You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT

ARALING PANLIPUNAN: GRADE 9 (EKONOMIKS)


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon o pahayag sa bawat bilang. Ang bawat bilang ay may apat
na pagpipilian (titik A-D). Piliin ang angkop na titik na kumakatawan sa pinakawastong sagot at ilagay sa
sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa Demand maliban sa:
A. Panlasa C. Okasyon
B. Kita D. Oligopolyo
2. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng uri ng mga produkto o serbisyong nakatutugon sa gusto at
kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand C. Ceteris Paribus
B. Supply D. Substitute goods
3. Sa batas ng demand , mayroong ________________ na ugnayan ang presyo sa quantity
demanded o hinihinging dami ng isang produkto.
A. Direkta o positibong ugnayan C. horizontal na ugnayan
B. Inverse o magkasalungat na ugnayan D. vertical na ugnayan
4. Tumataas ang demand sa hamon at queso de bola tuwing disyembre. Ito ay tumutukoy sa anong
salik na nakakaapekto sa demand.
A. Inaasahan ng mga mamimili C. Okasyon
B. Pagkasawa sa isang produkto D. Substitute goods
5. Ito ay tumutukoy sa kasiyahan ng isang mamimili sa bawat pagkonsumo ng mga produkto.
Halimbawa, kung ikaw ay nauuhaw at bumili ka ng bottled water upang maibsan ang iyong
pagkauhaw. Anong salik ito ng demand?
A. Diminishing utility C. Substitute goods
B. Panlasa D. Inaasahan ng mamimili

Mula sa datos sa ibaba, kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita ang demand schedule. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong papel.

Qd = 300-20P
P Qd
1 6.______________________
7.________________________ 200
6 8.______________________
9. ________________________ 100
15 10. _____________________

6. A. 250 B. 260 C. 270 D. 280


7. A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
8. A. 200 B. 180 D. 160 D. 140
9. A. 40 B. 30 C. 20 D. 10
10. A. 3 B. 2 C. 1 D. 0
11. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand C. Supply
B. Supply Schedule D. Supply Curve
12. Ang isang pabrika na gumagamit ng makinarya ay mas napapabilis at napapadami ang kanilang
nagagawang produkto. Ito ay isang halimbawa ng anong salik na nakakaapekto sa suplay?
A. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
B. Ekspektasyon sa presyo
C. Pagbabago sa teknolohiya
D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
13. Ayon sa batas ng Suplay, mayroong ______________ na ugnayan ang presyo sa quantity
supplied ng isang produkto o serbisyo.
A. Direkta o positibo C. Horizontal na ugnayan
B. Vertical na ugnayan D. Inverse o magkasalungat na ugnayan
14. Nag anunsyo ang mga oil companies na magtataas ng presyo ng gasoline kinabukasan. Dahil
dito, ang mga may-ari ng sasakyan ay nagpasya na magpafull tank ng kanilang sasakyan. Ang
sitwasyon na ito ay nagpapakita ng anong salik na nakakaapekto sa suplay?
A. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
B. Ekspektasyon sa Presyo
C. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon
D. Pagbabago sa teknolohiya
15. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
A. Supply Schedule C. Quantity supplied
B. Supply Curve D. Demand Schedule

Kompyutin ang mga sumusunod na talahanayan gamit ang mga datos sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng tamang sagot.

Qs = 0 + 5P
P Qs
2 16. _______________
17. ___________________ 20
6 18. _______________
19. ___________________ 40
10 20. _______________

16. A. 15 B. 14 C. 11 D. 10

17. A. 4 B. 5 C. 6 D. 7

18. A. 40 B. 50 C. 60 D. 30

19. A. 10 B. 9 C. 8 D. 6

20. A. 60 B. 50 C. 40 D. 30

21. Ito ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng
mga konsyemer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho
ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.

A. Ekwilibriyo C. Supply
B. Demand D. Surplus
22. Ito ay nagaganap kapag hindi sapat ang supply upang matugunan ang demand.

A. Ekwilibriyo C. Shortage
B. Surplus D. Pamilihan
23. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng consumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman
ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.

A. surplus C. ekwilibriyo
B. shortage D. ekwilibriyong presyo
24. Ito ay nagaganap kapag mas malaki ang supply sa demand.

A. Surplus C. ekwilibriyo
B. shortage D. ekwilibriyong presyo
25. Walang ekwilibriyong magaganap kung ang mga nagtitinda ay humuhingi ng mataas na presyo sa
isang takdang dami ng produkto at ang bumibili naman ay may mababang tawad. Anong kondisyon ito
sa pamilihan?
A. Ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. Disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami

Qd = 150 – P Qs = -60 + 2P
Presyo (P) Dami ng Demand (Qd) Dami ng Supply (Qs)
40 110 26. ____________
55 27.________________ 28. ____________
29.___________ 80 30. ____________

26. A. 20 B. 30 C. 40 D. 50

27. A. 100 B. 95 C. 90 D. 85

28. A. 80 B. 70 C. 60 D. 50

29. A. 90 B. 80 C. 70 D. 60

30. A. 90 B. 80 C. 70 D. 60

31. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nagtatagpo ang mga mamimili at ang prodyuser. Dito naibebenta
ang mga produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili.

A. Simbahan C. Pabrika

B. Paaralan D. Pamilihan

32. Ayon kay Adam Smith, isang ekonomista, mayroong tinatawag na “invisible hand” na siyang
gumagabay sa ugnayan ng dalawang aktor sa pamilihan.

A. Demand C. Presyo

B. Supply D. Ekwilibriyo

33. Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan
ng mamimili at prodyuser.

A. Istruktura ng pamilihan C. Pamilihang hindi ganap ang kompetisyon

B. Pamilihang may ganap na kompetisyon D. Wala sa nabanggit

34. Sa isang pamilihang may ganap na kompetisyon, ang mga sumusunod na katangian ay makikita dito
maliban sa:

A. Ang mga prodyuser o nagtitinda ay may kakayahan na itago ang supply ng kanilang mga
produkto upang tumaas ang kanilang kita.

B. Magkakatulad ang produkto (Homegenous) kung kaya’t maraming pagpipilian na produkto


ang mga mamimili.

C. Malayang pagpasok at paglabas sa industriya kung kaya’t walang kakayahan ang mga dating
prodyuser na sila ay hadlangan o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan.

D. Maraming malilit na mammimili at prodyuser kung kaya’t ang presyo ay walang kakayahang
makaimpluwensya sa pamilihan na pabor sa interes ninuman.
35. Sa sistemang ito ng pamilihan, ang mga prodyuser ay may kakayahang diktahan o impluwensyahan
ang presyo ng mga produkto or serbisyo sa pamilihan.

A. Pamilihan na may ganap na kompetisyon

B. Pamilihan na may hindi ganap na kompetisyon

C. Istruktura ng pamilihan

D. Istruktura ng kompetisyon

36. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa produkto sa ilalim ng pamilihan na MONOPOLYO.

A. Meralco C. MRT/LRT

B. Prime Water D. Jollibee

37. Isang uri ng istruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Halimbaw ng mga produkto sa
ilalim nito ang langis, semento, bakal at ginto.

A. Monopolyo C. Oligopolyo

B. Monopsonyo D. Monopolistic Competition

38. Sa ilalim ng uri ng pamilihan na MONOPSONYO, ang mayroon lamang iisang uri ng mamimili ngunit
maraming prodyuser ng produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?

A. Simbahan C. Bangko

B. Paaralan D. Pamahalaan

39. Alin sa mga sumusunod na produkto ang halimbawa sa ilalim ng MONOPOLISTIC COMPETITION?

A. shampoo at sabon C. Diesel at Gasolina

B. Kamatis at Sibuyas D. Bigas at Mantika

40. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tamang konsepto at ideya tungkol sa
pamilihan?

A. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang mamimili at prodyuser.

B. Kapag mababa ang presyo sa pamilihan, ang kakayahan ng mamimili na bumili ay


nababawasan.

C. Nagaganap ang Sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag-supply.

D. Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.

41. Kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring
ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.

A. Price ceiling C. Price Door

B. Price floor D. Price Window

42. Kilala rin sa katawagan na price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang
presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equilibrium
price.

A. Price Ceiling C. Price Door

B. Price Floor D. Price Window


43. Ipinatutupad ng pamahalaan ang __________________ o batas sa pinakamababang sweldo sa sector
ng paggawa upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang sweldo

A. Minimal Wage C. Minimum Wage

B. Highest Wage D. Maximum Wage

44. Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan
ang presyo ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis

A. Suggested Retail Price

B. Suggested Detail Price

C. Suggested Entry Price

D. Suggested Cross Trail Price

45. Kailan maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa pamilihan?

A. Kung nakakaranas ng gyera ang ating bansa.

B. Kapag nasalanta ng bagyo ang isang lugar.

C. Kapag nakaranas ng lindol ang isang lugar sa bansa.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

46.Alin sa mga sumusunod na artikulo sa ating konstitusyon ang nagsasaad ng pangunahing tungkulin ng
pamahalaan na paglingkuran at pangalagaan ang sambayanang Pilipino.

A. Artikulo III, Seksyon 5 ng 1987 konstitusyon ng Pilipinas

B. Artikulo IV, Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

C. Artikulo II Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

D. Artikulo V, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

47. Ang pagpapatupad ng SRP sa mga produkto ay nasa ilalim ng pamamahala ng ahensyang ito ng
gobyerno.

A. Department of Labor and Employment

B. Department of Justice

C. Department of Agriculture

D. Department of Trade and Industry

48. Kailan ipinatutupad ng pamahalaan ang price freeze?

A. Kapag kulang ang supply ng mga produkto

B. Kapag sobra ang supply ng mga produkto

C. Sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad

D. Sa panahong nakararanas ng kasaganahan at pag-unlad ang bansa.

49. Bakit ipinapatupad ng pamahalaan ang Price floor?

A. Upang matulungan ang mga consumer.

B. Upang matulungan ang mga importer.

C. Upang matulungan ang mga kawani ng gobyerno.

D. Upang matulunganan ang mga prodyuser.


50. Bakit ipinapatupad ng pamahalaan ang Price Ceiling?

A. Upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante.

B. Upang mapigilan ang labis na pagbili o panic buying ng mga konsumer.

C. Upang mapigilan ang labis na supply ng mga produkto.

D. Upang mapigilan ang pagtatago ng mga produkto.

Prepared:

RONALD C. BAUTISTA CRISTOPHER C. SALINAS CLIFFORD B. PENALBA


Master Teacher I Teacher III Teacher II

Contents Checked:

RONALD C. BAUTISTA ARBEL A. BAYOT


Master Teacher I/O.I.C. A.P. Department Principal II

Contents Noted:

Dr. Crisaldo A. Belas


Public Schools District Supervisor

Contents Checked/Verified:

Alejo S. Filio Jr.


EPS – Araling Panlipunan
TEST KEY:

1. D
2. A
3. B
4. C
5. A
6. D
7. A
8. B
9. D
10. D
11. C
12. C
13. A
14. B
15. A
16. D
17. A
18. D
19. C
20. B
21. A
22. C
23. D
24. A
25. B
26. A
27. B
28. D
29. C
30. B
31. D
32. C
33. A
34. D
35. B
36. D
37. C
38. D
39. A
40. A
41. A
42. B
43. C
44. A
45. D
46. C
47. D
48. C
49. D
50. A

You might also like