You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
CITY SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO (P)
PANIPUAN HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)
DIAGNOSTIC TEST

MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan sa agham na
ito?
A. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
B. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.
C. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
D. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na isang agham ang ekonomiks?
A. Nagsasagawa ito ng mga eksperimento sa laboratory.
B. Pinag-aaralan nito ang kalikasan.
C. Pinapatunayan nito ang katotohanan batay sa ebidensiya.
D. Pinag-aaralan nito ang mahahalagang isyu ng bansa.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kakapusan sa pamilihan?
A. Madalas ang sale ng mga tindahan.
B. Bumababa ang presyo ng mga bilihin.
C. Laganap ang panic buying
D. Dumarami ang illegal na nagtitinda.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kakulangan?
A. Mabilis na pagdami ng tao.
B. Maaksayang paggamit ng mga yaman.
C. Di sapat ang supply ng bigas sa pamilihan
D. Pagkakalbo ng mga kagubatan.
5. Ano ang dahilan bakit may trade off at opportunity cost?
A. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
B. Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya.
C. Sagana ang buhay ng tao.
D. Upang makalikha ng mas maraming kalakal.
6. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag
sa mga bagay na ito?
A. Luho C. Kagustuhan
B. Pangangailangan D. Kagamitan
7. Kung ang pagkain at tirahan ay mga pangunahing pangangailangan, ano naman ang kagustuhan.
A. Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.
B. Mga bagay na kathang-isip lamang ng tao.
C. Mga bagay na mabilis maubos.
D. Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mangyayari kung uunahin ang pangangailangan sa
kagustuhan?
A. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo.
B. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman ng tao.
C. Maaring malutas ang suliranin ng kakapusan.
D. Magiging maayos ang badyet ng pamilya.
9. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
A. Tradisyunal C. Command
B. Market D. Mixed
10. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan?
A. Distribusyon C. Pamumuhunan
B. Alokasyon D. Reserbasyon
11. Kailan itinuturing na may pakinabang ang isang bagay?
A. Kung ginagamit ito sa paglikha ng bagong produkto.
B. Kung mahalaga ito.
C. Kung laganap ito.
D. Kung ginagamit ito upang matugunan ang ating pangangailangan.
12. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?
A. Paggamit ng mga produkto. C. Pagbebenta ng mga produkto.
B. Paggawa ng mga produkto. D. Paghahanap ng produkto.
13. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
A. Gumagamit ng credit card C. Sumusunod sa budget
B. Bumibili ng segunda mano D. Bumibili ng mura
14. Alin sa mga sumusunod ang nakapagpapataas sa antas at dami ng produksyon?
A. Pagdami ng mamimili C. Pagtaas sa demand ng produkto
B. Paggamit ng angkop na teknolohiya D. Pagmahal sa salik ng produksyon
15. Alin sa mga salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa produksyon?
A. Lupa C. Paggawa
B. Kapital D. Enterprenyur
16. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pamumuhunan?
A. Pag-iimpok ng pera sa bangko C. Pagbili ng mga produktong tapos
B. Pagbili ng stocks ng kompanya D. Pangungutang sa bangko
17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng maykroekonomiks?
A. Mga epekto ng presyo. C. Pag-aaral ng pambansang kita.
B. Inteaksyon ng demand at supply. D. Mga kilos at gawi ng mamimili.
18. Anong sistema ng negosyo ang pinakapayak?
A. Solong pagmamay-ari C. Korporasyon
B. Sosyohan D. Kooperatiba
19. Anong salik ang maaring magpababa sa demand ng kotse?
A. Pagbaba ng presyo ng gulong. C. Pagtaas ng presyo ng gasolina.
B. Pagbaba ng singil sa rehistrasyon. D. Pagtaas ng presyo ng pamasahe.
20. Kapag magpapasko, marami ang nais bumili ng hamon kahit mataas ang presyo nito. Ano ang
dahilan nito batay sa konsepto ng demand?
A. Bawal ang manok tuwing pasko.
B. Marami ang nagtitinda nito tuwing magpapasko.
C. Mataas ang kita ng mga mamimili tuwing magpapasko.
D. Mas mura ang hamon tuwing pasko.
21. Anong grupo ang kumokontrol ng supply ng isang kalakal sa sistemang pamilihan?
A. Konsyumer C. Pamahalaan
B. Bahay-kalakal D. Lahat ng nabanggit
22. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon
ng palitan batay sa itinakdang presyo ng produkto?
A. Palengke C. Talipapa
B. Pamilihan D. Tiangge
23. Ano ang tawag sa reaksyon ng isang variable sa pagbabago ng presyo?
A. Produktibidad C. Integridad
B. Seguridad D. Elastisidad
24. Ano ang elasticity ng mga produktong maraming pamalit tulad ng softdrinks at chichirya?
A. Elastic C. Unitary
B. Di-elastic D. Ganap na Di-Elastic
25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng batas ng supply?
A. Tumataas ang supply kapag tumataas ang presyo.
B. Bumababa ang supply kapag tumataas ang presyo.
C. Tumataas ang supply kapag bumababa ang presyo.
D. Tumataas ang supply kahit hindi bumababa ang presyo.
26. Alin sa mga sumusunod ang maaring mang-yari sa supply ng manok kapag tumaas ang presyo
ng chicken feed?
A. Tataas C. Walang Pagbabago
B. Bababa D. Pabago-bago
27. Tumataas ang pangangailangan ng school supplies tuwing buwan ng Hunyo. Ano ang inaasahang
mangyayari sa supply nito?
A. Pareho pa rin C. Dadami
B. Mawawala D. Mababawasan
28. Ano ang ginagamit upang sukatin ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa?
A. Growth Rate C. Per Capita Income
B. Nominal Price D. Net Factor Income
29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI umaayon sa batas ng suplay at demand?
A. Pag tumaas ang presyo, tataas din ang suplay.
B. Pag bumaba ang presyo, bababa rin ang suplay.
C. Pag tumaas ang presyo, bababa ang demand.
D. Pag malaki ang demand sa suplay, bababa ang presyo.
30. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pag-iral ng ganap na kompetisyon sa isang
pamilihan?
A. Iisa lamang ang suplayer ng isang produkto.
B. Iilang kompanya lamang ang nagtitinda ng magkakatulad na produkto.
C. May malaking bilang na nagbebenta ng mga produktong pareho ang gamit ngunit iba-
iba ang kalidad.
D. Maraming maliliit na kompanya ang gumagawa at nagbebenta ng parehong produkto.
31. Sa isang probinsiya, sa isang tao lamang ipinagbibili ng mga magsasaka ang kanilang aning
tabako. Ang taong ito ang nagdidikta ng presyo. Anong uri ng pamilihan ang umiiral sa ganitong
sitwasyon?
A. Monopolyo C. Monopolistikong Kompetisyon
B. Oligopolyo D. Monopsonyo
32. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin
sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. pagtatakda ng Suggested Retail Price(SRP) upang magkaroon ng gabay sa presyo ng
mga bilihin
C. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
D. patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo
33. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas, nakikialam ang pamahalaan
sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakarang ito?
A. price ceiling C. market clearing price
B. floor prices D. price support
34. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
35. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pamumuhunan?
A. Paglagak ng pera sa bangko.
B. Pagbili ng kalakal na second hand
C. Pagbili ng produktong makapagpapataas ng produksyon.
D. Pag-utang sa bangko.
36. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A. Upang maging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
B. Upang makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
C. Upang makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Upang makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.
37. Alin sa sumusunod ang kumakatawan sa kontribusyon ng mamamayang Pilipino sa kabuuang
produksyon ng kalakal at serbisyo ng Pilipinas sa loob ng isang taon?
A. Gross Domestic Income C. Gross National Income
B. Personal Income D. National Income
38. Bakit mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNP?
A. Upang malaman kung nagagampanan ng ekonomiya ang tungkulin nito.
B. Upang malaman kung may laban ang ating bansa sa iba.
C. Upang malaman kung malaki ang ibinababa ng ating ekonomiya.
D. Upang malaman kung may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya sa bansa.
39. Alin sa mga sumusunod ang maaring maging sanhi ng implasyon?
A. Pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
B. Pagbaba ng pagkonsumo ng isang kalakal
C. Pagdami ng nagbebenta ng isang kalakal
D. Pagtaas ng demand para sa isang kalakal
40. Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng mga bilihin. Ano ang negatibong epekto ng implasyon
sa ekonomiya?
A. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon.
B. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
C. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan.
D. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
41. Bilang konsyumer, alin sa mga sumusunod ang nakakatulong upang mapaunlad ang ekonomiya
ng bansa?
A. Pagbili sa mga tindahang dayuhan C. Pagbili ng mga produktong cottage industry
B. Pagbili ng mga pekeng produkto D. Pagbili ng mga kalakal na smuggled
42. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok sa mga konsyumer?
A. Paglagak ng pera sa bangko C. Pagkuha ng educational plan
B. Pagbili ng bagong damit D. Pagbili ng mga kalakal
43. Alin sa mga sumusunod ang maaring gawin upang maiwasang mabaon sa utang?
A. Mag-apply ng credit card C. Sumali sa paluwagan
B. Bumili ng hulugan D. Mag-invest sa negosyo
44. Ano ang pinakamalaking pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan?
A. Pangungutang sa ibang bansa.
B. Koleksyon ng buwis.
C. Donasyon ng mga pribadong korporasyon.
D. Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan.
45. Bakit nagkakaroon ng deficit sa budget ang pamahalaan?
A. Sumusobra ang rebenyu kaysa gastos.
B. Sumusobra ang gastos kaysa rebenyu.
C. Nababawasan ang dayuhang salapi.
D. Lumalaki ang halaga ng salapi.
46. Alin ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit mas mainam ang mag-impok sa bangko kaysa sa
alkansiya?
A. Ligtas ang pera sa magnanakaw, sunog at kalamidad.
B. Madaling makuha ang pera kung kailangan.
C. Kumikita ang pera ng interes.
D. Maari itong mapalitan sakaling malugi ang bangko.
47. Ano ang HINDI katangian ng isang matatag na bangko?
A. Marami ang mga sangay nito.
B. Mataas ang bigay na interes.
C. Maraming depositor ang nagsasara ng account.
D. Rehistrado ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
48. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
A. Hindi ganap na naipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFW lamang nakasalalay ang pag-unlad ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan din ng pagtaas ng kalidad
ng pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Isang mabisang paraan sa pagsukat ng kaunlaran ng bansa ang pagtaas ng GNP.
49. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong paunlarin ang
ekonomiya?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nagyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran.
D. Lahat ng nabanggit.
50. Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor sa ekonomiya ng Pilipinas. Ngunit sa panahon
ngayon, ito ang may pinakamaliit na ambag sa taunang kita. Alin sa mga sumusunod ang
pangunahing dahilan nito ?
A. Patuloy na pagkasira ng mga sakahan dahil sa kaingin at pagkalbo ng mga kagubatan.
B. Patuloy na pag-angkat ng bigas mula sa China, Vietnam at Thailand.
C. Walang suporta ang pamahalaan sa mga magsasaka.
D. Mababang antas ng teknolohiya sa agrikultura.
51. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa mga suliranin ng mga
magsasaka. Ano ang pinakamalaking dahilan nito?
A. Hindi marunong mag-imbak ng kalakal ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga konsyumer sa mga produktong agrikultural.
C. Likas sa mga magsasaka ang pagiging pabaya.
D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa mga pamilihan.
52. Bakit mahalaga ang magkaroon ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan?
A. Mabawasan ang mga empleyado sa isang pagawaan.
B. Unti-unti nitong inaalis ang manual labor sa mga pagawaan.
C. Maaantala ang pagluluwas ng mga lokal na produkto sa ibang bansa.
D. Mapapataas nito ang produksyon ng mga manggagawa sa mga pagawaan.
53. Paano nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang pagkakaroon espesyalisasyon ng mga
manggagawa sa isang pagawaan?
A. Napapabilis ang produksyon
B. Nagiging bihasa ang mga manggagawa.
C. Naiiwasan ang pagkakamali sa trabaho.
D. Napapataas ang kasanayan ng mga manggagawa.
54. Noong 2008, nalagpasan ng Pilipinas ang India bilang pangunahing destinasyon
ng call center BPO sa daigdig. Alin ang pangunahing dahilan nito?
A. Mas mababa ang sahod ng mga Pilipino.
B. Mas mataas ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagsasalita ng Ingles.
C. Mas mataas ang pinag-aralan ng mga Pilipino.
D. Mas mabait ang mga Pilipino kung ihahambing sa mga Indian.
55. Isa sa mga pinakamalaking suliranin ng sektor ng paglilingkod ang
contractualization. Ano ang dahilan bakit patuloy parin itong umiiral sa kabila ng
reklamo ng mga manggagawa?
A. Mas nakakatipid ang mga kompanya kung ang manggagawa ay kontrakwal.
B. Mas mataas ang sahod ng mga empleyadong regular.
C. Ang mga empleyadong kontrakwal ay walang benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
D. Lahat ng nabanggit
56. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng impormal na sektor?
A. Mababang libel ng organisasyon.
B. Binubuo ng may-ari at kanyang mga kamag-anak o kakilala.
C. May permiso sa pamahalaang lokal
D. Hindi nagbabayad ng buwis
57. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa impormal na sektor?
A. Mga convenience stores C. Mga gawaing pansibiko
B. Mga kooperatiba ng mga magsasaka D. Tindahang pag-aari ng pamahalaan
58. Ano ang dahilan ng depisit sa kalakalan?
A. Labis na import kaysa sa export
B. Labis na export kaysa import
C. Pantay ang export sa import
D. Mas mababa ang export sa import
59. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patakaran ng pamahalaan na humadlang
malayang kalakalan?
A. Liberalisasyon C. Espesyalisasyon
B. Proteksyonismo D. Taripa
60. Ano ang pangunahing layunin sa pagtatatag ng Asia Pacific Economic Council (APEC)?
A. Isulong ang paglago ng kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
B. Magkaroon ng iisang kultura ang rehiyong Asya-Pasipiko.
C. Magkaisa ang mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
D. Maipagtanggol ang mga bansang kasapi sa Asya-Pasipiko laban sa terorismo.
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)
DIAGNOSTIC TEST

GABAY SA PAGWAWASTO
(Key to Correction)
1. A 16. B 31. D 46. D
2. C 17. C 32. C 47. C
3. B 18. A 33. A 48. C
4. C 19. C 34. A 49. D
5. A 20. C 35. C 50. D
6. B 21. B 36. B 51. D
7. A 22. B 37. C 52. D
8. A 23. D 38. D 53. A
9. C 24. A 39. D 54. B
10. B 25. A 40. C 55. D
11. D 26. C 41. C 56. C
12. A 27. C 42. A 57. C
13. C 28. C 43. D 58. A
14. B 29. D 44. B 59. B
15. C 30. D 45. B 60. A
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
CITY SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO (P)
PANIPUAN HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)


DIAGNOSTIC TEST
Table of Specifications
Item
Competencies No. of items Remembering Understanding Application Analysis Evaluating Creating
Placement
1. Kahulugan ng Ekonomiks 2 1-2 1 1
2. Konsepto ng Kakapusan 3 3-5 1 1 1
3. Kagustuhan at Pangangailangan 3 6-8 1 1 1
4. Alokasyon at Sistemang Pang-ekonomiya 3 9-11 2 1
5. Pagkonsumo at ang Mamimili 2 12-13 1 1
6. Produksiyon 2 14-15 1 1
7. Negosyo 2 16-17 1 1
8. Ang Demand at ang Mamimili 3 18-20 1 1 1
9. Price Elasticity ng Demand 2 21-22 2
10. Supply at ang Bahay Kalakal 3 23-25 1 1 1
11. Interaksyong ng Demand at Supply 3 26-28 1 1 1
12. Iba’t ibang anyo ng Pamilihan 2 29-30 1 1
13. Pamilihan at Pamahalaan 2 31-32 1 1
14. Pambansang Ekonomiya 3 33-35 1 2
15. Produksyon at Kita ng Pambansang 1 1
2 36-37
Ekonomiya
16. Pangkalahatang Kita, Pagkonsumo at 1 1
2 38-39
Pag-iipon
17. Implasyon 3 40-42 1 1 1
18. Patakarang Piskal 2 43-44 1 1
19. Patakaran ng Pananalapi 2 45-46 2
20. Konsepto at Palatandaan ng Pambansang 1 1 1
3 47-49
Pag-unlad
21. Sektor ng Agrikultura 2 50-51 2
22. Sektor ng Industriya 2 52-53 1 1
23. Sektor ng Paglilingkod 2 54-55 1 1
24. Impormal ng Sektor 2 56-57 1 1
25. Kalakalang Panlabas 3 58-60 1 1 1
TOTAL 60

You might also like