You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Surigao del Sur Division
Matho Integrated School

NAME; ____________________________________
GRADE & SECTION:________________________

SUMMATIVE TEST SA ARALING PANLIPUNAN 9


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay hango sa salitang oikonomia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay;

A. Pamamahala ng negosyo B. Pakikipagkalakalan C. Pamamahala ng tahanan D. Pagtitipid


2. Isang agham panlipunan na tumutukoy sa pag-aaral ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang tila walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

A. Ekonomiks B. Maykroekonomiks C. Makroekonomiks D. Pinagkukunang-yaman


3. Bakit may nagaganap na Kakapusan o kakulangan sa pinagkukunangyaman?

A. Dahil limitado ang ating pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao
B. Dahil limitado ang kaalaman ng mg mga konsyumer
C. Dahil limitado ang kaalaman ng ng mga prodyuser D. Upang makagawa ng produktong kailangan ng
pamilihan.

4. Ang kakapusan o kakulangan ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang suliraning panlipunan/ Alin sa sumusunod ang
hindi nagpapakita ng suliraning ito?

A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakakaranas nito.


B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahang ng mga mamimili na bumili
ng iba’t-ibang produkto at serbisyo.
C. Pagharap sa panahon ng pandemya dulot ng COVID 19.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

5. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay;

A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at kagustuhan


B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at ng mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
C. pagsugpo sa lumalaking populasyon sa daigdig
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya

6. May dalawang sangay ang ekonomiks. Alin ssa dalawang sangay ng ekonomiks ang tumutukoy sa pagpapalago ng
produkto at kita ng pamilya o bahay-kalakal?

A. makro-ekonomiks B. maykro-enterprays C. makro-enterprays D. maykro-ekonomiks


7. Aling sangay ng ekonomiks ang nagsusuri sa kabuuang ekonomiya ng bansa?

A. makro-ekonomiks B. maykro-enterprays C. makro-enterprays D. maycro-ekonomiks


8. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanatili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay
itinuturing na;

A. luhong pangangatawan B. pangunahing pangangailangan


C. kagustuhan D. magarang kaayusan

9. Ang nakahahawang sakit na COVID-19 na dulot ng coronavirus ay hinahanapan pa rin ng mabisang gamot.
Paano ito nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa?

A. nanghihikayat ito sa mga mamamayang mag-online selling


B. nagbibigay ng kaginhawaan sa buhay.
C. nagdudulot ito ng economic crisis sa buong bansa dahil sa kakulangan sa iba’t-ibang suplay ng produkto
D. nagiging malaya ang mga mamamayan na gawin ang kanilang mga interes sa buhay

10. Ang sumusunod ay kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay maliban sa isa.

A. Natuto tayong maging iresponsableng mamimili o mabuting prodyuser.


B. Nauunawaan natin ang mga pangyayaring nagaganap na nakakaapekto sa ating pamumuhay
C. Nakakapagbibigay tayo ng matalinong panukala at opinyon para makapagbigay solusyon sa mga suliranin
na kinakaharap ng bansa.
D. Nakakapagdesisyon at nagiging mahusay sa pagpili sa mga bagay na nakakaapekto sa ating pamumuhay.

11. Ito ay tumutukoy sa isang kaayusan at paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-
yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiya ng isang lipunan.

a. katanungang pangekonomiko b. sistemang pang-ekonomiya c. produksiyon d. paglilingkod

12. Ito ay tumutukoy sa isang sistema upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-
yaman ng bansa.

a. paghati-hati b. pagbabadyet c. alokasyon d. produksiyon

13. Aling katanungan ang hindi nagpapakita ng gawaing pang-ekonomiya?

a. Ano ang gagawin kong produkto? b. Magkano ang kikitain ko sa produktong ito?
c. Paano at gaano karami ang gagawin kong produkto? d. Para kanino ang gagawin kong produkto?
14. Nakasanayan ng mga Pilipino ang paggamit ng mga makalumang paraan sa pagsasaka tulad ng pag-aararo ng
taniman, pagsusuyod, pagbubungkal ng lupa, pagtatanim ng manu-mano at iba pa. Aling sistemang pang-ekonomiya
napapaloob ito?

a. tradisyonal na ekonomiya b. market economy c. command economy d. mixed economy


15. Sa tulay ng Aras-asan, kadalasan makikitang nakaparada ang malalaking mga sasakyan na may nag-aahon ng
mga kahon na may lamang isda upang ito’y ibebenta sa Butuan City. Aling sistemang pang-ekonomiya napapaloob
ang gawaing ito?

a. Mixed Economy b. Market Economy c. Tradisyonal na Ekonomiya d. Command Economy

16. Balak ng isang miyembro ng Gabinete na papatawan ng buwis ang sinumang nagbebenta ng kalakal at
paglilingkod sa online. Kung sakaling maipapatupad ito, aling sistemang pang-ekonomiya mapapabilang ang
panukalang ito?

a. command economy b. tradisyonal na ekonomiya c. market economy d. mixed economy

17. Ipinapahayag ng Lupon ng Tagapagsalita ng Punong Baranggay ang batas na naghihigpit sa pagbebenta at pag-
iinom ng alak sa inyong lugar bilang upang malabanan ang pandemyang sakit na Covid-19. Subalit, talamak pa rin
ang bentahan ng alak sa iyong lugar at kadalasa’y nagsisigawan pa ang iyong mga kapitbahay dahil sa kalasingan.
Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin?

a. Hayaan nalang sila dahil ayokong madamay sa gulo.

b. Pabayaan nalang ang mga opisyal ng baranggay na sugpuin ang gawaing ito.

c. Ireport sa kinauukulan ang nasabing paglabag sa batas.

d. Pagsabihan ang mga lasing na sila’y lumabag sa batas ng komunidad.

18. Ang mga sumusunod ay maaari kong gawin bilang isang responsableng anak sa aking pamilya maliban sa isa:

a. Matiyagang tulungan si nanay sa pagpost ng kanyang online business sa aking facebook page.

b. Ako’y mangunguna sa aking mga kapatid na maglinis sa aming bakuran at magtanim ng iba’t-ibang uri ng
gulay.

c. Panatilihin kong nasa loob ng kwarto at nakabukas ang cellphone upang mauuna sa balita hinggil sa
pandemyang nangyayari sa mundo.

d. Masikap na tulungan si nanay sa mga gawaing bahay tulad ng pagwawalis ng sahig, paghuhugas ng
pinggan, pagbubunot ng sahig, paglalaba at pagluluto ng masasarap ng pagkain para sa pamilya.

19. Sa palagay mo, anong sistemang pang-ekonomiya ang natatamasa ngayon sa inyong lugar?

a. tradisyonal na ekonomiya b. market economy c. command economy d. mixed economy

20. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang command economy, alin sa mga sumusunod ang hindi kasapi sa iyong mga
gawain?

a. Malaya akong makakakilos ngunit may kontrol pa rin ng pamahalaan sa iilang gawain.
b. Malaya kong magagawa ang lahat ng mga bagay nang walang pakialam ng pamahalaan.
c. Bawat gawain ko’y nararapat na alinsunod sa batas ng pamahalaan.
d. Malaya kong magagawa ang aking mga gawain nang may pakialam ang pamahalaan
21. Aling gawain ang hindi nagpapamalas ng isang market economy?

a. Pagtatanim ng palay sa bukid


b. Paglalako ng isda sa bangkete
c. Pagbibili ng groceries sa isang tindahan.
d. Pagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa online.
22. Natuklasan mo na may maraming kaning hindi naubos sa hapunan. Paano mo pamahalaan ang pinagkukunang
ito upang ito’y lubos na mapapakinabangan?

a. Maaaring ilagay ito sa lalagyan ng pagkain para sa baboy.


b. Itatapon ito sa basurahan.
c. Ibibilad ito sa araw upang matutuyo at magagawang fried rice balang araw.
d. Hahayaan nalang itong mabubulok sa kanyang lalagyan
23. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng alokasyon sa pang-arawaraw mong pamumuhay maliban sa isa:

a. Ito’y tumutulong sa akin na maisasaayos ang lahat ng mga gawain lalo na’t apektado ang aming pamilya sa
kinakaharap na pandemya.
b. Ito’y nagsisilbing gabay sa aking maaaring gawing produksiyon tungo sa isang matiwasay na ekonomiya
c. . c. Ito’y nag-uudyok sa akin na magtayo ng negosyo at kumita ng malaki mula rito.
d. d. Ito’y tumutulong sa aking pamilya na uunahin ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

24. Ang kabayaran sa lupang ginamit sa produksiyon.

A. renta B. sahod C. upa D. kita


25. Ang mga salik ng produksiyon na ibinahagi upang makagawa ng kalakal ay tinatawag na;

A. output B. capital gain C. input D. factor gain


26. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa salik ng produksiyon?

A. lupa B. paggawa C. bahay D. entrepreneurship


27. Tumutukoy ito sa salik na dulot ng kalikasan.

A. lupa B. paggawa C. kapital D. entrepreneurship


28. Aling salik ang tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo?

A. lupa B. paggawa C. kapital D. entrepreneurship


29. Tagapag-uganay ng mga ibang salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.

A. Corporate shareholders B. Entreprenyur C. Lokal na Pamahalaan D. Manager


30. Aling salik ng produksyon ang traktora?

A. lupa B. paggawa C. kapital D. entreneurship


31. Alin ang hindi maituturing salik ng Lupa?

A. deposito ng bakal B. hydroelectric dam C. reserba ng langis D. dalawang libong hektarya ng lupa
32. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay?

A. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktongn kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.


B. Ang produksiyon ay kumikita ng trabaho.
C. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas
mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.
D. Ang kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
33. Ito ang naglilimita sa pagkonsumo.

a. presyo b. okasyon c. pangagaya d. kita


34. Ang paraan ng panghihikayat sa mamimili na gumagamit ng mga kilalang tao upang ipakilala at hikayatin ang
mga tao na bumili at gumamit ng isang partikular na produkto ay ________.

a. testimonyal b. bandwagon c. pag-aanunsiyo d. paraang brand


35. Uri ng pagkonsumo na natatamo agad ng tao ang kasiyahan dulot ng produkto.

a. direkta b. maaksaya c. produktibo d. mapanganib


36. Uri ng pagkonsumo na wala namang natatamong kasiyahan ang tao.

a. maaksaya b. mapanganib c. direkta d. produktibo


37. Ang paghanap at pagkukumpara ng isang mamimili ay bahaging kanyang karapatan.

a. magbayad b. pumili c. kaligtasan d. bumili


38. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng kalakal at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailangan at matamo ang
kasiyahang.

a. produktibo b. tuwiran/direkta c. pagkonsumo d. maaksaya


39. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng pagkonsumo?

a. produktibo b. makatwiran c. maaksaya d. tuwiran/direkta


40. Ang pagbili at paggamit ng produkto ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng mamimili at hindi nagdudulot ng
kasiyahan sa tao.

a. maaksaya b. produktibo c. tuwiran d. makatwiran


41. Pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang isang produkto sa pamamagitan ng pag-
eendorso ng mga kilalang tao.

a. bandwagon b. paraang brand c. testimonial d. wala sa nabanggit


42. Sinong ekonomista ang nagsabi na ang malaking porsyento ng kita ng tao ang ginugugol sa pagkonsumo ng mga
pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kapag maliit ang kita?

a. Ernst Engel b. John Dewey c. John Watson How d. Amartya Sen


43. Paano mo patutunayan na isa kang matalinong mamimili?

A. Madaling maniniwala sa mga anunsyo B. Madalas na tatawad sa mga bibithin


C. Mahilig sa mga ukay-ukay D. Mahilig sa mura ngunit de-kalidad na bilihin
44. Higit na makatitipid ang mamimmili sa oras at presyo kung

A. Nagpaplano B. Walang listahan C. May pera D. Nagmamadali


45 Alin sa sumusunod ang hindi dahilan ng pagsusuri ng mamimili sa kalakal na bibilhin

A. Kita ng mamimili B. Presyo ng kalakal C. Kalidad ng kalakal D. Kondisyon ng kalakal


46. Alin sa sumusunod na dahilan ang dapat isaalang-alang upang makaiwas sa pagbili ng secondhand na gamit.

A. Mas higit na mura ang halaga B. Makatitipid ang mamimili


C. Matagal nang subok ang gamit D. Wala itong garantiya
47.Ang batas na ito ay nagtatakda na ang mga retailers o nagtitinda ng mga produkto at serbisyo ay nararapat na
lagyan ng kaukulang price tag o label ng presyo. Hindi maaaring magbenta ng mga produkto sa mas mataas na
presyo kumpara sa nakalagay sa price tag nito.

A. Batas sa Price Tag. B. Batas Republika 3452


C. Batas Republika 3740 D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.
48. Sa gitna ng pag-aanunsiyo sa telebisyon na mahalagang panatilihing malinis ang mga kamay upang makaiwas sa
anumang sakit lalo na sa covid-19, paano mo ipamamalas ang pagiging matalinong mamimili?

a. Pagbili ng maraming alcohol b. Hindi pagpapanic-buying


c. Pagbebenta sa mas mataas na presyo d. Hindi pagbili ng alcohol online
49. Isa sa mga problemang kinakaharap sa gitna ng sakuna o kalamidad ay ang mga mapagsamantalang negosyante
paghohoarding o pagtatago ng mga produkto para ibenta ito sa mas mataas na presyo. Sa ganitong sitwasyon ano
ang pinakamabisa mong gawin?

a. Magbenta rin sa mahal na presyo b. Mamimili ng maramihan para makamura


c. Hindi magpapadaya at magrereklamo d. Iwasan ang pamimili at magtitipid
50. Ang kalipunan ng mga patakaran na pangunahing tungkulin na magbigay ng proteksiyon at mangalaga sa interes
ng mga mamimili. Isinusulong din nito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili.

A. Batas sa Price Tag. B. Batas Republika 3452


C. Batas Republika 3740 D. Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas.

Inihanda ni :

DONNA T.DUASO
Guro sa Araling Panlipunan 9

Answers key
1. c
2. a
3. a
4. d
5. b
6. d
7. a
8. b
9. c
10. a
11. b
12. c
13. b
14. a
15. b
16. a
17. c
18. a
19. d
20. b
21. a
22. c
23. c
24. c
25. c
26. c
27. a
28. d
29. b
30. c
31. b
32. c
33. a
34. d
35. a
36. a
37. a
38. b
39. c
40. b
41. c
42. a
43. d
44. a
45. b
46. d
47. a
48. b
49. c
50. d

You might also like