You are on page 1of 9

ARALIN 6

UGNAYAN NG PAMILIHAN AT
PAMAHALAAN
ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa.


Alinsunod sa itinadhana ng Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na paglingkuran at
pangalagaan ang sambayanan. Sa aklat ni Nicholas Gregory Mankiw na
Principles of Economics, ipaliwanag niya ang Principle 7 na "Government
can sometimes improve market outcomes".
Kaugnay nito, hindi nakakaiwas ang Pilipinas at iba pang bansa na
mapasailalim ang pamiluhan sa panghihimasok ng pamahalaan. Maliban
sa pagtatakda ng buwis at pagbibigay ng subsidy, nagtatalaga ang
pamahalaan ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Upang mapatatag
ang presyo sa pamilihan ipinapatupad ang price stabilization program at
maiwasan ang mataas na inflation.
PRICE CEILING - ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum policy o ang
pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kanyang
produkto. Mahigpit na binabantyan ang mga produkto nakabilang sa mga
pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, tinapay at maging
instant noodles na minamarkahan ng pamahalaan na suggested retail price (SRP
Ang patakarang ito ay isang pamaraan upang mapanatiling abot-kaya ang pre
lalo na sa panahon ng krisis.

Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad


ng bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze
o pagbabawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan.
Upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na
pagpataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.
Labag sa Anti-Profeteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na
presyo. Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), sa
tulong ng mga lokal na pamahalaan upang ang galaw ng presyo ay
naaayon sa batas.

Presyo

Ekwilibriyong 20
Presyo

Price Ceiling 15

0 30 60 90 Dami
Ayon sa graph, Php20 ang ekwilibriyong presyo. At Php15
naman ang price ceiling dahil ang presyong Php15 ay
mas mababa kaysa sa ekwilibriyong presyo na Php20.

Sa kabilang dako, ang ganitong sitwasyon anman ay


magpapababa ng supply sapagkat ang mga prodyuser
ay hindi mahihikayat na magprodyus. Magkaroon sila ng
ganitong pag-iisip sapagkat ang kanilang gastos sa
produksyon, gaya ng presyo ng mga materyales at
pasahod sa mga manggagawa, ay fixed ang presyo.
Ang kaganapang ito ay makakapagdudulot ng
kakulangan (shortage) sa pamilihan.
PRICE FLOOR - ito ay kilala rin bilang price support at minimum
price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na
itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito
na mas mataas sa equilibrium price. Kabilanh sa sistemang ito
ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor ng
agrikultura at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng
minimum wage.

Maliban pa rito, maaring ang pamahalaan ang magsisilbing


tagabili ng mga aning palay ng mga magsasaka upang
masiguro na mataas parin ang kanilang kikitain at upang
maiwasan ang kakulangan ng supply sa pamilihan.
S
Presyo

Price Floor 50

Ekwilibriyong 25
Presyo

0 20 60 100 Dami
Batay sa graph, ang ekwilibriyong presyo na Php25 ay mas
mababa sa itinalagang price floor na Php50. Kapag may
kalabisan, maring bumaba ang presyo at dami ng supply
patungo sa ekwilibriyonh presyo. Subalit dahil may pinaiiral na
price floor, hindi maaaring ibaba ang presyo dahil ito ang
tinakda ng batas.

Sa kabilang dako, ipinatutupad ng pamahalaan ang


minimum wage law o batas sa pinakamababang suweldo
sa sektor ng paggawa. Ang patakarang ito ay naaayon sa
Republic Act 602 o Minimim Wage Law of the Philippines na
nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi bababa sa
minimum wage.
Batas sa Summary of Current Regional Daily Minimum
Wage Rates as of April 2014, ang mga manggagawa
sa NCR ay nakatatanggap ng minimum wage na
Php466.00. Samantala ang minimum wage naman sa
mga probinsya ay Php362.50 at ang Region VIII Eastern
Viayas ay mayroong Php260.00.

Ayon kay John Maynard Keynes, ang ekonomiya


ng isang bansa ay hindi maiiwasang patakbuhin
sa ilalim ng mixed economy. May partisipasyon
ang pribadong sektor o ang mga prodyuser sa
pagpapatakbo ng ekonomiya.

You might also like