You are on page 1of 24

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Layunin at Pamamaraan ng
Patakarang Piskal
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng Patakarang Piskal.


Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon:
 Leksyon 1: Konsepto ng Patakarang Piskal
 Leksyon 2: Ang Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan
 Leksyon 3: Iba’t ibang Uri ng Buwis

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapag-iisaisa ng mga hakbang sa paghahanda ng pambansang badyet at ang


pinagmumulan nito.

2. Nakagagawa ng grap ng mungkahing pagbabalangkas ng pambansang badyet

3. Nakapapanagutan ng gampanin ng isang mamamayan sa wastong pagbabayad ng


buwis

4. Nakagagawa ng isang hakbang na makatutulong sa pagpapabuti ng pamumuhay


ng kapwa.

1
Subukin

A. Panuto: Bago natin ipagpatuloy ang talakayan tungkol sa Layunin at


Pamamaraan ng Patakarang Piskal ay iyo munang sagutan ang ilang mga
katanungan sa ibaba. Ito ay may layuning tasahin ang iyong paunang kaalaman
tungkol sa paksa. Salungguhitan ang angkop na salita o konsepto mula sa mga
nakapaloob sa bawat pahayag.

1. Ang (patakarang piskal, patakarang pananalapi) ay tumutukoy sa behavior ng


pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang matamo ang maayos
na daloy ng ekonomiya.

2. Nagkakaroon ng (budget deficit, budget surplus) kapag mas maliit ang paggasta
kaysa sa pondo ng pamahalaan.

3. Upang lubos na maipagkaloob ng pamahalaan ang mga programa at proyektong


nakatutulong sa lahat, kinakailangang maayos na maipamahagi ang perang
gagastusin sa mahahalagang aspekto ng pamamahala at ito ay nakapaloob sa
(expenditure program, pagbubuwis)

4. Ipinatutupad ng pamahalaan ang (Contractionary Fiscal Policy, Expansionary


Fiscal Policy) sa pamamagitan ng pagdagdag ng gastusin ng pamahalaan at
pagbaba ng singil ng buwis na magdudulot ng pagtaas ang kabuuang demand
upang sumigla ang ekonomiya.

5. Ipinatutupad ng pamahalaan kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang


presyo sa ekonomiya. (Contractionary Fiscal Policy , Expansionary Fiscal Policy)

6. Ang ikapitong yugto sa paghahanda ng badyet ay ang pag-iipon ng mahahalagang


dokumentong bubuo sa President’s budget at National Expenditure Program at
ipapasa sa (senado, kongreso) bilang General Appropriations Bill upang sang-
ayunan at maging isang ganap na batas.

7. Sa (capital outlays, current operating expenditures), ito ang mga pondong


nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagbibigay asset
sa pamahalaan tulad ng mga capital stock ng Government-owned and Controlled
Corporation.

8. Ito ay isang halimbawa ng buwis upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain
o negosyo (Excise tax, Income tax)

9. Kauna-unahan ang budget call na isasagawa ng (Department of Budget and


Management, Bangko Sentral ng Pilipinas) para sa lahat ng mga ahensya ng
pamahalaan.

2
10. Ang (badyet ng pamahalaan, patakarang piskal) ay inihahanda ayon sa
prayoridad ng pamahalaan kung saan ang edukasyon, pangkalusugan, social
welfare at iba pang pangunahing serbisyo ang pinaglalaanan nito.

B. Panuto: Tukuyin kung anong patakaran ang ipatutupad sa bawat sitwasyong


ibinigay. Isulat ang EFP kung ito ay Expansionary Fiscal Policy o CFP kung ito
naman ay Contractionary Fiscal Policy.

_______11. Mayroong mataas na pangkalahatang output at employment.

_______12. Pagtaas ng singil ng buwis.

_______13. Pasiglahin ang matamlay na ekonomiya ng bansa.

_______14..Ang kabuuang output ay mababa nang higit sa inaasahan dahil sa hindi


nagagamit ang lahat ng resources.

______ 15. Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan.

Aralin
Layunin at Pamamaraan
4lin ng Patakarang Piskal

Isang bagong bukas na libro ng kaalaman ang iyong kakaharapin ngayon.


Ang mga aral sa ekonomiks nawa’y maging gabay mo upang makatulong sa pag-
unlad pa ng iyong kaalaman. Tara, huwag kang matakot na ipagpatuloy ang pag-
aaral ng bagong mukha ng Araling Panlipunan.

Balikan

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang implasyon kung saan sinuri natin ang
malaking pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo at ito ay isang
suliraning hindi matatakasan ninuman. Subalit mula sa mga kaalamang natutuhan
mo, ikaw ay maaari nang makatulong upang maiwasan ang paglala nito. Mayroon
kang sariling kaparaanan kung paano mo ito isasabuhay sapagkat ngayon ay naisip
at natutuhan mo na ang mga dahilan at epekto nito.

3
Gawain A.
Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan, suriin mo ang sumusunod na sitwasyon.
Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon
(BI). Isulat ang DI o BI sa isang iyong sagutang papel.

____ 1. Maraming mag-aaral ang pansamantalang maghihinto sa pag-aaral sa taong


ito.
____ 2..Kulang ang suplay ng mga produkto sa ibang lugar lalo na sa mga isinailalim
sa ECQ.

____3. Tanging ang tindahan na lamang ni Aling Alicia ang nakabukas hanggang
madaling araw simula noong pumutok ang Covid_19 dahil sa takot ng iba
pang maliliit na negosyante.

____4..Limitado ang mga produktong mula sa malalaking planta dahil marami ang
pansamantalang nagsara dahil sa pandemya.

____5. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar.

Gawain B.
Panuto:Punan ang bawat patlang mula sa pangungusap sa ibaba. Piliin ang tamang
konsepto sa kahon sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang letra sa unahang bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator D. Demand - pull inflation

B. Wholesale o Producer Price Index (PPI) E. Cost - push

C. Consumer Price Index (CPI)

____6. Kapag malaki ang salapi, nagkakaroon din ng malaking pagkakataon ang mga
tao na makabili ng maraming produkto sa marami ring pagkakataon. At ito
ay tinatawag na _________.

____7. Uri ng price index kung saan nakapaloob dito ang pagsukat ng kabuuang
antas ng halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa
buong isang taon.

_____8. Sa uring ito ng price index, sinusuri naman ang pagbabago sa halaga ng mga
produkto at serbisyong nakonsumo ng mga mamimili.

_____9. Ang pagtaas ng mga kakailanganing pamproduksyon ang pangunahing


dahilan sa paglobo ng halaga ng mga bilihin sa pamilihan.

____10. Index para sa mga maliliit na tindahang muling ilalako ang kanilang mga
produkto.

4
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa layunin at
pamamaraan ng patakarang piskal.

Tuklasin

Panuto. Gamit ang mga larawang makikita sa ibaba, suriin ito at iugnay sa magiging
paksa ng aralin gamit ang mga pamprosesong tanong. Maari mong sagutin ang mga
katanungan sa pamamagitan ng isang maikling hugot o pick up lines.

PUBLIC SERVANT

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?

2. Ano ang mensaheng nais ipahatid ng unang larawan patungo sa ikatlong


larawan?

3. Sa iyong palagay, kung wala ang kaganapan sa unang larawan ano ang
magaganap sa ikalawa at ikatlong larawan?

4. Paano napangangalagaan ng pamahalaan ang mga buwis na nagmumula sa mga


tao?

5
Suriin

KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL

- tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at


pagbubuwis upang mabago ang galaw ng ekonomiya. (Balitao et.al, 2014)
Maihahalintulad ito sa pagbabadyet sa mga gastusin sa iyong sariling mga
pangangailangan o pagbabadyet ng iyong mga magulang sa
pangangilangan ng inyong buong pamilya.

- ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang


mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya (John Maynard Keynes, 1935).
Ipinapaliwanag nito na ang paggasta ng pamahalaan ay makapagpapasigla
ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources na
mayroon ang isang bansa o lugar. Ito naman ay magdudulot ng mas
maraming oportunidad para sa trabaho o negosyo.

DALAWANG PARAAN UPANG PANGASIWAAN NG PAMAHALAAN ANG


PAGGAMIT NG PONDO:

EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY

-isinasagawa upang mapasigla ang - ipatutupad kapag nasa alanganing


matamlay na ekonomiya ng bansa. pagtaas ang mga presyo sa
ekonomiya
Halimbawa:
Halimbawa:
- ang kabuuang awtput ay mababa
nang higit sa inaasahan dahil hindi - lubhang masigla ang ekonomiya na
nagamit ang mga resources maaaring magdulot ng overheated
economy
- mababa ang pangkalahatang
demand ng sambahayan - may mataas na pangkalahatatang
awtput at employment.
-walang insentibo sa mga
mamumuhunan na gumawa o
magdagdag pa ng produksyon.

6
EXPANSIONARY FISCAL POLICY CONTRACTIONARY FISCAL POLICY

Paano ito isasagawa ng Paano ito isasagawa ng


pamahalaan? pamahalaan?

Halimbawa: Halimbawa:

- paggasta sa mga proyektong - magbabawas sa paggastos ang


pampamahalaan pamahalaan at mahihila nito ang
kabuoang demand
- pagpapababa sa buwis
- patataasin ang buwis
Ang mga ito ay muling magreresulta
ng mas maraming trabaho para sa Ito naman ay magreresulta sa
mga mamamayan na pagbagal ng ekonomiya kung saan
makapagbibigay naman ng mas liliit ang kita na siya namang pipigil
malaking kita sa ekonomiya. Ganito sa pagtaas ng mga presyo sa bilihin o
rin ang magiging kaganapan sa implasyon. Sa pagtaas naman ng
bahay-kalakal kung saan mas buwis, ang mga mangagawa ay
makapagpoprodyus sila ng mas mapipilitang magbawas ng kanilang
maraming kalakal o produkto dahil gastusin para sa pagkonsumo
ang mga maiipong salapi mula sa
ibabayad sana sa buwis ay maaari
na nilang gamitin sa iba.

KAHALAGAHAN NG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG PAMAHALAAN KAUGNAY


NG MGA PATAKARANG PISKAL NA IPINATUTUPAD NITO

1. Ito ang pangunahing tagapagtakda ng mga patakaran na maghahatid sa


ikagaganda ng kondisyon ng ating ekonomiya.
2. Nagsasaayos ng mga pamamalakad upang matugunan ang ilang
problemang pang-ekonomiya tulad ng pagbibigay regulasyon sa
pagdaragdag at pagbabawas sa gastusin gayundin sa pagpapataas at
pagpapababa sa singil ng buwis.

ANG PAMBANSANG BADYET AT PAGGASTA NG PAMAHALAAN

Alam mo ba na ang pambansang badyet ay kahalintulad din lamang sa badyet


sa inyong sariling pamilya o tahanan? Kung paano nito tutugunan ang mga
pangunahing pangangailangan mula sa mga nalikom na salapi mula sa trabaho o
negosyo na mayroon ang isang pamilya. Subalit mas malawak at mas malaki ang
ginagalawan ng pambansang badyet dahil sa aspeto ng pagbibigay alokasyon sa
bawat ahensya o departamento upang maitaguyod ang kani-kanilang mga proyekto
at programa para sa pambansang kaunlaran.

7
MGA PARAAN NG PAGHAHANDA

1. Budget call muna mula sa Department of Budget and Management o DBM


para sa lahat ng mga ahensya. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
hangganan lamang ng badyet; paggasta; inaasahang buwis at kita para sa
mga bawat ahensya na nakabatay sa pagsusuri ng Development Budget
Coordination Committee.

2. Hinihimok ang pakikisangkot ng mga civil society organizations at iba pang


mga stakeholders.

3. Magkakaroon ng pagtatanggol ang bawat ahensya na masusi namang


susuriin ng DBM at pagkatapos ay ilalabas na ang kanilang rekomendasyon

4. Mula sa rekomendasyon, pag-aaralan naman ito ng isang Executive Review


Board mula sa Kalihim ng DBM at mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan

5. Ang National Expenditure Program ay bubuoin na ng DBM ayon sa


napagkasunduan

ng Executive Review Board.

6. Ihaharap na ito sa Pangulo upang linangin ang NEP.

7. Titipunin na ang mahalagang dokumentong bubuo sa President’s Budget at


NEP at ito ay ipapasa sa Kongreso bilang General Appropriations Bill upang
sang-ayunan at maging isang ganap na batas.

8
ANG BADYET NG PAMAHALAAN

Badyet ayon
sa Sektor

ANG BADYET NG
PAMAHALAAN
Inihahanda ito ayon sa
Badget ayon prayoridad ng
pamahalaan kung Badyet ayon
sa iba't ibang sa Expense
kagawaran at saan ang edukasyon,
special pangkalusugan, social Class
purpose fund welfare at pang
pangunahing serbisyo
ang pinaglalaanan
nito.

Badyet
ayon sa
mga
rehiyon

Ang badget ng pamahalaan ay masusing pinag-aaralan upang


mapagkalooban ng tamang alokasyon ang pondo ng pamahalaan.

9
PAGGASTA NG PAMAHALAAN AYON SA EXPENDITURE PROGRAM

Ang mga pondo at salaping


nalilikom ay may katumbas
na paggastos. Upang maayos
na maipamahagi ito sa mga
proyekto at programang
pampamahalaan, kailangan
ang epektibong paggasta.

Ang expenditure Program ay


nakabatay sa pinakamataas
na gastusing nararapat sa
mga pananagutang dapat
maipagkaloob sa buong taon.
Ito ay nahahati sa tatlo:

CAPITAL OUTLAYS NET LENDING


CURRENT OPERATING
EXPENDITURES -pondong nakalaan -para naman sa mga
upang makabili ng mga paunang bayad sa
-para sa pagbili ng mga mga utang ng
produkto at serbisyong
produkto at serbisyong pamahalaan na
makapagbibigay asset
tulad ng Personal inilaan para sa mga
Services (hal. ay para sa sa pamahalaan tulad
ng mga capital stock ng programang may
sahod, dagdag sweldo at
cost of living allowance ng Government-owned and kaugnayan sa mga
mga permanente, Controlled Corporation korporasyong
pansamantala, (GOCC) at iba pang mga pagmamay-ari ng
kontraktuwal at casual subsidies nito pamahalaan.
na empleyado ng
pamahalaan) at
Maintenance and Other
Operating Expenses-

MOOE (tulad ng supplies,


transportasyon, tubig,
koryente at iba pang
kumpunihin)

10
PINAGMUMULAN NG KITA NG PAMAHALAAN

Upang maayos na maisakatuparan ang lahat ng mga planong proyekto at programa,


ang ating pamahalaan ay nangangailangan ng salapi na tanging kinukuha sa buwis
ng mamamayang Pilipino, kita mula sa interes ng salaping nakadeposito sa Bangko
Sentral ng Pilipinas, tulong mula sa mga dayuhan at pampribadong institusyon at
mga ari-ariang pagmamay-ari ng pamahalaan.

IBA’T IBANG URI NG BUWIS

Ayon sa kung sino ang apektado:

 Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at bahay-


kalakal (hal. Witholding tax)
 Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at
paglilingkod (hal. value-added tax)

Ayon sa porsiyentong ipinapataw:

 Proporsiyonal-anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang


bahagdan ng buwis na ipinapataw

 Progresibo -habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o


korporasyon, tataas din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran.
Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas

Regresibo-kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang kanyang


buwis.

Ayon sa layunin:

 Para kumita - upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga


operasyon nito (hal. sales tax, income tax)
 Para magregularisa - upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain
o negosyo (hal. Excise tax)
 Para magsilbing proteksyon-upang pangalagaan ang interes ng mga
lokal na sektor laban sa mga dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)

11
Pagyamanin

A. Panuto: Mula sa mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa


paggamit ng salapi, maglahad ng mga epekto nito sa mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Paalala: Huwag sagutan ang mga kahon na may kulay.

EPEKTO NITO SA IYO BILANG:


SITWASYON
MAG-AARAL MAY NEGOSYANTE OPISYAL NG
PAMILYA PAMAHALAAN

1. Pagtaas ng singil
ng buwis
2. Pagbaba ng
singil ng buwis
3. Pagdaragdag sa
gastusin ng
pamahalaan
4. Pagdaragdag ng
suplay ng salapi
5. Pagbabawas sa
gastusin ng
pamahalaan
6. Pagbabawas ng
suplay ng
salapi
7. Gagamitin ang
lahat ng mga
resources ng
pamahalaan
8. Hindi
pagbibigay ng
insentibo sa
mga
mamumuhunan

12
B. Panuto: Gumawa ng isang pie grap na magpapakita ng iyong mungkahing
pagbabalangkas sa pambansang badyet. Isulat ito sa isang sagutang papel.

1. Bigyang pansin ang mga sumusunod na aspeto:


- Serbisyong Panlipunan
- Serbisyong Ekonomiko
- Serbisyong Publiko
- Pasan Na Utang
- Tanggulan

2. Paano mo ito hinati - hati?


3. Ano ang mas higit mong binigyan ng pansin o mas malaking badyet? Ipaliwanag.
4. Ano - anong mga proyekto o programa ang nais mong ipatupad sa paglalaan mo
ng may pinakamalaking pondo o badyet?
5. Paano mo mapoprotektahan ang sektor na pinaglaanan mo ng may
pinakamalaking badyet?

C. Panuto. Punan ang mga blangkong kahon ng tamang impormasyon ukol sa


hakbang sa paghahanda ng Pambansang Badyet. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1.Budget call muna mula sa Department of Budget and Management o DBM para
sa lahat ng mga ahensya. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: hangganan
lamang ng badyet; paggasta; inaasahang buwis at kita para sa mga bawat
ahensya na nakabatay sa pagsusuri ng Development Budget Coordination
Committee.

2. Hinihimok ang pakikisangkot ng mga ng mga civil society organizations at iba


pang mga stakeholders.

3.

4.

5. Ang National Expenditure Program ay bubuuin na ng DBM ayon sa


napagkasunduan
ng Executive Review Board.

6.

7.

13
D. Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan ayon sa hinihinging impormasyon
ukol sa mga uri at halimbawa ng buwis. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
MGA URI NG BUWIS
1. Ayon sa layunin Paliwanag Halimbawa
1a)
1b)
1c)
2. Ayon sa kung sino 2a)
ang apektado
2b)
3. Ayon sa 3a)
porsiyentong
ipinapataw
3b)
3c)

E. Panuto. Tukuyin ang bawat pangungusap kung alin ang tama o mali. Isulat sa
sagutang papel ang T kung tama ang pahayag at M kung ito naman ay mali.

_________1. Ang patakarang pananalapi ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan


patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang matamo ang maayos na
daloy ng ekonomiya.
_________2. Sa ilalim ng progresibong pagbubuwis, habang tumataas ang kinikita
ng isang indibidwal o korporasyon, tataas din ang halaga ng buwis na
kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
_________3. Ang net lending ay tumutukoy sa halagang nakatuon sa pagbili ng mga
produkto at serbisyong tulad ng Personal Services at Maintenance and
Other Operating Expenses (MOOE).
_________4.Titipunin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga mahahalagang
dokumentong bubuo sa President’s Budget, NEP at ito ay ipapasa sa
Kongreso bilang General Appropriations Bill upang kanilang aprubahan
at maging isang ganap na batas.
_________5. Kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa
ekonomiya,
ipinatutupad ang Contractionary Fiscal Policy.
_________6. Kapag ipinatupad ang Expansionary Fiscal Policy magreresulta ito sa
pagbagal ng ekonomiya kung saan liliit ang kita na siya namang pipigil
sa pagtaas ng mga presyo sa bilihin o implasyon. Sa pagtaas naman ng
buwis, ang mga mangagawa ay mapipilitang magbawas ng kanilang
gastusin para sa pagkonsumo .
_________7. Ang Sales Tax at Income Tax ay mga buwis na sapilitang kinokolekta
upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga operasyon nito at
para kumita.

14
_________8. Kapag ang kabuuang output ay mababa nang higit sa inaasahan dahil
hindi nagamit ang mga resources, mababa ang pangkalahatang demand
ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa
o magdagdag pa ng produksyon ay ipinatutupad na ng pamahalaan ang
Contractionary Fiscal Policy.
_________9. Sa mga uri ng buwis, kinokolekta ito para magregularisa at makontrol
ang kalabisan ng isang gawain o negosyo at isang halimbawa nito ang
taripa.
_________10. 5.2% ay inilaan para tanggulang pambansa na kinapapalooban ng
pagpapanatili sa kapayapaan ng buong bansa at ng mga mamamayan at
ito ang pumangatlo sa may pinakamataas na badyet.

F. Panuto. Isa-isahin ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

A. Dalawang paraan upang pangalagaan ang badyet ng pamahalaan.

1. __________________ 2. __________________

B. Ang badyet ng pamahalaan ay nahahati ayon sa:


1. __________________ 3. __________________
3. __________________ 4. __________________

C. Ang paggasta ng pamahalaan ay nahahati ayon sa:


1. __________________ 3. __________________
2.__________________

Isaisip

Panuto: Halina’t punan mo ang talahanayang ito batay sa iyong mga natutuhan sa
aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Mas higit na magkakaroon ng kabuluhan ang iyong kaalaman kung sa bawat


patlang, mayroon kang maibabahagi mula sa iyong mga natutunan”.

15
Natutuhan ko na
ang patakarang
Mahalaga ang
piskal ay
pagkakaroon ng
_________________
mga patakaran at
_________________,
pamamaraan sa
at ito ay may patakarang piskal
dalawang dahil
pamamaraan _________________
_________________ __________________
_________________ ___________________
Nakakatulong ito ___________________
dahil ___________________
_________________ ___________________
Mula ___________________
sa mga natutunan
_________________.
lalo’t higit sa iba’t ibang uri
___________________
Sa aspeto naman
ng buwis at
___________________ ang
ng pagbubuwis,
kahalagahan nito, ako
___________________
nalaman ko ang
bilang___________________
isang mag-aaral,
mga uri nito at
kabataan at mamamayang
___________________
mga halimbawa
Pilipino ay aking isasaisip
___________________
tulad ng
ang ___________________
_________________ ___________________
_____________________________
_________________. ___________________
____________________________.
___________________
_____________________________
___________________
_______________
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________

Isagawa
___________________
___________________
___________________
___________________
___________________
Panuto: Ano ang iyong aksyon sa bawat sitwasyong inilahad? Ibigay ang iyong
___________________
mungkahing solusyon o hakbang na gagawin kapag ikaw ang nakaranas o
___________________
nakasaksi ng mga sitwasyong inilahad sa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa
___________________
sagutang papel. ___________________
__________

1. Madalas masira ang isang dike, na kahit kaunting ulan at agos pa lamang ng
tubig sa ilog ay natitibag na ito. Napag-alaman mula sa mga residenteng
naninirahan malapit sa lugar na iyon, na ang ilan sa mga manggagawa nito
kabilang na ang nakatalagang contractor ay nag-uuwi ng ilang kagamitan tulad
ng semento at bakal.
2. Pumasok ka sa isang pampublikong opisina sapagkat mayroon kang mahalagang

16
papel na aasikasuhin at napansin mong nagkukuwentuhan lamang ang ilan sa
mga kawani nito. Napansin mo pang hindi maayos ang pakikipag-usap ng isang
empleyado sa isang matandang nag-aasikaso ng papeles ng kanyang asawang
may sakit
3. Bumili ka sa isang malaking tindahan, at humingi ng resibo. Subalit hindi ka
binigyan dahil sa sobrang dami ng mamimili sa araw na iyon. Ang tanging
ibinigay lamang sa iyo ay isang listahan na nakasulat lamang sa papel.
4. Ikaw ay isang kongresista at nabigyan ng malaking pondo para sa iyong
nasasakupan. Anong proyekto ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit?
5. Mayroong isang bagong paaralang itinatayo sa isang probinsya para sa mga
Indigenous People. Lumipas na ang mahigit isang taon, hindi pa rin natatapos
ang nasabing proyekto hanggang sa tuluyan na itong hindi nagawa at
natagpuang nasira na ng maraming kalamidad at bagyo.
6. Ang pondong nakalaan para sa SAP ay hindi nakarating sa ilang mahihirap na
mamamayan partikular na sa mga malalayo at liblib na lugar. Subalit ayon sa
balita, ang lahat ay pantay-pantay na makakatanggap nito.
7. Isa ka sa mapalad na napagkalooban ng pagkakataong makapag-aral nang libre
dahil sa iyong angking talino at kakayahan. Maluwalhati mo itong natapos at
nagkamit ka ng mataas na karangalan at pagkilala. Subalit sa iyong
pamamasukan sa trabaho, ikaw ay hindi nasisiyahan sa pasahod para sa
pangangailangan ng iyong lumalaking pamilya at nagnanais kang mangibang
bansa. Ngunit nananatili sa iyong puso at isipan ang pangakong ikaw ay
magsisilbi sa bayan makapag-aral ka lamang. Ano ang iyong pipiliin?
8. Ikaw ay isang empleyado sa iyong baranggay. Nasasaksihan mo kung paano
ginagamit ang pondong nakalaan para sa mga proyekto at serbisyong
panlipunan. Ito ay ginamit lamang sa trainings at seminars sa iba’t ibang lugar
ng inyong mga lider ng barangay.
9. Nagkaroon ng malaking utang panlabas ang Pilipinas at ito ay inilaan para sa
pagbili ng mga kagamitang panghimpapawid at pandagat. Nararapat ba ito?
Pangatwiranan.
10. Marami sa mga Pilipino ngayon ang hindi nakapagtatrabaho nang maayos dahil
sa pinagdaraan nating pandemya. Maraming mga OFW ang pinauwi at napilitang
umuwi dahil hirap na rin ang kanilang sitwasyon sa ibang bansa. Kung ikaw ay
isang pinuno ng iyong bayan, paano mo tutulungan ang iyong mga kababayan?

17
Tayahin

Pagtataya 1
Panuto: Isa-isahin ang mga pamamaraan sa paghahanda ng Pambansang Badyet.
Isulat sa patlang ang tamang pagkakasunod-sunod nito.

1. ______ Pag-aaralan ang panukalang badyet na binubuo ng Kalihim ng


Department of Budget and Management at mga nakatataas na opisyal ng
pamahalaan.
2. ______ Ihaharap ito sa pangulo upang linangin ang National Expenditure
Program.
3. ______ Hinihimok ang partisipasyon ng mga civil society organizations at
iba pang mga stakeholders.
4. ______ Magpapatawag ng budget call ang DBM para sa lahat ng mga
ahensya ng pamahalaan.
5. ______ Titipunin ang mga mahahalagang dokumentong bumubuo sa
President’s Budget at National Expenditure Program at ipapasa sa
Kongreso bilang General Appropriations Bill (GAB) upang balangkasin at
maging isang ganap na batas.
6. ______ Ipagtatanggol ng bawat ahensya ang kanilang mga panukalang
badyet.
7. ______ Bubuuin na ng Department of Budget and Management ang
National Expenditure Program (NEP) ayon sa napagkasunduan ng
Executive Review Board.

Pagtataya 2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag sa ibaba at piliin ang pinakawastong sagot.
Isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa pamamagitan ng _____________ policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang
paggasta sa mga proyektong pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
A. contractionary Fiscal C. demand Pull
B. expansionary Fiscal D. cost – push
2. Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo
sa ekonomiya.
A. Contractionary Fiscal Policy C. Demand Pull
B. Expansionary Fiscal Policy D. Cost – push

18
3. Nabibigyang pondo o badyet ang mga gastusin para sa pagbili ng mga produkto
at serbisyong tulad ng Personal Services at Maintenance and Other Operating
Expenditures sa pamamagitan ng _____________________.
A. expense Class
B. capital Outlays
C. current Operating Expenditures
D. net Lending
4. Paano mo mabibigyang kahulugan ang Patakarang Piskal?
A. Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis.
B. Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan.
C. Pagpapatupad ng mga sistema upang makontrol ang supply ng salapi
D. Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at
pagbubuwis.
5. Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin
ang HINDI kabilang?
A. Buwis
B. Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
C. Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
D. Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan
6. Nakakalikom ng salapi ang pamahalaan sa pamamagitan ng __________.
A. sales tax at income tax
B. taripa
C. witholding tax
D. value-added Tax
7. Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong
makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan tulad ng Government-owned and
Controlled Corporation (GOCC).
A. Current Operating Expenditures C. Net Lending
B. Capital Outlays D. Budget Allocation
8. Paano matutukoy kung nararapat na bang magpatupad ng Expansionary Fiscal
Policy ang pamahalaan? Ang mga sumusunod ay palatandaan nito MALIBAN
sa:
A. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi
nagamit ang mga resources
B. Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan
C. Walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng
produksyon
D. May mataas na pangkalahatang output at employment
9. Titipunin ng Department of Budget and Management ang mahahalagang
dokumentong bubuo sa President’s Budget at National Expenditure Program at
ipapasa sa _______________ upang sang-ayunan at maging isang ganap na batas.
A. Senado C. Kongreso
B. Pangulo D. Bangko Sentral ng Pilipinas

19
10. Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay-
kalakal sa pamamagitan ng ______________.
A. excise tax
B. proporsiyonal na buwis
C. sales tax at income tax
D. witholding tax

Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at unawain ang balita at pagkatapos ay sagutan ang mga
tanong na nasa ibaba.

8 kompanya at negosyante kinasuhan ng BIR dahil sa buwis


Aabot sa higit P1 bilyong pinagsamang hindi nabayarang buwis, interes at
multa ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue sa walong kompanya
at negosyante sa Caloocan at Laguna.

Ngayong umaga isinampa ng Bureau of Internal Revenue sa Department of


Justice ang magkakahiwalay na tax evasion cases laban sa Logistics Dot
Com Corporation, Build Construction Inc., at Body Light Dimention World
Corporation na pawang nakabase sa lalawigan ng Laguna.

Kinasuhan din ang mga kompanya sa Caloocan na Krystal Gem Multisales


Corporation, Jemarell Multi Sales Corporation, Bicol Apparel Corporation,
Abdessamad Trading Company, at ang negosyanteng si Liberty Gagui.

Ayon sa BIR, dumaan sa kompletong proseso ng pagkolekta ng buwis


subalit hindi pa rin nagbayad ang naturang mga kompanya kaya
sinampahan na ng kaso ang mga ito.

“The respondents’ failure and continued refusal to pay their long overdue
deficiency taxes... constitute willful failure to pay the taxes due to the
government," ani Atty Jethro Sabriaga, BIR director ng Revenue Region 9B.

Aabot na ngayon sa 358 na mga korporasyon at indibidwal ang


nakakasuhan ng BIR sa DOJ sa ilalim ng Duterte administration.

-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Nakuha sa news.abs-cbn.com/business/02/28/19/8-kompanya-
negosyante-kinasuhan-ng-bir-dahil-sa-buwis

1. Ano ang pangunahing nilalaman ng balita?

2. Sa iyong palagay, bakit kaya may mga kompanya o negosyanteng hindi


sumusunod sa tamang pagbabayad ng buwis?

20
3. Ano ang magiging epekto nito sa bansa kapag ang lahat ng mga kompanya o
negosyanteng katulad nito ay patuloy na makalulusot sa pamahalaan?
4. Bilang isang ordinaryong mamamayang kabataan, paano ka makatutulong sa
tamang pagpapatupad sa sistema ng pagbubuwis sa bansa?
5. Kung ikaw ay isang opisyal ng pamahalaan, ano - anong mga hakbang o
panukala ang nais mong ipatupad maliban sa mga ipinatutupad ngayon?
Ipaliwanag.

21
22
Balikan Pagyamanin
Subukin
Gawain A. A.
1.Patakarang Piskal 1. BI Ang tagapangasiwa na
2. Budget surplus 2. DI ang gagawa ng susi sa
3. Expenditure Program pagwawasto.
3. DI
4. Expansionary Fiscal
4. DI
Policy B.
5. Contractionary Fiscal 5. DI
Gawain B. Ang tagapangasiwa na
Policy
6. D ang gagawa ng susi sa
6. kongreso pagwawasto.
7. capital outlays 7. A
8. excise tax 8. C C.
9. Dept. of Budget and 9. E
Ang tagapangasiwa na
Mngt. 10. B ang gagawa ng susi sa
10. badyet ng Tuklasin pagwawasto.
pamahalaan
11-12. CFP D.
13-15. EFP Ang tagapangasiwa na ang Ang tagapangasiwa na
gagawa ng susi sa ang gagawa ng susi sa
pagwawasto.
pagwawasto.
F. Tayahin
1.Contractionary Fiscal
Pagyamanin 2.PolicyExpansionary Fiscal Pagtataya 1
Policy 1.4
E. 3. Ayon sa sektor 2. 6
4. Ayon sa mga rehiyon 3. 2
1. M 5. Ayon sa expense class 4. 1
2. T 6. Ayon sa iba’t ibang 5. 7
3. M kagawaran 6. 3
4. M 7.Current operating 7. 5
5. T expenditures
6. M 8. Capital outlays Pagtataya 2
7. T 9. Net lending
1. B
8. M
2. A
9. T Isaisip/Isagawa/ Karagdagang
3. C
10. M Gawain
4. D
Ang tagapangasiwa na ang 5. D
gagawa ng susi sa pagwawasto. 6. A
7. C
8. D
9. C
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Modyul

Balitao,Bernard R.,Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,


Apollo D.,Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P. at Mondejar, Irene J.
2015. Sektor ng Industriya. Ekonomiks 9. Araling Panlipunan: Modyul ng
Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc.

Pook-sapot

DBM. 2019.“Budget of Expenditures and Sources of Financing FY 2019”. Binuksan


noong Hulyo 1, 2020 mula sa
https://www.dbm.gov.ph/index.php/budget-documents/2019/budget-
of-expenditures-and-sources-of-financing-fy-2019

DBM. 2019.“Budget of Expenditures and Sources of Financing FY 2019”. Binuksan


noong Hulyo 1, 2020 mula sa
https://www.dbm.gov.ph/index.php/budget-documents/2019/budget-
of-expenditures-and-sources-of-financing-fy-2019

Ganibe, Dexter.2019.“8 kompanya, negosyante kinasuhan ng BIR dahil


sabuwis”.ABS-CBN News, February 28, 2019.news.abs-
cbn.com/business/02/28/19/8-kompanya-negosyante-kinasuhan-ng-
bir-dahil-sa-buwis

23

You might also like