You are on page 1of 7

LONG QUIZ 1

Araling Panlipunan 9-EKONOMIKS


SY 2022-2023
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang
titik nito sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa isang talaan na nagpapakita ng di- tuwirang ugnayan ng presyo at quantity demanded?
A. Batas ng Demand B. Batas ng Supply C. Demand Schedule D. Demand Supply
2. Anong batas ang nagsasabi na kapag mababa ang presyo , mataas ang demand, kapag mataas ang presyo,
mababa ang demand?
A. Batas ng Demand B. Batas ng Supply C. Batas ng Demand at Supply D. Ceteris Paribus
3. Ano ang tumutukoy sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
A. Law of Supply B. Supply Curve C. Supply Function D. Supply Schedule
4. Si Mara ay bumili ng nauusong ballpen sapagkat nakita niya na halos lahat ng kaklase niya ay mayroon nito. Anong
salik ang nakaaapekto ng demand?
A. dami ng mamimili B. inaasahan ng mamimili C. kita D. panlasa
5. Si Mang Victor ay nakapasok ng trabaho sa isang malaking kompanya na mataas ang sahod, kaya niyang tustusan
ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Alin sa sumusunod na salik ang nakaaapekto sa kanilang demand?
A. dami ng mamimili B. inaasahan ng mamimili C. kita D. panlasa
6. Anong salik na nakaapekto sa demand, kung paborito mong almusal ay pandesal, mas marami ang makakain mo nito
kesa sa ensaymada?
A. . dami ng mamimili B. kita C. panlasa D. presyo ng magkakaugnay na produkto.
7. Ang pamahalan ay nagnanais na makamit ang pambansang pangkaunlaran. Anong programa ang dapat nitong
ipatupad?
A. Programang Pang-agraryo
B. Programa sa Pagbubuwis
C. Programang Pang-ekonomiya
D. Programang Pangkalikasan
8. Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihan kung magpasyang gumamit ng
makabagong makinarya ang prodyuser?
A. Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply.
B. Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo.
C. Bibilis ang produksiyon at darami ang supply sa pamilihan.
D. Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon.
9. Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa Pasko. Ano ang mangyayari sa supply ng pasta
pagdating ng buwan ng Disyembre?
A. Bababa ang supply.
B. Tataas ang supply
C. Mananatili ang dami ng supply
D. Walang pagbabago sa supply
10.Anong salita ang tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo
sa isang takdang panahon?
A. Alokasyon B. Demand C. Pagkonsumo D. Supply
11. Inilalarawan nito ang di-tuwirang ugnayan ng quantity demanded at ng presyo. Ano ang tawag sa grapikong
paglalarawan na ito?
A. Batas ng Demand B. Demand Curve C. Demand Function D. Demand Supply
12. Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?
A. Mapagmasid sa galaw ng demand, supply at presyo sa pamilihan.
B. Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito.
C. Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na demand.
D. May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksiyon.
13.Sa paggawa ng produktong ibebenta, isinasaalang-alang ng mamumuhunan ang mga salik ng produksiyon. Ano ang
kahihinatnan ng pagtaas ng presyo ng alinmang salik?
A. Paglaki ng kikitain o tutubuin
B. Mabilis na produksyon
C. Pagtaas ng kabuuang gastos sa produksiyon.
D. Pagtaas ng supply sa pamilihan.
14. Alin ang magaganap kapag bumaba ang supply at hindi nagbago ang demand?
A.Surplus
B.Shortage
C.Ekwilibriyo
D.Dis-ekwilibriyo
15. Bakit kapag tumaas ang supply ngunit ang demand ay hindi nagbabago, bumababa ang presyo ng produkto?
A. Tumaas ang kita ng prodyuser
B. Magkaroon ng pagkilos sa pamilihan
C. Maiwasan ang pagkakaroon ng surplus..
D. Mahikayat na bumili ang tao at tumaas ang demand nito.
16.Ano ang tawag sa isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang
presyo.
A. Law of Supply B. Supply Curve C. Supply Function D. Supply Schedule
17. Ano ang gawain ng mga mamumuhunan ang nagdudulot ng artipisyal na kakulangan ng supply sa pamilihan?
A. bandwagon effect B. hoarding C. shortage D. Surplus
18. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang
takdang panahon.
C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mammimil sa iba’t-ibang
presyo sa isang takdang panahon.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang
presyo sa isang takdang panahon.
19. Ano ang tawag sa hindi balanseng supply at demand sa isang pamilihan?
A. disekwilibriyo B. ekilibriyo C. kakulangan D. kalabisan
20. Ano ang maidudulot ng pagkakaroon ng mas maraming dami ng supply kaysa dami ng demand sa pamilihan?
A. disekwilibriyo B. ekilibriyo C. kakulangan D. kalabisan
21. Sa estrukturang ito hawak ng isang kamay lamang ang pagpagalaw sa presyo sa pamilihan.
A. ganap na kompetisyon B. monopolyo C. monopsonyo D. oligopolyo
22. Anong uri ng pamilihan may iilang suplayer o prodyuser.
A. . monopolistikong kompetisyon B. monopolyo C. oligopolyo D. perpektibong kompetisyon
23. Anong uri ng pamilihan ang magkakatulad na produkto ang ipinagbibili?
A. monopolistikong kompetisyon B. monopolyo C. oligopolyo D. perpektibong kompetisyon
24. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto?
A. Floor Prices B. Market Clearing price C. Price ceiling D. Price support
25. Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o
mabawasan ang kita.
A. Market Price B. Price Ceiling C. Price floor D. Price Support
Para sa mga katanungan bilang 26-29, gamitin ang mga pagpipilian sa ibaba.
A. monopolistikong kompetisyon B. monopolyo C. oligopolyo D. perpektibong kompetisyon

26. Si Eric ay nakatira sa dulong bahagi ng Quezon. Meralco lang ang nag isang suplayer ng kuryente doon.

27. Sa anong uri ng pamilihan nabibilang ang Shell, Petron at Caltex?

28. Istruktura ng pamilihan na inilalarawan ng kawalan ng kontrol sa presyo ng mga nagbebenta, maraming magkatulad
ngunit pinag-ibang produkto dahil sa tatak, at malayang nakapapasok o nakalalabas ang mga nagbebenta sa
industriya.

29. Anong uri ng pamilihan ang may kartel?

30. Katangian ng isang istrukturang ito na siya ang taga konsumo sa produkto at serbisyo ng maraming prodyuser.
A. monopolistikong kompetisyon B. monopolyo C. monopsonyo D. oligopolyo

31. Bakit ang tubig at kuryente ay kabilang sa monopolyong pamilihan?


A. Ang tubig at kuryente ay mga produktong walang kapalit.
B. Mahal ang gastusin sa paglikha ng mga produktong ito.
C. Ang tubig at kuryente ay mga produktong sadyang kailangan
D. Napipilitan lamang ang mamimili dahil iisa lamang ang nagtitinda nito.

32. May epekto ba nag pag-aanunsyo (advertisement) sa pagbebenta?


A. Wala dahil sa identikal ang mga produkto.
B. Wala dahil sa pinag-iba ang mga produkto.
C. Mayroon dahil sa identikal ang mga produkto
D. Mayroon dahil sa ipinapahayg nito ang mga

33. Si Aling Myrna, may-ari ng isang karinderya, ay palaging bumibili ng mga sariwang gulay, karne at iba pang mga
sangkap na kanyang kailangan sa pagluluto sa malapit na tindahan . Ano ang tawag sa lugar kung saan namimili si
Aling Myrna.
A. department store B. pamilihan C. talipapa D. tiangge

34. Nagmamay-ari ng pagawaan ng hotdog si Larry. Itinakda niya na ang presyo ng hotdog kada piraso ay 16 pesos.
Nabatid ng pamahalaan na ang itinakdang presyo ni Larry sa hotdog ay labis na mataas. Ano ang patakarang dapat
na itakda ng pamahalaan sa labis na di makatarungang presyo ng hotdog ni Larry?
A. floor prices B. market clearing price C. price ceiling D. price support

35. Si Lorna ay bagong nagtapos ng kolehiyo. Naghahanap siya ng trabaho upang matustusan ang kanyang mga
pangangailangan sa araw araw. Anong ahensiya ng pamhalaan ang dapat niyang lapitan?
A. DTI B. DOLE C. DENR D. DAR

36. Nakaka-engganyo na bumili ng isang produkto kapag marami ang bumibili nito, si Aling Rowena ay nahikayat na
bumili rin. Aling mga pangungusap ang nagpapatunay nito?
A. Maaari ding magpataas ng demand ang bandwagon effect.
B. Nahihikayat ang mga mamimili kapag marami ang bumibili sa isangprodukto.
C. Kapag uso ang isang uri ng produkto tataas ang demand nito dahil maramisa mga mamimili ang gustong
makisabay sa uso.
D. Lahat ng nabanggit.

37. Sa isang komunidad, ang mga mamimili ay nag-uunahang bumili ng mga produkto dahil may paparating na bagyo.
Alin salik ang nasa ibaba ang may higit na impuwensiya sa demand?
A. panlasa B. dami ng mamimili
C. inaasahan ng mamimili sa presyo sa hinaharap D. presyo ng makagkakaugnay naprodukto

Demand Schedule ng Kendi

Presyo (sa piso) Quantity (demanded sa piraso)


Php 5.00 10
4.00 20
3.00 30
2.00 40
1.00 50
38. Sa talahanayan na nasa itaas, batay sa demand schedule ng kendi, ilang piraso ng kendi ang mabibili mo sa
halagang limang piso?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40

39. Sa talahanayan na nasa itaas, batay sa demand schedule para sa kendi, aling ugnayan sa presyo at piraso ng kendi
ang ipinapahiwatig nito?
A. pinakamababang presyo (1.00), pinakamarami ang mabibili (50)
B. pinakamataas na presyo (5.00), pinakamaliit ang mabibili (10)
C. bumaba ang presyo (5.00-1.00), dumami ang mabibili (10-50)
D. Lahat ng nabanggit

40. Bakit binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang presyo?
A. Mag-aagawan ang mga tao
B. Mababa ang salik ng produksyon
C. Marami siyang magiging kakompetensiya
D. Malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto

41. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung tumaas ang presyo ng produkto?
A. Maghanap ng paraan upang mabili ang kagustuhan.
B. Magtipid at bilhin ang nararapat na pangangailangan.
C. Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
D. Bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.

42. Upang masabing may supply, kailangan may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ang isang produkto. Halimbawa
may 100,000 na facemask ang kailangan. Ayon sa datos may 20 na pagawaan nito ngunit 16 lamang ang nagnanais
na magsuplay ng 85,000 nito sa bansa sa halagang Php8:00 bawat isa. Ayon sa pahayag ilang libo ang kulang sa
suplay?
A. 5,0000 B. 15,000 C. 20,000 D. 25,000

43. Ang pagtaas ng supply ay nakaaapekto sa ating pagkonsumo. Paano ka magiging apektado kapag may nagaganap
na pagtaas ng supply sa bigas?
A. Malulungkot dahil tataas ang magiging utang ko.
B. Mag-aalala dahil magiging apektado ang badyet ko pagtaas ng presyo.
C. Magiging masaya dahil mas higit ang mabibili ko sa pagtaas ng supply.
D. Magiging cool lang dahil maging mababa ang presyo nito.

Para sa bilang 44-45 (Market Schedule)


Presyo ng fishball(sa piso) Quantity Demand (Qd) Quantity Supplied (Qs)
5 10 50
4 20 40
3 30 30
2 40 20
1 50 10
0 60 0

44. Sa anong presyo nagkaroon ng ekwilibriyo ang pamilihan?


A. 2 B. 3 C. 4 D. 5

45. Ilang dami ng fishball nagkasundo ang konsyumer at prodyuser?


A. 30 B. 40 C. 50 D. 60

46. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan
na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser.
B. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.
C. Hindi nakakahikayat sa ga prodyuser na magpasol ng produkto.
D. Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser.

47. Kabahagi sa buhay ng tao ang pamilihan sa araw-araw na gawain, dito niya binili ang kailanganing produkto mahal o
mura man wala siyang mapagpilian dahil sa mga estrukturang umiiral sa pamilihan, bilang mag- aaral paano mo
maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga sa paggamit ng mga produkto?
A. Gagawa ng mga produktong patok sa pamilihan.
B. Gawin ang proseso sa paggamit ng produkto ayon sa nakaugalian.
C. Gawin ang mabuting paggamit ng produkto at pagkatapos itapon kahit saan-saan.
D. Gawin ang tamang paraan sa paggamit ng produkto at isa-alang alang ang kaligtasan sa kalusugan at kapaligiran.

48. Sa ganap na kompetisyon ng istruktura ng pamilihan, may maraming mapagpipiliang produkto, nalilito ka sa pagpili,
ano ang bibilihin mo?, paano mo masabi na ikaw ay lumikha ng tamang desisyon sa pagbili ng nagustuhang
produkto?
A. Binibili ang produktong may murang presyo.
B. Binibili ang produktong may magandang hitsura.
C. Binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan.
D. Sinusuri kung nasa tama ba o wastong sukat at timbang ang produkto.

49. Ano ang nais ipakita ng tsart sa ibaba para sa konsyumer at prodyuser sa pagtatakda ng price control/price support
ng pamahalaan?
Nais ng pamahalaan na:
A. kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
B. maipakita ng pamahalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin
C. matamo ang layunin ng ekwilibriyo
D. tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser

50. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
C. patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo
D. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin

Prepared by: Checked by:

RONA GRACE C. AVERILLA NEZSI ABARICIA GARCIA


Subject Teacher Master Teacher I

Noted by: Approved by:

REMPSON P. SUMILANG MARIA CORAZON A. BORBON


Asst. Principal for Academics OIC - School Head

Susi sa Pagwawasto
1. B 26.B
2.B 27. B
3. 28.A
4.A 29.D
5.C 30.C
6.D 31.D
7.B 32.A
8.D 33. B
9.A 34.C
10.D 35. B
11.B 36.D
12.C 37. C
13.D 38. A
14.C 39. D
15.D 40. B
16.A 41. B
17.C 42. B
18.C 43. C
19.B 44. B
20.C 45. A
21.B 46. D
22.C 47. D
23.C 48. D
24.B 49. B
25.D 50. D

You might also like