You are on page 1of 2

TAWAGAN SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

TAWAGAN SUR, PAGADIAN CITY


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
ARALING PANLIPUNAN 7
S.Y.: 2022-2023

Pangalan:_________________________________Baitang/Seksyon:_____________Puntos:_________
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng
bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
2. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
3. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa
mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal
sa pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong Kanluranin.
4. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?
A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa.
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong mamamayan.
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng pamahalaan.
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa
5. Ang sumusunod na mga dahilan ang nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya, MALIBAN SA
A. Ang Paglalakbay ni Marco Polo C. Ang Imperyalismo
B. Ang Pagbagsak ng Constantinople D. Ang Merkantilismo
6. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng pamahalaang Ingles ng
kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa
ibayong dagat?
A. Dutch East India Company C. Portuges East India Company
B. British East India Company D. French East India Company
7. Anong mga bansang Kanluranin ang nanguna sa paghahanap ng ruta sa paggalugad at pagtuklas sa mga bansang
Asyano?
A. Brazil at England C. France at Netherlands
B. India at Britain D. Portugal at Spain
8. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang
isang kinatawan ng iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong gagawing resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa.
9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko.
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian
10. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya?
A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaularan ng bansa
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa
C. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
11. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kaniyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang siyang dapat magpakita
ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. Mabuting relasyon sa karatig-bansa
C. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. Maging bukas o transparent sa lahat ng kaniyang gawain sa tulong sa bayan.
12. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban
sa pananakop ng Great Britain?
A. Aggressive B. Defensive C. Passive D. Radikal
13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C. Makisalamuha sa mga mananakop
D. Maging laging handa sa panganib
14. Ano ang itinatag noong 1906, upang mabigyang proteksiyon ang mga Karapatan at kapakanan ng mga Muslim laban
sa mga paniniwalang Hindu?
A. Federal Democratic Republic C. Kilusang Zionismo
B. India National Congress D. Muslim League
15. Alin sa mga sumusunod ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite?
A. Amritsar Massacre C. Rebelyong Sepoy
B. Holocaust D. Sistemang Mandato
16. Sa paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang pangkat ang mga Hindu at Muslim,Ang India Para sa mga
Hindus at Pakisatan naman ay para sa ________________.
A. Kristiyano B. Buddismo C. Muslim D. Taoismo
17. Anong adhikain ang ipinaglalaban ng samahang National Council on Women sa bansang Egypt?
A. baguhin ang batas pampamilya at ang pagbabawal sa pagkapon sa kababaihan
B. pagbibigay karapatan sa kababaihang bomoto
C. pagbibigay ng karapatan sa diborsyo
D. mabigyang pagkakataong makilahok sa pamamahala ng bansa
18. Bakit inilunsad ng kababaihan ng mga bansang Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, United Arab Emirates, at
Yemen ang isang panrehiyong network na tinatawag na “Arab Women Connect”?
A. Ito ay upang mapangalagaan ang kapakanan ng kababaihan sa kanilang bansa.
B. Maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat taglaying mga karapatan.
C. Maipamulat na dapat ay bigyan din ng karapatang mamahala sa pamahalaan ang kababaihan.
D. Sapagkat ipinaglalaban ng kababaihan na mabigyan sila ng boses sa kanilang pamilya.
19. Sino ang nanguna sa pagbibigay karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang
kababaihan?
A. Reyna Rania Al-Abdulla C. Sheikha Fatima Bint Mubarak
B. Hussain Ershad D. Susan Mubark
20. Ano ang tawag sa tradisyong Hindu kung saan nagpapakamatay ang balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa
cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay?
A. Sanduguan B. Tributo c. Sati D. Tarpan
21. Nag-asam ng kalayaan ang India. Ano ang paraang ginawa nito upang matupad ang hangarin?
A. Sa mga kanluranin ay nakipag-alyansa. C. Hindi tinangkilik ang mga produktong Ingles.
B. Ang Indian National Congress ay itinatag. D. Ang mga Ingles ay tinulungan sa panahon ng digmaan.
22. Sino ang nangunang lider nasyonalista ng India na nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan?
A. Jawaharlal Nehru B. Mohandas Gandhi C. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk
23. Ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Upang yumaman B. Upang makamit ang kalayaan C. Upang makapaghiganti D. Upang sumikat
24.Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng damdaming nasyonalismo, MALIBAN SA?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto C. Pagtatrabaho sa ibang bansa
B. Kahandaang ibuhis ang buhay para sa bayan D. Pagsunod sa batas
25. Ito ay tumutukoy sa pag uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jews mula sa ibat ibang panig ng daigdig.
a. Zionism b. Sati c. Holocaust d. Female Infanticide
26. Isang Ingles na nanguna sa pagtatag ng Indian National Congress noong 1884-1885.
a. Mahatma Ghandi B. Allan Octavian Hume c. Mohammed Jannah Ali d. Marco Polo
27. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon
ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano
ang ikabubuti ng sambahayan ang konseptong tinutukoy ay
A. Patriotismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo
28. Ano-anong mga bansang Kanluranin ang nakarating sa bansang India?
A. Portugal, England at France C. Britain, France at England
B. France, England at Netherlands D. Portugal, Britain at France
29. Siya ang Itinanghal na kaunaunahang gobernador heneral ng Pakistan.
A. Ayatollah Mousari Khomeini B. Mohamed Ali Jinnah C. Mohandas Karamchad Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk
30. Siya ang nangunang Lider Nasyonalista sa India.
A. Ayatollah Mousari Khomeini C. Mohandas Karamchad Gandhi
B. Mohamed Ali Jinnah D. Mustafa Kemal Ataturk

You might also like