You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan 9

Paaralan Pamantasang Normal ng Baitang/Antas 9


Pilipinas
Guro Bb. May Ann U. Quinto Asignatura Araling Panlipunan
Petsa Markahan Unang Markahan
I. MGA LAYUNIN
1. Natutukoy ang ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
bilang sagot sa kakapusan.
2. Naipapamalas ang matalinong paggamit ng likas na yaman.
3. Nakalilikha ng e-slogan kung paano magagamit ng tama ang alokasyon bilang sagot sa
kakapusan.
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-
arawaraw na pamumuhay.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa


sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang- araw-araw na pamumuhay.

C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELC) 14. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa


iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan.

II. NILALAMAN

A. Paksang Aralin Mekanismo ng Alokasyon sa Iba’t Ibang


Sistemang Pang-ekonomiya bilang sagot sa
kakapusan

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Kagamitan Laptop, Projector, Powerpoint Presentation,
libro

B. Istratehiya Picture Analysis at recitation

C. Sanggunian 1. EKONOMIKS - Ikasiyam na Baitang:


Araling Panlipunan - Modyul para sa
Mag-aaral (Unang Edisyon). (2017).
Kagawaran ng Edukasyon. (Orihinal na
Nalimbag, 2015).
2. Water Conservation. (2022, February
22). Philippine Star.
https://images.app.goo.gl/e8oj1rbFh63
qZRft7
3. Water Conservation. (2019, March 15).
PressReader.
https://www.pressreader.com/philippin
es/the-freeman/20190315/2816854361
69013

D. Pagpapahalaga Matalinong paggamit ng likas na yaman (Wise


use of resources)

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG AARAL
1. Pagbati

Magandang araw mga klase! Magandang Umaga rin po, Teacher May Ann!

2. Panalangin
Bago tayo magsimula ay iyuko muna natin ang
ating mga ulo para sa ating panalangin
ngayong araw.

3. Pagtatala ng liban
(Pangalan ng Kalihim), maaari bang malaman
kung may liban tayo ngayong araw?
Kumpleto na ba tayo? Kumpleto na po tayo

Maraming salamat (Pangalan ng Kalihim)

4. Panimulang Pagtataya
Ayan, muli ay magandang umaga klase! Bago
natin simulan ang ating aralin, magkakaroon
muna tayo ng maikling gawain. Opo

Mayroon akong limang (5) code na ipapaskel


sa ating pisara at kailangan niyo itong i-decode
gamit ang polybius square upang malaman ang
salita na nakakubli rito. Mangyari lamang na
itaas ang inyong kamay kung alam niyo ang
kasagutan.

1 2 3 4 5

1 A B C D E
2 F G H I/J K

3 L M N O P

4 Q R S T U

5 V W X Y Z

Halimbawa: 35-11-22-25-34-33-43-45-32-34
Sagot: PAGKONSUMO

May katanungan ba?


Handa na ba ang klase? Wala na po.
Opo
Para sa unang numbero: 11-31-34-25-11-43-
54-33 Alokasyon po Teacher
Ano kaya ito klase?

Mahusay (Pangalan ng mag-aaral)

Ikalawa, 44-42-11-14-24-43-54-34-33-11-31
33-11 15-25-34-33-34-32-24-54-11

Mahusay (Pangalan ng mag-aaral)

Ikatlo, 32-11-42-25-15-44 15-13-34-33-34-32- Tradisyonal na Ekonomiya po Teacher


54

Mahusay (Pangalan ng mag-aaral)

Ika-apat, 13-34-32-32-11-33-14 15-13-34-33-


34-32-54
Market Economy po
Mahusay (Pangalan ng mag-aaral)

Panghuli, 32-24-53-15-14 15-13-34-33-34-32-


54

Mahusay klase at nadecode ninyo ang mga


nasa numero. Command Economy po Teacher
4. Pagganyak

Gawain #1 Pict-Analysis
Ngayon klase ay may ipapakita akong mga
larawan at ibabahagi ninyo kung ano ang
ipinapahiwatig nito. Mixed Economy po

Pamprosesong Tanong:

1. Anong konsepto ng ekonomiks ang


mahihinuha sa mga larawan? - C
2. Alin sa mga larawan ang nakapagbigay sa
iyo ng ideya na ito ang hinahanap na konsepto?
-C
3. Bakit kaya nagkakaroon ng kakapusan? - C
4. Sa paanong paraan kaya makakatulong ang
isang katulad mong mag-aaral na
masolusyonan ang kakapusan? - B
5. Sa iyong palagay, anong pagpapahalaga
kaya ang mahihinuha sa mga larawan na
tumatalakay sa kakapusan? - A
6. Paano mo maisasabuhay ang
pagpapapahalaga na ito? - B Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang
pamprosesong tanong

B. Panlinang na Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Paglalahad

Kung inyong mapapansin klase, ang mga


larawan ay may kinalaman sa sistemang pang-
ekonomiya at kakapusan dahil ang ating
paksang tatalakayin ngayong araw ay tungkol
sa Mekanismo ng Alokasyon sa Iba’t Ibang
Sistemang Pang-ekonomiya bilang sagot sa
kakapusan.

Nakakaranas tayo ng kakapusan dahil sa ilang


mga dahilan, ito ay ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao,
mabilis na pagdami ng populasyon sa mundo at
pag-aaksaya ng mga pinagkukunang-yaman.

Kung kaya naman klase, upang magkaroon ng


mahusay at maayos na alokasyon sa
pinagkukunang-yaman ay dapat itong sumagot
sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiko.

Una, ano-anong produkto at serbisyo ang


gagawin? Ang serbisyo at produkto na
gagawin ng lipunan ay base lamang sa kung
ano ang pangangailangan ng tao.

Pangalawa, paano gagawin ang naturang


produkto at serbisyo? Ito ay tumutukoy sa
kung paano mabubuo ang produkto at serbisyo
gamit ang input upang magkaroon ng output.

Pangatlo, para kanino ang mga produkto at


serbisyo? Ito naman at tumutukoy sa kung sino
ang makikinabang o magkokonsumo sa
produkto at serbisyo ito man ay nasa loob o
labas ng bansa.

Pang-apat, gaano karami ang gagawing


produkto at serbisyo? Sa katanungan na ito,
mahalagang malaman kung gaano kalaki o
karami ang pangangailangan ng ekonomiya
upang malaman kung gaano rin karami ang
gagawing produkto at serbisyo.

Malinaw ba ang apat na pangunahing Opo Teacher!


katanungang pang-ekonomiya, klase?

Ang apat na pangunahing katanungang pang-


ekonomiya ay kinakailangan masagot ng iba’t
ibang sistemang pang-ekonomiya, dahil
tinutulungan nito ang suliranin sa kakapusan at
kung paano maging maayos ang paggamit sa
mga pinagkukunang yaman. Ngunit ano nga ba
ang sistemang pang-ekonomiya? Isinasagawa
ito upang isaayos ang paraan ng produksiyon,
pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-ekonomiya ng isang lipunan.

Mayroong apat na sistemang pang-ekonomiya.


Una ay ang tradisyonal na ekonomiya, ang
unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya. Ito
ay nakatuon sa tradisyon, kultura, at
paniniwala kaya naman ang mga
pangangailangan ng tao ay nakabatay
pangunahing pangangailangan tulad ng tirahan,
damit, at pagkain. Ang paraan naman ng
produksiyon ay nakabase sa sinaunang
pamamaraan na itinuturo ng matatanda sa
pangkat. Ang mga produkto naman ay
maipapamahagi sa kung sino ang dapat
gumamit at nakabatay sa mga nangangailangan
ang dami.

Pangalawa, Market Economy. Ito naman ay


ginagabayan ng malayang pamilihan na kung
saan ang mga konsyumer at prodyuser ay
kumikilos batay sa kanilang pansariling
interes. Nakadepende sa pribadong pagmamay-
ari kung paano nila gagawin ang produkto at
serbisyo. Ang presyo ay may malaking papel
na ginagampanan sa sistema na ito. Ano sa
tingin niyo ang dahilan nito klase? Dahil ang presyo ay ang pagbabasehan ng mga
mamimili kung ilang produkto ang kanilang
bibilhin at ang mga produktong malilikha ng
mga prodyuser ay nakadepende sa kung gaano
karami ang bibilhin ng mga konsyumer.
Mahusay! Tama ang sinabi (Pangalan ng mag-
aaral) dahil ang presyo ang bumabalanse sa
market economy. Kung gaano karami ang
bibilhin ng mga konsyumer ay ganun rin
karami ang lilikhaing mga produkto ng mga
prodyuser.

Ang pamahalaan naman ay nagbibigay ng


proteksiyon sa mga pribadong pagmamay-ari
at mga pribadong indibidwal na
mapangalagaan ang kanilang karapatan.

Sumunod na sistema ay ang command


economy, na kung saan ang pamamahala sa
ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan. Ito
ay kontrolado ng sentralisadong ahensya na
nakabatay sa gagamiting pinagkukunang-
yaman upang makalikha ng kapital.
Nagkakaroon ng pagtatakda ng pasahod sa
iba’t ibang trabaho at pagtatakda ng halaga sa
mga produkto na galing sa sakahan. Ipinatupad
ito noon sa dating Soviet Union at ang bansang
North Korea at Cuba ay nananatili pa rin na
command economy.

Panghuli ay ang mixed economy, ito naman ay


ang pinagsamang command at market
economy. Nagtataglay ito ng malayang
pagkilos ng pamilihan ngunit ang pamahalaan
ay may karapatan na makialam sa mga usaping
nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado. Ang mga pribadong pagmamay-ari at
indibidwal ay maaaring makabuo ng desisyon
sa ekonomiya, ngunit hindi ibig sabihin na
magagawa na nila ang kanilang gusto dahil ang
pamahalaan ay may malaki rin na parte upang
maisakatuparan ang kanilang pasya na nabuo.

Malinaw ba klase ang apat na sistemang pang- Opo Teacher!


ekonomiya?

May katanungan ba ang klase? Wala po Teacher

C. Pangwakas na Gawain
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
1. Paglalahat

Dahil malinaw at wala nang katanungan ang


klase, balikan natin ang ilang konsepto sa ating
naging talakayan. Ano ang apat na
pangunahing katanungang pang-ekonomiya? Ang apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya ay ang, ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin? Paano gagawin ang
naturang produkto at serbisyo? Para kanino
gagawin ang mga produkto at serbisyo? at
Gaano karami ang gagawing produkto at
serbisyo?
Mahusay klase! Ano naman ang apat na
sistemang pang-ekonomiya?
Tradisyonal na ekonomiya, market economy,
command economy, at mixed economy.
Mahusay klase! Bakit kailangan sagutin ang
apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya sa iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya? Dahil ang bawat sistemang pang-ekonomiya
ay tunguhin na maging kaagapay ang lipunan
sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano
magiging efficient ang paggamit sa mga
pinagkukunang-yaman sa bansa.

Mahusay klase!

V. PAGTATAYA/MGA TALA
Takdang Aralin: E-Slogan

Panuto: Gagawa ng e-slogan ang mga mag-aaral sa kung paano magagamit ng tama ang
alokasyon bilang sagot sa kakapusan.

Rubrik para sa E-slogan

10 5 3

Nilalaman Ang mensahe ay Hindi gaano naipakita Medyo magulo ang


mahusay na naipakita ang mensahe mensahe
sa e-slogan

Pagkamalikhain Ang e-slogan ay Maganda at malinaw Maganda ngunit


napakaganda. Malinaw ang pagkakasulat ng hindi malinaw ang
ang pagkakasulat ng titik. pagkaaksulat ng mga
titik. titik.

Pagka-orihinal Ang ideya ay naiiba at Napag-isipan rin ngunit Napag-isipan rin


pinag-isipang mabuti. may kaonting bagong ngunit walang
Nagbigay ng bagong ideya. binigay na bagong
ideya. ideya.

VI. EBALWASYON
1. Ang lahat ng mga mag-aaral ay makakapagpasa ng e-slogan.
2. Alin sa mga estratehiya ang nakatulong sa mga mag-aaral? Paano ito nakatulong?
3. Bilang ng mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
4. Bilang ng mga mag-aaral na kinakailangan pa ng gawain upang maunawaan ang aralin.
5. Anong suliranin ang aking naranasan na maaaring masolosyunan ng aking guro at
tagapagmasid?

Inihanda ni:

Bb. May Ann U. Quinto


Katuwang Guro

Sinuri ni:

Gng. Nonita M. Marte


Guro

You might also like