You are on page 1of 3

Division of Cagayan de Oro City

MAMBUAYA NATIONAL HIGH SCHOOL


Mambuaya, Cagayan de Oro City
3rd Grading Exam –Araling Panlipunan 7
Name __________________________________________________________ Grade & Section _____________________ Date _____
Test I.Multiple Choice
Panuto : Piliin ang tamang sagot sa kaisipang isinasaad.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas
Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Armadong pakikipaglaban C. Pagtatayo ng mga partido pulitikal
B. Pagbabago ng Pamahalaan D. Passive resistance
2. Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang
isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin?
A. Binoykot ang mga produktong English C.Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
B. Itinatag ang Indian National Congress D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan
3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-
tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
A. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat
C. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon
4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang
kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
B. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
C. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.
D. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
5. Ang patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay dahil sa kapwa nila nais angkinin ang teritoryong
Kashmir. Ano ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot na ito?
A. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
B. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir.
C. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United National Organization (UNO) sa paglulutas ng
kanilang suliranin
D. Umasa ang mga mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.
6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang pulitika ng bansa sa pamumuno ng
British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India. Maging ang
pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong pangyayari, napilitan ang mga
manggagawang Hindu na mag-aral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay.
Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayanng mga Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang Hindu.
D. Wala sa nabanggit
7. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
B. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang
kaunlaran ng bansa.
C. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
D. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
8. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
9.Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang
magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. Mabuting relasyon sa karatig bansa
B. Maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa bayan
C. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
D. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
10. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano
ay matutong:
A. Maging laging handa sa panganib C. Pagiging mapagmahal sa kapwa
B. Makisalamuha sa mga mananakop D. Pigilan ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
11.Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang
Asyano. Bilang mag-aaral kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng
mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
B. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis
pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan
C. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga
Kanluranin
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin
12.Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B.Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
C. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
13. Nagmula sa latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
A. Imperyalismo C. Merkatilismo
B. Kolonyalismo D. Renaissance
14.Maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa
Asya dahil sa paglalakbay na ito.
A. Ang Pagbagsak ng Constantinople C. Mga Krusada na Naganap mula 1096 hanggang 1273
B.Ang Paglalakbay ni Marco Polo D. Merkatilismo
15. Isang Kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lugar,
ang Jerusalem sa Israel.
A. Ang Pagbagsak ng Constantinople C. Mga Krusada na Naganap mula 1096 hanggang 1273
B.Ang Paglalakbay ni Marco Polo D. Renaissance
16.Ang pag-alsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatanggi ng lahi o
racial discrimination.
A.Civil Disobedience C. Rebelyong Sepoy
B.Holocaust D. Suttee/Sati
17.Ang pagtitiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
A.Civil Disobedience C. Rebelyong Sepoy
B.Holocaust D. Suttee/Sati
18. Sinimulan ni Mohondas Gandhi ang hindi pagsunod sa pamahalaan.
A.Civil Disobedience C. Rebelyong Sepoy
B.Holocaust D. Suttee/Sati
19. Ito ay ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at pangangailan ng
mamamayan.
A. Ideolohiya C. Kolonyalismo
B. Imperyalismo D. Nasyonalismo
20.Isang kategorya ng ideolohiya na nakatuon sa mga patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
A. Ideolohiyang Pang-ekonomiya C. Unibersal
B. Ideolohiyang Pampolitika D. Wala sa nabanggit
21. Nakilala siya bilang Mahatma o Dakilang Kaluluwa.
A. Ibn Saud C. Mohondas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
22.Nakilala siya bilang “Ama ng Pakistan “, isang abogado at pandaigdigang lider.
A. Ibn Saud C. Mohondas Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
23.Alin sa mga sumusunod ang hindi Europeong bansa na nananakop sa Asya?
A. France C. Portugal
B.Pilipinas D. Spain
24.Ito ay maituturing na isang haligi at nagsisilbing buhay ng bansa tungo sa katatagan, katahimikan, at
kaunlaran ng pamumuhay ng mamamayan.
A. Ahensiya C. Pamahalaan
B. Kagawaran D.Pribado
25. Hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan, alin sa mga sumusunod na uri ng
pamahalaan ito?
A. Demokrasya C.Komunismo
B. Diktadurya D. Teokrasya
26. Sa pamahalaang ito, isang partidong awtoritaryan ang may kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.
A. Demokrasya C.Komunismo
B. Diktadurya D. Teokrasya
27. Sa pamahalaan ito, ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang kinatawan ng kanilang Diyos.
A. Diktadurya C. Republika
B. Komunismo D. Teokrasya
28.Isang anyo ng demokrasya na kung saan ang mga mamamayan ay pumipili ng kinatawan o representative
sa pamahalaan.
A. Diktadurya C. Republika
B. Komunismo D. Teokrasya
29. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang diktador na hindi malilimitahan ng anumang batas ang
kaniyang desisyon.
A. Diktadurya C. Republika
B. Komunismo D. Teokrasya
30.Ito ay sistemang political na hawak ng estado o ng pamunuang namamahala nito ang ganap na awtoridad.
A. Pamahalaang Pederal C.Teokrasya
B. Republika D. Totalitaryanismo

Test II. Matching Type. Panuto: Piliin sa hanay B ang tinutukoy o kaugnay ng palatuntunan sa hanay A.
Hanay A Hanay B
___31. Ang taong nalibot ang Cape of good hope sa A. Kolonyalismo
dulo ng Africa na siyang magbubukas ng ruta
patungong India at sa Islang Indies.
___32. Ito ay isa sa apat na salik sa panahon ng B.Jerusalem
imperyalismo na isinulat ni Rudyard Kipling
ipinasailalim sa kaisipan ang mga nasasakupan
na sila ay pabigat sa mga kanluraning bansa.
___33 .Siya ay italyanong adbenturerong mangangalakal C.Marco Polo
na taga-Venice.
___34 .Ito ay tinaguriang banal na lugar sa Israel na kung D. White Man’s Burden
saan inilunsad ang mga krusada mula 1096
hanggang taong 1273.
___35. Patakaran ng isang bansa na mamamahala ng E. Vasco da Gama
mga sinakop upang magamit ang likas na yaman
ng mga sinakop para sa sariling interes.
___36. Dominasyon ng isang makapangyarihang F. Compass
nasyon-estado sa aspektong pampulitika,
pangkabuhayan, at kultural sa pamumuhay
ng mahina at maliit na nasyon-estado.
___37. Kilusang pilosopikal na makasining at dito G. Merkantilismo
binigyan-diin ang pagbabalik interes sa mga
kaalamang klasikal sa Greece.
___38. Ginamit upang malaman ang oras at latitude. H.Astrolabe
___39. Umiiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na I.Renaissance
kung may maraming ginto at pilak, may
pagkakataon na maging mayaman at
makapangyarihan ang isang bansa.
___40. Ginamit upang malaman ang direksyon na pupuntahan J.Imperyalismo
___41.Damdaming makabayan na maipapakita sa K.Holocaust
matinding pagmamahal at pagpapahalaga
sa Inang bayan.
___42.Isang tradisyong Hindu , ito ay ang pagpatay L.Zionism
sa mga batang babae.
___43.Pamamaril ng mga sundalong Ingles sa mga M.Sistemang Mandato
grupo ng mga Indiansa isang selebrasyong
Hindu noong April 13, 1919
___44.Nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ay N.Ottoman Empire
nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi
ng kalayaan o non-violence/ Ahimsa.
___45.Kailan nakamit ng mga Indian ang kanilang O.Pakistan
kalayaan mula sa mg Ingles?
___46. Anong bansa din sa Kanlurang Asya ang kasabay P. August 15, 1947
ng India na nagkamit ng kalayaan?
___47.Sino ang naghari o sumakop sa kanlurang Asya Q.Mohondas Gandhi
na nagpatagal sa pagsakop ng Kanluraning bansa?
___48.Nangangahulugang ito na ang isang bansa na R.Amritsar Massacre
naghahanda upang maging isang malaya at isang
nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa
patnubay ng isang bansang Europeo.
___49.Ito ay ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew S.Female Infanticide
mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
___50.Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng T.Nasyonalismo
German Nazi sa mga Jew o Israelite.

You might also like