You are on page 1of 7

Department of Education

Region III
City Schools Division of San Fernando
PANIPUAN HIGH SCHOOL
S.Y. 2019-2020

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9


(EKONOMIKS)

Pangalan:______________________________ Petsa:______________ Iskor: ___/50

Pangkat: ___________________ Lagda ng Magulang: ________________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa malaking titik ang
tamang sagot sa guhit bago ang bilang.

______1. Ang Oikonomia ay nagmula sa salitang Griyego na Oikos at Nomos ano ang
kahulugan ng Nomos?
A. Pamahalaan
B. Pamamahala
C. Tahanan o Bahay
D. Tambayan o Pasyalan

______2. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap nito.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa
kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao at pamayanan ang kanyang
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

_____3. May dalawang dibisyon ang ekonomiks ito ay ang maykro-ekonomiks at makro-
ekonomiks.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na kahulugan ng
maykro-ekonomiks?
A. Pag-aaral ulok sa pagnenegosyo at kalakalan.
B. Pag-aaral ukol sa pagdedesisyon ng pamahalaan ukol sa pagbabatas.
C. Pangkalahatang kilos, kabuuang gawi o pangkalahatang dimension ng
Ekonomiya.
D. Mga gawi, kilos at pagpapasya ng bawat indibidwal, negosyante, maliit na
o bahagi ng lipunan.

_____4. Ang trade off ay tumutukoy sa halaga ng bagay,produkto o serbisyo na handang


isakripisyo kapalit ng isang bagay. Alin sa mga sumusunod na kataga ang
nagbibigay ng malalim na kahulugan nito?
A. Think before you act.
B. Life is what we make it.
C. Rational people think at the margin
D. Choosing the best options requires sacrifices.

_____5. May ibat ibang pananaw ang bawat ekonomista ukol sa ekonomiks. Alin sa mga
sumusunod na pananaw ang kay Francois Quesnay?
A. Itinaguyod ang paniniwalang gold flow mechanism
B. Gumagamit ng comparative advantage ang isang bansa
C. May espesyalisasyon ang bawat manggagawa ng isang bansa
D. Rule of Nature. kapag inabuso ang kalikasan iyon din ang babalik sa
mamamayan.

_____6. Itinuturing na mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa


mga kabataan.Sa iyong palagay ano ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ang
pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Maaari kang magsilbing kritiko sa pamahalaan.
B. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
C. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa
kolehiyo.
D. Mapag-aralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang sa iyo sa
pagdedesisyon ng tama, ngayon at sa hinaharap.

_____7. Ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ay ilan lamang sa kahalagahan


ng ekonomiks, maliban sa isa.
A. Nakatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon.
B. Maaring maging maayos ang pakikitungo sa mga magulang, kaibigan,kapwa
at kamag-aral.
C. Maaring maging higit na matalino,mapanuri at mapagtanong sa mga
nangyayari sa iyong kapaligiran.
D. Nagagamit ito upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may
kaugnay sa usaping pang-ekonomiko ng bansa.

_____8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang kahulugan ng


kakapusan?
A. Pansamantalang pagkaubos ng mga produkto sanhi ng kalamidad.
B. Pagkawala ng mga produkto kapag nag-papanik buying ang mga tao
C. Panandaliang pag-kaubos ng mga suplay dahil sa mapagsamantalang
negosyante.
D. Pagkaubos o tuluyang pagkawala ng mga pinagkukumang-yaman sanhi ng
walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

_____9. Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Alin sa mga ito ang tamang paglalarawan
na may kakapusan?
A. Si Mang Juan ay may 8 anak na umaasa sa kanya,sa liit ng kanyang kita
palagian na hindi niya naibibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
B. Nabawasan ang malaking kita ng ama ni Ana sapagkat sya ay hindi
nakapapasok sa trabaho ng isang linggo dahil sa pagkakasakit, kaya’t
pansamantalang magbawas ng luho at gastusin si Ana at ang kanyang
kapatid na si Elsa.
C. Pansamantalang itinago ni Aling Sonia ang kanyang paninda dahil
nabalitaan niyang tataas ang presyo nito sa susunod na araw.
D. Nagkaroon ng pansamantalang pagrarasyon ng tubig sa Maynila dahil sa
tindi ng init.

____10. Ang mga sumusunod ay tanda o indikasyon na nakakaranas ng kakapusan


ang isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI indikasyon ng
kakapusan?
A. Kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom.
B. Kapag kulang ang mga produkto sa pamilihan sanhi ng kalamidad tulad ng
bagyo.
C. Kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala
namang mabili.
D. Kapag pilit na umaangkat sa ibang bansa ang pamahalaan kahit na
naghihirap ito.

____11. May iba’t ibang dahilan kung bakit nakakaranas ng kakapusan at kakulangan
sa pamilihan, Isa na rito ay pagtatago ng mga produkto ng mga negosyante
upang kumita ng malaki. Ano ang tawag sa gawaing ito ng mga
mapagsamantalang negosyante?
A. Off at Incentives
B. Cartel at Hording
C. Alokasyon at Distribusyon
D. Produksyon at Pagkonsumo

____12. Masasalamin ang epekto o suliranin ng kakapusan sa mga sumusunod,


maliban sa.
A. mababang antas ng edukasyon at uri ng pamumuhay sa bansa
B. maayos na paggamit ng teknolohiya at pagsasanay sa mga manggagawa
C. Pagkasira ng mga halaman, pagkamatay ng mga hayop na dulot ng
kalamidad
D. patuloy na alitan ng mayaman at mahirap, ng kapitalista at manggagawa,
ng mga bansang maunlad at hindi maunlad

____13. Paano mapapamahalaan o mabibigyan ng solusyon ang suliranin ng


kakapusan?
A. Pangalagaan ang kapaligiran at mga likas na yaman.
B. Patuloy na umasa sa tulong at donasyon ng ibang bansa.
C. Gumamit ng mabuting plano tulad ng makabagong teknolohiya.
D. Pagsasanay sa kapasidad ng manggagawa upang makapagbigay
episyanteng serbisyo.

____14. Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan.


Masasabing kagustuhan ang isang produkto o serbisyo kapag higit ito sa
batayang pangangailangan. Kailan maituturing na batayan o pangunahing
pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Kapag makakabili ka ng mas maraming bagay na gusto mo.
B. Kapag hindi mabubuhay ang isang tao kung wala ang mga ito.
C. Kapag ang produkto ay nagagamit mo at magiging madali itong gawain.
D. Kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan sa buhay ng tao

____15. Ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan


tulad ng kaginhawaan, kasiyahan, pag-angat ng katayuan sa lipunan, at
karangalan ay tinatawag na…
A. Kagustuhan
B. Kapangyarihan
C. Katanyagan
D. Pangangailangan

____17. Ano ang pangunahing layunin ng produksiyon ay?


A. Ang makatutulong sa tao
B. Ang pagkonsumo ng tao
C. Ang makapagpapasaya sa tao
D. Ang may mapaglilibangan ang tao

____18. Alin ang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng tao kapag madaling naiimpluwen-
siyahan o ginagaya ang mga naririnig sa radio,napapanood sa telebisyon,
pahayagan, internet at iba pang social media?
A. Kita
B. Presyo
C. Inaasahan
D. Demonstration Effect

____19. Bakit kailangang may pamantayan sa pamimili ang mga konsyumer?


A. Upang maging matagal ang pagbili sa pamilihan
B. Upang makabili ng marami na higit sa pangangailangan
C. Upang makabili ng mga produkto sa mas mababang kalidad at presyo
D. Upang masulit ang bawat sentimong ginagastos para sa bawat produktong
binibili.

____20. Kapag ang isang mamimili ay may limitadong badyet at inuuna ang mga bagay
na mahalaga kaysa sa luho siya, ay ____________________.
A. hindi nagpapadaya C. makatwiran
B. hindi nagpapanic-buying D. makatwiran

____21. Ang Department of Trade and industry ay nagpalabas ng limang pananagutan


ng mga mamimili. Alin sa mga sumusunod na pananagutan ang HINDI
kabilang.
A. Sumusunod sa badyet C. Kamalayan sa kapaligiran
B. Mapanuring kamalayan D. Pagmamalasakit na panlipunan

____22. Ang Department of Trade and industry ay nagpalabas ng walong karapatan ng


mamimili.May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay
lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng pamahalaan. Anong karapatan ito?
A. Karapatang dinggin
B. Karapatang pumili
C. Karapatan sa kaligtasan
D. Karapatan sa tamang patalastasan

____23. Alin sa mga sumusunod na pahayag o pangungusap ukol sa produksyon ang


HINDI tama?
A. Ang pagkonsumo ang nauuna kaysa sa produksyon
B. Ang produksyon ay ang proseso ng paglikha ng produkto at serbisyo.
C. Ang produksyon ay pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng
produkto.
D. Ang produksyon ay mahalaga sapagkat natutugunan nito ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.

____24. Alin ang tamang hakbang o pagkakasunod-sunod ukol sa produksyon?


A. Output, Input, Distribusyon, Proseso
B. Proseso, Output, Input, Distribusyon
C. Distribusyon, Proseso, Output, Input
D. Input, Proseso, Output, Distribusyon

____25. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang entreprenyur maliban sa ____.


A. ang may kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
B. pagtanggap ng sahod mula sa ginawang produkto
C. ang matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
D. pagkakaroon ng lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng negosyo

____26. Alin ang pinakamahalagang salik ng produksyon na kung saan sila ang ginagamit sa
paglikha o paggawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay upang matugunan ang
pangangailangan ng tao at itinuturing ding pinaka mahalagang salik ng produksyon.
A. Pera,makinarya at kagamitan.
B. Lupa at iba pang likas na yaman.
C. Manggagawang may kakayahang pisikal at mental.
D. May kakayahan at desposisyong magpasimula sa negosyo.

____27. Alin sa mga salik ng produksyon kung nagmumula ang lahat ng hilaw na sangkap na
ginagamit sa produksyon.
A. Entreprenyur C. Lakas-Paggawa
B. Kapital D. Lupa

____28. Salik ng produksyon o kagamitang nilikha ng tao na ginagamit upang makalikha


ng panibagong kalakal,halinbawa nito ay makinarya at salapi
A. Entreprenyur C. Lakas-Paggawa
B. Kapital D. Lupa

____29. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng


produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang kinikita ng bawat tao ang ginagamit sa pagbili ng produkto at serbisyo.
B. Natutugunan nito ang pangangailangan ng tao.
C. Nagkakaroon ng maraming trabaho ang mga mamamayan.
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay daan sa produksyon,kaya’t masasabing
mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
____30. Ito ay tumtumutukoy sa paggamit ng produkto at serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan ng tao.
A. Alokasyon
B. Pagkonsumo
C. Pamilihan
D. Pangangailangan

II. Isulat ang titik ng tamang sagot gamit ang sumusunod na batayan na naglalarawan sa
pangungusap.
A. Pyramid

____31. Ayusin ang herarkiya ng pangangailangan ni Maslow mula sa pinaka mababa


hanggang sa pinaka mataas na baiting ng pangangailangan ng tao, Piliin ang
tamang titik na nagpapakita ng tamang bilang ng pagkakasunod-sunod.
1. Kaganapan ng Pagkatao
2. Pangangailangan sa Seguridad at Kaligtasan
3. Pangangailangang Pisyolohikal
4. Pangangangailangang Panlipunan
5. Pagkakamit ng Respeto sa Sarili at Ibang Tao

A. 5,4,3,2,1 C. 4,3,2,1,5
B. 3,2,4,5,1 D. 1,2,3,4,5

Pagpipilian para sa aytem 16-17


A. Pangangailangan sa Kaganapang Pantao
B. Pangangailangang Panlipunan
C. Pangangailangang Pisyolohika
D. Pangangailangan ng Pagrespeto sa sarili at Pagrespeto sa Kapwa tao
E. Pangangailangan sa Seguridad at Kaligtasan

____32. Pangangailangan na magkaroon ng kaibigan,kasintahan,pamilya at mga anak


at pakikilahok sa mga gawaing pang sibiko.

____33. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain,pamamamit, tirahan,


hangin at tubig?

B. Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

A. Antas sa Lipunan B. Antas ng Adukasyon C. Edad


D. Kapaligiran at Klima E. Kita F. Panlasa

____34. Ang pagkakaiba ng pangangailangan ng mga taong nakatira malapit sa dagat at mga
taong nakatira sa siyudad.

____35. Ang salik na nagpabago sa pangangailangan ng tao na kung saan iba ang
gustong estilo sa pananamit, gupit ng buhok, musika at libangan ng mga
kabataan sa mga nakakatanda?

____36. Ang dahilan kung bakit magkakaiba ang pangangailangan


kagustuhan ng mahirap,mayaman at taong nasa mataas na posisyon.

C. Mga Uri ng sistemang pang-ekonomiya.


Isulat ang titik A Tradisyunal, B Pinag-uutos (Command) C Pamilihan (Market) at
D Pinag-halo (Mixed) batay sa kanilang katangian.

____37. Estado o pamahalaan ang nagdidikta ng patakarang sa kalakalan.

____38. Kalayaan sa pagmamay-ari ng yaman at kalayaan sa pagpasok sa pamilihan.

____39. Pinagsamang elemento ng pamilihan at pinag-uutos na ekonomiya


D. Piliin mula sa kahon ang mga ahensyang nagbibigay proteksyon sa mga mamimili at
isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

A. (BFAD) B. (DTI) C. (POEA) Philippine D. (PRC)


Bureau of Department Overseas Professional
Foods and of Trade and Employment Regulatory
Drugs Industry Administration Commission

____40. Nagpoprotekta hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon


halimbawa hindi lisensyadong doctor,abogado,dentist at iba pa.

____41. Ahensyang magsusuri sa mga produktong hinaluan/pinagbabawal/maling


etiketa ng gamot,pagkain,pabango,make-up at iba pang produkto.

____42. Ahensyang nangangalaga sa hinggil sa paglabas sa batas ng kalakalan at


industriya,madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal tulad ng
mga pagtatago ng produkto at pagkontrol sa presyo.

E. Isulat ang titik ng tamang sagot gamit ang sumusunod na batayan na naglalarawan
sa mga organisasyong pang-negosyo.
A. Isahang Pagmamay-ari
B. Kooperatiba
C. Korporasyon
D. Sosyohan

____43. Isa itong organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na


sumasang-ayon sa paghahatian ng mga kita at pagkalugi ng isang negosyo.

____44. Organisasyong pang negosyo na ang pangunahing layunin nito ay makatulong,


at makapagbigay ng produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang
halaga.

____45. Uri ng pag-nenegosyo na madaling itatag,malayo sa gulo at maliit ang


pamumuhunan.

____46. Uri ng organisasyong pang-negosyo ang may pinakamaraming bilang ng


nagmamay-ari at nakabatay sa dami ng share of stocks ang kapangyarihan

III. Basahin at unawain ang maikling talata sa ibaba.


Ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ay isinasagawa upang sagutin ang
problemang pang-ekonomiya.Sa tulong ng pamilihan ay nakikita kung paano isinasagawa ang
alokasyon upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ay mekanismo ng
pamamahagi ng mga likas na yaman,yamang tao,yamang pisikal at iba’t-ibang paggagamitan
nito. Alokasyon ay nagsisilbing sagot sa kakapusan,sapagkat ito ang itinuturing na
pangunahing suliraning pangkabuhayan.Ang epektibo,maayos at matalinong paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman ay mahalaga upang ang pakinabang sa mga ito ay lubusang makamit.
Ang konserbasyon ay kailangang gawin sapagkat ang mga pinagkukunang-yaman ay may
limitasyon at nauubos.Ito ay dapat isagawa upang ang susunod na henerasyon ay mayroong
aabutan at magagamit pa sa hinaharap.

Punan ang kahon ng titik upang mabuo ang tamang sagot.


47. Ito ang magsisilbing sagot sa kakapusan.
L K Y O

48. Ito ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman.


K N R A Y
49. Ito ang nagpapakita kung paano isinasagawa ang alokasyon upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
A M I A

50. Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan.


A K U S

TANDAAN:

Ang exam parang pag-ibig yan, wag kang titingin sa kaliwa, sa kanan at sa
likuran kasi baka matukso ka, focus ka lang kung ano ang nasa iyong harapan at
makukuha mo rin ang kasagutan….

Kung bokya ang score mo kay crush, Siguraduhin mong hindi bokya ang score
mo sa exam. Aral Muna!!!!

Galingan Ninyo, Make me proud!!!

You might also like