You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OF SOUTH COTABATO
Tantangan 1 District
UPPER TANTANGAN INTEGRATED SCHOOL
School ID: 501591

2nd QUARTER ASSESSMENT


ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan:___________________________________________________________ Score:_________________
Baitang at Pangkat:_______________________ Petsa:_________________
I – Multiple Choice. Basahin ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang letra ng iyong sagot sa mga
puwang bago ang mga numero.
___1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng kabihasnan?
a. mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
b. paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
c. pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
d. pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
___2. Alin sa mga sumusunod ang mga salik sa pagkakaroon ng kabihasanan?
a. kultura, relihiyon, pamahalaan, tradisyon, populasyon at estado
b. pamahalaan, relihiyon, kultura, sining, arkitektura at pagsusulat
c. sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
d. organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat
___3. Kalian masasabi na umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?
a. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran gamit ang lakas
b. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng pamumuhay gamit ang talino at lakas
c. kapag nagkakaroon ang tao ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang talino
d. kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
___4. Tawag sa paniniwala o pananampalataya sa maraming diyos.
a. ateismo b. pagano c. politeismo d. monoteismo
___5. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag sa panahon ng neolitiko?
a. apoy b. gulong c. pagsasaka d. pag-alaga ng hayop
___6. Alin sa sumusunod na panahon kung saan ang mga sinaunang tao ay nakadepende lamang sa kapaligiran?
a. metal b. neolitiko c. mesolitiko d. paleolitiko
___7. Ayusin sa pagkakasunod-sunod ang iba’t ibang panahon
I. metal III. peleolitiko
II. neolitiko IV. Mesolitiko
a. II, I, III, IV b. II, III, IV, I c. III, IV, I, II d. III, IV, II, I
___8. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan sa iba’t ibang panahon
a. Pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
b. Pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagtuklas ng bakal
c. Pagsasaka, pagtuklas ng apoy, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal
d. Pagtuklas ng apoy, pagsasaka, pagpaamo ng mga hayop, pagtuklas ng bakal
___9. Alin sa mga sumusunod ang batayan ng sibilisasyon?
a. ito ay batay sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan
b. ito ay batay sa pamumuhay ng tao gamit ang lakas at talino nito
c. ito ay tungkol sa mga taong kapag naninirahan sa isang pamayanan ay mga sibilisado
d. ito ay batay sa paghanap ng hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan
___10.Bakit ang panahong neolitiko ay tinatawag ding Rebolusyong Neolitiko?
a. dahil sa pagkakaroon ng mga digmaan c. dahil sa pagkakaroon ng pag-aagawan sa mga lupain
b. dahil sa malawakan ang naging pagtatanim d. dahil sa pagkakaroon ng mga hidwaan ng bawat pangkat
___11.Alin sa mga sumusunod na panahon nagsimulang mabuo ang pamayanan?
a. metal b. neolitiko c. mesolitiko d. paleolitiko
___12.Kalian naganap ang Panahong Paleolitiko?
a. 400. 000 – 300, 000 BCE b. 400, 000 – 8500 BCE c. 7000 – 3000 CE d. 4000 CE
___13.Sa panahong ito, natuto ang mga tao na magpaamo ng hayop at gumawa ng damit na yari sa balat ng hayop?
a. metal b. neolitiko c. mesolitiko d. paleolitiko
___14.Sa panahon ng metal, alin sa mga ito ang unang natuklasan ng tao? a. alloy b. tanso c. bakal d. bronse
___15.Sa panahong ito, nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang kasanayan at nagkaroon ng pag-uuri sa
lipunan a. metal b. neolitiko c. mesolitiko d. paleolitiko
___16. Ang kabihasnang Sumer ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapatunay dito?
a. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
b. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
c. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
d. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga sa dami ng kontribusyon
sa lipunan
___17. Alinsa mga sumusunod na kontribusyon ang pinakamahalagang kontribusyon ng kabihasnang Sumer sa daigdig?
a.potter’s wheel c.paggamit ng decimal system
b.seda at porselana d.sistema ng pagsulat ng cuneiform
___18. Bakit kinilala ang Mesopotamia bilang cradle of civilization?
a.Dahil ito ay hugis duyan
b.Dahil sa lugar na ito naitatag ang unang pamayanan
c.Dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao
d.Dahil dito unang nanirahan ang mga unang pangkat ng tao sa panahon ng Mesolitiko
___19. Alin sa sumusunod ang sistema ng pagsusulat ng kabihasnang Indus?
a.pictogram b.alpabeto c.calligraphy d.cuneiform
___20. Kung ang kabihasnang Indus ay sumibol sa Timog Asya, saang rehiyon naman ng Asya sumibol ang kabihasnang
Sumer? a. Hilagang Asya b. Silangang Asya c.Kanlurang Asya d.Timog-Silangang Asya
___21. Ang kabihasnang Indus ay naglaho noong? a. 1750BCE b.165BCE c.1350BCE d. 1450BCE
___22. Ayusin ang pagkasunod -sunod na kaganapan ng sinaunang kabihasnang Asyano.
1. Nalikha ng mga Sumerian ang cuneiform writing
2. Lumitaw ang Neolitikong pamayanan sa Ilog Indus
3. Ang kabihasnang Indo-Aryan ay nabuo noong 1500BCE
4. Ang pamayanang Yangshao at Lungshan sa Tsina ay namayagpag
a. 1234 b. 1423 c. 1243 d. 4123
___23. Alin sa mga ilog na ilog ang tinaguriang Yellow River dahil sa tuwing ito ay aapaw nag-iiwan ng dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba? a. Yang Tze River b. Ling Xi River c. Huang Ho River d. Sha Tin River
___24. Ang pinakaunang kabihasnang naitatag sa Tsina? a.Chin b. Shang c.Lungshan d.Yangshao
___25. Sila ang pinapalagay na pangkat ng tao na nagtatag ng kabihasnang Indus.
a. Aryan b.Hindus c. Bombay d. Dravidian
___26. Sino sa mga sumusunod ang unang gumamit ng pictogram,ang sistema ng pagsusulat ng kabihasnang Idus?
a. pari b. hari c. magsasaka d. mangangalakal
___27. Bakit naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa kabihasnang Sumer?
a. Nainiwala ang Shang sa panghuhula.
b. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.
c. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
d. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan
___28. Calligraphy ang tawag sa sistema ng pagsusulat ng mga Tsino,bakit naging mahalaga ito sa kanila?
a. Dahil ito ang nasilbing simbulo ng karakter ng mga Tsino.
b. Dahil ito ang nagging batayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang kanilang pinakamahalagang ambag ng kabihasnang Shang.
d. Dahil ito ang nagsisilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng iba-iba nilang wika.
___29. Sa mga lambak-ilog na ito sumibol ang kabihasnang Indus.
a. Ganges b. Indus at Ganges c. Huang Ho at Yang Tze d. Tigris at Euphrates
___30. Ang pamayanang Lungshan ay umusbong noong 2500-2000BCE,alin sa mga sumusunod ang kanilang
pangunahing kontribusyon sa daigdig?
a. tapayan b. kalendaryo c.potter’s wheel d. sistema ng pagsusulat

II – TAMA O MALI. Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa ang Tama kung ito ay tama at Mali kung ito naman ay mali.
______1. Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang kasingkahulugan ng salitang
sibilisasyon.
______2. Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer,
Indus, at Shang
______3. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay hindi natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
______4. Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran na makapupunosa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at
pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito.
______5. Masasabing nakadepende lamang sa kapaligiran na makapupunosa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at
pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito.
______6. Bunsod ng patuloy na pagbabago sa politikal, nabuo ang Panahong Metal (4000 BCE) sa magkakaibang lugar sa Asya.
______7. Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao
______8. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent.
______9. Noong panahong Metal naitatag ang ilang pamayanan sa labas ng rehiyon ng Mesopotamia
______10. Dahil sa lungsod tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur, at Kish pinagsanib na kakayahan at paniniwala sa mga diyos ay
naitatg ang templo na tinawag na Ziggurat.

III – Dugtungan mo Ako! Panuto: Kumpletuhin ang pahayag upang makabuo ng maikling sanaysay ukol sa paksa.
(10 puntos)

Kung ako ang magiging pinuno at gagamitin ko ang kaisipang Asyano gaya ng
_____________________________________ sa kadahilan ang
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

 GOOD LUCK! 

You might also like