You are on page 1of 9

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Nanguna ang Portugal sa panunuklas at panggagalugad ng mga lupain noong ika-15 siglo.
Nakapagtatag sila ng mga daungan sa India, Tsina at Hapon. Ano ang maaring implikasyon nito sa
ibang mga kanluraning bansa?
A. Nakipaglapit ang mga Kanluranin sa Portugal
B. Nakipagpaligsahan ang mga Kanluranin na makarating sa Silangan
C. Inagaw ng mga Kanluranin ang mga daungang naitatag ang mga Portuges
D. Hinayaan na lamang ng mga Kanluranin ang Portugal na maangkin ang mga pulo sa Silangan

2. Hindi napangalagaan ng Portugal ang mga daungang kanyang naitatag. Paano nawala sa kamay ng
mga Portuges ang monopolyo ng kalakalan sa Silangan?
A. Nag-alsa ang mga katutubo C. Nasakop ng Espanya ang Portugal
B. Nakialam si Papa Alexander VI D. Natalo ang mga Portuges sa paligsahan

3. Pinakinabangan nang husto ng mga Kanluranin ang mga yamang likas ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa panahon ng pananakop. Ano ang maaaring positibong epekto nito sa mga bansang
sinakop?
A. Natutong magtanim ang mga katutubo
B. Nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga katutubo
C. Naturuan ang mga katutubo na maging negosyante
D. Nagpatayo ng mga tulay at kalsada ang mga mananakop

4. Ano ang naging bunga ng panghihimasok ng mga Kanluranin sa mga paniniwala, tradisyon,
pananampalataya at mga pilosopiya ng mga bansang sinakop nito?
A. Walang nangyaring pagbabago
B. Naimpluwensyahan ang ilang mga paniniwala ng mga katutubo
C. Nagkaroon ng bagong anyo ang paniniwala, tradisyon, pananampalataya at mga pilosopiya
D. Napalitan ang mga paniniwala, tradisyon, pananampalataya at mga pilosopiya ng mga katutubo

5. Ang Kanlurang Asya ay napasakamay ng England at France pagkatapos ng Unang Digmaang


Pandaigdig. Ang mga bansang nanalo ay nagkaroon ng mga teritoryo mula sa mga natalong bansa. Sa
paanong paraan pinamahalaan ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya?
A. Sa pamamagitan ng Mandate System C. Sa pamamagitan ng mga kinatawan o
Viceroy
B. Pagpapasailalim sa paraang Protectorate D. Nagtalaga ng mga mamumuno sa pamahalaang Puppet

6. Napasakamay ng mga Ingles ang India nang magwagi ito sa digmaang Plassey laban sa Pransya.
Nagpataw ng buwis sa mga may ari ng lupa ang mga Ingles at ipinagbawal ang ilang mga katutubong
paniniwala. Ano ang naging bunga ng mga pangyayaring ito?
A. Amritsar Massacre B. Civil Disobedience C. Passive Resistance D. Rebelyong Sepoy

7. Ano ang kaisipang pumukaw sa damdaming makabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano?
A. Confucianismo B. Legalismo C. Liberalismo D. Taoismo

8. Alin sa mga sumusunod ang ginamit na instrumento ng mga taga Timog at Kanlurang Asya upang
makalaya sa kamay ng mananakop matapos nilang matutunang ipaglaban ang kanilang karapatan at
magising ang damdaming makabayan?
A. Edukasyon B. Kasanayang Pangmilitar C. Kultura D. Relihiyon

9. Maraming Atletang nakilala sa Asya tulad ni Gwada Showada ng larong hurdles at high jump na taga-
Syria at Naim Suleymanoghi, isang weight lifter na taga-Turkey na nag-uwi ng tatlong gintong
medalya. Alin sa mga sumusunod ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito batay sa mga Asyano?
A. Malalakas ang pangangatawan at kayang makipagsabayan sa ibang lahi
B. Nakilala sa buong mundo sa kadahilanang nais nilang mag-uwi ng gintong medalya
C. Nagpapakita ng interes sa larangan ng pampalakasan upang sila ay makilala sa buong mundo
D. Mahihilig sa palakasan at nagtataglay ng mga katangian na dapat taglayin ng isang manlalaro

10. Sa paggawad ng kasarinlan sa mga bansa sa Asya, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Asyano na
pamunuan ang kanilang bansa. Ang pamahalaan ay maituturing na haligi ng lipunan. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa tungkulin ng pamahalaan?
A. Naglilimita sa mga karapatan ng mga mamamayan laban sa pamamalakad ng pamahalaan
B. Nagsisilbing buhay ng bansa tungo sa katatagan, katahimikan at kaunlaran ng pamumuhay ng
mamamayan
C. Nangangasiwa sa mga gawaing may kinalaman sa pamamahala sa loob ng isang maayos at
matatag na lipunan
D. Nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga mamamayan laban sa mga mapang-abuso sa
kanilang kapangyarihan

11. Ang pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya ay nagdulot ng malaking pagbabago
at impluwensiya. Paano ito tinanggap ng mga Asyano sa kasalukuyang panahon?
A. Ipinagmalaki ng mga Asyano ang mga gawaing Kanluranin
B. Nagkunwari ang mga Asyano sa kagandahang dulot ng pagbabago
C. Marami pa din ang nag-alsa para labanan ang mga pagbabagong dulot ng Kanluranin
D. Nagsanay ang mga tao na gumamit ng produktong dayuhan at gamitin sa maayos na paraan ang
mga naiwan ng mga mananakop

12. Ano ang pagkakatulad ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Ito ang nagpaunlad at nagpayaman sa Asya
B. Hindi naisakatuparan ng mga mananakop ang kanilang hangarin sa Asya
C. Parehong nakapanakop, nakapagpalawak ng teritoryo at kapangyarihan
D. Lahat ng bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nasakop ng mga Kanluranin

13. Mula sa nasa ibabang larawan, ano ang pinakaangkop na pahayag ang nagpapamalas sa mga
pamamaraang ginawa ng mga kilalang lider upang maipakita ang pagmamahal sa kanilang bansa sa
Timog at Kanlurang Asya?
A. Bawat Asyano ay nagpamalas ng kanilang pagsuporta sa
bayan
B. Ito ay nagsasaad ng pagiging malikhain sa pagbuo ng
nasyonalismo
C. ito ay bahagi ng pananakop kaya ito ay nagbunsod ng
pakikiisa
D. Nagkaisa sa pamamaraan ng pakikibaka sa paraan ng
pagsigaw sa EDSA nang magkakahawak kamay at pagbuo
ng samahan gamit ang armas, sulatin at pamamahayag ng
may pagmamahal sa bayan

14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-angkop at tamang dahilan na nagbigay-daan sa pag-
usbong ng nasyonalismo sa Asya?
A. Ang pag-aalipusta, pagpapahirap sa bawat Asyano
B. Ang pagpapatayo ng mga hospital, paaralan at kalsada
C. Ang paggamit ng mga likas na yaman at pagkuha ng mga hilaw na materyales
D. Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang
kanluranin sa mga bansang Asyano

15. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Sa tingin mo, ano ang kalagayan ng
Asya kung hindi sumibol ang damdaming nasyonalismo?
A. Magkakaroon ng matibay na pundasyon ang relasyon ng Kanluranin sa Asya
B. Magiging malaya pa rin ang Asya sapagkat aalis din naman ang Kanluranin sa Asya
C. Mananatili ang tanikala ng mga bansang Kanluranin sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga
Asyano
D. Magiging mayaman pa lalo ang Asya dahil sa magagandang imbensyon na dadalahin ng mga
Kanluraning bansa.

16. Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Asyano ang
nagbigay daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo. Ano ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa
Kanlurang Asya?
A. Nagbigay daan sa paglaya
B. Naging daan upang mas lalo nilang mahalin ang kanilang bansa
C. Nagsilbing sandata ng mga Asyano upang labanan ang pananakop
D. Nagbigay daan upang magbuklod ang dalawang uri ng pangkat sa India

17. Ang nasyonalismo ay isang kamalayan ng pagiging kabilang sa isang nasyon na may iisang lahi,
kasaysayan at kultura, wika at pagpapahalaga. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
manipestasyon ng nasyonalismo?
A. Dumami ang may pagtitiwala at pagmamahal para sa pamahalaan ng mga Kanluraning Bansa
B. Pagpapanatili nang pagkamamamayan o citizenship ng isang sa kanyang bansang kinabibilangan
C. Ang kahandaan ng isang tao na magtanggol at mamatay para sa kanyang bayan o pagiging
makatwiran at makatarungan
D. Pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbubuklod-buklod ng mga mamamayan sa
isang kultura, saloobin at hangarin

18. Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay ang pagkakaisa. Ito ay isa sa mga nagbigay
daan para ang mga Asyano ay matuto. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa sitwasyon?
A. Mapagbigay sa mga naisin ng mga dayuhan
B. Maging mapanuri sa mga kagustuhan ng mga Kanluraning bansa
C. Pagiging handa sa mga panganib dulot ng maling pamamalakad ng mga Kanluraning bansa
D. Tumulong at bigyang halaga ang paniniwala ng mga mamamayan sa iisang kultura at hangarin
19. Si Mohandas Karamchand Gandhi ay isa sa mga nasyonalista sa Timog Asya na naghangad ng
kalayaan. Siya ang namuno upang ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na
Ingles. Alin sa mga pahayag ang pagpapahalagang ginampanan ni Gandhi upang mapalaya ang India
mula sa pananakop ng England?
A. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap sa Battle of Tobruk
B. Naging aktibo sa larangan ng pulitika at nakibatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang
pinuno
C. Nagsagawa ng makasaysayang pagtatalumpati laban sa patuloy na pagkiling ng namumuno sa
kanilang bansa.
D. Nagsagawa ang pag-aayuno o “hunger strike “upang makuha ang atensyon ng mga Ingles at
mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya

20. Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging
makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay na matamo ang ang kalayaan ng kani-kanilang mamamayan
at bansa. Sino sa mga sumusunod na nasyonalista ang hindi kabilang sa nagpakita ng nasyonalismo
sa Kanlurang Asya?
A. Ayatollah Ruohollah Mousar Khomeini C. Mohammed Ali Jinnah
B. Ibn Saud D. Mustafa Kemal Ataturk

21. Naitatag ang All Indian Muslim League sa pangunguna ni Ali Jinnah noong 1906. Bakit ninais ni Ali
Jinnah na magtatag ng hiwalay na Liga sa mga Hindu?
A. Upang maging pinuno ng mga Muslim
B. Upang matamo ang kalayaan ng India
C. Upang magkaroon ng pantay na karapatan
D. Upang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim

22. Bakit nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian laban sa mga Ingles?
A. Dahil sa magkakaibang lahi C. Dahil sa magkakaibang pananampalataya
B. Dahi sa magkakaibang paniniwala D. Dahil sa magkakaibang kultura at
tradisyon

23. Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India. Hinimok niya ang pagboykot
ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa lahat ng may kaugnayan sa Ingles. Bakit
maituturing na isang manipestasyon ng nasyonalismo ito?
A. Naging malaya ang mga Indian
B. Naipaglaban ng mga Indian ang kanilang karapatan
C. Nakita nila ang kahalagahan ng pagiging malayang mamamayan
D. Nagkaroon ng mataas na pagtingin ang mga Indian sa sarili nilang kultura

24. Humingi ng kalayaan ang Turkey sa pamumuno ni Mustafa Kemal. Paano nakamit ng Turkey ang
pagiging isang Republika?
A. Sa ilalim ng mandato ng France C. Sa paglagda ng Kasunduang Lausanne
B. Sa ilalim ng mandato ng England D. Sa paglagda sa Kasunduang Satyagraha

25. Paano nakaapekto ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa
Kanlurang Asya?
A. Ang lokal na pamamahala ay nasa kamay ng mga dayuhan
B. Pag-aari ng mga dayuhan ang kompanyang naglilinang ng langis
C. Pinamahalaan ng mga lokal na awtoridad ang aspektong pang-ekonomiya
D. Tuluyang nakalaya ang mga bansa sa Kanlurang Asya sa kamay ng mga dayuhan

26. Bakit muling naging daan ng hindi pagkakaisa ng mga Indian ang pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pagkakahati ng India sa dalawang pangkat C. Pagnanais ng mga Muslim na mamuno sa
India
B. Pagkakatatag ng Pakistan para sa mga Hindu D. Paghihiwalay ng mga Indian batay sa
estado ng buhay

27. Noong 1915, itinatag ang Ceylon National Congress na unang partidong pulitikal sa Sri Lanka. Namuno
ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Paano nila napagtagumpayan ang pagkamit ng
kalayaan?
A. Sinuportahan ng mga Ingles C. Sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko
B. Pinalaya kapalit ng malaking halaga D. Naglunsad ng isang kilusang Rebolusyunaryo

28. Itinatag ni Theodor Herzl, isang Austro –Hungarian, ang Kilusang Zionismo sa Basel. Switzerland. Bakit
mahalaga para sa mga Hudyo ang pagkakatatag ng nasabing kilusan?
A. nagnanais ito na mapagkaisa ang mga Hudyo at Arab
B. nagbigay daan ito sa pagkamit ng kalayaan ng mga Hudyo
C. naglalayon itong makabalik ang mga Hudyo sa kanilang lupain
D. nagsilbing inspirasyon ito sa mga Hudyo upang bumuo ng sariling bansa
29. Ano ang pagbabagong naidulot ng mga samahang kababaihang sa mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya?
A. Nakalahok sa pulitika C. Naipaglaban ang kanilang karapatan
B. Naging aktibo sa mga kilusan D. Tumaas ang katayuan sa lipunan ng mga
kababaihan

30. Alin ang tumutukoy sa samahang pangkababaihan na naglalayong ipaglaban ang karapatan upang
magkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng kababaihan?
A. Sorrogate B. Suffrage C. Suffragist D. Catholics Womens’
League

31. Sa pakikipagsapalaran na makamit ng India ang kasarinlan naging inspirasyon ng marami si Mohandas
Gandhi dahil sa kanyang katangi-tanging tahimik na paraan ng pagtutol upang matamo ang kalayaan.
Anong anyo ng nasyonalismo nabibilang ang pamamaraang ito?
A. Aktibong Nasyonalismo C. Pasibong Nasyonalismo
B. Defensive na nasyonalismo D. Mapagtanggol na nasyonalismo

32. Tunay na maraming mamamayang Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang nagpamalas ng pagiging
makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay bilang isang Asyanong mamamayan. Paano mo
maipapamalas ang pagmamahal sa sariling bansa sa kasalukuyang panahon?
A. Pagiging makatao C. Pagiging makadiyos
B. Pagiging makabansa D. Pagiging makakalikasan

33. Sa kasalukuyan, umiiral sa pamahalaan ng Pilipinas ang sistemang presidensyal. Sa ilalim ng


sistemang ito, pantay ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang tagapagpaganap, tagapagbatas at
sangay panghukuman. Nagtatakda ang batas ng kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa at kumikilos
sila alinsunod sa batas. Anong uri ng pamahalaan nabibilang ang ganitong sistema?
A. Democratic B. Parliamentaryo C. Pederal D. Teokrasya
Republic

34. Ang monarkiyang anyo ng pamahalaan ay tumutukoy sa pamumuno ng iisang tao na nabibilang sa
mga dugong maharlika tulad ng hari, reyna at emperador. Alin sa mga sumusunod na bansa ang
HINDI nabibilang sa monarkiyang anyo ng pamahalaan?
A. Bhutan B. India C. Qatar D. Saudi Arabia

35. Ang samahan ng kababaihan sa Kanlurang Asya ay kumikilos sa tatlong paraan. Alin sa sumusunod
ang HINDI kabilang?
A. Pakikipagpaligsahan sa ibang kababaihan
B. Pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan
C. Imulat ang mga kababaihan sa hindi pagbibigay ng pantay na karapatan
D. Ipaunawa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay nakikipaglaban para sa karapatan

36. Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag –oorganisa upang maisulong ang
kanilang interes at marinig ang kanilang boses. Alin sa mga sumusunod na kilusan ng mga kababaihan
sa Timog at Kanlurang Asya ang hindi kabilang?
A. Sri Lanka’s Women’s NGO C. Violence Against Women
B. United Front for Women's Right in Pakistan D. Women’s India Association

37. Sa panig ng grupo ng kababaihan, pinag-aralan nila ang mga batas at polisiya na nagdudulot ng
diskriminasyon sa kababaihan. Humingi sila ng pagbabago tulad ng pantay na karapatan sa mga
babae at makilahok sa larangan ng pulitika. Anong katangian ng kababaihan ang ipinahihiwatig dito?
A. Makatwiran B. Mapagpakumbaba C. Matapang D. Matiyaga

38. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng samahang pangkababaihan?


A. Upang makilahok sa pulitika
B. Upang maitaguyod ang kanilang pamilya
C. Upang mahirang sa mataas na posisyon sa pamahalaan
D. Upang makapagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihan

39. Suriin ang talahanayan tungkol sa antas ng Literacy ng ilang bansa sa Asya. Batay sa talahanayan,
ano ang ipinapakita nito?
BANSA LITERACY A. Maraming mga taga Israel ang mangmang.
RATE B. Mababa ang antas ng Literacy Rate sa Asya
Israel 96% C. Maraming mga taga- Israel ang marunong
Lebanon 92% bumasa at sumulat
Oman 59% D. Ang pagkakasunod-sunod ng mga bansa na
Iraq 58% may mataas na bahagdan ng marunong
Yemen 43% bumasa at sumulat
40. Paano nakakaapekto sa pag-unlad ng isang bansa ang kalidad ng edukasyon?
A. Hinuhubog nito ang kaisipan ng bawat tao
B. Walang mabuting maidudulot ang edukasyon
C. Tumutulong ito para maging isang mabuting tao para sa pag-unlad ng pamilya
D. Ito ang nagsasanay sa mga bata para maging isang mahusay na manggagawa sa hinaharap

41. Paano nakatulong ang relihiyon sa pang araw araw na pamumuhay ng mga tao?
A. Naiimpluwensyahan nito ang trabaho ng bawat tao
B. Ito ang nagdidikta sa kung ano ang tama at mali sa ginagawa ng tao
C. Ang relihiyon ang nagiging batayan sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao
D. Naiimpluwensyahan nito ang sining, arkitektura, panitikan at iba pa maging ang personal na
gawi ng bawat tao.

42. Ang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam ngunit
nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng diskriminasyon sa mga kababaihan?
A. Pagsusuot ng burka na tumatakip sa buong katawan ng mga babae
B. Sa usaping kasal, pinapayagan ang mga lalaki na magkaroon ng hanggang apat na asawa
C. Kawalan ng karapatan na bumuto, mag-aral, magtrabaho at tumanggap ng benepisyong
pangkalusugan
D. Lahat ng nabanggit

43. Patuloy ang pag-angat ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Bilang isang mag-aaral, paano mo higit
pang mapapaunlad ang ating bansa?
A. Magtrabaho agad ng maaga para makatulong sa pamilya
B. Mag-aral na mabuti at sumunod sa alituntunin ng paaralan
C. Huwag nang pumasok para hindi gumastos ang mga magulang
D. Pangunahan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa ating bansa

44. Paano nakatulong sa mga bansa sa Asya ang pag-import ng ibang produkto mula sa ibang bansa?
A. Hindi ito nakatulong
B. Lalong yumaman ang mamumuhunan
C. Kumikita ang mga negosyante sa bansa ng malaki
D. Natutugunan nito ang kakulangan ng isang bansa lalo na sa likas na yaman

45. Ano ang ipinapakita ng pagkakaroon ng mataas na GDP ng isang bansa?


A. Mabilis na paglaki ng populasyon ng isang bansa
B. Maraming tao ang walang trabaho sa isang bansa na mataas ang GDP
C. Mataas ang pagkonsumo sa likas na yaman ng bawat tao sa isang bansa na may mataas na GDP
D. Marami ang mga taong may trabaho at maganda ang sahod ng mga tao na nakatira sa mga
bansa na may mataas na GDP

46. Kung ating pagsusunud-sunurin ang datos batay sa istadistika, aling tatlong mga bansa sa Asya ang
may pinakamataas na GDP noong nakaraang 2006-2007
Bansa % Growth 2006-2007 Bansa % Growth 2006-
2007
Afghanistan 23.86 Maldives 12.96
Bahrain N.A Nepal 14.19
Bhutan 16.40 Oman N.A
India 27.80 Pakistan 13.19
Iran 21.56 Qatar N.A
Iraq N.A Saudi Arabia 7.02
Israel 13.9 Sri Lanka 14.40
Kuwait N.A Turkey 24.00
Lebanon 5.46 Yemen 18.4
A. India, Nepal, Turkey C. India, Turkey, Afghanistan
B. Israel, Iran, Pakistan D. Turkey, Pakistan, Saudi Arabia

47. Ang pagsakop ng Kanlurang Bansa sa Asya ay nagbigay ng maraming epekto sa lahat ng aspeto sa
pamumuhay ng mga Asyano. Ano ang tawag sa di-tuwirang pananakop sa isang bansang Malaya na
may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa?
A. Globalisasyon B. Katolisismo C. Kolonyalismo D. Neokolonyalismo

48. Bakit neokolonyalismo ang ginamit na pamamaraan ng mga makapangyarihang bansa upang kontrolin
ang mga bansang dati nilang kolonya?
A. Upang makuha ulit nila ang dati nilang kolonya
B. Upang mahuthot ang likas na yaman ng kanilang kolonya
C. Upang mapanatili ang kanilang kontrol sa isang bansa na hindi sila nagiging masama sa paningin
ng iba
D. Dahil ito ang makabagong uri ng pananakop na sumibol pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
49. Paano nakaapekto ang kalakalan sa kultura ng bawat bansa sa Asya?
A. Walang naging epekto ang kalakalan sa Asya
B. Yumaman ang maraming mga mangangalakal
C. Nagdala ng ibat-ibang produkto ang ibat ibang mga bansa
D. Dahil sa kalakalan nagkaroon ang mga Asyano ng ugnayan dala rin ng ibat –ibang kultura

50. Bakit naging malaki ang papel ng kalakalan sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?
A. Dahil sa kanilang pera
B. Dahil sa kanilang relihiyon
C. Dahil sa kanilang impluwensiya mula sa mga kanluraning bansa
D. Dahil sad ala ng mga mangangalakal ang bagong ideya, teknolohiya at paniniwala.

SUSI SA PAGWAWASTO:

1. B 26. A
2. C 27. C
3. D 28. B
4. C 29. D
5. A 30. B
6. D 31. B
7. C 32. B
8. A 33. A
9. D 34. B
10. A 35. C
11. D 36. D
12. C 37. A
13. D 38. D
14. D 39. C
15. C 40. D
16. D 41. D
17. A 42. D
18. D 43. B
19. D 44. D
20. C 45. D
21. D 46. C
22. C 47. D
23. D 48. C
24. A 49. D
25. B 50. D

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 7

Taong Panuruan 2019-2020


TALAAN NG ISPISIPIKASYON
ngBlg.

Kinala

Kompetensi Antas ng
% ng

Bilang
Oras

Pagtataya
Aytemlagyan ng
na Ginugol sa Pagtuturo

Bilang ng Aytem
ng Miting
K P U

Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at


imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at
ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya. 1 4 2 √ 1, 2
AP7TKA-IIIa-1.1

Nabibigyang halaga ang papel ng kolonyalismo at


imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya 1 4 2 √ 3, 4
AP7TKA-IIIa-1.2

Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng


kolonyalismo 1 4 2 √ 5, 6
AP7TKA-IIIb-1.3

Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya 1 4 2 √ 7, 8
AP7TKA-IIIb-1.4
Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado
sa Timog at Kanlurang Asya sa pagpasok ng mga kaisipan at
impluwensyang kanluranin sa larangan ng
6.1 pamahalaan
6.2 kabuhayan
6.3 teknolohiya
6.4 lipunan
9,10
6.5 paniniwala 1 4 2 √
6.6 pagpapahalaga
6.7 sining at kultura
AP7TKA-IIIb-1.5

Naihahambing ang mga karanasan sa Timog at Kanlurang


Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin 1 4 2 √ 11,
AP7TKA-IIIc-1.6 12

Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo


ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya 1 4 2 √ 13,
AP7TKA-IIIc-1.7 14

Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay – daan sa


15,
pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo 1 4 2 √
AP7TKA – IIId-1.8 16

Naipaliliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng


nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya 1 4 2 √ 17,
AP7TKA-IIId1.9 18

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan


ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya tungo sa 19,
paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo 1 4 2 √
20
AP7TKA-IIId-1.10
Nasusuri ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot etniko sa
Asya katulad ng partisyon/paghahati ng India at Pakistan 21,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIe-1.11 22

Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Timog at


Kanlurang Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa
kolonyalismo 23,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIe-1.12 24

Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang


pandaigdig sap ag-aaangat ng mga malawakang kilusang 25,
1 4 2 √
Nasyonalista 26
AP7TKA-IIIe-1.13
Nasusuri ang kaugnayan ng ibat-ibang ideolohiya (ideolohiya
ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga 27,
malawakang kilusang nasyonalista 1 4 2 √
28
AP7TKA-IIIf-1.14
Natataya ang epekto ng mga samahang kababaihan at ng
mga kalagayang panlipunan sa buhay ng kababaihan tungo
sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at 29,
1 4 2 √
karapatang pampolitika 30
AP7TKA-IIIf-1.15

Naipapahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan


ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa 31,
Timog at kanlurang Asya 1 4 2 √
32
AP7TKA-IIIh-1.16
Nasusuri ang balangkas ng mga pamahalaan sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya 33,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIh-1.17 34

Natataya ang mga palatuntunang nagtataguyod sa


karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng mga
kababaihan, mga grupong katutubo, mga kasapi ng caste sa 35,
India at iba pang sektor ng lipunan
1 4 2 √
36
AP7TKA-IIIi- 1.18

Napaghahambing ang kalagayan at papel ng mga


kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang
Asya at ang kanilang ambag sa bansa 1 4 2 √ 37,38
AP7TKA-IIIg- 1.19

Natataya ang kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng


mga Asyano 39,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIg-1.20 40

Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t


ibang aspekto ng pamumuhay
41,
AP7TKA-IIIg-1.21 1 4 2 √
42
Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabagong pang-
ekonomiya na naganap/ nagaganap sa kalagayan ng mga
bansa 43,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIh- 1.22 44

Natataya ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at pag-


unlad ng Timog at Timog-Kanlurang Asya gamit ang
45,
estadistika at kaugnay na datos. 1 4 2 √
AP7TKA-IIIh-1.23 46

Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa


Timog at Kanlurang Asya 47,
1 4 2 √
AP7TKA-IIIh- 1.24 48

Natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang


ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya 1 4 2 / 49,50
AP7TKA-IIIi- 1.25

KABUUAN 25 100 50 10 12 3 50

You might also like