You are on page 1of 3

PAARALAN Sta.

Cruz National High School ANTAS Baitang 9


GRADE 1 to 12 GURO Rhodora A. De Jesus ASIGNATURA Araling Panlipunan
DAILY LESSON LOG PETSA/ORAS January 27, 2019 MARKAHAN Ikaapat

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng
mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran. (AP9MPS-IVa-1)
II. NILALAMAN Paksa: Kahulugan ng pambansang Kaunlaran
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Mga pahina sa Gabay ng Guro Economiks p. 234-251
2. Mga pahina sa Gabay ng Pang-mag-aaral Economiks p. 340-361
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, manila paper at pentel pen
IV. PAMAMARAAN
Balitaan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/pagsisimula ng bagong Pagpapasagot sa Paunang Pagsusulit para sa Ikaapat na Markahan.
aralin
B. Paghahabi ng layunin ng aralin. Pagpapaanalisa sa larawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Base sa mga larawan na iyong nakita,ano ang pakahulugan mo sa pambansang kaunlaran?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto & paglalahad ng bagong Hahatiin sa tatlong Pangkat ang mag-aaral at pag-uusapan ng bawat pangkat ang
kasanayan1 nakita/nilalalman ng larawan.
1.Anong konsepto ang nabuo ng bawat pangkat ukol sa aralin?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto & paglalahad ng bagong Malayang talakayan.


kasanayan 2 1. Ano ang pananaw mo ukol sa pambansang kaunlaran?

F. Paglinang sa kabihasaan
Panuto: Lagyan ng ang tapat ng bilang kung sumasang-ayon ka sa
ipinapahayag ng pangungusap
__1.May pag-unlad kung may nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada.
__2.May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa.
__3.May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at makinarya.
__4.May pag-unlad kung ay demokrasya.
__5.May pag-unlad kung may mataas na suweldo

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bilang mamamayan ng inyong sariling barangay,anu-ano ang mga nagpapakita na maunlad
na ang iyong barangay?Magbigay ng halimbawa.
H. Paglalahat ng aralin #Hashtag Pambansang Kaunlaran.
Ano ang iyong naging pakahulugan sa Pambansang Kaunlaran?
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Tukuyin kung sino ang nagwika nito.
______1.Ito ay ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw.
______ 2.Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat.
______3.Mapapaunlad ang buhay ng tao kaysa sa yaman ng ekonomiya.
______ 4.Ito ay ang pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
______5. Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at Basahin ang Editoryal- Umangat ang Ekonomiya,dumami ang jobless .
remediation Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang nilalaman ng editoryal?
2.Sa iyong palagay,anu-ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming Pilipino parin ang
walang trabaho sa kabila ng sinasabing pag-angat ng ekonomiya ng bansa?
3.Batay sa iyong nabasang artikulo,masasabi mo bang may pag-unlad sa bansa?Ipaliwanag
ang sagot.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% na pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking nararanasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:
RHODORA A. DE JESUS

You might also like