You are on page 1of 14

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 7-ARALING ASYANO

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.

1. Sinasabing ang salitang kabihasnan at sibilisasyon ay magkasingkahulugan. Ano ang ibig sabihin ng
sibilisasyon?
A. Tumutukoy ito sa pamumuhay sa isang lungsod
B. Tumutugon ito sa pamumuhay sa mga lipunang umusbong sa lambak-ilog
C. Tumutukoy ito sa kultura ng mag sianunang tao
D. Tumutukoy ito sa urbanisasyon ng mga lugar

2. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan.


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya.
C. Pamumuhay na nkagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.

3. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?


A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura at sistema ng pagsulat
B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng malaking populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

4. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapahayag na may umiiral na kabihasnan o sibilisasyon?
A. Kapag ang tao ay natutuong humarap sa hamon ng kapaligiran
B. Kapag ang tao ay marunong bumasa o sumulat
C. Kapag ang tao ay may hanapbuhay
D. Kapag ang tao ay may nalinang na relihiyon

5. May mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan. Piliin sa mga sumusunod ang mga batayang
nakapaloob sa pagbuo nito
I. May organisado at sentralisadong pamahalaan
II. Espesyalisasyon sa paggawa at uring panlipunan
III. May mataas na kaalaman,sining,at arkitektura
IV. May masalimuot na relihiyon at sistema ng pagsulat

A. I, II, IV B. II, III, IV C. I, II, III, IV D. I, II, III

6. Sa panahong ito ang mga tao ay may kakayahan na gumawa ng gamit mula sa bato.
A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Paleolitiko D.Metal

7. Bakit masasaning parasitiko sa kapaligiran ang mga tao sa panahong paleolitiko?

A. Umaasa lamang sila sa kung ano ang biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na
makapupuno sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
B. Natuto silang mag-alaga ng hayop at manirahan sa isang kugar
C. Umaasa lamang sila sa mga bunga ng punong kahoy na malalaglag bilang kanilang pagkain.
D. Sila ay natutong makipagkalakalan

8. Ito ang nagsilbing transisyon sa panahon ng lumang bato at bagong bato.


A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Mesolitiko D.Metal

9. Bunsod ng patuloy na pagbabago sa llipunan, anong panahon ito kung saan ang mga tao ay nadiskubre
ang paggamit ng mga kasangkapang yari sa tanso at bakal?
A. Panahong Mesolitiko C. Panahon ng Metal
B. Panahon ng Bato D. Panahon Neolitiko

10. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari noong panahong Neolitiko
A. Nadiskubre ng tao ang apoy C. Nagkaroon ng uri ang lipunan
B. Natutong magtanim ang tao D. Natanto ng tao ang kanyang kaganapan

11. Ang kinilala bilang “cradle of civilization’ dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao sa
Asya.
A. Mesopotamia B. Shang C. Indus D. Greece

12. Sinasabing may pagkakatulad ang mga lugar kung saan umusbong ang mga sinaunang kabihasnan at isa
na dito ang pagkakaroon nila ng malalaking ilog. Anong kabihasnan ang naitatag sa sa ilog Indus?
A. Sumer B. Indus C. Shang D. Roman

13. Maraming istrukturang nagpapakita ng kaalaman at karangyaan ng pamumuhay ng mga sinaunang


kabihasnan. Alin sa mga sumusunod ang nagsilbing dambana ng mga diyos at diyosa ng mga
Sumerians?
A. Great Wall of China B. Ziggurat C. Taj Mahal D. Hanging Garden

14. Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang
tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit
dito.
A. Tigris at Euprates C. Indus B. Huang Ho D. Nile

15. Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa aitn nagmula ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa damdaming ito?
A. Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
B. Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
C. Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
D. Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing pundasyon ng
kasalukuyan

16. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may

sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa


C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito

17. Bakit lubhang limitado ang nakatalang impormasyon sa kasaysayan ukol sa kabihasnang Indus?
A. Dahil walang naisulat ukol sa kabihasnang Indus
B. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga eksperto ang
pictogram ng kabihasnang Indus
C. Dahil walang nahukay na ebidensya tungkol sa kanila
D. Dahil nalibing na sa limot ang kabihasnang ito

18. Itinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa daigdig ang Sumer. Alin sa mga sumusunod
ang nagpapatibay sa kaisipang ito?
A. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. Dahil kinilala silang unang sibilisasyon ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon
sa daigdig
C. Dahil nagkaroon sila ng matatag na sistemang political
D. Dahil sila ang may pinakamatatag na sistemang pangrelihiyon

19. Hindi man magkakasabay na lumitaw sa Asya ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang ay
magkakapareho naman itong umusbong sa ____________.
A. Bundok B. Lambak-ilog C. Kapatagan D. Dalampasigan

20. Sa mga kabihasnang naitatag sa Asya, ano ang pagkakatulad sa kanilang pisikal na katangian?
A. Matabang lupa at malalaking ilog C. Tabing dagat at malawak na pangisdaan
B. Malalawak na damuhan at kagubatan D. Matataas na bundok at burol

21. Ayon sa kasaysayan ang halos lahat ng relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya. Kung gayon, bilang isang
Asyano ano ang iyong mararamdaman hinggil dito?

A. Pagmamalaki sapagkat bahagi ako ng mga taong naging dahilan ng kontribusyong ito
B. Pagmamalaki sa mga dayuhan na angat an gating lahi kaysa sa kanila
C. Pagkalungkot sapagkat sana iisang relihiyon na lang ang naitatag noon sa Asya
D. Pagkaawa sapagkat dahil sa relihiyon ay nagkakagulo ang mga Asyano

22. .Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng baha at malakas na tag-ulan?

A. Nagtatayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa lupain kapag tag-ulan
B. Nagtatanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
C. Nagtatago sila at bumabalik sa kuweba kapag tag-ulan
D. Nagtatayo sila at bumabalik sa kuweba kapag tag-ulan at inaayos ang mga daluyan ng tubig upang
hindi pumasok sa kanilang pamayanan

23. Lumikha si Haring Hammurabi ng kalipunan ng mga batas upang itaguyod ang maayos na kaugalian at
lipunan sa kanyang nasasakupan. Ito ay tinawag na Code of Hammurabi o Batas ni Hammurabi. Ang

batas nito ay tinatawag ding___________


A. Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin C. Muslim Code
B. Code of Manu D. Babylonian Code

24. Sa makabagong sistema ng pagbabatas ngayon, makatwiran pa din ba ang prinsipyo ng Kodigo ni
Hammurabi?

A. Oo, dahil kung ano ang inutang iyon din ang kabayaran
B. Hindi, dahil ang bawat nagkasala ay may karampatang parusa upang makamit ang katarungan.
C. Oo, dahil mas napapdali nito ang kahatulan at katarungan.
D. Hindi, dahil ang batas ay may kinikilingan at pinapaboran.

25. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura
at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao.
Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?

A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan


B. Piliin ang mga kultura at tradisyon ng bansa na maaaring ipagmalaki
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng
bansa
D. Ang kultura ng mga bansang Asyano ay mas mataas ang antas kaysa mga bansang hindi Asyano.

26. Ang mga sinaunang hari o pinuno sa Timog- Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga ‘Men of Prowess’.
Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang pinakamahusay na naglalarawan dito?
A. Sila ang mga lalaking may angking kakaibang tapang, galing at talino
B. Sila ang mga lalaking may kakayahang magkaloob ng ritwal at papuri sa diyos
C. Sila ang mga lalaking may kakayahang mamuno sa kanilang mga nasasakupan
D. Sila ang nagtataglay ng angking husay sa pamumuno at pagsasaka

27. Malaki ang papel na ginampanan ng mga paring-hari sa pamumuno ng sinaunang lipunan. Papaano nila
ginampanan ang kanilang tungkulin?
A. Nangaral ng mabuting aral sa nasasakupan at namuno sa mga pakikipaglaban
B. Namagitan sa diyos at sa mamamayan at nagpapatupad ng batas para sa kapayapaan ng
nasasakupan
C. Nag-aalay ng ritwal sa mga diyos at namumuno sa gawaing pang-ekonomiya
D. Nananatili sa templo at nag-uutos bilang hari

28. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay Anak ng langit
A. Devajara B. Men of Prowess C. Caliph D. Mandate of Heaven

29. Sa impluwensiyang Hinduism sa India, kinikilala ang kanilang hari bilang devaraja o haring diyos.
Kinikilalala naman sa Buddhism ang kanilang pinuno bilang cakravartin na nangangahulugang:
A. Anak ng Langit C. Hari ng Buong Daigdiig
B. Anak ng Araw D. Hari ng Kalikasan

30. Ayon sa mga Tsino ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang namumuno ay tinatawag na anak
ng langit. Sa anong kaisipan ito nakabatay?
A. Animismo B.Sinocentrism C. Shintoism D. Jainism

31. Ang Bibliya na nanging pundasyon ng pananampalatayang Judaism at Kristiyanismo, pinakamahalagang


pamananng imperyong ito?
A. Imperyong Akkadian C. Imperyong Hebreo
B. Imperyong Chaldean D. Imperyong Assyrian

32. Ayon sa mga Hapon, ang kanilang unang emperador ay nagmula sa langit na tinatawag nilang anak ng
araw. Ano ang pangalan nito?
A. Tenno B. Amaterasu C. Fujiwara D. Naruto

33. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Aryan?


A. Bibliya B. Sanskrit C. Vedas D. Koran

34. Ito ay tumutukoy sa sistema ng mga paniniwala at pagsamba sa Diyos.


A. Pilosopiya B. Tradisyon C. Relihiyon D. Paniniwala

35. Sa anong tradisyon o paniniwala nabibilang ang pagsamba sa mga anito?


A. Thailand B. China C. Vietnam D. Pilipinas

36. May nalinanang na iba’t-ibang paraan ng pagsulat ang mga kabihanan sa Asya. Ito ay ang paraan ng
pagsulat ng mga Sumerian.
A. Pictogram B. Cuneiform C. Calligraphy D. Alibata

37. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig


A. sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform C. mga seda at porcelana
B.ang pagkatuklas ng pottery wheel D. .pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system

38. Anong sistema ng pagsulat ang natuklasan ng mga Indo-Aryan?


A. Calligraphy B.. Cunieform C. Pictogram D. Sankrit

39. Ang Tsina ay nagkaroon ng apat na Dakilang Dinastiya. Bakit tinawag itong dakilang dinastiya?
A. Lumawak ang impluwensya ng Tsina sa panahong ito
B. Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila
C. Nagkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa panahong ito sa iba’t ibang larangan
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya

40. Sa sinaunang kasaysayan ay makikita ang halos magkakatulad na kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng
Asya. Sa Kanlurang Asya ay maraming Imperyo ang namayagpag, mga dinastiya naman sa Hilaga at
Silangang Asya, mga kaharian at imperyo sa Timog at Timog Silangang Asya. Bakit sa nagkaroon ng
maraming papalit-palit na pamunuan sa iba’t ibang bahagi ng Asya?

A. Dahil nagkaroon sila ng halalan tuwing magpapalit ng pamunuan


B. Dahil isinusunod ang pangalan ng imperyo/dinastiya o kaharian sa pangalan ng pinuno
C. Dahil maraming ulit na nagkasakupan ang iba’t ibang pangkat at naagaw ang mga pamunuan sa
mga dating pinuno
D. Dahil hindi sapat ang isang liderato lamang upang umunlad ang kabihasnan

41. Naganap ang “Ginintuang Panahon “ ng India sa ilalim ng Imperyong Gupta. Anong pahayag ang
magpapatunay dito?
A. Umunlad ang teknolohiya ng paghahabi ng seda at kalakalan
B. Lumawak ang nasasakupan ng India
C. Umunlad ang agham, matematika, medisina at panitikan
D. Umunlad ang mga Brahmin na nagdulot din ng kasaganahan sa iba

42 . Ang Caste System sa India ay sinaunag paghahati ng lipunan na may iba’t-ibang antas o pangkat ng mga
tao. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?

A. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.


B. Ang Sudras ang pinakamataas na uri ng lipunan.
C. May matataas na pinuno na bahagi rin ng Sudras
D. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kaniyang antas at karapatan.

43. Ang sistemang Caste ay ginawa ng mga Aryan upang magkaroon ng pag-uuring panlipunan dahilan upang
magkaroon ng___________sa India hanggang ngayon
A. Diskriminasyon B. Pagsasakripisyo C. Pagrespeto D. Digmaan

44. Isa sa mga paniniwalang Hindu ay ang karma. Ano ang bahaging ginagampanan nito sa kanilang buhay?
A. Hindi sila nakikisalamuha sa kanilang kapwa upang hindi sila makagawa ng masama
B. May karapatan silang mamimili kung kabutihan ba o kasamaan ang kanilng isasabuhay
C. Ang pagpapakita nila ng kasamaan sa kapwa ay nangangahulugang kaligtasan nila sa mga
pagdurusa
D. Ang kanilang pamumuhay ay naaayon sa kabutihan sapagkat ito ay gagantimpalan din ng
kabutihan

45. Sa Japan nagmula ang ______________ na naglalarawan ng mga alituntuning dapat sundin ng
isang samurai.
A. Reincarnation B. Bushido C. Foot Binding D. Kowtow
46. Ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo.Nakabatay sa buhay at turo ni Kristo. Si
Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
A. Krisyanismo B. Sikhismo C. Islam D. Judaismo

47. Ang pangunahing relihiyon sa India na,mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa dito.
Naniniwala sila sa maraming Diyos mula sa ibat ibang likha ng kalikasan,subalit ito ay naglaho at
napalitan ng pagsamba kay Brahma.
A. Krisyanismo B. Budismo C. Hinduismo D. Judaismo

48. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhism ay nagsasaad na “Buhay ay


nangangahulugang puno ngpaghihirap”. Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag?
A. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay
B. Kahit pa magsumikap ang tao ay makakaranas pa rin siya ng paghihirap
C. Panghabangbuhay ang paghihirap ng tao
D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagkakasakit

49. Ang Mahayana Buddhism ay lumaganap sa China, Korea, Maongolia, Tibet at Japan. Papaano
ito naiiba sa Hinayana o Theravada Buddhism na lumaganap sa India?
A. Naniniwala sila sa mabababang uri ng diyos ang mga bodhisattva na tumutulong sa tao na makamit
ang nirvana
B. Naniniwala lamang sila sa nag-iisang diyos na si Buddha
C. Ang tamang meditasyon lamang ang pinaniniwalaan nilang paraan para makamit ang nirvana
D. Naniniwala sila sa reinkarnasyon

50. Ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo ay nabahiran ng paniniwalang animismo o Folk
Catholicism. Ano ang nagpapatunay sa pahayag na ito?
I. paniniwala sa nuno, malign at lamang-lupa
II. paniniwala sa usog at kulam
III. pagpapako sa krus tuwing mahal na araw
IV. pagsamba kay Jesus na anak ng Diyos

A. I, II, IV B. II, III, IV C. I, II, III D. I, III, IV


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 8-KASAYSAYAN NG DAIGDIG

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.

1. Ito ay tumutukoy sa panahon kung saan nalinang ang mga kaisipang naging pundasyon ng mga
kabihasnang Greek at Roman.
A. Prehistoriko B. Klasikal C. Medieval D. Ancient

2. Saang pulo umusbong ang kabihasnang Minoan?


A. Aegean B. Crete C. Ionian D. Doric

3. Anong lungsod-estado sa Asya ang napasakamay ng kabihasnang Mycenaean?


A. Knossos B. Crete C. Troy D. Corinth

4. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa Isla ng Crete. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa, at Asya ang isla ng Crete
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Africa at Asya ang Kabihasnang Minoan

A. I at II B. II at III C. II at IV D. I, II,

5. Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan. Yumaman ito sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ang sandatahang-panlakas ng Minoan.
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napapalibutan ng mga kabundukan isla ng Crete

6. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Mycenean?


A. Digmaan C. Pagsalakay ng mga Dorian
B. Pagputok ng bulkan D. Pagkagalit ni Zeus

7. Alin ang HINDI totoo tungkol sa Dark Age ng Greece?


A. Laganap ang kaguluhan C. Taggutom at epidemya
B. Matatag ang pamahalaan D. Bagsak ang kabuhayan

8. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa pagkabihag ng lungsod-estado ng Troy sa kamay ng


kabihasnang Mycenaean?
A.Iliad B.Oddysey C.History of Persian War D.Mahabharata

9. Alin sa sumusunod ang naglalawaran sa “polis” bilang isang lungsod-estado?


A. Ang “polis” ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin ang demokrasya.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang lungsod.
C. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang “polis” at nahahati ito sa iba’t ibang yunit ng pamahalaan
D. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang “polis”

10. Ang bawat polis ay mga nakatakdang pamilhan na tinatawag na agora. Mayroon din silang mataas na
bahagi kung saan nakalagak ang mga gusali tulad ng templo at pamahalaan. Ito ay ang ______.
A. metropolis B. acropolis C. phalanx D. ostrakon

11. Ang mga Greek ay nakilala sa iba’t ibang larangan tulad ng arkitektura. Kahanga-hanga ang mga templo
na matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na
Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto .Alin sa mga sumusunod ang
pinakamagandang halimbawa nito?
A.Taj Mahal B.Colosseum B.Parthenon D.Ziggurat

12. Alin ang HINDI totoo tungkol sa mga mamayang Greece?


A. Ang mga lalaki ang nakakapag-aral ng mataas
B. Maaring bumoto ang mga kababaihan.
C. Sa edad na 18 nakapaglilingod sa pamahalaan ang mga lalaking Greek.
D. Kailangang magsanay ang mga lalaki ng dalawang taon sa pakikipaglaban.

13. “Our constitution is called a democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole
people. When it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…”
- PERICLES. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan

14. Aling lungsod-estado ang matatagpuan sa hilagang bahagi ng Greece na pinamunuan ni Haring Philip II?
A.Crete B.Mycenae C.Troy D.Macedonia

15. Sa ilallim ng kanyang pamumuno, lumakas ang Imperyo ng Macedonia at umusbong ang kulturang
Hellenistic?
A. Alexander B. Philip C. Themistocles D. Leonidas

16. Ayon sa isang matandang alamat ang ________ ay itinatag ng kambal na sina Romulus at Remus.
Habang mga sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa Tiber River ng kanilang
amain sa takot na angkinin ng kambal ang kaniyang trono.
A.Greece B.Rome C.Sparta D.Athens

17. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor C. Patrician at Plebeian
B. Etruscan at Roman D. Maharlika at Alipin

18. Ano ang tawag sa pamahalaan ng Rome, kung saan walang haring namumuno?
A. Republic B. Democracy C. Monarchy D. Pax

19. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang makapangyarihan sa
Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pang-ekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-
lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang mga malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage
at Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece kaya naging makapangyarihan ito.
D. Lahat ng nabanggit ay sagot

20. Dahil sa patuloy na laganap ang katiwalian sa Republika ng Rome, nagpasya ang tatlong tao na sila
Caesar, Pompey at Crassus na bumuo ng isang alyansa. Ano ang tawag dito?
A. Assembly B. Senate C. Triumvirate D. Legion

21. Sino-sino ang bumubuo ng Ikalawang Triumvirate?


A. Octavian, Brutus, Lepidus C. Mark Antony, Lepidus, Crassus
B. Caesar, Pompey, Octavian D. Octavian, Mark Antony, Lepidus

22. Pagkamatay ni Mark Antony, naiwan kay Octavian ang lahat ng kapangyarihan. Kinilala siya bilang si
Augustus. Ito ang naging hudyat ng ______.
A. Imperyong Roman B. Republic C. Dark Age D. Pax Romana

23. Sa loob ng 200 taon, pinamunuan ang Rome ng mga emperador na nagdulot ng kapayapaan at
kasaganaan sa imperyo. Ito ay tinatawag na _______.
A. Imperyong Roman B. Republic C. Dark Age D. Pax

24. Maliban sa Greece at Rome, sumibol din ang kabihasnang klasikal sa Mesoamerica, Africa at mga pulo sa
Pacific. Sa paanong paraan sila maihahalintulad sa mga kabihasnang sumibol sa Europe?
A. Nagsimula ang pag-usbong ng mga kaisipang klasiksal na humubog sa mga sibilisasyon sa
Mesoamerica, Africa at mga pulo sa Pacific.
B. Lumakas at lumaganap ang kapangyarihan ng mga sibilisasyong ito sa buong daigdig,
C. Nag-ugat ang mga rebolusyon at digmaan.
D. Nagtayo ang mga klasikal na kabihasnan ng mga imperyo.

25. Kung pagmamasdan sa mapa masasabing magkakalapit ang mga kabihasnang klasikal sa Europe, subalit
ang mga kabihasnan sa Mesoamerica, Africa at mga pulo sa Pacific ay lubhang naging malayo sa isa’t-
isa. Ano ang maaaring mabuong implikasyon nito?
A. Naging medaling sakupion ng mga mananakop ang kanilang kabihasnnan
B. Naging lihim sa kaalaman ng mga Europeo ang mga kabihasnang ito sa loob ng mahabang
panahon
C. Lumaganap ang mga iba’t-ibang kaisipan, paniniwla at relihiyon.
D. Umunlad ang sining at teknolohiya ng mga kabihasnang ito.

26. Anong bansa ngayon ang Mesoamerica?


A. Mexico B. Canada C. Peru D. USA

27. Sila nag isa sa mga unang kabihasnan sa Mesoamerica na nagtayo ng mga piramide.
A. Maya B. Aztec C. Inca D. Olmec

28. Kinilala sila bilang mga Children of the Sun


A. Maya B. Aztec C. Inca D. Olmec

29. Bumagsak ang kabihasnang Aztec nang kanilang mapagkamalan si _______ na isang Diyos.
A. Francisco Pizarro C. Ferdinand Magellan
B. Hernando Cortez D. Vasco Da Gama

30. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga sinaunang
kabihasnan sa Mesoamerica?
A. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng
kasalukuyang Mexico
B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng
pagsasaka at pakikipagkalakalan.
C. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan niyang alagaan
at linangin ang taglay nitong yamang likas.
D. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng muling
pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay

31. Bakit tinawag na “dark continent” ng mga Kanluranin ang Africa?


A. Dahil maiitim ang tao dito C. Dahil mahirap itong kontinente
B. Dahil hindi nila ito nagalugad agad D. Dahil sagana ito sa matabang lupa

32. Ang sinasabing pinakamalaking disyerto sa daigdig ay matatagpuan sa Africa. Ano ito?
A. Sahara B. Kalahari C. Gobi D. Taklamakan

33. Ang _______ ang tagapagmana ng Ghana na nagsimula sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang
outpost ng Imperyong Ghana.
A.Mali B.Songhai C.Axum E.Polynesia

34. Saang kontinente matatagpuan ang kaharian ng Axum (Aksum)?


A. Europa B.Asya C. Africa D. Timog Amerika

35. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng kaloob-

loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara


C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta ng
mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara.

36. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at Melanesia.
Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. maraming isla B.maliit na mga isla C. maitim na mga isla D. maitim ang mga tao sa isla

37. Aling pangkat ang may pinakamaraming pulo?


A. Australia B.Melanesia C. Micronesia D.Polynesia

38. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Isla ng Pacific ay pagsasaka at pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Isla ng Pacific ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o
“mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga to sa mga Isla ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.

39. Isa sa mga mahalagang pamana ng Athens ay ang demokrasya na nangangahulugang pamumuno ng
nakararaming mamamayan sa isang estado. Paano ito napaphalagahan sa kasalukyan.
A. Sa pamamagitan ng kompetisyon C. Sa pagbibigay ng sapat na edukasyon
B. Sa pagkakaroon ng halalan D. Sa paglalaan ng serbisyo sa paglilingkod
40. Sa anong larangan sa kasalukuyan nakatulong ang Aqueduct at Colloseum ng Rome?
A. Medisina B. Edukasyon C. Batas D. Inhenyeriya at Arkitektura

ANALOHIYA

Panuto: Tukuyin ang salitang kaugnay ng ikatlong salita. Gawing gabay ang unang tambalan. Bilugan ang titik
ng pinakaangkop na sagot mula sa mga pagpipilian.

41. Poseidon: diyos ng karagatan :: Zeus:_____


A. diyos ng apoy C. diyos ng langit at kidlat
B. diyos ng araw D. diyos ng karunugan

42. Sparta: Estadong Militar :: Athens :_________


A. Demokrasya B. Komunismo C. Monarkiya D. Oligarkiya

43. Julius Caesar: Rome :: Athens: _________


A. Pericles B. Augustus C. Alexander the Great D. Menes

44. Socrates : Plato :: Aristotle:_______


A. Xerxes B. Herodotus C. Alexander D. Philip

45. ”Ama ng Geometry”: Euclid :: ”Ama ng Kasaysayan”:___________


A. Herodotus B. Democritus C. Socrates D. Plato

46. maharlika : patrician :: karaniwang mamamayan:__________


A. tribune B. senate C. plebeian D.praetor

47. Greece : Peloponnesian War :: Rome:________


A. Punic War B. Trojan War B. Persian War D. Crusade

48. First Triumvirate: Julius Caesar :: Second Triumvirate:_____


A. Octavian B.Pompey C.Marcus Licinius D.Tiberius

49. Libangan : Labanan ng gladiator:: Batas:_____


A. atrium B. tunic C.Twelve Tables D. Appian way

50. Greece: Parthenon:: Rome___________


A. Aqueduct B. Ziggurat C. Colosseum D. Great Wall
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________ ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot mula
sa mga pagpipilian.

1. Ang mga sumusunod ay mga saklaw ng mikroekonomiks maliban sa ______________.


A. Demand ng mga mamimili C. Kita ng buong bansa
B. Suplay ng mga negosyante D. Mamimili

2. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na


idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto
ng demand?

A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.


B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t
ibang halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay
makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.

Para sa bilang 3-4, basahin ang talahanayan sa ibaba.

Iskedyul ng Demand Para sa Produktong A


Presyo Dami ng Demand
600 50
500 80
400 130
300 200
200 330
100 500

3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay
nagpapahiwatig ng ___________________.
A. Walang kaugnayan ang demand sa presyo
B. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
C. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
D. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4. Alin ang nagpapakita ng kurba ng demand ng Produktong A batay sa talahanayan?

A. C.

B. D.

5. Anong salik ang maaring magpababa sa demand ng motor?


A. Pagbaba ng presyo ng gulong C. Pagtaas ng presyo ng pamasahe
B. Pagbaba ng singil sa rehistrasyon. D. Pagtaas ng presyo ng gasolina.

6. Sa kasalukuyang panahon, malaki ang gampanin ng teknolohiya sa buhay ng mga tao. Dahil dito
Dumadami ang bumibili ng laptop dahil ito ang nauuso. Anong salik ng demand ito?
A.. Inaasahan ng mamimili C. Panlasa
B. Presyo ng kaugnay na produkto D. Kita
7. Natanggal sa trabaho ang ama ni Kardo kaya bumibili na lang siya sa ukay-ukay. Anong salik ng demand
ang nakaapekto?
A. Kita B. Panlasa C. Dami ng mamimili D. Kapalit na produkto
8. Kapag tumaas ang presyo ng kape, bumababa ang demand ng asukal. Ano ang relasyon ng asukal at
kape?
A. Magkaugnay na kalakal C. Magkatunggaling kalakal
B. Pamalit na kalakal D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 9, suriin ang graph sa ibaba.

9. Ano ang ipinapakita ng graph?


A. Pagtaas ng demand C. Pagtaas ng suplay
B. Pagbaba ng demand D. Pagbaba ng suplay

10. Tuwing panahon ng kapaskuhan hindi maiwasna ng tao ang bumili ng panghanda tuald ng quezo de bola
at prutas. Anong salik ng demand ang ipinakikita dito?
A. Kita B. Panlasa C.Inaasahan ng mamimili D. Kapalit na produkto

11. Sina Pirena, Amihan , Alena at Danaya ay mga negosyante ng bigas. Si ay Pirena ay nagbibili ng isang
sako sa halagang P1400, si Amihan ay P1390 kada sako samantalang P1410 kay Alena at P1380 kay
Danaya. Kung ikaw ang mamimili, kanino ka bibili?
A. Pirena B. Amihan C. Alena D. Danaya

12. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak sa tuwing sasapit ang Undas?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa bulaklak kaya lumilipat ang kurba
ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Undas, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas
ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Undas sapagkat
hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa
kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Undas, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.

13. Ano ang reaksyon ng isang variable sa pagbabago ng presyo?


A. Produktibidad B. Seguridad C. Integridad D. Elastisidad

14. Kung ang nakompyut na elastisidad ay eksaktong 1, ito ay nangangahulugang ________.


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Ganap na Elastic

Sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic.

15. alahas, gadgets, accessories


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

16. tubig, gamut, bigas


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

17. Nabawasna ng 20 porsyento ang dami ng binibiling TV set matapos taasan ang presyo nito ng 15
porsyento. Ano ang elastisidad ng TV set?
A. 15 B. 20 C. 5 D. 1.33

18. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser?
A. Demand B. Suplay C. Presyo D. Ekwilibriyo

Para sa bilang 19-20, basahin ang talahanayan sa ibaba.

Iskedyul ng Suplay Para sa Produktong B


Presyo Dami ng Demand
600 500
500 330
400 200
300 130
200 80
100 50

19. Alin ang nagpapakita ng kurba ng suplay ng Produktong B batay sa talahanayan?

A. C.

B. D.

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng batas ng supply?


A. Tumataas ang supply kapag tumataas ang presyo.
B. Bumababa ang supply kapag tumataas ang presyo.
C. Tumataas ang supply kapag bumababa ang presyo.
D. Tumataas ang supply kahit hindi bumababa ang presyo

21. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri
ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong
10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng
sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng
sardinas?
A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000

22. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksyon at suplay ng produkto?
A. Paggamit ng angkop na teknilohiya. C. Pagmahal ng mga salik ng produksyon
B. Pagdami ng bilang ng mga mamimili. D. Pagtaas ng demand para sa produkto.

23. Dati-rati maliit na makina lamang ang ginagamit ni Aling Nati sa pananahi ng mga burdadong damit. Sa
tinagal-tagal ng panahon nakaipon ng puhunan at nakabili ng dalawang yunit ng panahing pwedeng gamitin sa
pagbuburda. Dumami ang natatahing mga damit burdado na naging dahilan sa mabilis na produksyon ng
patahian. Ano ang naging epekto ng mga bagong makina sa kanyang patahian?
A. Naaliw si Aling Nati sa mabilis na pananahi.
B. Nawalan ng silbi na makatulong sa tahiin ni Aling Nati.
C. Nakadagdag ng gastusin ni Aling Nati taun-taon.
D. Nakatulong upang maparami ang natatahing damit.

24. Ang niyog, saging at kawayan ang pangunahing produkto ng Tanay, Rizal. Sa loob ng isang taon maaari
kang kumita ng 100, 000 piso sa kawayan, 150, 000 sa saging at 200, 000 sa kawayan. Kung ikaw ay may
balak magtanim alin sa mga ito ang iyong pagtutuunan ng pansin?
A. Niyog B. Saging C. Kawayan D. Hane

25. Tuwing sasapit ang Kapaskuhan at Piyesta ng Bayan ng Tanay nagkakaroon ng mga nagtitinda ng iba’t-
ibang produkto sa Plaza. Ano ang nangyayari sa dami ng suplay ng mga produkto?
A. Dumarami B. Kumakaunti C. Nanatili D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 26, suriin ang graph sa ibaba.

26. Ano ang ipinapakita ng graph?


A. Pagtaas ng demand C. Pagbaba ng supply
B. Pagbaba ng demand D. Pagtaas ng supply
27. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kapag tumaas ang presyo ng mga chicken feed?
A. Tataas ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito.
B. T ataas ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito.
C. Bababa ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito.
D. Bababa ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito.

28. Kung ang sitwasyon sa pamilihan ay ganito – ang suplay ng produkto ay kakaunti ngunit marami ang
demand ng tao – ang presyo ay _____.
A. Tataas B. Bababa C. Mananatili D. Walang Mangyayari

29. Nagkaroon ng brown-out sa kalakhang Maynila. Ano ang magiging epekto nito sa mga nagbibili ng
perishable goods?
A. Marami ang magsususplay C. Mananatili ang magsusuplay
B. Mababawasan ang magsusuplay D. Wala ng magsusuplay

Para sa bilang 30-34 sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic ang reaksyon sa
suplay.

30. Kailangang magdagdag ng kwarto sa resort.


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

31. Manufactured goods


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

32. Proporsiyonal na laki ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay.


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

33. Kung ang nakompyut na elastisidad ng suplay ay 0.99 ito ay nangangahulugang _______________.
A. Elastic B. Inelastic C . Unit Elastic D. Perfectly Elastic

34. Ano naman ang elastisidad ng suplay kung ito ay 1.01?


A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

35. Sa ekonomiks, kalian masasabing mayroong pamilihan sa isang lugar?


A. Kapag mayroong mamimili C.Kapag may tumatawad sa presyo
B. Kapag may nagbebenta D. Kapag may nagbibili at nagbebenta

36. Ang punto kung saan nagkakasundo ang mamimili at bahay-kalakal sa isang takdang presyo ay tinatawag
na _________.
A. Kakulangan B. Kalabisan C. Ekwilibriyong Presyo D. Ekilibriyo

Para sa bilang 37-40, suriin ang graph.

37. Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph?


A. 10 B. 20 C. 30 D. 40

38. Ano ang ekwilibriyong dami ng graph?


A. 300 B. 400 C. 500 D. 600

39. Sa anong presyo nagkakaroon ng surplus (kalabisan)?


A. 30 B. 40 C. 50 D. 60

40. Sa anong presyo nagkakaroon ng shortage (kakapusan)?


A. 10 B. 20 C. 30 D. 40

41. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagkakaroon ng ekwilibriyo?

A. Pantay ang dami ng suplay at demand


B. Mas madami ang demand kaysa suplay
C. Labis ang suplay kaysa demand
D. Walang demand at suply

42. Sa presyong 5000, ang demand para sa tablet X ay 20,000. Ngunit ang naprodyus na tablet X ay
15,000. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng ekwilibriyo?

A. Bawasan ang supply


B. Bawasan ang demand
C. Taasan ang presyo
D. Ibaba ang presyo

Para sa bilang 43-47, pag-aralan ang graph sa ibaba.

43. Alin ang nagpapakita ng ekwilibriyong presyo (EP) at ekwilibriyong dami (ED)?
A. EP=3, ED=9 B. EP=4, ED=12 A. EP=1, ED=6 A. EP=9, ED=3

44. Sa presyong P4, ilan ang handang isuplay ng prodyuser?


A. 3 B. 6 C. 9 D. 12

45. Sa presyong P1, ilan ang handang bilhin ng konsyumer?


A. 6 B. 9 C. 12 D. 15

46. Kung sa presyong P4 nangyayari ang kalabisan o surplus, ilang ang nagiging sobra nito?
A. 3 B. 6 C. 9 D. 12

47. Kung sa presyong P1 nangyayari ang kakulangan o shortage, ilang ang nagiging kulang nito?
A. 3 B. 6 C. 9 D. 12

48. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin
sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
D. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

49. Ano ang tawag sa pinakamataas na presyong itinakda ng pamahalaan sa isang produkto?
A. Price Floor B. Price Ceiling C. Price Control D. Price Adjustment

50. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mababa at hindi na makatarungan
para sa mga prodyuser dahil sa malaking gastos sa produksyon, gumagawa ng hakbang ang
pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano
ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. price ceiling B. price floor C. market clearing price D. price support

You might also like