You are on page 1of 2

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
SAN FERNANDO NATIONAL HIGH CHOOL
San Fernando Camarines Sur
Ikatlong Pamanahunang Pagsusulit
Araling Panlipunan
Grade 7

I. A. Piliin ang titik na tama ang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang kanilang
pagtutol sa Ingles?
a. Passive resistance c. Pagbabago ng pamahalaan
b. Armadong pakikipaglaban d. Pagtatayo ng mga partido politikal
2. Isang instrumento na ginagamit sa paglalayag upang malaman ang latitude o layo ng barko.
a. Compass c. Sundial
b. Astrolabe d. Wala sa nabanggit
3. Ito ang asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe.
a. Bokhara c. Syria
b. Constantinople d. Persia
4. Ano ang pinakawastong kahulugan ng renaissance?
a. Muling pagsikat ng kulturang Helenistiko c. Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe
b. Muling pagsilang ng kulturang klasikal ng Greece d. Panibagong kaalaman sa agham
5. Isang mahalagang aklat ito sapagkat ipinapabatid nito sa mga europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China.
a. The travels of Marco Polo c. The travels of Christopher Columbus
b. The travels of Vasco da Gama d. The travels of Ferdinand Magellan
6. Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
a. Krusada c. Kolonyalismo
b. Kalakalan d. Imperyalismo
7. Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop,
pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin
a. Krusada c. Kolonyalismo
b. Kalakalan d. Imperyalismo
8. Ito ang tawag sa serye ng mga kampanya ng mga kristiyanong kabalyero na ang layunin ay bawiin ang Jerusalem
mula sa mga Muslim.
a. Krusada c. Kolonyalismo
b. Kalakalan d. Imperyalismo
9. Anumang transaksiyon sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng mga bansa na kabilang sa isang pamilihan.
a. Krusada c. Kolonyalismo
b. Kalakalan d. Imperyalismo
10. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay
matutong:
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin c. Makisalamuha sa mga mananakop
b. Pagiging mapagmahal sa kapwa d. Maging laging handa sa panganib
11. Instrumento na ginagamit upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.
a. Compass c. Sundial
b. Astrolabe d. Wala sa nabanggit
12. Prinsipyong pang-ekonomiya kung saan ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto at pilak na
mayroon dito.
a. Kolonyalismo c. Merkantilismo
b. Imperyalismo d. Krusada
13. Ito ang itinalagang hangganan kungsaang bahagi ng mundo maggagalugad ang bansang Portugal at Spain.
a. Line of demolition c. Line of demacration
b. Line of demarcation d. Line of decarnation
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalang sa mga manipestasyon ng Nasyonalismo?
a. Ang pagkakaisa
b. Kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan.
c. Pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa sariling bayan.
d. Makatwiran at makatarungan.
15. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya.
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa.
c. Maaaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
d. Sa pamamagitan nito, nababatid ang mga bansang palaasa.
16. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
b. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan.
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan.
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India.
17. Ang mga nabanggit ay mga epektong dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa isa:
a. Malawakang pagkagutom c. Pagkamatay ng maraming Iranian
b. Malawakang pagkasira ng pamayanan d. Pag-unlad ng bansang Iran.
18. Damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang bayan.
a. Kapitalismo c. Merkantilismo
b. Kolonyalismo d. Nasyonalismo
19. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban
sa pananakop ng Great Britain?
a. Aggressive c. Passive
b. Defensive d. Radikal
20. Nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
a. Kolonyalismo c. Merkantilismo
b. Imperyalismo d. Decameralismo

B. Tukuyin kung ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya ay Ekonomiya, Politika, o Sosyo-Kultural.

________21. Pagpapairal ng wikang kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.


________22. Ang mga kaugalian ay nahaluan.
________23. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
________24. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya, at
iba pang aspekto ng buhay.
________25. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong kanluranin.
________26. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
________27.Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng
kolonya.
________28. Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon.
________29. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling Sistema.
________30. Nailipat sa Europe ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga Asyano.

II. P ag iisa-isa. Isulat sa bawat bilang ang tamang sagot.


A. Ibigay ang 2 kilalang kultura ng mga Indian na pinatigil ng mga Ingles.
31._____________________ 32.________________________
B. Ibigay ang 3 pangunahing ruta ng kalakalan sa Asya:
33.__________________ 34.___________________35.___________________

III. TAMA o MALI.


Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung sa palagay mo ay tama at ilagay naman
ang salitang MALI kung sa tingin mo ay mali.

36. Ang Sistemang Mandato ay nangangahulugan na ang isang bansa na naghahanda upang maging isang
Malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo.

37. Ang Holocaust ay isang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite.

38. Ang Nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hidi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog
Asya.

39. Ang Pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang kanluranin sa mga
bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.

40. Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa.

Inihanda ni:
Romar D. Olaño
Guro sa A.P.7

You might also like