You are on page 1of 2

Antique National School

Junior High School


KASAYSAYANG ASYANO

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7


SY: 2019-2020
Pangalan:_______________________ Grado/Pangkat:______________Iskor:_____
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
___ 1. Ano ang pamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita
ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance C. Armadong pakikipaglaban
B. Pagbabago ng pamahalaan D. Pagtatayo ng mga partido political
____ 2. Alin sa mga sumusunod ang nagging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. Pag- unlad ng kalakalan. C. Pagkamulat sa kanluraning panimula.
B. Pagkakaroon ng kaalyadong bansa. D. Pakikinabang ng mga kanluranin sa mga
likas na yaman ng Asya
___ 3. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan.Nagbigay daan ito para ang mga
Asyano ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin. C. Makisalamuha sa mga mananakop.
B. Maging mapagmahal sa kapwa. D. Magkaisa at makamtan ang kalayaan.
___ 4. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A. Dahil sa layunin nilang palakasin ang Judaismo. C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan.
B. Dahil sa pananakop ng ibang lupain. D. Sa kagustuhan nilang magkasama-sama muli
ang mga Hudyo
___ 5. Ano ang nagbigay daan sa pagkatatag ng bansang Israel?
A. Sykes –Picot Agreement C. Balfour Declaration
B. Macmahon-Husayn Correspondence D. Tordesillas Treaty
___ 6. Ano ang tawag sa serye ng paglalakbay ng mga kristiyanong kabalyero na ang pangunahing layunin
ay bawiin ang Jerusalem sa kamay ng mga muslim.
A. Merkantilismo B. Krusada C. Kolonyalismo D. satyagraha
___ 7. Anong bansang Europeo na nanguna sa paggalugad at pagkatuklas ng mga lupain sa Asya?
A. Espanya B. Portugal C. England D. France
___ 8. Saan sumiklab ang una at ikalawang digmaang pandaigdig ?
A. Asya B. Europa C. Amerika D. Aprika
____ 9. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang tagapagtatag ng Kaharian ng Saudi Arabia?
A. Ib’n Saud B. Mustafa Kemal C. Mohandas Gandhi D. Mohamed Ali Jinnah
____ 10. Ano ang tawag sa mga sundalong Indian na nagrebelde/ nag-alsa laban sa pamunuan ng Ingles?
A. Hindu B. Sepoy C. Tamil D. Senhala
____ 11. Bakit nagkaroon ng rebelyong sepoy?
A. Nag-alsa ang mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahio racial
discrimination.
B. Natakot sa persekusyong panrelihiyon sa lugar na tinitirhan nila.
C. Pinilit ang Great Britain ng United States na palayain na ang India.
D. Upang maging matatag ang kanilang pamahalaan.
____ 12. Ano-ano ang dahilan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog atKanlurang Asya?
A. Ang mataas na pagtingin sa sarili
B. Lumawak ang kanilang partisipasyon sa pamamahala ng bansa.
C. Marubdob na paglaban sa mga mananakop.
D. Nakilala ang mga lider nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sakanilang
pamumuhay.
___ 13. Anong paraan ang ginawa ng Pakistan para matamo ang kalayaan?
A. Ang pagbuhay ng mga katutubo sa kanilang mga kaugalian at tradisyon.
B. Ang pagtatatag ng Muslim League sa pamumuno ni Muhammad Ali Jinah
C. Pagtanggi sa konstitusyon at paglikas ng mga Muslim at Sikh mula sa India.
D. Pagtutol ng mga tao sa mga batas na pinatupad sa bansa.
___ 14. Bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew ?
A.Dahil sa Balfour Declaration C. Dahil sa Pagpaslang sa mga Jew
B.Bunga ng pag-aagawan sa teritoryo D. Bunga ng kasunduang Versailles
___ 15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?
A.Mahigpit na tinutulan ni Ayatollah Khoemmeini ang panghihimasok ng mga dayuhan.
B.Ikinagalit ng mga Hudyo ang panghihimasok ng mga dayuhan
C.Itinatag ni Ibn Saud ang bansang Israel.
D.Mahigpit na magkatunggali ang mga arab at jew sa pagmamay-ari ng Palestine
___ 16. Alin sa mga sumusunod ang opinion?
A. Hindi lalaganap ang tension sa India kung hindi naganap ang massacre sa Amritsar.
B. Si Abdul Aziz Ibn Saud ay nagmula sa makapangyarihang angkan ng mga Arab
C. Opisyal na ideneklara ng Balfour Declaration ang pagtatatag ng nakahiwalay na bansang mga Jew.
D. Ang pagtutol sa modernisasyon ng Iran ay sinimulan ni Khoemeini.
___ 17. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamasamang epekto ngkolonyalismong Kanluranin
simula ika-16 na siglo?
A. Naantala ang pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansang sinakop
B. Napasakamay ng mga mananakop ang pamumuno sa pamahalaan
C. Namuhay ng walang kalayaan ang mga sinakop na mamamayanan
D. Nadagdagan ang kapangyarihan at karangalan ng bansang Kanluranin
___ 18. Alin ang higit na naglalarawan ng imperyalismo?
A. Pagpapalawak ng teritoryo ng isang bansa.
B. Pamamahala ng isang bansa sa isang bansa.
C. Pananakop ng isang bansa sa isang bansa.
D. Tuwiran o di tuwirang pagpapalawak ng awtoridad ng isang bansa sa ibang bansa
___ 19. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
C. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India
D. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
___ 20. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ngmga Ingles sa
pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na ang mgakababaihan?
A. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at “female infanticide”
B. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at “concubinage”
C. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng India
D. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India.
___ 21. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa
mga India

You might also like