You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO ORIENTAL
NANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Nangan, Governor Generoso, Davao Oriental

Pangalan: _______________________ Baitang/Seksyon:__________________ SCORE:_________

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. Piliin ang tamang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinahaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
C. Ito ay ang pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matugunan ang tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
2. Ang produksiyon ay isang gawaing pang-ekonomiya na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Ito ay may
kinalaman sa __________.
A. Paggamit ng mga produksiyon at serbisyo. C. Paglinang ng likas na yaman.
B. Paglikha ng mga produkto at serbisyo. D. Pamamahagi ng pinagkukunang-
yaman.
3. Paano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula kay John Watson
Howe?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
4. Ang ____________ ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang bagay.
A. Opportunity Cost B. Trade-off C. Marginal thinking D. Incentives
5. Ang sumusunod ay kabilang sa Teorya ng Pangangailangan ni Maslow MALIBAN SA?
A. Pangangailangang Panlipunan C. Katayuan sa Lipunan
B. Kaganapan ng Pagkatao D. Pangangailangang Pisyolohikal
6. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na oikos na nangangahulugang ___________ at nomos
na nangangahulugang _____________.
A. Pamamahala, bahay C. Bahay, pamamahala
B. Pamahalaan, tirahan D. Tirahan, pamahalaan
7. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap
MALIBAN SA____?

A. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin.


B. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman.
C. Maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan.
D. Magiging maayos ang pagbabadyet.
8. Sa anong teorya ng pangangailangan ni Maslow nakapaloob ang pangangailangan na magkaroon ng
kaibigan, kasintahan, pamilya at anak at pakikilahok sa mga gawaing sibiko.
A. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
B. Pangangailangang Pisyolohikal
C. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng ibang tao.
D. Pangangailangang Panlipunan.
9. Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay ____________, samantala ang pinagkukunang-yaman ay
_________.
A. Limited, Unlimited C. Limited, Limited
B. Unlimited, Limited D. Unlimited, Unlimited

10. Anong Republic Act na tinatawag ding Consumer Act of the Philippines na nagbibigay ng proteksiyon at
nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
A. Republic Act 9374 C. Republic Act 7394
B. Republic Act 3794 D. Republic Act 3974
11. Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
A. Ekonomiks C. Edukasyon sa Pagpapakatao
B. Araling Panlipunan D. Heograpiya
12. Ang ________ ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
A. Incentives C. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking D. Trade-off
13. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at lagging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
D. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.
14. Anong Teorya ng Pangangailang ni Maslow nakapaloob ang ang pangangailangan sa pagkain, tubig,
hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan?
A. Pangangailangang Pisyolohikal C. Pangangailangan sa Seguridad at Kaligtasan
B. Pangangailangang Panlipunan D. Kaganapan sa Pagkatao
15. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pananagutan ng mga mamimili MALIBAN SA____?
A. Pagkilos C. Pagkakaisa
B. Kamalayan sa Kapaligiran D. Mapanuri
16. Isa sa pamantayan sa pamimili ang maging mapanuri. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang
isang consumer ay mapanuri?
A. Isinasaalang-alang ang presyo at kalidad ng produkto.
B. Ang kalidad ng produkto ang tinitignan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo.
C. Tinignan ang sangkap, presyo, timbang, pagkagawa at iba pa.
D. Inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang.
17. Ang ahensiya ng gobyerno na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mamimili na may
reklamo laban sa pagbenbenta ng di-wastong sukat at timbang ng mga gasolinahan at mga
mangangalakal ng ‘Liquified Petroleum Gas”.
A. Department of Trade and Industry (DTI) C. Energy Regulatory Commission (ERC)
B. Bureau of Food and Drugs (BFAD) D. Securities and Exchange Commission (SEC)
18. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan?
A. Panlasa B. Makatwiran C. Pagkakautang D. Mapanuri
19. Sino ang nagsabi sa katagang “Ang kagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan
sa paglabas ng mga produkto”.
A. McConnel, Brue at Barbiero C. Abraham Maslow
B. John Watson Howe D. Adam Smith
20. Ito ay ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga
subdibisyon?
A. Professional Regulatory Commission (PRC) C. Insurance Commission
B. Bureau of Food and Drugs (BFAD) D. Housing and Land Use Regulatory Board
(HLURB)

II. Paghahanay.

Panuto. Ihanay ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik lamang ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
______1. Isang paraan upang maayos na maipamahagi at A. DEMAND
magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman.
______2. Hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang B. PAGKONSUMO
matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

______3. Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang C. INPUT


taong bumili ng isang produkto at serbisyo.
______4. Kabayaran sa paghiram ng salapi bilang kapital. D. SCARCITY
______5. Ginagamit na tagapamagitan sa transaksyon ng E. PRODUKSYON
sambahayan.
______6. Mga salik na gamit sa pagbuo ng produkto. F. SALAPI
______7. Sitwasyon kung saan mas Malaki ang dami ng G. RENTA
demanded kaysa sa dami ng produkto na nais i-supply.
______8. Ang tawag sa pagtatago ng mga produkto o supply H. INTERES
ng mga negosyante.
______9. Kabayaran sa paggamit ng lupa. I. PRESYO
______10. Ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na J. SHORTAGE
magbibigay ng kapakinabangan sa tao.

K. ALOKASYON

L. HOARDING

III. ENUMERATION.

1-4. Ibigay ang 4 na Katanungang Pang-Ekonomiya.


5-8. Ano-ano ang 4 na Sistemang Pang-Ekonomiya.
9-10. Magbigay ng 2 salik na nakaiimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan
11-12. Magbigay ng 2 pamantayan sa Pamimili
13-15. Magbigay ng 3 karapatan ng mamimili.

IV. ESSAY (5 POINTS)

1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang


mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan?

GOOD LUCK AND GOD BLESS 

Prepared by:
Ms. CHRISTINE MAE DEL ROSARIO

You might also like