You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Roxas City
Roxas City District I
DUMOLOG NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Roxas
Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahan

Pangalan: Pangkat: Lagda ng Magulang:


I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinikitaan ng
organisadong pamahalaan , kabuhayan , relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya at may sistema
ng pagsulat.
a. Imperyo c. kabihasnan
b. Kalinangan d. lungsod
2. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
b. Mataas na uri ng paniniwala sa malawak na lupain
c. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
d. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
3. Ang salitang kabihasnan ay nagmula sa salitang _____ na ang ibig sabihin ay “magaling o eksperto.
a. Hasa c. bihasa
b. Galing d. marunong
4. Isa sa mga batayan ng kabihasnan ay ang pagkakaroon ng bilang ng mga tao na bumubuo sa
pamayanan.
a. 1000 -2000 c. 500 – 1000
b. 50 – 100 d. 2000-3000
5. May mga kabihasnan na sumibol sa kontinente ng Asya saan ito nagsimula?
a. Ilog b. talampas
b. Kapatagan d. burol
6. Paano naiiba ang sistemang shang sa kabihasnang Indus at Sumer.
a. Nagsagawa ang hari ng Shang ng tungkuling pangrelihiyon
b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinatadhana ng simbahan.
c. Naniniwala ang shang sa pagoorakulo o paghuhula
d. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos.
7. Kung ang sistema ng panulat ng Sumerian ay Cunieform , ano naman ang sistema ng panulat
Shang ?
a. Stylus c. Calligraphy
b. pictogram d. pictograph
8. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang
organisado at planadong lipunan?
a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng
kabihasnan .
b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at
may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
c. Dahil hindi nagkaroon ngg anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito.
d. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
9. Bakit naging mahalaga ang calligraphy o sistema ng pagsulat sa mga Tsino?
a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang nagsilbing taga-isa sa mga Tsino sa kabila ng ibat- iba nilang wika.
d. Dahil ito ang nagsibing simbolo ng karakter ng mga Tsino
10. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
a. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisasyong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng
marami nitong kontribusyon
Sa daigdig
b. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
c. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang political
d. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng fertile crescent
11. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigd ig.
a. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500-300 BCE
na unang nahubog na pamayanan.
b. Sa Mesopotamia matatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
c. Dahil ditto natatag ang mga pamayanan at imperyo

1
d. Ito ang naging tagpuan ng ibat-ibang pangkat nang tao.
12. Sa Imperyong Chaldean, sino ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang
asawang si Amytis?
a. Alexander the Great c. Hammurabi
b. Julius Caesar d. Nebuchadnezzar
13. Ang mga sumusunod ay mga dinastiya ng chna maliban sa isa. Alin ito?
a. Zhou b. Qin c. Ming d. Goryeo
14. Ang devaraja ay hango sa dalawang salita ‘ deva’ na nangangahulugang diyos at “raja” na
nangangahulugang _____.
a. Hari c. anak ng langit
b. Emperador d. sultan
15. Sa anong relihiyon nakabatay ang relihiyong Kristiyanismo at Islam?
a. Jainismo b. Judaismo c. Sikhismo d. Buddhism
16. Ang mga sumusunod ay kasama sa limang haligi ng Islam, maliban sa .
a. Pananampalataya c. Pagdarasal
b. Pagmamataas d. pag-aabuloy
17. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng
kaisipan, karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga?
a. Agham c. Kalikasan
b. Arkitektura d. Wika
18. Ano ang kahalagahan ng mga pilosopiya sa pagbuo at paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya?
a. Ang Pilosopiya ang dahilan kung bakit hindi umunlad ang sangkatauhan.
b. ito ang pumukaw sa isipan ng mga Asyano upang malinang ang mga kahanga-hangang tagumpay
sa lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay.
c. Naging gabay ito para mapariwara ang mga sinaunang asyano tungo sa paglinang ng kanilang
kabihasnan.
d. Naging batayan ito upang maiangat ang pamumuhay ng sinaunang asyano
19. Ito ang organisadong sistemang pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig.
a. Pilosopiya c. Relihiyon
b. Kaisipang Asyano d. Paniniwala
20. Paano nakaimpluwensya ang relihiyon sa pamumuhay ng Asyano?
a. Ito ay nagsilbing gabay na paniniwala at pagkilos ng mga Asyano
b. Nagsilbi itong batas ng mga Asyano
c. Naging sanhi ito ng di pagkakaunawaan ng bawat grupo
d. Nagbigay ito ng ideya kung paano mamuhay ng nakakaangat sa iba
21. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:
a. Lambak-ilog
b. Kabundukan
c. Tabing-dagat
d. Tabing-ilog
22. .Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ng makabagong tao?
a. Pagbabago sa anyo at gamit ng ngipin
b. Paglaki ng utak kumpara sa isang “primate”
c. Paglalakad sa pamamagitan ng dalawang paa at sa tuwid na tindig
d. Pagputi ng tao mula sa maitim na balat dulot ng mainit na kapaligiran
23. Ang salitang pilosopiya ay nagmula sa dalawang salitang Griyego isa rito ay na ang ibig
sabihin
ay pagmamahal.
a. philo b. Sophia c. pilosopo d. piya
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bahagdang pangkabuhayan noong sinaunang
kabihasnan?
a. “Nomadic Pastoralism’
b. Pagtitipon at paghahanap
c. Pag-unlad ng agrikultura
d. Pakikipagkalakalan sa mga kanluranin

25. Hindi naging madali sa mga sinaunang tao ang mabuhay ng maayos. Ang masukal na kagubatan at
ang
papalit-palit na panahon ang isang malaking hamon sa kanilang tinugon. Papano nila ito nalagpasan
upang mabuhay ng maunlad?
a. Hindi nila nakuhang umangkop sa likas na kapaligiran.
b. Sa pagdaan ng panahon, ang kanilang karanasan ang nagtulak sa kanila
upang mag-isip ng mga paraang tutugon sa kanilang pangangailangan mula sa
pagiging pagala-gala, natutuhan nilang tumigil at manirahan sa isang
permanenteng lugar.
c. Unti-unting nawala ang gana ng tao ang kanilang pamumuhay

2
d. Kasabay ng pagbabago ng kaanyuang pisikal ng tao unti-unti ring bumaba ang kalidad ng
kakayahang mental.
26. Ano ang uri ng Buddhism na kinikilala bilang diyos at tagapagligtas si Buddha?
a. Theravada Buddhism c. Mahayana Buddhism
b. Sidharta Buddhism d. Nirvana Buddhism
27. Anong uri ng Buddhism na kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao?
a. Theravada Buddhism c. Mahayana Buddhism
b. Sidharta Buddhism d. Nirvana Buddhism
28. Ano ang banal na kasulatan ng mga Hindu?
a. Bibliya b. Veda c. Koran d. Torah
29. Kakatawanin mo ang inyong paaralan parasa isang paligsahan ng debate ukol sa pilosopiya,
paniniwala,
at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon. Ano gagawin mong paghahanda bago ang
paligsahan?
a. Gumawa ng outline ng isyu, magsaliksik, at mag-aral sa posibleng mga katanungan.
b. Magsaliksik at sanayin na humarap sa karamihan.
c. Magbasa, manuod ng balita at maghanda
d. Magbasa at magsaliksik sa isyu.
30. Matapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon. Naatasan ka ng inyong guro na mamuno
sa paglikha ng presentasyon sa iba’t-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa
pagbuo ng nilalaman ng presentasyon?
a. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag, mga mahahalagang aral, mga
impluwensya samga bansang Asyano, kasalukuyang kalagayan ngrelihiyon
b. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag, mga mahahalagang aral, mga
impluwensya samga bansang Asyano
c. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag, saan itinatag, mga mahahalagang aral
d. Kasaysayan ng relihiyon, sino ang nagtatag
31-35. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
a. Kabihasnang Sumer c. Kabihasnanng Shang
b. Kabihasnang Indus d. Kabihasnang Ganges
31. Ang Sistema ng kanilang pagsulat ay tinatawag na pictogram.
32. Natuklasan nila ang paggamit ng potter’s wheel.
33. Kilala sila na magaling sa matematika.
34. Nagging tagpuan ng kabihasnang ito ang Ilog Huang Ho na tinatawag ding yellow river.
35. Ito ay itinuturing pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
36-40. Alamin kung anong relihiyon ang ipinapakita sa bawat numero. piliin ang tamang sagot sa ibaba.
Isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.
a. Kristiyanismo c. Islam
b. Buddhism d. Zoroastrianismo
36. Tawag sa relihiyon ng mga persyano.
37. May pinakamalaking bilang ng taga-sunod at kasapi.
38. Itinatag ng batang prinsipe na si Sidharta Gautama.
39. Ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig.
40. Koran ang tawag sa kanilang banal na aklat.
41-45. Alamin kung anong pilosopiya ang ipinapahayag sa bawat numero. Piliin ang tamang sagot sa
ibaba.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
a. Confucianism c. Taoism
b. Taoism d. Confucianism at Taoism
41. Pinahahalagahan nito ang mga karapatang pantao.
42. Sino mang lalabag sa batas ng pilosopiyang ito ay papatawan ng mabigat na kaparusahan.

43. Ang pilosopiyang ito ay naniniwala na ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay
magdadala ng kapayapaan.
44. Ang pilosopiyang ito ay itinatag ni Lao Tzu.
45. Ang pilosopiyang ito ay hindi na niniwala sa buhay pagkatapos mamatay.
46. Gaano kahalaga ang relihiyon sa paghubog ng sinauang kabihasnan sa Asya?
a. Ito ay naging sentro ng pamumuhay ng mga sinaunang tao.
b. Naging daan upang maisakatuparan na magkaroon ng isang maayos at mapayapang lipunan
c. Upang matugunan ang mabilis na pagdami ng populasyon
d. Batayan ito ng antas ng pamumuhay sa isang lipunan

3
47-50. Sa Sistemang Caste, piliin lamang sa ibaba ang mga pangkat na kinabibilangan ng sumusunod na
kasapi nito.
a. Sudras b. Vaishya c. Kshatriyas d. Brahmin

47. Mga Pari at Iskolar


48. Mga Mandirigma
49. Mga Mangagalakal/Magsasaka
50. Mga Alipin

Inihanda ni:
JOY KIMBERLY D. PALINAWAN
Guro sa AP 7

You might also like