You are on page 1of 3

UNANG MARKAHAN

UNIT TEST
ARALING PANLIPUNAN 9

1. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang
konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng
kakapusan.
B. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pagkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanilang kinakaharap
2. Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:
A. Ito’y paghahati ng mga limitadong pinagkukunang yaman ng lipunan.
B. Ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
C. Ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga nandarayuhan sa bansa.
D. Ito’y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang tinutugunan ang kanyang mga pangangailangan.
3. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan sa agham na ito?
A. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
B. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.
C. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
D. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.
4. Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks?
A. Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa pulitika ng bansa.
B. Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan.
C. Nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang yaman.
D. Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.
5. Ano ang palatandaan na ang bansa ay nakakaranas ng kakapusan?
A. May matandang populasyon
B. May sapat na lupa upang pagtayuan ng mga gusali
C. May mataas na lakas paggawa na nagiging dahilan ng produksyon
D. Pagkaubos ng non-renewable dahilan upang hindi lubusang tustusan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
6. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kakapusan sa isang lipunan MALIBAN sa ________.
A. Reklamasyon ng lupain upang pagtayuan ng Super Market
B. Pag-unti ng panindang bawang at luya sa pamilihan dahil sa hoarding.
C. Pag-aangkat ng makinarya ng isang bansa sa isang maunlad na bansa.
D. Pagkuha ng mga manggagawang Pilipino para magtrabaho sa Middle East
.7. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kakapusan sa personal na antas?
A. Pagkakaroon ng wastong oras para sa pag-aaral
B. Mumurahin lamang ang mga gadget.
C. Walang pera para sa pagbili ng mga gamit sa proyekto.
D. Mga damit na bili lamang mula sa palengke at mga tiangge
8. Ano ang palatandaan na may kakapusan sa isang lugar?
A. Mabilis ang paggawa ng mga produkto. B. Limitado ang suplay ng kalakal sa mga pamilihan.
C. Labis ang mga produkto sa pamilihan. D. May mga pulitikal na kaguluhan.
9. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng
suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño at La Niña
D. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na
bumili ng iba’t-ibang produkto at serbisyo.
10. Ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa ay nagbabago dahil sa iba’t-ibang salik na nararanasan nito. Ano sa
mga sumusunod ang naibubunga ng mga kalamidad ng isa sa mga salik na ito?
A. kalabisan B. kakulangan C. kakapusan D. Kahirapan
11. Isa sa mga suliranin na kinahaharap nating mga Pilipino ang kakapusan sa pinagkukunang-yaman.Ano sa iyong
Palagay ang maaaring solusyon upang ito ay maiwasan?
A. Pagsasawalang bahala sa mga patakaran at suliranin sa pamahalaan.
B. Pagkakaroon ng limitadong kaalaman sa pangkabuhayang pag-unlad.
C. Pagkamakabayan sa ekonomiya
D. masusing pag-iisip at pag-unawa sa mga suliraning agrikultural at komersyal na nakaaapekto sa
pangkabuhayang pag-unlad.
12. Paano ka makakatulong upang mapigilan ang lumalalang suliranin ng kakapusan?
A. Pagtuturo sa mga kabataan ng pagpili ng mga produkto upang mas tumaas ang kita ng pamahalaan.
B. Paggawa ng mga anunsyo na nagpapakita ng kagandahan ng ating bansa.
C. Pagbuo ng isang seminar na nagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa lumalalang suliranin ng kakapusan.
D. Pagsisimula ng paglilinis sa kapaligiran.
13. . Alin sa mga sumusunod ang isang kabutihang dulot ng kakapusan?
A. Pagtitipid B. Pag – iipon C. Pagnenegosyo D. Pagbabaka sakali

14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang hakbang o paraan ng ating pamahalaan upang hindi
tuluyang maubos ang mga pinagkukunang yaman?
A. konserbasyon at obserbasyon B. konserbasyon at preserbasyon
C. Preserbasyon at pagtitipid D. Pagtitipid at pag- iipon

15. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nakapagpapagaan at nakapagbibigay sa atin ng kasiyahan o karangalan.
A. Kita B. Gadget C. kagustuhan D. pangangailangan

16. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
A. Luho B. Pangangailangan C. Kagustuhan D. Kagamitan
B.
17. Kung ang pagkain at tirahan ay mga pangunahing pangangailangan, ano naman ang kagustuhan.
A. Mga bagay na itinuturing na luho ng tao. B. Mga bagay na kathang-isip lamang ng tao.
C. Mga bagay na mabilis maubos. D. Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.

18. Ang pagkonsumo ay ginagawa ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at magkaroon ng
kasiyahan sa buhay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Ang tao ay may sadyang walang katapusang pangangailangan.
B. Ang tao ay naghahangad na matugunan ang kanilang hilig at pangangailangan upang mabuhay at masiyahan.
C . Ang tao ay laging may pangangailangan upang masiyahan.
D. Ang tao ay laging nasisiyahan sa pagtugon sa pangangailangan.

19. Ang kagustuhan ay mga mga bagay na hinahangad ng tao upang mas lalong maging marangya at maayos sa lipunan
kaya siya ay naghahangad ng mas mataas sa kaniyang batayang pangangailangan. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa ng kagustuhan ng tao?
A. damit bilang proteksyon sa katawan B. sasakyan para makapasok ng paaralan
C. magarang tahanan na mayroong airccon D. masustansyang pagkain para maging malusog

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mangyayari kung uunahin ang pangangailangan sa kagustuhan?
A. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
B. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman ng tao.
C. Maaring malutas ang suliranin ng kakapusan.
D. Magiging maayos ang badyet ng pamilya.

21. Kailan itinuturing na may pakinabang ang produkto at serbisyo ng isang bagay?
A. Kung laganap ito at makikita sa iba’t ibang tindahan.
B. Kung mahalaga lamang ito sa panahon ng kalamidad.
C. Kung ginagamit ito sa paglikha ng bagong produkto.
D. Kung ginagamit ito upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at pansariling
kagustuhan ng mga mamimili.

22. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?


A. Paghahanap ng mga produkto B. Pagbebenta ng mga produkto
C. Paggawa ng mga produkto D. Paggamit ng mga produkto

23. Si Juan ay bumili ng mas maraming grocery kumpara sa nakaraang buwan dahil tumaas ang kaniyang
sweldo sa kompaniyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa pagkonsumo ni Juan?
A. Kita B. Presyo C. Demonstration Effect D. Mga Inaasahan

24. Naisipan ni Lucia na magtayo ng isang coffee shop dahil napansin niya na maraming mga konsyumer ang nakahiligin
ang pag inom ng kape dahil sa malamig na klima, ano ang naging salik na nakaapekto sa pagkonsumo ng tao?
A. Okasyon B. Panahon C. Panggagaya D. Pag- aanunsyo

25. Inutusan si Lysa ng kaniyang Ina na mamalengke para sa kanilang magiging hapunan, habang siya’y
naglalakad nakakita siya ng magandang relo ngunit wala siyang dalang pera. Nagkataong sobra ang
padalang pera ng kaniyang Ina ngunit napagdesisyunan niya na hindi na lamang ito bilhin. Anong
pamantayan ng isang matalinong mamimili ang sinunod ni Lysa?
A. Mapanuri B. Sumusunod sa Badyet C. Makatwiran D. Hindi Nagpapanic- buying

26. Naatasan ka ng iyong Ina na bumili ng mga gagamitin para sa inying gagawing buko- salad. Nabasa mo sa
anunsiyo na maraming mga pekeng gatas na ang pinagbebenta sa mga ilang grocery shop, Bilang isang mamimili sa papaanong
paraan mo maipapakita ang pagiging mapanuri sa mga produkto upang hindi makabili ng mga pekeng gatas?
A. Pagbili ng mga mamahaling produkto.
B. Bumibili ng mura upang maging sakto sa budget.
C. Paggamit ng mga produkto na iniindorso ng mga idolong artista.
D. Tinitignan ang sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa sa produkto.
27. Ano ang katangian ng mamimili ang ipinahihiwatig kapag isinaalang-alang niya ang presyo at kalidad ng isang bagay?
A. may alternatibo B. Hindi nagpapadaya C. Makatwiran D. Mapanuri
28. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
A. gumagamit ng credit card B. Bumibili ng segundamano
C. Sumusunod sa budget D. Bumibili ng mura
29. Si Jose ang nagsisilbing Mayor ng Dasmariñas, napansin niya na mraming reklamo ang kaniyang natatanggao tungkol sa maling
pagsusukli at mga pandaraya ng mga tindera nais itong solusyonan kaya’t ikaw ay hiningian niya ng opinyon upang
masolusyonan ang suliranin. Ano ang iyong magiging pamamaraan upang itaguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
B. Palaging maging handa at alerto, gumamit ng mga timbangang- bayan upang malaman ang sapat na
produktong binili.
C. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
D. Pag-aralan ang nakatatak na etiketa ukol sa sangkap at komposisyon ng produkto.
30. Sa papaanong paraan maitataguyod ng isang mamimili ang kaniyang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Palaging itanong sa nagtitinda kung ano ang kagandahan ng produkto.
B. Palaging gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
C. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
D. Pahalagahan ang mga murang produkto kaysa sa produktong may mahal at mataas na presyo.
31. . Ito ay tumutukoy sa pagsasama- sama ng mga salik o input upang makabuo ng produkto.
A. Alokasyon B. Pagkonsumo C. Pamimili D. Produksyon

Gamitin ang ilustrayon sa pagsagot ng bilang 32

32. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa itaas ukol sa produksiyon?


A. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin dito.
B. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa makinarya.
C. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa,lakas paggawa, capital, at
entreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
D. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama- sama ng output tulad ng produkto, at serbisyo upang mabuo
Ang input tulad ng lupa, paggawa, capital at kakayahang entreprenyur.
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang araw araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangan ikonsumo sa pang araw araw.
C. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produsiyon ay nagagamit ng samabahayan sa pagbili ng produkto at
serbisyo.
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay- daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo. Kaya dahil ditto masasabing
mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.
34. Sa kasalukuyan maraming mga tao ang nahihikayat na magtayo ng kanilang mga sariling negosyo, Sa iyong palagay
ano ang mga dapat taglayin upang maging isang matagumpay na negosyante?
A. Laging humihingi ng tulong mula sa ibang tao sa pangangansiwa at desisyon ng negosyo.
B. Bumabataya lamang sa mga makalumang pamamaraan sa pagsasa- ayos ng pamilihan.
C. Kumukuha ng mga pamamaraan mula sa ibang negosyante na maaring gamitin sa pagpapalago ng negosyo.
D. Mahusay mag organisa, kumontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaapekto sa
produksiyon.
35. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng iba’t ibang organisasyon ng negosyo?
A. Magkaroon ng papel sa ekonomiya na maghanap- buhay sa pang araw. Araw.
B. Manghikayat ng mga tao na nais na magtayo ng negosyo.
C. Pagnanais na mag may- ari, kumontrol at magpatakbo ng isang korporasyo.
D. Layunin na ang bawat mga negosyante ay kumita at tumubo mula sa kaniyang negosyong itinayo
36. . Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng kooperatiba?
A. May suporta ng pamahalaan B. Mahirap maging kasapi nito.
C. Maliit lamang ang gastos sa pamamahala. D. Hinahati- hati ang kita ayon sa sapi ang kapakinabangan.
37. Ano ang tawag sa organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundong paghatian ang kita sa
pagtatayo ng isang negosyo?
A. Sosyohan B. Kooperatiba C. Korporasyon D.Solong Pagmamay- ari
38. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng solong pagmamay- ari?
A. Madaling itatag B. Madali ang pagdedesisyon
C. Napupunta lahat ang tubo sa may- ari D. May tulungan sa pagitan ng magkanegosyo
39. Ano ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo?
A. Solong pagmamay-ari B. Sosyohan C. Kooperatiba D. korporasyon
40. Ano ang tawag sa organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibididwal na nagkasundong paghatian ang kita sa pagtatayo
ng isang negosyo?
A. Solong Pagmamay- ari B. Sosyohan C. Kooperatiba D. Korporasyon

You might also like