You are on page 1of 7

Paaralan CONGRESSMAN RAMON A.

Baitang 9
ARNALDO HIGH SCHOOL

Gurong-mag-aaral DERWIN JOEMER E. Asignatura ARALING PANLIPUNAN


ESTORNINOS
Petsa May 24, 2022 Markahan Ika-apat na markahan
BANGHAY ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN
Oras 10:45 – 11:45 am Competency AP9MSP-IVb-3
IX- EKONOMIKS
Code

I. LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
A. Pamantayang
pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
Pangnilalaman
pagsulong at pag-unlad.

Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at


B. Pamantayan
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito
sa Pagganap
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa


C. Mga Kasanayang pambansang kaunlaran
Pagkatuto at Koda (AP9MSP-IVb-3)

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ng iba’t ibang estratehiya na maaaring gawin ng bawat mamamayan


upang makatulong sa pag-unlad ng bansa;
D. Mga Tiyak na Layunin
2. napapahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa pagkamit ng
pambansang kaunlaran; at

3. nakapagsagawa ng isang panata kung paano makapag-ambag bilang mamamayan


sa pag-unlad ng bansa.
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA
II. NILALAMAN PAMBANSANG KAUNLARAN

Kagamitang Panturo

TEKSBUK SA ECONOMIKS IX
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa gabay
ng guro. WALA
2. Mga Pahina sa
kagamitang WALA
pangmag-aaral.
3. Mga pahina sa Aklat sa Ekonomiks ni Bernard R. Balitao, et. al, pahina: 353-356
Teksbuk

4. Karagdagang
kagamitan mula sa
WALA
portal ng Learning
Resources.

LED TV, laptop, Powerpoint presentation, mga larawan, cartolina, note pad, video, at
B. Iba pang Kagamitang
bluetooth speaker
Panturo

Page 1|7
III. PAMAMARAAN
Balik Tanaw

Panuto: Ayusin ang mga jumbled words na naka-flash sa screen na tumutukoy sa mga
A. Balik-aral sa suliranin na kinakaharap ng sektor ng agrikultura at magbahagi ng inyong mga kaaalaman
nakaraang aralin at/o tungkol sa mga suliraning ito.
pagsisimula ng
bagong aralin  CALIMTE CNHAGE - CLIMATE CHANGE
 PLUOYSON - POLUSYON

Pagganyak (Video Analysis)

(Magpapakita ng isang video sa mga mag-aaaral)


B. Paghahabi sa layunin
ng aralin. Pamprosesong tanong:
 Tungkol saan ang video?
 Ano ang pagkakaiba ng barangay Masagana at barangay Mapayapa?
 Sa palagay mo, lima o sampong taon mula ngayon alin kaya sa dalawang
barangay ang makakakamit ng pag-unlad?
C. Pag-uugnay ng mga  Batay sa pinanood na video, ano kaya ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito?
halimbawa sa bagong
aralin (Sa puntong ito din ilalahad ang mga layunin ng aralin)

Pagtalakay sa Paksa: Guess and Analyze (Pagpapaanalisa sa larawan)

1. Tamang pagbabayad ng buwis

Pamprosesong tanong:
 Bakit nga ba tayo nagbabayad ng buwis?
 Paano nakakatulong ang tamang pagbayad ng buwis sa sa pag-unlad ng bansa?

Ang isang buwis ay isang sapilitan na singil sa pananalapi o ilang iba pang uri ng levy
na ipinataw sa isang nagbabayad ng buwis (isang indibidwal o ligal na nilalang) ng
isang samahang pang-gobyerno upang mapondohan ang paggasta ng gobyerno at
D. Pagtalakay ng bagong iba`t ibang mga gastos sa publiko.
konsepto at
paglalahad ng bagong Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong
kasanayan #1 upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga
serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang
pangkalusugan, at iba pa.

2. Pagnenegosyo

Pamprosesong tanong:
 Ano ang magandang dulot ng pagnenegosyo sa ating ekonomiya?
 Sang-ayon ba kayo na magiging kontrolado ng mga dayuhang mamumuhunan
ang kabuhayan ng ating bansa?

Page 2|7
Malaki ang naitutulong ng pagnenegosyo sa pag-unlad ng bansa sapagkat nagbibigay
ito ng oportunidad upang magkaroon ng pag-asenso ang bawat indibidwal. Sa
pagnenegosyo hindi lang sariling kapakinabangan at kita ang maaaring makuha ng
negosyante, makatutulong din ito upang makatulong sa mga manggagawang Pilipino.

3. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran ng komunidad

Pamprosesong tanong:
 Anu-ano ang mga halimbawa ng mga proyektong pangkaunlaran ang
ipinapatupad ng pamahalaan?
 Bakit kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa proyektong
ipanapatupad ng pamahalaan?

Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal at


pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan
ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang
bansa. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos.
Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at
makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

4. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino

Pamprosesong tanong:
 Ano ang mangyayari kung mas tinatangkilik natin ang mga produktong banyaga
kaysa produktong Pinoy?
 Paano ka makakatulong sa pag-angat ng mga produktong Pilipino?

Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhan produkto.
Dapat nating pagsikapan na tangkilikin ang mga produktong Pilipino. Mahalaga ang
pagbili at pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo ng bansa. Nakatutulong
ito upang umangat at makilala ang mga produkto ng bansa. Bukod sa pag-angat at
pagkilala ng produkto makatututong din ito sa mga negosyante na mapalaki ang
kanilang kita gayundin sa mga mangagawa.

Page 3|7
5. Tamang pagboto

Pamprosesong tanong:
 Bakit kinakailang maging maingat tayo sa mga inihahalal na lider ng ating
barangay, bayan at bansa?
 Paano mo maipapamalas ang pagiging matalinong botante?

Ang “suffrage” ay ang karapatang bumoto o lumahok sa mga halalan at, para sa
Pilipinas, ay isinasaad sa tatlong dokumento. Ang mga ito ay: Universal Declaration
of Human Rights (UDHR), International Covenant for Civil and Political Rights
(ICCPR) at 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, na nagsasabi na ang karapatang ito ay
para sa lahat, ang mga tao ay may pantay-pantay na karapatang mahalal at
maglingkod, at ang bawat boto ay sagrado

Sa pagpili ng iboboto, mahalagang pag-isipan nang mabuti ang pangalang isusulat


sa balota, kinakailangang pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato kung ito ay angkop at nababagay para sa mga isyung pangkaunlaran ng
ating bansa.

Pagyamanin:

Gawain 1: Raise Your Choice


Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag ang maaaring makatulong sa pag-
unlad ng bansa. Itaas ang happy face kung ito ay makatutulong at itaas naman ang
sad face kung ito ay hindi makatutulong.

________1. Pagiging mabuting anak at mag-aaral


________2. Hindi pagbabayad ng tamang buwis
________3. Pagbibigay ng suporta sa mga gawaing pangsimbahan
________4. Pagbili ng mga smuggled goods.
________5. Nakilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
________6. Pagsisiwalat sa anomalya at korapsyon ng ilang mga tiwaling opisyal
________7. Pag-iwas sa droga at masamang bisyo
E. Paglinang sa ________8. Pagbili ng mga produktong local
kabihasaan (Tungo sa
Formative Gawain 2: Belinda’s Retirement
Assessment )
Si Belinda ay supervisor sa PLDT. Maaga siyang nag-retiro sa edad na 50 dahil sa mas
malaki ang inaalok ng kumpanya na kabayaran sa mga maagang nagreretiro. Nakatanggap
siya ng P 1.5 milyon sa kanyang 30 taong pagtatrabaho sa kumpanya. Minsan ay inalok siya
ng kanyang kapwa nagretiro sa PLDT na ilagay ang kanilang pera sa isang investment na
magbibigay sa kanila ng P15,000 tubo bawat buwan sa P1 milyong pera na ilalagak sa
negosyo. Dahil sa laki ng tubo ay naengganyo si Belinda na maglagay ng P 1 milyon.
Nakatanggap siya ng P15,000 sa unang limang buwan ngunit makalipas ang limang buwan
ay sinabihan sila ng investor na nalugi ang negosyo kaya hindi na makapagbibigay sa kanila
ng tubo sa perang kanilang sinali sa negosyo.

Mga tanong:
1. Tama o Mali ba ang pagpasok ni Belinda sa negosyo?
2. Magbigay ng dahilan kungbakit tama o mali ang pagsali ni Belinda sa negosyo.

Page 4|7
Gawain 3: Ang Aking Panata (Differentiated Instruction)

Sa mga gampaning inisaisa nating tinalakay, pumili ka ng isang gampanin. Gumawa ka ng


isang panata at isulat ito sa iyong notepad. Pero bilang twist gawin ang iyong panata sa
pamamagitan ng alinman sa malikhaing pamamaraan na nakatala:
 Liriko ng kanta
 Islogan
 Dalawa o tatlong pangungusap na talata
 Spoken word poetry.
F. Paglalapat ng aralin sa
pang-araw-araw na
buhay.

Nalaman ko!

G. Paglalahat ng aralin. 1. Anu-ano ang mga estratehiya na dapat gawin ng mga mamamayan upang
makatulong sa pambansang kaunlaran?
2. Paano makakamit ng isang bansa ang pag-unlad?
Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at


serbisyo upang ibenta at layunin nitong kumita o tumubo.
A. .Pagnenegosyo
B. Pakikipagkaibigan
C. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan
D. Pagdalo sa mga pagtitipon

2. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at pinanggagalingan ng


malaking pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng mga serbisyong
panlipunan.
A. Pagnenegosyo C. Pagsali sa mga organisasyon
B. Pagbubuwis D. Pamumuhunan

3. Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang kanilang pondo


para makapagsimula ng negosyo upang magkaroon ng kita sa pamamagitan ng
dibidendo.
A. Korporasyon
H. Pagtataya ng aralin.
B. Isahang pagmamay-ari
C. Kooperatiba
D. Sosyohan

4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?


A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato
B. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng karapat-
dapat na maging pinuno
C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan
D. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit

Page 5|7
6. Sa paanong paraan nagkakaroon ng pagkakaisa?
A. Pagtanggi sa mga gawaing panlipunan
B. Matututong makinig sa mga suhestiyon at pangangailangan ng iba
C. Paggawa ng desisyon na makapagbibigay ng magandang resulta sa sarili kahit
ikapahamak ng iba
D. Paglalaan ng oras at panahon upang siraan at ibaba ang ibang tao

7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga kung walan pagkakaisa ang mga
mamamayan sa isang barangay?
A. Madaling matatapos ang isang gawain o proyekto
B. Magiging payapa at masagana ang buong barangay
C. Magiging magulo at hindi magkakasundo-sundo ang mamamayan
D. Magkakaroon ng kapanatagan ang bawat isa

8. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pag-unlad
ng inyong barangay?
A. Makisangkot sa mga programa at proyektong pampamayanan
B. Itapon ang mga basura sa ilog at karagatan upang mapanatili ang kalinisan ng
barangay
C. Huwag makipag-usap at iwasan ang kapitbahay upang mapanatili ang katahimikan
D. Magboluntaryo sa pamimigay ng mga pagkain sa oras ng pangangailangan upang
makilala at sumikat sa barangay

Panuto para sa bilang 9 at 10: Suriin ang sumusunod na pahayag.

9. Pahayag 1: Ang kaunlaran ay nakasalalay lamang sa kagalingan ng namumuno sa isang


bansa.
Pahayag 2: Mahalaga ang pagkakaisa ng lahat ng mamamayan upang makamit ang
layuning mapaunlad ang isang bansa.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.

10. Pahayag 1. Ang paghingi ng opisyal na resibo sa mga binibili at binabayarang


produkto at serbisyo ay nakatutulong sa pag-unlad ng bansa
Pahayag 2: Ang korapsyon at anomalya sa pamahalaan ay kailangang pigilan at labanan.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.
I am an advocate!

Gumawa ng isang advocacy campaign tungkol sa sama-samang pagkilos para sa


pambansang kaunlaran at e post ito sa inyong mga social media accounts. Ito ay gawin sa
I. Karagdagang Gawain. pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan.
 Poster
 Video
 Islogan
 Jingle

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
80% sa pagtataya.

Page 6|7
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatutulong ba ang
remedial? Bilang ng
magaaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation

Inihanda ni:

DERWIN JOEMER E. ESTORNINOS


Gurong-Mag-aaral

Pinuna nina:

FROLAINE B. CHICA CHERYL ROSE D. ALIPONGAN


Resource Teacher Student Internship Supervisor

MA. THERESA G. BILAN ANGELITA B. BECARES, Ph.D.


Master Teacher I, AP Coordinator Head Teacher IV, Related Subjects

Page 7|7

You might also like