You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO
Tantangan 1 District
UPPER TANTANGAN INTEGRATED SCHOOL
School ID: 501591

2nd QUARTER ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 9
Pangalan:___________________________________________________________ Score:_________________
Baitang at Pangkat:_______________________ Petsa:_________________
I – Multiple Choice. Basahin ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang letra ng iyong sagot sa mga puwang bago ang
mga numero.
___1. Ayon sa Batas ng Demand, ano ang mangyayari sa demand ng produkto kapag bumaba ang presyo nito?
A. bababa B. mananatili C. pabago-bago D. tataas
___2. Ito ay ang grapikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded ng isang produkto o serbisyo.
A. batas ng demand B. demand curve C. demand function D. demand schedule
___3. Kaninong desisyon nakabatay ang dami ng demand ng isang produkto o serbisyo?
A. konsyumer B. pamahalaan C. pamilihan D. prodyuser
___4. Kailan maituturing na may demand ang isang tao?
A. Kapag may gusto siyang bilhin C. Kapag kailangan niya ang isang produkto o serbisyo
B. Kapag nakaramdam siya ng gutom D. Kapag may kagustuhan at kakayahan siyang bumili ng produkto o serbisyo
___5. Ito ay ang isang talaan na nagpapakita ng dami ng quantity demanded ng isang produkto sa iba’t-ibang presyo.
A. batas ng demand B. demand curve C. demand function D. demand schedule
___6. Maraming mga konsyumer ang nahikayat bumili ng mga produkto at serbisyo kapag ito ay nauuso. Ano ang tawag
sa sitwasyong ito? A. fashion B. bandwagon effect C. ceteris paribus D. building self-esteem
___7. Kung ang normal goods mo ay karne, at inferior goods mo naman ang sardinas, ano ang mangyayari sa demand mo
sa karne kung tataas ang iyong kita? A. mababawasan B. hindi magbabago C. madagdagan D. pabago-bago
___8. Ito ay tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag bumaba ang kita ng mga mamimili.
A. Bandwagon B. Inferior goods C. Ceteris paribus D. Normal goods
___9. Ito ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas
murang pamalit dito. A. income effect B. normal goods C. inferior goods D. substitution effect
___10. Ito ay tawag sa mga produktong sabay na ginagamit , maaaring di magamit ang isang produkto kung wala ang isa.
A. complementary goods B. normal goods C. inferior goods D. substitute goods
___11. Ito ay tawag sa mga produktong bibilhin ng mga mamimili kung wala silang kakayahang bilhin ang unang
produktong nagustuhan nila. A. complementary goods B. normal goods C. inferior goods D. substitute goods
___12. Upang matugunan ang pangangailangan, ang mga mamimili ay dapat maging matalino sa pamamahala ng
kanyang demand. Ano ang karaniwang nangyayari sa demand ng mga mamimili sa kanyang inferior goods kung
bumaba ang kanyang kita? A. bababa B. mananatili C.mag babago D. tataas
___13. Nag anunsyo ang isang kompanyang gumagawa ng cellphone na magkakaroon sila ng anniversary sale at bababa
ang presyo ng kanilang mga paninda sa loob ng isang linggo. Ano ang mangyayari sa demand ng mga cellphone
na paninda nila sa loob ng linggong iyon? A. bababa B. mananatili C. mawawala D. tataas
___14. Ang presyo ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa demand. Paano inilarawan ang ugnayan ng presyo at
quantity demanded ng mga produkto at serbisyo?
A. magkasangga B. magkaagapay C. magkataliwas D. magkasundo
___15. Ang kurba ng demand ay isa sa mga nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Ano
ang ipinapahiwatig kapag lumipat ang kurba ng demand sa kaliwa?
A. bumaba ang quantity demanded C. hindi matatag ang quantity demanded
B. nanatili ang quantity demanded D. tumaas ang quantity demanded
___16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy serbisyo na gusto at handang ibenta ng takdang panahon at takdang
presyo? A. Suplay B. Batas ng suplay C. Supply function D. Supply curve
___17. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakaaapekto sa suplay na naihahalintulad sa bandwagon effect sa demand?
A. Pagbabago sa teknolohiya C. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
B. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon D. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto
___18. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi nagpapakita sa direktang ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
A. Supply Curve B. Supply Schedule C. Supply Function D. Quantity supplied
___19. Paano nasusukat ang porsiyento ng pagtugon ng prodyuser sa bahagdan ng pagbabago ng presyo?
A. Sa pamamagitan ng Batas ng Suplay C. Sa pamamagitan ng pagkompyut sa Kurba ng Suplay
B. Sa pamamagitan ng Price Elasticity of Supply D. Sa pamamagitan ng pagkompyut ng Supply Function
___20. Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahinatnan ng negosyo, Kung ikaw ay isang prodyuser
alin sa mga sumusunod ang iiwasan mo upang makagawa ng isang matalinong desisyon bilang negosyante?
A. Maging episyente, na kahit sa kakaunting salik na magagamit ay makabuo ng maraming produkto
B. Umiwas sa mga mapagsamantala lalo na sa panahon ng kagipitan
C. Upang maging matagumpay, kailangan ang masusing pag-aaral sa pamamalakad ng isang Negosyo
D. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay huwag pahalagahan
___21. Kailan masasabing price elastic ang isang suplay?
A. Kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity supplied kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo
B. Kapag mas Malaki ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity supplied kaysa bahagdan ng pagbabago ng presyo
C. Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity supply
D. Parehong hindi nagbabago ang presyo at quantity supplied sa pamilihan
___22. Kailan naman masasabing price inelastic ang uri ng elastisidad?
A. kapag hindi kaagad nakakapagdagdag ng suplay ang mga prodyuser at suplayer sa mga produkto at serbisyo
B. kapag tumaas ang presyo at mabilis na makagagawa ng produkto ang mga prodyuser
C. kapag walang pagbabago sa presyo at dami ng suplay sa pamilihan
D. kapag ang mga produkto at serbisyo ay masyadong mahalaga
___23. Alin sa salik na nakaaapekto sa suplay ang may kinalaman sa pagtatago o hoarding ng mga negosyante ng mga
produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo lalo na sa panahon na may kalamidad sa bansa?
A. Ekspektasyon sa Presyo C. Pagbabago ng Bilang ng Nagtitinda
B. Pagbabago sa Teknolohiya D. Pagababago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
___24. Upang masabing may suplay, kailangan may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ang isang produkto. Halimbawa
may 100,000 na face mask ang kailangan. Ayon sa datos may 20 na pagawaan nito ngunit 16 lamang ang
nagnanais na magsuplay ng 85,000 nito sa bansa sa halagang Php 8.00 bawat isa. Ayon sa pahayag ilang libo ang
kulang na suplay? A. 15 000 B. 20 000 C. 5 000 D. 25 000
___25. Ano ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser?
A. Suplay B. Demand C. Ekwilibriyo D. Ekwilibriyong Presyo
___26. Ano ang puwersa ng demand at suplay na magtatakda ng ekwilibriyong presyo ng produkto?
A. Suplay B. Demand C. Uri ng disekwilibriyo D. Law of Demand and Suplay
___27. Ano ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo?
A. Ekwilibriyong Dami B. Ekwilibriyong Presyo C. Uri ng disekwilibriyo D. Law of Demand and Suplay
___28. Alin ang tumutukoy sa kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied?
A. Ekwilibriyong Dami B. Ekwilibriyong Presyo C. Disekwilibriyo D. Demand and Suplay
___29. Alin sa mga sumusunod ang nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami sa quantity demanded? A
A. Shortage B. Surplus C. Disekwilibriyo D. Demand and Suplay
___30. Alin sa mga sumusunod ang nararanasan kung ang quantity demanded ay mas kaunti sa quantity supplied?
A. Shortage B. Surplus C. Disekwilibriyo D. Demand and Suplay
___31. Alin sa ibaba ang tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at isinasagawa ng
pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser? A. minimum wage B.price floor C.price ceiling D.price freeze
___32. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ng pamahalaan ang naninigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto sa
pamilihan ay naaayon sa batas? A. Bureau of Food and Drugs (BFAD) B. Department of Trade and Industry (DTI)
C. Energy Regulatory Commission (ERC) D. Philippine Oversees Employment Administration (POEA)
___33. Bakit minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag na Suggested Retail Price (SRP) ang mga produkto na kabilang
sa pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, tinapay, itlog at mga instant noddles?
A. upang maiwasan ang panic-buying C. mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang produkto
B. para mapagkasya ng mamimili ang kanilang badyet D. upang madaling mahuli ng mga alagad ng batas ang lalabag sa patakaran sa pamilihan
___34. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan, ano ang itinayo ng pamahalaan?
A. import liberalization B. price stabilization program C. price monitoring agency D. balance of payment deficits
___35. Ang price ceiling at price floor ay dalawang uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo sa pamilihan. Bakit ito
isinasagawa ng pamahalaan?
A. makontrol ang presyo ng mga produkto c. makatulong sa mga mahihirap na mga pilipino
B. mapanatiling abot-kaya ang halaga ng produkto D. maiwasan ang implasyon at mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

II – Panuto: Kumpletuhin ang market schedule sa pamamagitan ng pagkompyut ng nawawalang datos. Gamitin ang
Demand function na Qd= 83 – 4P at Supply function na Qs= -22 + 11P. (Show Your Solution) 25 PUNTOS
Qd P Qs
75 1._______ 2. _______
3. _______ 4. _______ 33
55 5. _______ 6. _______
7. _______ 10 78
SOLUTIONS:
1.) 2.) 3.)

4.) 5.) 6.)

7.)

 GOOD LUCK! 

You might also like