You are on page 1of 2

1ST SUMMATIVE TEST IN EKONOMIKS 9

2ND QUARTER

NAME:
GRADE & SECTION:
_1. Ano ang tawag sa mathematical equation na nagpapahayag ng ugnayan ng presyo at demand?
A. Batas ng Demand B.Demand C. Demand Curve D.Demand Function
___2. Ano ang tumatayong independent variable sa demand function?
A. Demand B. Demand Schedule C. Presyo D. Quantity Demanded
___3. Ano naman ang tumatayong dependent variable sa demand function?
A. Demand B. Demand Schedule C. Presyo D. Quantity Demanded
___ 4. Ano ang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at dami ng bibilhing produkto.
A. Batas ng Demand B.Demand C.Demand Curve D.Demand Function
___5. Ano ang ginagamit na mathematical sign sa demand function upang ipakita ang hindi tuwirang kaugnayan ng
presyo at demand? + (plus) B. – (minus) C. X (multiply) D. ÷ (divide)
___6. Alin sa mga sumusunod ang mga produktong itinuturing na komplementaryo?
A. sapatos at medyas C. toothpaste at toothbrush
B. radyo at pahayagan D. cellphone at wifi
___7. Anong salik na nakakaapekto sa demand ang tinutukoy sa pahayag. “Sinasabing tumataas ang demand ng isang
tao kapag gusto o hilig nya ang isang produkto o serbisyo.”
A. Inaasahan B. Kita C. Panlasa D. Presyo
___8. Ano ang tawag sa kabayaran na tinatanggap ng isang tao kapalit ng kanyang ginawang produkto o serbisyo at
batayan ng dami ng produkto at serbisyo na maaaring mabili?
A. Demand B. Inaasahan C. Kita D. Presyo
___9. Ano ang tawag sa isang nakagawian na nahihikayat ang isang indibidwal na bumili ng produkto kapag marami ang
bumibili o tumatangkilik nito?
A. Bandwagon Effect B. Kita C. Inaasahan D. Panlasa
___10. Ano ang tawag sa produkto na pamalit o alternatibo sa ginagamit na produkto?
A. Complementary Goods B. Inferior Goods C. Normal Goods D. Substitute Goods
___11. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagtaas ng kita?
A. Complementary Goods C. Normal Goods
B. Inferior Goods D. Substitute Goods
___12. Ano ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita?
A. Complementary Goods B. Inferior Goods C. Normal Goods D. Substitute Goods
___13. Anong salik ng demand ang tinutukoy sa pahayag na ito? “Nahihikayat na bumili ang isang mamimili kapag
nakikita niya na marami ang tumatangkilik sa isang produkto.”
A. Dami ng Mamimili B. Kita C. Inaasahan D. Panlasa
___14. Alin sa mga Demand Curve ang nagpapakita ng pagtaas ng demand?

___15. Alin sa mga Demand Curve ang nagpapakita ng pagbaba ng demand?

16. Ano ang tawag sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa
isang takdang panahon?
a. Demand b. Pamilihan c. Stock d. Suplay
17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Batas ng Suplay?
a. Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
c. Presyo ang pangunahing batayan sa dami ng produkto o serbisyong ipagbibili.
d. Kapag bumababa ang presyo, nadadagdagan ang dami ng nais ipagbili.
18. Ang kurba ng suplay ay gumagalaw mula ibaba, paitaas at pakanan o upward sloping. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Salungat na ugnayan ng presyo at suplay. c. Direktang ugnayan ng presyo at suplay.
b. Walang pagbabago sa presyo at suplay. d. Walang ugnayan ang presyo at suplay.
19. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve b. Demand curve c. Supply schedule d. Demand schedule
20. Alin sa mga sumusunod ang grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve b. Demand curve c. Supply schedule d. Demand
2ND SUMMATIVE IN EKONOMIKS 9
2ND QUARTER
NAME:
GRADE & SECTION:
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di-presyong salik na nakakaapekto sa suplay maliban sa isa:
a. Buwis at Subsidiya c. Panahon at Klima
b. Dami ng Nagtitinda d. Presyo
2. Alin ang kabilang sa gastos ng produksyon?
a. Bayad sa upa c. Halaga ng Impok o Savings
b. Kita ng Entrepreneur d. Dami ng bumibili ng iyong produkto
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpataas sa suplay ng mga produktong alternatibo sa langis at coal bilang enerhiya
katulad ng solar panel at windmill?
a. Mataas na Buwis c. Pagbibigay ng Subsidiya
b. Regulasyon sa Enerhiya d. Pagbabantay sa Kagubatan
4. Ano ang salitang kasing-kahulugan ng espekulasyon?
a. Ekspektasyon b. Hinuha c. Inaasahan d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang payak na kahulugan ng elastisidad ng suplay?
a. Tindi ng epekto sa suplay c. Reaksyon ng Mamimili
b. Agwat ng pagbabago d. Kakayahan ng manininda
6. Ano ang ginagamit upang masukat ang elastisidad ng suplay?
a. Kita at presyo c. Pagbabago sa presyo at dami ng suplay
b. Presyo at dami ng suplay d. Porsyento ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay
7. Ano ang salik na sinusukat sa pagbabago ng suplay batay sa income elasticity?
a. Pagtaas ng presyo c. Karagdagang buwis
b. Pagbabago sa sweldo d. Pagpasok ng dayuhang produkto
8. Alin sa mga sumusunod na kurba ng suplay ang nagpapakita na: mas malakiang porsyento ng pagbabago sa presyo kumpara sa
porsyento ng pagbabago sa dami ng suplay?

9. Ang pagtatayo ng mga gusali sa maliliit na bayan o lungsod katulad ng Malabon ay mainam na halimbawa para sa anong uri ng
elastisidad ng suplay?
a. Elastik b. Ganap na Elastik c. Di-elastik d. Ganap na Di-elastik
10. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at
kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan
a. Ekwilibriyo b. Shortage c. Scarcity d.Disekwilibriyo
11. __________ ang tawag sa napagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser samantalang ang ekwilibriyong dami
naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
a. Ekwilibriyong Dami c. Ekwilibriyong Presyo
b. Sales Retail Price d. Price Tag
12. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo ay
tinatawag na ________.
a. Ekwilibriyo b. Shortage c. Scarcity d.Disekwilibriyo
13. Tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas marami ang supply kaysa sa demand ng mamimili.
a. Ekwilibriyo b. Shortage c. Surplus d.Disekwilibriyo
14. Tawag kapag ang sitwasyon sa pamilihan ay mas marami ang demand ng mamimili kaysa sa supply ng mamimili.
a.Ekwilibriyo b. Shortage c. Surplus d.Disekwilibriyo
15. Maaaring manghimasok ang pamahalaan kapag nakita nitong ang presyo ay labis na mataas para sa konsyumer o labis na
mababa para sa mga prodyuser. Maaaring magpataw ang pamahalaan ng kung gaano kataas o kababa ang presyo ng mga
produktong maapektuhan nito.
a. Suliranin b. Kalutasan c. Batas ng Pamahalaan d. Wala sa nabanggit
16. Tumaas ang presyo ng mga bilihin tulad ng damit, sapatos, at iba pang mga kagamitan dahil sa nalalapit na kapaskuhan.
a. Suliranin b. Kalutasan c. Batas ng Pamahalaan d. Wala sa nabanggit
17. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi
matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
a. Suliranin b. Kalutasan c. Batas ng Pamahalaan d. Wala sa nabanggit
18. Nagkaroon ng price freeze ang mga pangunahing kalakal sa pamilihan upang maiwasan ang pananamantala ng mga
negosyante sa panahon ng pandemya.
a. Suliranin b. Kalutasan c. Batas ng Pamahalaan d. Wala sa nabanggit
19. Nananalasa ang bagyong Carding sa Nueva Ecija nasalanta ang mga pananim na palay at gulay kaya inaasahan na kakaunti ang
mailuluwas na palay at gulay sa Maynila sa susunod na dalawang buwan.
a. Suliranin b. Kalutasan c. Batas ng Pamahalaan d. Wala sa nabanggit
20. Ang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations (1776) ay isang libro na nagsasabing magkakaroon
ng magandang ugnayan ang konsyumer at prodyuser kung ito ay mapupunta sa?
A. Pamahalaan B. Pamilihan C. Entablado D. Bahay - kalakal

You might also like