You are on page 1of 7

PANDIBISYONG PAGSUSULIT

UNANG MARKAHAN
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:__________________________________________ Pangkat:______________
Paaralan:__________________________________________ Iskor:_________________

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itiman ang bilog ng tamang sagot.

1. Ayon sa mga heologo, ang vegetation cover ng mga lupain ang pinakahayag na bunga ng klima sa isang lupain. Bunga nito
mayroong mga lupaing magubat o maraming puno, mayroon din naming madamo, at iba pa. Ano ang kaugnayan ng uri ng
vegetation cover ng lupain sa uri ng klima nito?
Ang vegetation cover ay umaangkop sa gawi ng mga taong naninirahan dito.
Ang bawat uri ng vegetation cover na tumutubo sa isang lupain ay umaayon sa uri ng klima nito.
Ang pagtubo ng vegetation cover sa isang lupain ay naaayon sa pagkakabahagi ng temperatura.
Iniaayon ng vegetation cover ang kanilang pagiging produktibo sa uri ng lupain.

2. Isang katangiang pisikal ng Hilagang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may damuhang ugat na mababaw o shallow rooted short grasses? Kadalasan itong makikita sa bansang
Mongolia.
Savanna taiga . prairie . steppe

3. Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay mayayaman sa langis. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang maaring naglinang
sa mga bansa sa rehiyon bilang mga pangunahing sentro ng pinagkukunan ng langis sa daigdig?
agrikultura pangingisda pagmimina pagtotroso

4. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon ayon sa kanyang pisikal, historical at cultural na aspekto.. Ang mga bansang India,
Afghanista at Pakistan ay bahagi ng anong rehiyon?
Silangang Asya Timog Asya Kanlurang Asya Hilagang Asya

5. Anong rehiyon ng Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europe?
Timog Silangang Asya Silangang Asya Kanlurang Asya .Hilagang Asya

6. Ang ______ ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon ay?
Monsoon typhoon klima panahon

7. Ang unti- unting pagkatuyo ng lupa ay tinatawag na?


Salinization siltation erosion desertification

8. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa ng produkto at
serbisyo?
Yamang tao yamang mineral yamang lupa yamang dagat

9. Ang pagkakaiba ng klima sa Asya ay dahil sa kanyang ibat’ibang lokasyon at topograpiya. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira
ang ulan at sa Hilagang Asya ay mahaba ang taglamig ano naman ang katangian ng klima sa Timog Silangang Asya?
Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag ulan.
May mainit na panahon sa ilang bahagi at may bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
Mahalumigmig, tagtuyot at tag-init ang nararanasan sa rehiyong ito.
Sobrang init sa rehiyon at kakaunti lamang ang kayang manirahan dito.

10. Isa sa mga isyung pangkapaligiran sa Asya ay ang pagrami at pagdagdag ng deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig
sa isang lugar na nararanasan ngayon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia. Ano ang tawag sa sa suliraning ito?
Desertification salinization climate change siltation

11. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat. Ang pagpapangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkaparehong
wika, kultura, at etnisidad ay tinatawag na?
etniko nomads katutubo etnolinguwistiko

12. Ano ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura at kasaysayan ng isang lahi? Ito rin ang nagsisilbing pagkakakilanlan
ng bawat pangkat.
Tradisyon wika kultura kasaysayan

13. Ang Pilipinas , kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na sona . Ang lugar na ito
ay nagtataglay ng maraming hanay na mga bulkan. Ano ang tawag dito?
Mariana’s trench Indo Gangetic Plain
Himalayan Mountain Range Pacific Ring of Fire
14. Ang Fuji ng Japan, Pinatubo ng Pilipinas at Krakatoa ng Indonesia ay halimbawa ng anong anyong lupa?
Bulubundukin talampas bulkan tangway

15. Sa kasalukuyan ang Pilipinas na bahagi ng kontinenteng Asya ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira ng
kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa kaunlaran ng bansa. . Bilang isang mag-aaral ikaw ay naanyayahan
na dumalo sa isang pagpupulong upang makapagbigay ng suhestiyon. Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang
problema?
Dumulog sa UNESCO at WHO upang matugunan ang mga suliranin..
Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak..
Magsagawa ng mga kampanya upang ipa-unawa ang kahalagahan ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa

16. Ang Asya ay isa sa pitong kontinente sa daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain. Ang mga
sumusunod ay pamamaraan sa pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa maliban sa.
Vegetation cover Latitude longitude absolute location

17. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig.


heograpiya sibilisasyon sosyolohiya araling panlipunan

18. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”.
Ang bawat lahi ay may wika.
Ang wika ang sagot tungo sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.
Ang wika ang tulay upang makamit ng Asya ang pagiging matatag na bansa.
Ang pag-aaral ng wika ang susi upang mabatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.

19. Alin sa sumusunod na mga pisikal na salik ang sa palagay mo’y higit na nakaragdag sa pagkakaroon ng mataas na
porsiyento ng kakapalan ng tao sa isang lupain?
Mala- disyertong lupain.
Pagkakaroon ng dagat at mga bulkan.
Masaganang lupain at likas na yaman.
Malamig na lupain at malamig na klima.

20. Ayon sa Asian Development Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesia,Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may
pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Ilan sa mga dahilan ay ang sumusunod maliban sa.
pagkawala ng biodiversity pagputol ng puno para maging panggatong
pagkasunog ng gubat komersiyal na pagtotroso

21. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng
rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga
sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan?

Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan ng pangangailangan
mula sa limitadong pinagkukunang-yaman
Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga
modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito
Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng industriya o mga
gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng
mga programa
Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga
industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon

22. Isa sa naging sanhi ng pagkasira ng lupa kung saan ang kapasidad ng damuhan ay hindi sapat sa laki ng kawan ng hayop
ay tinatawag na?
desertification overgrazing salinization pollution

23. Ang China ay mayroong 56 na pangkat etnolinnguwistiko na may kani- kaniyang kultura at tradisyon.Sinasabi na ang pangkat
na ito ay nagmula sa hilagang bahagi ng China na mas kilala bilang Jurchen noong ika -7 siglo. Sino sila?
Ngalops Balinese Sharcops Manchu

24. Ang kanilang tahanan ay yari sa tabla, bato, putik at luwad. Kilala rin sila sa pagtatayo ng mga malalaking templo na
tinatawag na dzongs. Sila ang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng populasyon sa Bhutan.
Ngalops Balinese Sharcops Manchu

25. Sa maraming bansa sa Timog- Silangang Asya, itinuturing na pangunahing butil na pananim ang palay. Bakit?
Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya.
Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito

26. Anong rehiyon ng Asya ang sagana sa yamang mineral na langis at petrolyo. Sila din ang pinakamalalaking tagapagluwas ng
petrolyo sa buong daigdig.
Silangang Asya Timog Asya Hilagang Asya Kanlurang Asya

27. Piliin kung alin ang pahayag na hindi totoo ukol sa implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.
Marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod ng kasaganaan nito sa likas na yaman.
Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas nito ay nagmula sa ibang bansa.
Ang dami ng populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa katangian ng likas na yaman nito.
Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng ikabubuhay at tahanan.

28. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar o bansa. Ano naman ang kahulugan ng population growth rate?
Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na may edad 0-15.
Tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay ng tao sa isang lugar
Tumutukoy sa bahagdan ng tao na lumipat sa ibang lugar sa loob ng isang taon.
Tumutukoy sa bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa sa bawat taon.

29. Ang India ang pangalawa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking populasyon na umaabot ng humigit kumulang
1.22 bilyon na tao. Ang mga sumusunod ang naging dahilan sa pagtaas ng populasyon ng India maliban sa.
pagbaba ng mortality rate pagtaas ng fertility rate
pagtaas ng bahagdan ng migrasyon pagkakaroon ng mataas na bilang ng nakapag-aral

30. Sa patakarang “One Child Policy” ng China, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa probisyon?
Ang mag-asawang may isang anak ay tumatanggap ng one child certificate.
Para sa kaunlaran ng bayan dapat ipagbawal ang maagang pag-aasawa.
Kapag ang unang anak ay babae, pinahintulutan sila ng batas na magkaroon ng pangalawang anak.
Ang mag-asawang sumusunod sa patakaran ay nakakatanggap ng pabuya gaya ng pera at tirahan.

31. Sa kasalukuyan China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig.Sa taong 1979 ipatupad nito ang “One Child
Policy”. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng China. Ayon sa pinuno ng National Bureau of
Statistics ng China ang kasalukuyang populasyon ng bansa ay binubuo ng karamihan ay may edad ,edukado at mga
dayuhan. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito?
Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito.
Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.
Ang pagpapatupad ng One Child Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa.

Suriin ang talahanayan at sagutin ang mga katanungan ng bawat bilang.


Growth
Bansa Populasyon Gulang
Rate
0-14 15-65 65+
Japan 127,103,388 -0.13 13.4 61.8 24.8
Singapore 5,567,301 1.92 13.6 78.3 8.1
Pakistan 193,238,868 1.55 34 61.7 4.3
Philippines 107,668.231 1.81 34 61.6 4.4
Uzbekistan 28,929,716 0.93 25.3 70 4.7
Pinagkunan:CIA-The World Factbook

32. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod
nito?
Uzbekistan, Japan, Philippines, Singapore, Pakistan
, Singapore, Japan, Uzbekistan, Philippines,Pakistan
PAkistan , Japan, Philippines, Uzbekistan, Singapore
Pakistan, Singapore, Philippines, Japan, Uzbekistan

33. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon. Bakit
mahalaga na malaman ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na makapagpapabagal o
makapagpapabilis ng pagdami ng tao.

34. Gamit ang talahanayan ano ang iyong konklusyon na mabubuo ukol sa edad/gulang ng mga mamayan sa Asya?
May malaking bahagdan ng mga mamamayan sa Asya na bahagi ng labor force.
May malaking bahagdan ng mga matatandang mamamayan sa Asya.
Pagdating ng taong 2050 ang Asya ay mananatiling may pinakamalaking populasyon.
May mataas na bahagdan ng populasyon ang nagmumula sa grupo ng mga bata.

35. Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan upang matugunan ang problema sa paglaki ng populasyon?
Ibawal ang maagang pag-aasawa.
Paigtingin ang kampanya para sa edukasyon ng bawat mamamayan.
Bigyan ng pabuya ang mag- asawa na walang anak.
Pagtuunan ng pansin ang mataas na bilang ng infant mortality rate ng bansa.
36. Ang isang bansa ay itinuturing na overpopulated kapag…
Ito ay sagana sa likas na yamang sumusuporta sa lumalaki nitong populasyon.
Kulang ang lakas ng manggagawang kailangan sa mga pagawaan ng industriya.
Ang populasyon ay nakahihigit sa likas na yamang kailangan upang masuportahan ang mamamayan.
Higit na marami ang taong dumarayo kaysa umaalis sa bansa.

37. Alin sa sumusunod na mga pisikal na salik ang sa palagay mo’y higit na nakadargdag sa pagkakaroon ng mataas na
porsiyento ng kakapalan ng tao sa isang lupain?
Mala-disyertong lupain.
Pagkakaroon ng capital at makabagong teknolohiya.
Masaganang lupain at likas na yaman.
Mabundok na lupain at malamig na klima.

38. Alin sa sumusunod na mga impormasyon ang naglalarawan sa terminolohiyang “population explosion “?
bilang ng taong dumarayo o papasok at palabas ng bansa
mabilis na pagdami ng populasyon
pagdami ng taong ipinapanganak taon-taon
kalagayang nagpapahayag ng kakulangan ng likas na yaman para sa bilang ng tao

39. Anong kalagayan ang maaring maganap sa pagkakataong nakahihigit ang bilang ng mga taong namamatay kaysa bilang ng
taong ipinanganganak sa isang bansa sa loob ng isang taon?
Masasabing mataas ang population distribution sa lugar na ito.
Mataas ang growth rate sa lugar na ito.
Higit na marami ang kakapalan ng tao sa isang lupain.
Maaring dumating ang panahon na nakahihigit ang bilang ng mga matatanda kaysa kabataan.

40. Ang Maldives ay isang pulong bansa sa Timog Asya na nagtataglay ng naggagandahang aplaya. Alin sa sumusunod ang
patuloy na naglilinang sa bansa bilang isang tanyag na puntahan ng mga manlalakbay?
industriya pangingisda turismo pagmimina
Answer key GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

1. B
2. D
3. C
4. B
5. D
6. C
7. D
8. A
9. A
10. D
11. D
12. B
13. D
14. C
15. D
16. A
17. A
18. D
19. C
20. A
21. C
22. B
23. D
24. A
25. B
26. D
27. B
28. D
29. D
30. B
31. C
32. C
33. B
34. A
35. B
36. C
37. C
38. B
39. D
40. C
DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
Division Unified Test in Grade 7 Araling Panlipunan
TABLE OF SPECIFICATION
SY 2019-2020
FIRST PERIODICAL EXAM- ARALING PANLIPUNAN 7
MGA KASANAYAN EASY AVERAGE DIFFICULT

AYTEM

Ebalwasyon
Pag-unawa

Paglalapat

Pagbubuo
Kaalaman

Pagsusuri
Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa 4
paghahating –heograpiko: Silangang Asya, Timog- 5
Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at 16
Hilaga/ Gitnang Asya. 17

Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa 1


mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, 2
anyo, klima at “vegetation cover” (tundra, taiga, grasslands, 9
desert, tropical forest, mountain lands) 13
14
22

Nakapaghahambing ng kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang 6


bahagi ng Asya 10
15

Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang 8


na kalagayang ekolohiko ng rehiyon

Nasusuri ang kaugnayan ng yamang tao ng mga bansa 3 3


ng Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan 20
sa kasalukuyang panahon. 9

Nailalarawan ang yamang likas ng Asya 21


25
26
40

Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at 7


yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano 19
noon at ngayon 27

Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya 11


12
23
24
Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika 18
sa paghubog ng kultura ng mga Asyano
Napapahalagahan ang yamang tao ng Asya 30
35
36
Nasusuri ang kaugnayan ng yamang tao ng mga bansa sa 28
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang 29
panahon batay sa: 31
10.1 dami ng tao 32
10.2 komposisyon ayon sa gulang, 33
10.3 inaasahang haba ng buhay, 34
10.4 kasarian, 37
10.5 bilis ng paglaki ng populasyon, 38
39

You might also like