You are on page 1of 18

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 2 at 3:
Kahalagahan ng Ekonomiks
Revised 2021

Tagalikum/Tagapagkontektswalisa
CHRISTINE A. ARENDAIN
Budla-an Integrated School

1
Modyul
Ang Kahalagahan ng
2 Ekonomiks

Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing Konsepto ng Ekonomiks


bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


ekonomiya bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

Kakayahan:

Natataya ang Kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


bawat pamilya at ng lipunan.

Paksa/Code: Ang Kahalagahan ng Ekonomiks (AP9MKE-1a-2)

Subukin Natin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t-ibang aralin
sa modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na kasagutan.

1. Ang “Anti-Terror Bill” ay halimbawa ng ______ na nararapat bigyang halaga


ngayon.
A. Batas B. Isyu C. Desisyon D. Programa

2. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Ang pahayag ay ________.
A. Mali B. Tama C. Opinyon D. Kuru-kuro

2
3. Alin sa mga sumusunod hindi nagpapakita ng magandang gawi bilang mag-
aaral?
A. Pagbabalik -aral.
B. Pagliban sa klase.
C. Paggawa ng proyekto.
D. Paggawa ng takdang-aralin.

4. Dahil unang naging epicenter ng COVID-19 ang Kamaynilaan, maraming mga


mamamayan ang hindi nakauuwi sa kani-kanilang probinsya sa bansa, kaya
bilang tulong ng pamahalaan, inilunsad ang Balik-Probinsya para sa mga
Locally Stranded Individual (LSI). Ang pahayag ay halimbawa ng ____?
A. Batas B. Isyu C. Desisyon D. Programa

5. Sa naganap na COVID- 19 PANDEMIC, nawalan ng trabaho si Mang Jose.


Sa kabila ng pangyayari, naninindigan siya na magsikap para mapakain ang
pamilya. Ang sitwasyon ay nagpapakita na siya ay bumuo ng matinding ______.
A. Batas B. Isyu C. Desisyon D. Programa

6. Sa kasagsagan ng pandemic nawalan ng trabaho si Jande bilang kahera ng


isang boutique sa mall. Kaya naisipan niya na mag-online selling ng mga prutas
at gulay. Anong konsepto ng ekonomiks ang ipinakita sa sitwasyong inilahad?
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang

7. Nasang-ayunan ng mga barkada ni Emma na lumiban sa klase dahil pupunta


sila sa mall upang manood ng sine. Ngunit bigla nagbago ang isip ni Emma na
mananatili sa silid-aralan. Ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
____.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang

8. Si Maret ay sobrang sipag sa pagtatrabaho.Minsan nag-oovertime siya sa


kanyang trabaho sa opisina. Kaya, naisipan niya na magbakasyon sa isang
magandang resort. Ang sitwasyon ay naglalahad ng _________.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang

9. Malapit lang bahay ni Angelie sa paaralan. Nakasanayan niyang maglakad


papunta at pauwi sa paaralan. Kaya naisip niyang itabi at ilagay sa kanyang ipon
ang pera para pamasahe. Mula sa pahayag si Angelie ay may disiplina sa
__________.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang

10. Ikaw ay panganay na anak at isang taon nalang ay makapagtapos ka na sa


kolehiyo. Biglang nagkasakit ang iyong ama at walang trabaho ang iyong
inay.Hiningi ng iyong ama na tumigil ka nalang sap ag-aaral dahil wala na
siyang pangtustos sa iyo. Ano ang mainam mong gawin?
A. Mag-aasawa nalang.
B. Maglayas sa bahay.
C. Papasok sa mga bisyo.
D. Magwoworking student.

3
11. Dahil talamak ngayon ang paggamit sa Social Networking Sites, maraming isyu
ang nailathala. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo
pinamahalaan ang mga “Fake News at Black Propaganda”?
A. Kaagad maniwala.
B. Tumulong sa pagkalat nito.
C. Magkumento ng maanghang na salita.
D. Susuriin ang isyu sa maayos na paraan.

12. Mahigit isang taon na din ang lumipas ngunit hindi pa rin nawala ang COVID-
19 pandemic sa ating bansa. Bilang mamamayang Pilipino, paano ka
makakatulong upang hindi lalong kumalat at lumala ang kaso sa ating bansa.
A. Lalabas sa bahay kung may sakit.
B. Murahin ang opisyal ng barangay.
C. Gawing malusog at manatili sa bahay.
D. Magkikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay.

13. Dahil sa COVID-19 Pandemic, nagkakaroon ng pagbabago sa paraan ng


pagkatuto gaya ng online at modular session. Ano ang mainam mong gawin?
A.Hihinto sa pag-aaral.
B.Tuligsain ang ahensiya ng DepEd.
C.Yakapin ang pagbabago ng sistema.
D.Mananatili sa bahay at walang gagawin.

14. Ang mga pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng magandang pag-uugali na dapat


taglayin ng mga kabataan ngayon, alin ang hindi kabilang?
A. Pagiging masunuring anak.
B. Responsableng paggamit ng Social Media.
C. Pagtaliwas sa mga magandang payo ng nakakatanda.
D. Pagsagot sa mga nakakatanda na may buong paggalang.

15. Sa kasalukuyan, lalong naging banta sa atin ang pandemya dahil sa bagong
COVID Variant na tinatawag na Delta. Alin ang hindi kabilang ang mga
hakbang upang mapigilan ang paghawa sayo?
A. Iwasan ang matataong lugar.
B. Magturok ng bakuna kontra COVID.
C. Magsuot ng protective gears kapag umalis ng bahay.
D. Mamuhay ng normal at hindi maniniwala sa pandemya.

4
A. Aralin 1-Kahalahagan ng Ekonomiks bilang bahagi ng
pamilya.

Alamin Natin

Magandang araw mga mag-aaral! Nasa pangalawang linggo na tayo sa ating aralin.
Dahil natutunan na natin ang kahulugan ng Ekonomiks dadako naman tayo sa
kahalagahan nito. Handa na ba kayo? Tara na mag- aral tayo.

Ang Modyul na ito ay sumasaklaw sa Kahalagahan ng Ekonomiks ng bawat


pamilya. Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

A. Naipapaliwanag ang mga Kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bawat pamilya;
B. nakabubuo ng matalinong tugon at pagpapasya batay sa kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya; at
C. nagagamit ang tamang pagpili sa pagbuo ng matalinong tugon at pagpapasya sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Panuto: Pagdugtung-dugtungin ang mga pinaghalu-halong parirala upang mabuo


ang kahulugan ng ekonomiks.

KILOS AT GAWI

WALANG KATAPUSANG PANGANGAILANGAN

KAGUSTUHAN LIMITADONG YAMAN

EKONOMIKS AGHAM PANLIPUNAN

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA TAO

5
Tuklasin at Suriin

LARAWAN-SURI.

Panuto: Sa ibaba ay may mga larawan na inilalahad. Matapos suriin, sagutin ang
mga pamprosesong tanong sa ibaba.

https://www.Slideshare.net http://bacoor.gov.ph

https:// youtube.com-bayanihan https://pdfslide.net/amp/education

Pamprosesong Tanong

1. Anu-ano ang napuna mo sa mga larawan?


2. Nakatutulong ka ba sa bawat miyembro ng iyong pamilya upang kayo ay
maging produktibo?
3. Bakit maituturing na mahalaga ang papel na ginampanan ng bawat
pamilya sa lipunan?

6
Teksto-suri.

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.

Ngayong nagawa natin ang gawain sa itaas. Dadako naman tayo sa pagsusuri ng
teksto. Upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman. Simulan na natin!

Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Malaki ang maitutulong nito
sa iyo bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS BILANG BAHAGI NG PAMILYA


1. Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga
desisyon mula sa pamimilian na mayroon ang pamilya iyong kinabibilangan.
2. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglibang, paggasta, at pagtugon
sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa
alokasyon at pamamahala.
3. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng
makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong
pamilya.

1.Bakit dapat matutunan ng bawat pamilya ang kahalagahan ng ekonomiks?


2. Ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo ang konseptong
nakapaloob dito.

PAMILYA EKONOMIKS
OPINYON PAGDEDESISYON
PAMIMILIAN KAALAMAN

Ang iyong 1._______ ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang

2._______ tungkol sa mahahalagang 3._______ ng iyong pamilya. Maaari mo ding

magamit ang kaalaman sa 4._______ sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa

5._______ na mayroon ang 6._______ iyong kinabibilangan.

7
Isagawa

Magtagumpay na nagawa natin ang mga gawain sa itaas. Ngayon naman, panahon
na para maglibang sabay matuto.

MAGKANTAHAN TAYO!

Panuto: Sa ibaba ay matutunghayan mo ang liriko ng jingle sa Family Planning.


Pagtuunan ng pansin ang bawat liriko. At pagkatapos, sagutin ang
pamprosesong tanong.

Isang taon palang ako nasundan na ni Toto


Grade - 2, walong taon palang
Apat na bata ang inaalagaan
Grade-6, labin dalawa na ko
Kasindami na ng pamilya ko
Sabi mo pasensiya na
Walang pera kaya mag-drop-out ka
Ina ko sabi mo, kami mahal nyo
Ari ko, ba’t di kayo nagplano
Sana hindi gutom at nag-aaral pa
Alaga’t malusog ang buong pamilya.

https://youtu.be/2pNWpojebjc

Pamprosesong Tanong:

1.Batay sa jingle ng DOH Commercial 2014, anu-anong mga panlipunang


suliranin ang sumasalamin ng bawat pamilya na nangangailangan ng
pagtugon sa isyu ng usaping ekonomiko?

2.Bilang bahagi ng pamilya, paano ka makatutulong sa paglutas o pagtugon


sa mga suliraning pang-ekonomiko na inilalahad mula sa jingle?

3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makabuo ng pamilya balang araw.


Ano ang gusto mong baguhin mula sa hindi magandang pangyayari sa
inyong pamilya?

8
Modyul
Ang Kahalagahan ng
3 Ekonomiks

B. Aralin 2-Kahalahagan ng Ekonomiks bilang bahagi ng


lipunan.

Alamin

Sa nakaraang linggo ay natutunan mo ang kahalagahan ng ekonomiks sa bawat


pamilya. Sa araw na ito madagdagan na naman ang iyong kaalaman sa isang
mahalagang paksa.

Ang Modyul na ito ay sumasaklaw sa Kahalagahan ng Ekonomiks bilang bahagi ng


lipunan. Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng
mga sumusunod:

A. Naipaliliwanag ang mga kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang bahagi ng lipunan;
B. nakabubuo ng matalinong tugon at pagpapasya batay sa kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang bahagi ng lipunan; at
C. nagagamit ang tamang pagpili sa pagbuo ng matalinong tugon at pagpapasya sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

9
Balikan

Panuto: Bigyang-pansin ang nasa larawan. At pagkatapos, sagutin ang


pamprosesong tanong.

https://m.faceBook.com/ABS-CBN

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nabanggit sa itaas?

2. Batay sa linya sa itaas at sa ating napag-aralan, bakit maituturing na mahalaga


ang pag-aaral ng ekonomiks ng bawat pamilya?

3. Nararapat bang mahubog sa bawat pamilya ang mabuting kaugalian at asal?


Ipaliwanag.

10
Tuklasin at Suriin

Teksto-suri.

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba para sa karagdagang kaalaman.

Matapos natin matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks ng bawat pamilya.


Dadako naman tayo sa kahalagahan ng ekonomiks sa lipunan. Idagdag natin ang
mga mag-aaral dahil sila ang makakatulong balang araw upang mapaunlad ang
ating lipunan.

Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting


pamamahala at pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Malaki ang maitutulong nito
sa iyo bilang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA LIPUNAN AT MAG-AARAL


1.Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga
napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng
bansa.
2. Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
3. Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at
mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog
sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

1.Bakit dapat matutunan ng bawat lipunan at mag-aaral ang kahalagahan ng


ekonomiks?
2. Ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.

11
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang pahayag upang mabuo ang konseptong
nakapaloob dito.

ISYU
BATAS
PROGRAMA
MAUNAWAAN
PAGPAPAUNLAD

.Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang 1.__________ang mga

napapanahong 2._______na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko

ng bansa. At maaari mo ding maunawaan ang mga 3._______ at 4._______

ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa 5.________ ng ekonomiya.

Isagawa

Emoticons Time.

Panuto: Lagyan ng ☺kung magagamit ang matalinong tugon at pagpapasya at


kung ito ay tumataliwas sa paggamit ng matalinong tugon at pagpapasya sa
pang-araw-araw na gawain.

______1. Pagliban sa klase.


______2. Pagsuway sa batas trapiko.
______3. Pangangalaga sa kalikasan.
______4. Pagsuplong sa mga tiwaling opisyal.
______5. Pagtibayin ang diwang Makabayan.
______6. Pakikiisa sa gawaing pang-ekonomiko.
______7. Masinop na paggamit ng tubig at kuryente.
______8. Pangunguna sa pagkalat ng Fake News at Black Propaganda.
______9. Pagtatago (hoarding) sa panahon ng delubyo, krisis, at sakuna.
______10. Pagyakap sa tinatawag na “New Normal” na may pagtalikod sa moralidad.
.

12
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na kasagutan.

1. Nasang-ayunan ng mga barkada ni Cora na lumiban sa klase dahil pupunta sila


sa mall upang manood ng sine. Kung ikaw si Cora, ano ang dapat mong gawin?
A. Sasama sa kanila.
B. Aawayin ang mga kaibigan.
C. Hindi na kakaibiganin ang barkada.
D. Tatanggi at manatili sa silid-aralan.

2. Nakita mong abalang-abala ang iyong ina sa paperworks, nang sinabi niya na
magsaing ka muna dahil malapit na ang hapunan. Ano ang nararapat mong
gawin?
A. Magdabog sa bahay.
B. Huwag pansinin ang ina.
C. Gawin ang utos ng labag sa kalooban.
D. Gawin ang utos na maluwag sa kalooban.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa responsableng New Normal?


A. Magsuot ng protective gear tuwing lalabas ng bahay.
B. Sasali sa mga pagtitipon dahil bahagi ng pakikisalamuha.
C. Ipagpatuloy ang social distancing tuwing lalabas ng bahay.
D. Mananatili sa bahay kung hindi naman kailangang lumabas.

4. Namamahagi ng bigas ang mga opisyal ng barangay bilang ayuda sa panahon ng


COVID-19. Batid mo ang pangangailangan nito dahil sa kakulangan ng kita.
Ngunit hindi kayo nabigyan dahil wala kayo sa listahan. Ano ang mainam mong
gawin?
A. Magsasawalang kibo nalang.
B. Aawayin ang mga opisyal ng barangay.
C. Isangguni sa kinuukulan upang maliwanagan.
D. Sisiraan ang mga opisyal ng barangay sa facebook page.

5. Sa pagkasara ng mga negosyo dulot ng COVID-19, bumagsak ang ekonomiya ng


ating bansa kung saan apektado ang halos lahat ng mga Pilipino. Kung ikaw
ay apektado, paano mo mapangasiwaan ang para matugunan ang
pangangailangan ng pamilya?
A. Sasali sa mga welga.
B. Maghintay ng ayuda mula sa pamahalaan.
C. Bubuo ng Vlog na nagpapakita ng pagtuligsa sa pamahalaan.
D. Didiskarte ng ibang hanapbuhay para may mapakain sa pamilya.

13
6. Sa naganap na COVID- 19 PANDEMIC, nawalan ng trabaho si Mang Pino.
Napagtanto niyang nakatiwangwang na lupain sa kanilang bakuran para
magagamit nito. Ano ang mainam niyang gawin para makatulong sa
pangangailangan ng pamilya?
A.Gawing bilyaran.
B.Gawing playground para sa mga anak.
C.Hanahanap ng bibili ng bakanteng lote para magkapera.
D.Pagtamnan ng mga gulay na madaling tumubo at mamunga.

7. Kamakailan lang ay nakamit ni Hidilyn Diaz ang pinakaunang gintong medalya


sa Pilipinas sa patuloy na ginaganap na Tokyo, Olympics sa larangan ng
isports na weightlifting. Ipagpalagay natin na ikaw si Hidilyn Diaz, ano ang
pinakamainam mong gawin dahil sa karangalang ibinigay mo sa bansa?
A. Magmayabang
B. Maging mapagmataas
C. Hindi lilingon sa pinggalingan.
D. Patuloy pa rin na mapagkumbaba.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mabuting gawain bilang mag-
aaral?
A. Pagtabi ng sobrang pera mula sa allowance.
B. Pag-una sa aralin bago ang panonood ng palabas.
C. Paggawa ng gawaing bahay pagkatapos ay mag-aral.
D. Paghingi ng sobrang allowance para pambili ng anong nais bilhin.

9. Nabalitaan mo na ang pamilya ng iyong kaklase ay nagpositibo sa COVID-19,


kaya kailangan nilang i-quarantine. Bilang kaklase, ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkalat sa Facebook.
B. Ipahiya sa maraming tao.
C. Hindi papansinin at pandirihan.
D. Papalakasin ang loob sa pamamgitan ng pagmessage.

10. Kakatapos lang sa kolehiyo ni Trina. Lingid sa kaalaman ng iba siya ang nagmula
sa maykayang pamilya. Kung ikaw sa Trina, ano ang mabuti mong gawin.
A. Hahanap ng trabaho.
B. Magpahinga ng isang taon.
C. Magbabakasyon saan gusto.
D. Ipagpatuloy ang paghingi ng sustento sa magulang.

11. Ngayong panahon ng pandemya, bakit nararapat na sumunod tayo sa mga


safety protocols mula sa Inter- Agency Task Force (IATF)?
A. Dahil wala tayong magagawa kung di sumunod.
C. Upang mabigyan ng pabuya mula sa pamahalaan.
B. Dahil baka maparusahan kapag hindi sumusunod.
D. Upang malimitahan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

12. Nahirapan ka sa pagsagot sa modyul lalung-lalo na sa asignatura na mahina ka,


ano ang nararapat mong gawin?
A. Manghingi ng sagot sa kaklase.
B. Huwag nalang sagutan ang modyul.
C. Babayaran ang kaklase upang sagutan ang iyong modyul.
D. Magpapaturo sa magulang o nakakatandang kapatid upang makasagot.

14
13. Alin sa pagpipilian ang hindi nakakatulong sa pagpapa-unlad sa iyong sarili?
A. Pagsunod sa batas.
B. Pagtatapos sa pag-aaral.
C. Pagsangkot ng mga illegal na mga gawain
D. Pagsisikap at pagtitiga tungo sa tagumpay.

14. Nalaman mong ang iyong kaklase ay may panibagong modelo ng Mobile Phone
na padala ng kanyang tiyahin mula Amerika. Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin sa harap ng klase.
B. Hihiramin saglit ang Mobile Phone at sadyaing basagin.
C. Maging masaya nalang para sa kanya na walang inggit sa puso.
D. Piliting magpabili din sa magulang kahit kulang ang kanilang kita.

15. Inaasahan na tuwing school break ay tataas ang bayarin ng kuryente sa inyong
bahay dahil sa dami ng konsumo. Alam mo na sapat lang ang kita ng iyong mga
magulang para sa inyong pamilya. Ikaw bilang anak, paano ka makakatulong na
malimitahan ang paglaki ng bayarin sa inyong bahay?
A. Patayin ang lahat ng electric appliances kapag hindi ginagamit.
B. Hayaan nalang ang magulang ang didiskarte sa bayarin ng kuryente.
C. Magtambay sa bahay ng kaklase para malibre sa paggamit ng kuryente.
D. Hayaang nakabukas ang ilaw, telebisyon, at panay ang pag-charge ng
gadyet.

Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin kung ano ang pinapahalagahan sa mga sumusunod.

PAMAMAHALA PAGGASTA
PAG-AARAL PAGLILIBANG
KILOS AT GAWI MAPANURI
MAPAGTANONG PAGHAHANAPBUHAY
MATALINONG PAGDEDESISYON BATAS AT PROGRAMA
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN KILOS AT GAWI

1. Pinagsikapan ni Cielo na makakuha ng malaking marka para sa kaniyang


kinabukasan.
2. Pinag-igtingan ng pamahalaan ang paglaban sa COVID-19.
3. Pinili ni Ara ang pag-iimpok sa halip na magpaload pang-online game.
4. Nanatili sa loob ng bahay ang pamilya nina Luna sa panahon ng ECQ.
5. Tuwing lumalabas si Daisy ay nakasanayan na niya ang pagsuot ng protective
gear bilang pang-iwas COVID-19.
6. Matapos gawin ni Nancy ang mga takdang-aralin at gawaing bahay ay nanood
siya ng palabas sa telebisyon.

15
7. Dahil talamak ang mga Fake News sa social media, hindi kaagad naniniwala si
Mina.
8. Mas pinili ni Mang Jose ang pagiging tsuper sa halip na magbenta ng droga.
9. Binigyang prayoridad ni Aling Nena ang pagtugon sa pagkain, bayarin, at gamot
mula sa kita ng kanyang asawa.
10. Hindi segurado si Ambet kung anong kurso ang kanyang kunin sa kolehiyo. Kaya
naisip niya na sumangguni sa kanyang magulang masagutan ang kanyang
kalituhan sa pagdedesisyon.

Sanggunian

Family Planning https://Slideshare.net


Tungkulin ng bawat pamilya http://bacoor.gov.ph
Bayanihan Times of Covid-19 https:// youtube.com-bayanihan
Iba’t-ibang Hanapbuhay https://pdfslide.net/amp/education
Teksto sa Suriin ay halaw sa K to 12 EKONOMIKS MODYUL,pahina 18.
Pamilya quote https://m.faceBook.com/ABS-CBN
Liriko ng awiting Paglaum https://youtu.be/EmfXotbSey
DOH Jingle Family Planning “NENE” 2014 https://youtu.be/2pNWpojebjc

16
AP9 EKONOMIKS – UNANG MARKAHAN – MODYUL 2 AT 3
( IKALAWA HANGGANG IKATLONG LINGGO)

Susi sa Pagwawasto

ISIPIN NATIN (ARALIN 2)

6. PAMILYA
5. PAMIMILIAN
4. EKONOMIKS
3. PAMILYA
2. OPINYON
1. KAALAMAN

ISIPIN NATIN (ARALIN 3)

5. PAGPAPAUNLAD
4. PROGRAMA
3. BATAS
2. ISYU
1. MAUNAWAAN

ISAGAWA

☺ 10. ☺ 5.

9. ☺ 4.☺

8. 3. ☺

☺ 7. 2.

6. ☺ 1.

KARAGDAGANG GAWAIN (MODYUL 2 AT 3)

1. PAG-AARAL 6. PAGLILIBANG
2. PAMAMAHALA 7. MAPANURI
3. MATALINONG PAGDEDESISYON 8. PAGHAHANAPBUHAY
4. BATAS AT PROGRAMA 9. PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
5. KILOS AT GAWI 10. MAPATANONG

17
.

18

You might also like