You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Region XIII
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
D.O.P Government Center, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur

GUADALUPE NATIONAL HIGH SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN 7
LAGUMANG PAGSUSULIT (QUARTER 1)
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Alin sa
mga sumusunod na salik ang isinaalang-alang sa paghahating heograpikal na ito sa Asya?
a. etnisidad at wika b. kasaysayan at lahi c. klima d. pisikal, historikal at kultural
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa paghahating – heograpiko ng Asya?
a. Ang Kanlurang Asya ay kinabibilangan ng mga bansang Arabo.
b. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Soviet Union.
c. Ang paghahating – heograpiko ay nakatulong sa pagkakawatak ng mga bansang Asyano
d. May mga rehiyon sa Asya na iba’t iba ang kultura at katangiang pisikal ngunit nagkakaisa
3. Iba’t-ibang uri ng mga anyong lupa tulad ng bundok, bulubundukin, bulkan at iba pa ang makikita sa Asya.
Alin sa mga sumusunod na bundok sa Asya ang itinuturing na pinakamataas at kilala sa buong mundo?
a. Everest b. Himalayas c. K2 d. Kanchenjunga
4. Tumutukoy ito sa kapatagan sa itaas ng bundok na kung saan ang Tibetan Plateau ang itinuturing na
pinakamataas nito sa buong mundo. Ano ang tawag sa anyong lupang ito?
a. bulubundukin b. kapatagan c. talampas d. tangway
5. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na makikita sa Hilagang Asya?
a. prairie b. savanna c. steppe d. taiga

6. Kung ang vegetation cover sa Timog Silangang Asya ay rainforest, ano naman ang nasa mga lupaing
malapit sa baybayin ng Arctic Ocean na may kakaunting halamang tumatakip at halos walang punong
nabubuhay dahil sa malamig na klima?
a. grassland b. savanna c. taiga d. tundra

7. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, ano naman ang katangian ng klima
sa Timog - Silangang Asya?
a. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
b. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
c. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
d. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan
sa loob ng isang taon.

8. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng


kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay mainit ang panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular o kapuluan ang karamihan sa mga bansa sa Asya.

9. Tingnan muli ang mapa ng Asya. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Silangang Asya?
a. China at Korea b. Georgia at Armenia c. Indonesia at Pilipinas d. Israel at Jordan
10. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pinakamalapit sa Pacific Ocean dahilan upang ang mga ito ay
madalas daanan ng bagyo at mapabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire?
a. China at Japan b. Japan at Pilipinas c. Malaysia at Singapore d. Nepal at Sri Lanka

11. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Asya ang insular o kapuluan?


a. Indonesia at Pilipinas b. Iran at Iraq c. North at South Korea d. Syria at Yemen
12. Malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamalaking lawa sa mundo na makikita sa kanlurang bahagi ng Asya?
a. Caspian Sea b. Dead Sea c. Lake Baikal d.Mediterranean Sea

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya/
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
d. Nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima ang Asya.

14. Kung ang ginto ay yamang mineral, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang tubig?
a. dalandan b. hipon c. pilak d. troso

15. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral. Alin sa mga sumusunod na bansa dito ang itinuturing
na pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa mundo?
a. Iraq b. Kuwait c. Oman d. Saudi Arabia

16. May malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang mainam na pinagkakabuhayan ng mga tao dito?
a. Paghahayupan b. Pagmimina c. Pagtatanim d. Pagtotroso

17. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at pagtaniman. Ano ang
pangunahing pananim butil sa bansang China?
a. barley b. mais c. palay d. Trigo

18. Alin sa mga sumusunod ang nangungunang produktong ipinanluluwas ng Pilipinas sa mundo?
a. ginto b. kopra c. langis d. rubber

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa likas na yaman ng Asya?
a. Maraming iba’t-ibang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya.
b. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya.
c. Mataba ang lupa sa mga lambak-ilog ng Asya kung saan may sari-saring pananim.
d. Magkakapareho ang mga produkto o likas na yaman ng bawat rehiyon sa Asya.

20. Para sa iyo, ano ang maaaring maging pahiwatig o interpretasyon ng larawan?
a. Ang mundo ay nababalutan ng mga halaman
b. Ang mundo ay puno ng iba’t ibang uri ng insekto
c. Ang mundo ay mabango dahil sa maraming uri ng bulaklak
d. Ang mundo ay tirahan ng maraming uri ng hayop at halaman na may
iba’t -ibang katangian

21. Ang biodiversity ay ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural
na kalikasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa
Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon c. Pag-aabuso sa lupa
b. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat d. Pagkabutas ng ozone layer

22. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot
at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
a. problema sa solid waste c. pagkakalbo ng kagubatan
b. polusyon sa hangin at tubig d. pagkasira ng biodiversity

23. Maraming suliraning pangkapaligiran sa Asya na namiminsala sa kalupaan, katubigan at hangin nito. Alin
sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran ang hindi pumipinsala sa yamang lupa ng Asya?
a. deforestation b. desertification c. red tide d. lahat ay tama

24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan na
kasalukuyang suliranin sa mga bansang Asyano katulad ng Bangladesh, Indonesia at Pilipinas?
a. Alkalinization b. Deforestation c. Reforestation d. Salinization

25. Kung isa kang kasapi o miyembro ng Youth for Environment in School (YES – O) o Supreme Student
Government (SSG) at naatasan ng Punongguro na magmungkahi ng mga programang pangkalikasan sa
paaralan, alin sa mga sumusunod na krayterya ang dapat matamasa ng nasabing proyekto?
a. pangmatagalan b. panandalian c. makasunod lamang d. magastos na proyekto

26. Simula taong 1989 hanggang 2003, ang Aral Sea sa Hilagang Asya ay lumiliit nang lumiliit ang sukat nang
mahigit sa apat na beses, at humantong sa pagkakahati sa dalawa - ang Large Aral Sea at Small Aral Sea.
Ano ang implikasyon nito?
a. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma.
b. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning pangkapaligiran.
c. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at pagkatuyo ng mga lupa ay ang mga
naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilagang Asya.
d. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat
maging aktibo ang iba’t-ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon
para dito.

27. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang
tawag sa pagpapangkat na ito?
a. Etniko b. Etnolingguwistiko c. Katutubo d. Nomad

28. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing batayan sa pagpapangkat ng mga tao?
a. etnisidad b. kulay c. kultura d. wika

29. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”?
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin. c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
b. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao. d. Dahil sa wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

30. Kilala ang mga Asyano sa paggalang sa nakatatanda. Alin sa mga ito ang gawi ng mga Pilipino upang
pahalagahan ito?
a. Pagmamano b. Pagsaludo c. Pagsabit ng kwintas sa leeg d. Pagyuko ng mababa

31. Ang kanilang pangkat ay kilala sa pagiging bihasa sa pagsakay sa kabayo, pagpana at paninirahan sa
tinatawag na “pocket house”. Anong pangkat etnolingguwistikong ito na matatagpuan sa bansang China?
a. Arab b. Balinese c. Manchu d. Ngalops

32. Pangkat etnolingguwistiko sa Hilagang Asya na itinuturing na isa sa mga sinaunang tao sa daigdig.
Makikita ang yaman ng kanilang kultura sa makukulay na tela na may iba’t-ibang disenyo. Ano ito?
a. Indian b. Manchu c. Ngalops d. Tajik

33. Ano ang pangunahing relihiyon ng mga Arab?


a. Budismo b. Hinduismo c. Islam d. Kristiyanismo

34. Bakit magkakaiba ang kultura at uri ng pamumuhay ng mga pangkat etnolingguwistiko sa Asya?
a. Dahil sa pagkakaiba ng kanilang heograpiya c. Dahil sa pagkakaiba ng pananamit
b. Dahil magkakaiba ang relihiyon d. Wala sa pagpipilian

35. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon
sa rehiyon ang ____________________.
a. modernisasyon b. pagkakakilanlan c.pagkakaisa d. politikal

36. Suriin ang larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang- tao ng Asya?
a. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa.
b. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian.
c. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang kultura nito.
d. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpayaman sa kultura nito.

37. Ano ang pinakamainam mong magagawa para sa mga kababayan nating Maranao na apektado sa
kaguluhang nagaganap sa Marawi dahil sa terorismo?
a. I-post sa social media ang iyong pagtuligsa sa terorismo.
b. Ipagdasal, magbigay ng relief goods at palakasin ang loob ng mga bakwit na apektado sa
kaguluhan sa kanilang lugar.
c. Pakiusapan ang gobyerno at mga teroristang grupo na magdeklara ng ceasefire.
d. Sisihin ang gobyerno dahil sa pagkamatay ng mga sundalo at sibilyan.

38. Ano ang mahihinuha o pagkakaunawa mo sa larawan?


a. mas malakas ang puti kasya sa itim na lahi
b. pairalin ang pagkakawatak – watak ng mga lahi
c. dapat magkakaaway ang mga grupo etnolinggwistiko
d. dapat magkaisa kahit magkakaiba ang pangkat
etnolinggwistikong ating kinabibilangan

39. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Alin sa mga sumusunod na bansang
Asyano ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo?
a. China b. India c. Indonesia d. Japan

40. Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag na “For every 10 people in the world, 6 are from Asia”?
a. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo
b. Ang Asya ay biniyayaan ng yamang tao at lakas-paggawa
c. Animnapung bahagdan (60%) ng kabuuang populasyon sa daigdig ay nasa Asya.
d. Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig.

41. Sa Japan, tinatayang hanggang 82 taon ang itinatagal ng buhay ng mga tao dito. Alin sa mga sumusunod
na terminolohiya ang tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay ng tao?
a. Life Expectancy Rate b. Literacy Rate c. Population Rate d.Unemployment Rate

42. Alin naman ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
a. Life Expectancy Rate b. Literacy Rate c. Population Rate d.Unemployment Rate

43. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng implikasyon ng mababang antas ng literacy rate o kawalan ng
edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa?
a. Nagpapataas ito ng unemployment rate o bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay.
b. Kapag konti ang kita ng mamamayan, maliit din ang kita ng pamahalaan.
c. Maraming kabataan ang malnourish at nagkakasakit
d. Nagkakaroon ng kakapusan sa pagkain, damit at tirahan.

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang kasunod na mga tanong
kaugnay nito.

44. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa


talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang
tamang pagkakasunod-sunod nito?

a. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan


b. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
c. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
b. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan

45. Alin sa mga bansang nasa talahanayan ang nagtala ng pinakamabilis na paglaki ng populasyon?
a. Indonesia b. Japan c. Laos d. Sri Lanka

46. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
b. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na
makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.

47. Makikita sa talahanayan na Japan ang nagtala ng may pinakamalaking bahagdan ng matandang
populasyon na nasa edad 65 pataas. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
b. Tumaas ang katayuan ng matatanda sa lipunan.
c. Ang mga matatanda ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan
d. Ang haba ng buhay ng tao ay dulot ng mataaas na antas ng pamumuhay sa bansa.

48. Taong 1979 nang ipatupad sa China ang “One Child Policy” na naglalayong hikayating magkaroon lamang
ng isang anak ang mag-asawa. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng China. Ano
ang mahihinuha sa sitwasyong ito?
a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito.
b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.
d. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa.

49. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang makontrol ang mabilis na paglaki ng
populasyon?
a. Pagpapaliban sa maagang pag-aasawa
b. Pamamahagi ng contraceptives sa mahihirap na pamilya
c. Patuloy na pagbibigay ng tamang edukasyon sa mag-asawa sa pagkontrol ng populasyon.
d. Lahat ay tama

50. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng kapaligiran at
paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan
ay naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin, ano
ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-
unlad ng isang bansa
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Region XIII
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
D.O.P Government Center, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur

GUADALUPE NATIONAL HIGH SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN 7
LAGUMANG PAGSUSULIT (QUARTER 1)

TABLE OF SPECIFICATION

Easy Average Difficult


ARALIN 1 – Katangiang Pisikal ng Asya
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating 1 2, 9
heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya,Timog Asya,
Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/Sentral Asya.

2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga 3, 4, 11, 5, 10, 8


rehiyon ng Asya katulad ng kinaroonan, hugis, sukat, anyo, klima at 13 12
vegetation cover.
3. Nakapaghahambing ng kalagayan ng kapaligiran sa ibat-ibang bahagi 6 7
ng Asya.

ARALIN 2 – Mga Likas na Yaman sa Asya


1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya. 14, 15 18, 19

2. Natataya ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng 16 17


mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa
larangan ng: agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura.

3. Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na 20, 23, 24 21, 22,


kalagayang ekolohikal ng rehiyon ng Asya. 25, 26

ARALIN 3 – Ang Mga Pangkat Etnolingguwistiko


1. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya. 27, 30, 33, 31, 35, 32
34, 38 36, 37
2. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng 28 29
kultura ng mga Asyano.

ARALIN 4 – Populasyon sa Asya

1. Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya sa 39, 41, 44, 40, 42, 46 43, 47
pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon batay 45, 48
sa :
a.) dami ng tao, b) kom posisyon ng gulang, c.) inaasahang haba ng
buhay, d.) kasarian, e.) bilis ng paglaki ng populasyon, f.) uri ng
hanapbuhay, g.) bilang ng may hanapbuhay, h.) kita ng bawat tao, i.)
bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at j) migrasyon.

2. Napapahalagahan ang yamang-tao ng Asya. 49, 50

TOTAL 22 20 8
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Region XIII
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
D.O.P Government Center, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur

GUADALUPE NATIONAL HIGH SCHOOL


ARALING PANLIPUNAN 7
LAGUMANG PAGSUSULIT (QUARTER 1)

SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. C
3. A
4. C
5.A
6. D
7. B
8. C
9. A
10. B
11. A
12. A
13. D
14. B
15. D
16. A
17. C
18. B
19. D
20. D
21. A
22. D
23. C
24. B
25. A
26. D
27. B
28. D
29. D
30. A
31. C
32. D
33. C
34. A
35. C
36. D
37. B
38. D
39. A
40. C
41. A
42. B
43. A
44. B
45. C
46. D
47. D
48. C
49. C
50. D

You might also like