You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region V
Department of Education
Schools Division of Sorsogon
SAN FRANCISCO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Francisco, Bulan, Sorsogon

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


ARALING PANLIPUNAN-7

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel (1/2
lenghtwise).

1. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng
kanilang Diyos o Dyosa?
a. Great Wall of China
b. Taj Mahal
c. Ziggurat
d. Hanging Garden
2. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
a. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nagingibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig
b. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
c. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
d. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent

3. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

b. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya

c. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak

d. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.

4. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?

a. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at


sistema ng pagsulat

b. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat

c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran

d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan.

5. Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na pag-ulan?

a. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag
tag-ulan

b. Nagtatanim sila ng malaking puno sa tabi ng ilog

c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kuweba kapag tag-ulan

d. Nagtatayo sila ng mga dike at nagtatanim ng malalaking puno at inaayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan .
6. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?

a. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan

b. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may sentralisadong
sistema ng kanal sa ilalim ng lupa

c. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito

d. Dahil maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito

7. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?

a. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan

b. Ang gawain ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro lamang sa tungkuling panrelihiyon

c. Ang tirahan ng hari ng Sumer at Indus ay sa mga templo samantalang ang hari ng Shang ay malayo sa mga
tao

d. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lamang panrelihiyon

8. Si Trisha ay napili ng dibisyon para kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng
piling mag-aaral ng iba’t-ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng ng mga kalutasan sa problemang
kinakaharap ng mga kabataan sa Pilipinas. Alin sa sumusunod ang dapat niyang ihanda at isaalang-alang?
a. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng mga kabataang Pilipino.

b. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema ng kabataang Pilipino

c. Progress report chart ng bansa

d. Datos na naglalaman ng suliranin at datos kung paano ito nalutas ng bansa.

9. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan
ng mga kontribusyong Asyano. Ano an gagawin mo para makilala at makita nang lahat ang mga nasabing
kontribusyon?

A. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay

B. Collage Making Contest

C. Open house exhibit

D. Quiz contest

10. Naatasan ka ng inyong guro na kumatawan sa pagpupulong sa inyong paaralan na ang punto ng pag-uusapan
ay tungkol sa mga karapatan ng mga minority group. Naipangako mo sa inyong kaklase na poprotektahan mo
ang ilang kamag-aral na nabibilang sa ganitong pangkat. Alin sa sumusunod ang maaari mong ihanda bago ka
humarap sa pagpupulong?

A. Case study

B. Resolusyon

C. Report ng mga insidenteng may kinalaman sa minority group sa paaralan

D. Powerpoint presentation
II. Tukuyin at ibigay kung ano ang hinihingi sa pangungusap. Pilin at isulat ang sagot na matatagpuan sa loob ng
kahon.

_____________1. Itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnang umusbong sa daigdig

_____________2. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian

_____________3. Sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus

_____________4. Sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Tsino/Shang

_____________5. Pamumuhay na kinagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

_____________6. Masalimuot na pamumuhay sa lungsod

_____________7. Mga tagatatala ng pangyayari at kasaysayan sa panahon ng sinaunang kabihasnan

_____________8. Templo ng mga sinaunang Mesopotamia tulad ng Sumerian na pinaniniwalaang Diyos o Dyosa

_____________9. Lugar na pinag-usbungan ng kabihasnang Sumer

_____________10. Gamit na yari sa metal sa pagsasaka

Mesopotamia Ziggurat Scribe Sibilisasyon Kabihasnan Calligraphy

Pictogram Cuneiform Sumer araro

III. Enumerasyon:

Mga kabihasnang Umusbong

1. 2. 3.

Mga kontribusyon o ambag ng mga Sumerian sa daigdig

1. 2. 3.

4. 5.

Mga kilalang lungsod ng Indus

1. 2.

Inihanda ni:

GLADYS G. BALDEO

You might also like