
kompetisyon (Perfectly Competitive Market/PCM) at ang pamilihang may
hindi ganap na kompetisyon (Imperfectly Competitive Market/ICM)

Pamilihang May Ganap na Kompetisyon

Estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ganitong


sistema, walang sinuman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring kumontrol sa
takbo ng pamilihan lalo na sa presyo.

Hindi magagawang kontrolin ng prodyuser ang presyo sapagkat maraming


nagtitinda ng magkakatulad na produkto at serbisyo sa pamilihan.

Ang konsyumer naman ay hindi din maaring idikta ang presyo dahil
lubhang maarami ang konsyumer na maaaring bumili ng produkto at serbisyo
bukod sa kanya.

Narito ang mga katangian ng pamilihang may ganap na kumpetisyon ayon


kina Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2nd Edition
(2009):

• Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser- dahil dito, walang


kakayahan ang prodyuser at konsyumer na impluwensyahan ang presyo.

• Magkakatulad ang produkto (Homogenous)- magkakatulad ang mga


produkto kung kaya madaming pagpipilian ang mga konsyumer.

• Malayang paggalaw ng sangkap ng produksyon- dahil walang may kontrol


sa mga salik ng produksyon, maraming pwedeng pagkuhanan ng sangkap
para makabuo ng produkto. Dahil dito madaming produkto na
magkakatulad na pwedeng ipagbili sa merkado.

26
• Malayang pagpasok at paglabas sa industriya- ang pamilihan o ang
larangan ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat. Hindi maaring hadlangan ng
mga dating prodyuser ang mga papasok sa pamilihan, dahil dito mas
umiigting ang kumpetisyon.

• Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan- ang pagdaloy ng


impormasyon lalo na ukol sa presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng
lahat.

Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon

Tinatawag na pamilihang may hindi ganap na kompetisyon ang estruktura o


sistema kung wala ang anumang katangian na matatagpuan sa pamilihang may
ganap na kompetisyon. Sa ganitong sistema, ang mga prodyuser ay may
kapangyarihang maimpluwensyahan ang presyo sa pamilihan.

Anyo na Bumubuo sa Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon

► Monopolyo – anyo ng pamilihan nay may iisang prodyuser lamang na


gumagawa ng produkto o serbisyo kung kaya’t walang pamalit o kahalili nito. Dahil
dito, ang prodyuser ay may kakayahang impluwensyahan ang pagtatakda ng
presyo sa merkado. Ang mga sumusunod ay katangian ng monopolyo:

□ Iisa ang nagtitinda – dahil iisa lang ang nagtitinda nadidiktahan ng


prodyuser ang presyo batay sa tinatawag na profit max rule o ang pagnanais na
makakuha ng malaking kita.

□ Produkto na walang kapalit – ang mga produkto ay walang katulad kaya


nakokontrol ang presyo.

□ Kakayahang hadlangan ang kalaban – pumapasok dito ang paggamit ng mga


monopolista ng patent, copyright, at trademark gamit ang Intellectual Property
Rights para hadlangan ang mga nagnanais na pumasok sa industriya na kapareho
ng produkto at serbisyong nililikha nila.

Copyright – isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang


pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan,
o akdang pansining.

27
Patent – pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.

Trademark – paglalagay ng mga marka o simbulo sa mga produkto at serbisyo


na nagsisilbing pagkakakilanlan ng kumpanyang may gawa o nag-mamay-ari nito.

►Monopsonyo – sa ganitong anyo ng pamilihan ay mayroon lamang iisang


mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Dahil dito, may
kakayahan ang konsyumer na diktahan ang presyo sa pamilihan. Isang mainam
na halimbawa dito ay ang pamahalaan bilang mamimili, madaming prodyuser ng
mga serbisyo na kailangan nito tulad ng serbisyo ng guro, pulis at doktor.

►Oligopolyo – anyo ng pamilihan na may kakaunti o iilan lamang na prodyuser


na nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa
ganitong anyo, may kakayahan ang prodyuser na maimpluwensyahan ang presyo.
Ilan sa halimbawa ng ganitong produkto sa pamilihan ay ang semento, bakal,
ginto, at petrolyo. Maari din nilang gawin ang hoarding o pagtatago ng produkto
upang tumaas ang presyo nito.

►Monopolistic Competition – sa ilalim ng ganitong estruktura ng pamilihan,


maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng produkto sa pamilihan subalit
marami din ang konsyumer. May kapangyarihan pa din ang prodyuser na
magtakda ng presyo ng kanilang mga produkto. Dahil sa product differentiation,
ang katangian ng mga produkto ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig. Isang halimbawa dito ay ang sabon na may iba’t-ibang packaging,
labeling, presentasyon, at amoy o scent. Gumagamit din ang mga prodyuser ng
mga advertisement upang mas makilala ang kanilang produkto at kadalasan sila
ay gumagamit ng mga kilalang artista at modelo para makahatak ng mamimili.

Gawain 1: VENN DIAGRAM

Matapos mong Mabasa ang teksto,ngayon ay paghambingin mo ang mga


estruktura ng pamilihan sa pamamagitan ng paglalagay sa Venn Diagram ng
pagkakapareho at pagkakaiba ng katangian ang bawat estruktura.Gamiting gabay
ang mga pamprosesong tanong.

28
PAGKAKAIBA
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD

Pamilihang May Pamilihang May


Ganap na Hindi Ganap na
Kompetisyon Kompetisyon

Pamprosesong Tanong:
1. Anong dalawang estruktura ng pamilihan ang iyong pinaghambing?
2. Anong mga katangian na magkatulad ang dalawang estruktura na iyong
pinaghambing?
3. Sa anong katangian naman sila nagkaiba?
4. Bilang isang konsyumer,ano ang iyong pananaw sa dalawang estruktura ng
pamilihan

29
Gawain 2:

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa mga katanungan na makikita sa pahalang


at pababa ng crossword puzzle. Isulat sa loob ng kahon ang iyong kasagutan.

Pahalang: Pababa:
2. Iisa lang ang prodyuser 1. Product ___________ - produktong
4. Lugar ng transaksyon ng makapareho pero hindi
prodyuser at konsyumer magkahawig
5. Tumutukoy sa karapatang 3. Iisa lamang ang konsyumer
pagmamay-ari ng isang tao 7. Simbolo o marka sa mga produkto
6. Bumibili ng tapos na produkto at serbisyo
8. Dito nagaganap ang product 9. May maliit na bilang ng prodyuser
differentiation 10. Nagbebenta o gumagawa ng mga
produkto at serbisyo

30
Gawain 3: Repleksyon

Kompletuhin ang pahayag sa pamamagitan ng paglalagay mo ng


iyong mahahalagang natutunan sa aralin na ito.

Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng mga larawan ng iba’t-ibang
estruktura ng pamilihan at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa
ibaba.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong estruktura ng pamilihan ang iyong ipinakita sa collage?

2. Sa iyong palagay maliwanag bang naipakita sa iyong collage ang konsepto


ng estruktura ng pamilihan, Bakit?

3. Para sa iyo, Alin sa mga estruktura ng pamilihan ang pinakamabuti para sa


mga mamimili na katulad mo? Ipaliwang ang iyong sagot.

4. Paano mo maiuugnay ang news article sa Pamilihan at mga estruktura nito?

31
Rubriks sa COLLAGE

Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos

Nilalaman Naipakita ang iba’t-ibang 20


estruktura ng pamilihan.

Pagkamalikhain Ang pag-gamit ng mga 15


disenyo at biswal na
presentasyon ay akma
upang mas maging
maganda ang collage.

Kaangkupan sa Angkop sa tema ang 10


Tema ginawang collage.

Kalinisan Malinis ang pagkakagawa 5


ng collage.

KABUUANG PUNTOS 50

32
MODYUL 8

Ang mga gawain sa modyul na ito ay lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa


ugnayan ng pamilihan at pamahalaan. Upang higit na maunawaan ang mga ito,
halina at simulant mo munang gawin at sagutin ang susunod na mga gawain.

Sa katapusan ng araling ito, inaasahan na:

● Napapahalagahan ang bahaging ginampanan ng pamahalaan sa regulasyon


ng mga gawaing pangkabuhayan.

Aralin Ugnayan ng Pamilihan at


7 Pamahalaan
Ang mga gawain sa modyul na ito ay maglilinang ng inyong kaisipan hinggil
sa ugnayan ng pamahalaan sa pamilihan. Bakit kailangang makialam ng
pamahalaan sa ating pamilihan at kung ano ang magandang ibubunga nito para
sa mga konsyumer at prodyuser. Halina’t simulan na natin!

Gawain 1: WORD HUNT

Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba. Ang
salita ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad.

1. Monopolyo 6. Pamilihan
2. Oligopolyo 7. Konsyumer
3. Monopsonyo 8. Prodyuser
4. Monopolistic 9. Produkto
5. Ganap na kumpetisyon 10. Presyo

33
M A G H E R T Y D F H M A O P V G T
O L O R O Y N O S P O N O M W E R Y
O L I M O N O M O N O P O L R F G R
O E R P G A N A P N A G A N P L A H
Y E R R R R M O L P C O M P E T I O
S G O L O O L P C O M C E E I N E R
E H M O O O D G H R I A E O R A R T
R J G B N M I U T T R O G T R H Y I
P K T Y U I O T S R F Y H K O I Y O
G O R D A Y U I R E T L J U M L I Y
H I M E T Y L W O G R O K D G I R L
T R P Y Y O P E L P Y P O O G M R O
Y R R W P P O R I A H O I R H A O P
R J U O T Y N T G N U N I P N P M O
E M N T U U A Y A A J O L L J Y G N
W O K G Y H G G P G T M O O R U I O
M G A N A P N K O N S Y U M E R R M
M O N O P O L R L E T I S Y W E R T
M O N O P O L R Y K O M P E T Y R T
G A N A P N A K O M P E T I S Y O N

Prosesong Tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salita na inyong hinanap? Maari bang


kumuha ng isa sa mga salita at iyong bigyan ng kahulugan?

2. Sa inyong palagay, alin sa mga estruktura ng pamilihan ang mainam para


sa ating bansa at bakit?

Gawain 2: SURIIN MO!

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin sa pamamagitan ng


paglalapat ng titik sa mga kahon upang mabuo ang kasagutan.

1. Isang mahalagang institusyon sa ating bansa na ang pangunahing


tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
P A

2. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang


konsyumer at nagbibili o prodyuser upang magkaroon ng palitan.
A N

3. Ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser sa


kanyang produkto.
P C G

34
4. Pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
I L R

5. Tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa


pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng
emergency gaya na lamang ng kalamidad.
P F

Mga Tala para sa Guro


Sa bawat gawain ay nagpapamalas ka ng pagkatuto, palalimin pa
natin sa susunod na aralin.

ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa.


Alinsunod a itinadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan
ang sambahayan. Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na Principles of Economics,
ipinaliwanag niya ang Principle 7 na “Government can sometimes improve market
outcomes”. Ayon sa kanya, bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong
sistemang pang ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o
market failure. Ang halimbawa ng mga ito ay ang paglaganap ng externalities gaya
ng polusyon at pagkakaroon ng monopolyo na nagdudulot ng pagkawala ng
kompetisyon. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan ang pakikialam o
panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan.

Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ng Pilipinas at iba pang bansa na


mapasailalim ang pamilihan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban sa
pagtatakda ng buwis at pagtatakda ng subsidy, nagtatalaga ang pamahalaan ng
presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan
ipinatutupad ang price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation.
Ang pagkonrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa dalawang
uri: ang price ceiling at price floor.

⮚ Price Ceiling – ito ay kilala sa katawagan bilang “maximum price policy” o


ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang
kanyang produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto na
kabilang sa pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape
harina, tinapay itlog atbp na minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag

35
na suggested retail price o SRP. Ang patakarang ito ay isang pamamaraan
upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng
nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis. Samantala, sa panahong
nakakaranas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ang
pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa
pagtaas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang
mapigilan ang pananamantala ng mga negosyanteng labis magpataw ng
mataas na presyo ng kanilang produkto. Ang price ceiling ay itinakda ngmas
mababa sa equilibrium price. Labag sa Anti-Profiteering Law ng labis na
pagpataw ng mataas na presyo. Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan sa
pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang pangunahing
ahensya na may tungkulin dito. Dahil may fixed na presyo ang mga
produkto, ang mga prodyuser ay ayaw mag supply dahil sa liit na kikitain
nila dito kaya magkakaroon ng shortage o kakulangan sa pamilihan.

⮚ Price Floor – Ito ay kilala bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyong itinakda ng batas sa mga
produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium price.
Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan
ang mga prodyuser. Kabilang sa sistemang ito ang pagkakaloob ng
tinatawag na price support sa sektor ng agrikultura at ang batas naman na
nauukol sa pagtatakda ng minimum wage. Halimbawa, kung masyadong
magiging mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa
pamilihan, ang mga magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na
magtanim dahil maliit ang kanilang kikitain rito.

Kung maganap ang sitwasyong ito, magdudulot ito ng kakulangan sa


supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang
pamahalaan ay magtatakda ng price support/ price floor o pinakamababang
presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani. Maliban pa rito,
maaaring ang pamahalaan ang magsilbing tagabili ng mga aning palay ng
mga magsasaka upang masiguro na mataas pa rin ang kanilang kikitain at
upang maiwasan ang kakulangan ng supply sa pamilihan. Maliwanag na
inaako ng pamahalaan ang malaking gastusin upang masiguro ang
kapakanan ng mga magsasaka at ng mga mamamayan. Dahil may fixed
price at may kamahalan ang mga presyo na itinakda ng pamahalaan, may
mga tao na ayaw bumili kaya naman may kalabisan o surplus.

Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage


law o batas sa pinakamababang suweldo a sektor ng paggawa upang
makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo.
Ang patakarang ito ay naaayon sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law
of the Philippines na nag -uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa
sa minimum wage ang isang manggagawa.

36
Sa pangkalahatan, hindi maitatangging mahalagang institusyon ang
pamahalaan sa pagsasaayos sa pamilihan at kabuuan ng ekonomiya. Ayon
kay John Maynard Keynes, ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi
maiiwasang patakbuhin sa ilalim ng mixed economy. May partisipasyon ang
pribadong sektor o ang mga prodyuser sa pagpapatakbo ng ekonomiya.
Subalit sa panahon na may krisis pang ekonomiya, gaya na lamang ng
pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing pangangailangan,
maaaring makialam o manghimasok ang pamahalaan upang maisaayos ang
pamilihan at kabuuang ekonomiya.

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa.


Alinsunod sa itinadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan
ang sambahayan. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan ipinatutupad ang
price stabilization program at maiwasan ang mataas na inflation. Ang pagkontrol ng
pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa dalawang uri: ang price ceiling
at price floor.

● Price Ceiling – ito ay kilala sa katawagan bilang “maximum price policy” o


ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang
kanyang produkto.

● Price Floor – Ito ay kilala bilang price support at minimum price policy na
tumutukoy sa pinakamababang presyo n itinakda ng batas sa mga produkto
at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium price, katulad ng
price ceiling.

Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage law o


batas sa pinakamababang suweldo sa sektor ng paggawa upang makaiwas ang
mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo. Ang patakarang ito ay
naaayon sa Republic Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines na nag -
uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa minimum wage ang isang
manggagawa.

37
Gawain 3: WEB CHART

Panuto: Sagutin ang web chart at sagutin ang prosesong tanong batay sa inyong
nabasang teksto.

Prosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa ating bansa?

2. Paano nagkaroon ng kaugnayan ang pamilihan sa ating pamahalaan?

38
Gawain 4: ANALISASYON

Panuto: Mula sa tekstong iyong nabasa, isulat sa venn diagram ang pagkakaiba,
pagkakatulad ng price ceiling at price floor.

PRICE CEILING PAGKAKATULAD PRICE FLOOR

Prosesong Tanong:
1. Paano nagkapareho ang dalawang konsepto?
2. Paano nakatulong ang mga konseptong ito sa konsyumer at prodyuser?

39
Gawain 5: SANHI AT BUNGA
Panuto: Dugtungan ng posibleng mangyari sa ekonomiya ng Pilipinas kaugnay sa
konsepto ng ugnayan ng pamahalaan at pamilihan sa mga sumusunod
na sitwasyon.
1. Dahil sa nagdaang bagyo, nasalanta ang palayan ni Mang Carding.
Nabalitaan niya na mababa pa ang bentahan ng palay. Hindi pa niya
nababawi ang puhunan at nalugi na siya sa kanyang pananim, ano ang
maaaring ibunga nito kay Mang Carding?

40
2. Dahilan sa pagkakaroon ng pandemya, maraming mga negosyante ang
nanamantala at nagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

41
Gawain 6: KOMIKS MO PALIWANAG MO!
Gamit ang malinis na oslo o bondpaper, bumuo ng kuwento gamit ang Comic
Strip na nagpapakita ng mga sitwasyon kung kailan at bakit nakikialam ang
pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Bigyan ng ito ng paliwanag at gawing gabay
ang rubrik na nasa ibaba sa pagmamarka.

NATAMONG
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
PUNTOS

Nilalaman Naipakita at naipaliwanag


nang mahusay ang
kaangkupan ng mga
eksena sa comic strip
20
batay sa pangyayari kung
kailan at bakit nakikialam
ang pamahalaan sa
pamilihan.

Pagkamalikhain At Maliwanag at angkop ang


Pagkamasining Ng mensahe sa paglalarawan
Komiks ng konsepto kung kailan 15
at bakit nakikialam ang
pamahalaan sa pamilihan

Kabuuang Malinis, maayos at may


Presentasyon At kahusayan sa
Kahusayan Sa pagpapaliwanag ang 15
Pagpapaliwanag Ng kabuuang larawan ng
Komiks comic strip

Kabuuang Puntos 50

42
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot.

1. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na


nagpapaliwanag tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.


B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer
D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer.

2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto serbisyo na gusto at kayang bilhin ng


mamimili sa ibat ibang presyo sa isang takdang panahon?

A. Batas ng Demand
B. Demand
C. Batas ng Supply
D. Supply

3. Ang batas ng suplay ay nagpapakita ng _______ o positibong ugnayan sa pagitan


ng presyo at suplay.

A. Direct
B. Equal
C. Inverse
D. Ceteris Paribus

4. Ito ang salik na nakaaapekto sa suplay na nagsasabing ang mga prodyuser ay


nagaganyak na lumikha ng produkto na uso at napapanahon.

A. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda


B. Pagbabago sa kaugnay na produkto
C. Pagbabago sa salik ng produksiyon
D. Pagbabago sa teknolohiya

5. Kapag ang mga dami ng suplay ay labis kaysa sa dami ng demand, ito ay
kadalasang nagdudulot ng…

A. Pagbaba ng presyo ng produkto o serbisyo.


B. Pananatili ng presyo ng produkto o serbisyo.
C. Pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo.
D. Wala sa nabanggit

43
6. Ang tawag sa estado kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkasundo sa
presyo at bilang ng produkto o serbisyo na kaya at nakahanda nilang bilhin at
ipagbili.

A. Disekwilibriyo
B. kalabisan
C. ekwilibriyo
D. kakulangan

7. Saang lugar nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser?

A. pamilihan
B. pabrika
C. simbahan
D. negosyo

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng pamilihan?

A. lokal
B. panrehiyon
C. pandaigdigan
D. panlaba

9. Isang pansamanatalang pangyayari sa pamilihan na kung saan ang suplay ng


produkto ay hindi sapat sa planong ikonsumo ng tao.

A. Minimum wage
B. Shortage
C. Subsidy
D. Surplus

10. Tulong na ibinabahagi ng ating pamahalaan sa mga negosyante o


magsasaka upang sumigla ang kanilang negosyo o makabangon kung
galing sa pinsala ng bagyo o lindol.

A. Minimum wage
B. Shortage
C. Subsidy
D. Surplus

44
45
TAYAHIN Module 6 & 7
1. C
2. B
Pagyamanin
3. A 1. Differentiation
4. A 2. Monopolyo
5. A 3. Monopsonyo
6. C 4. Pamilihan
7. A 5. Copyright
8. D 6. Konsyumer
9. B 7. Trademark
10. C 8. Monopolistiko
9. Oligopolyo
10. Prodyuser
SUBUKIN
1. B
2. D
3. B
Module 1 & 2 4. A
Module 3 & 4 5. B
Pagyamanin: 6. A
Tuklasin
1. demand up 7. A
• Delivery 2. demand down 8. A
• Produkto 3. demand up 9. D
• Negosyante 4. demand down 10. D
5. demand down
Sanggunian
Module 1 & 2
Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Chia, J. (2013, August 13). Salik Na Nakakaapekto sa Demand. Prezi.
Retrieved November 11, 2020, from
https://prezi.com/3d54vumzjvlw/aralin-15-salik-na-nakakaapekto-
sa-demand/
Gacusan, P. (2018, May 24). Salik ng demand [PowerPoint slides].
Slideshare. Retrieved November 11, 2020, from
https://www.slideshare.net/lhengacusan/salik-ng-demand
Module 3 & 4
Balitao et al. (2015). Ekonomiks 9 DepEd Learning Module Yunit II,
Supply, p.138 | Konsepto ng Supply p.141 | Gawain 7 Mag Level
Up Ka p.146. p.147-149

Tullao Jr. (2015). Ekonomiks | Pagsusuri ng Demand at Supply |


Grade 9 Araling Panlipunan. Knowledge Channel.
https://www.youtube.com/watch?v=AhYHuZ9OX_0
Module 5
Balitao et al. (2015) Ekonomiks 9 DepEd Learning Module Yunit 2,
Interaksiyon ng Demand at Suplay p. 159 – 174.

Module 6 & 7
Mga aklat:
• Balitao, Bernard R. et al. 2015.Ekonomiks Araling Panlipunan-
Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon.Vibal Group,Inc.
Module 8

Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo at Irene J.
Mondejar (May Akda), (2015). Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul
para sa mga Mag-aaral.

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like