You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
PARARAO HIGH SCHOOL
Pararao, Balatan, Camarines Sur
School ID: 302014
S/Y 2021-2022
ARALING PANLIPUNAN 7
SUMMATIVE TEST
KWARTER 2
PANGALAN: _________________________________BAITANG at SEKSYON: ______________ ISKOR:_______
Panuto: I. Basahing mabuti ang bawat pahayag/tanong at piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa daigdig?


a. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
b. Ang pagkakatuklas ng pottery wheel
c. Mga seda at porselana
d.Pagkakatuklas ng decimal system
2. Bakit naging mahalaga ang calligraphy sa mga Tsino?
a. Dahil ito ang mahalagang ambag ng kabihasnang Shang
b. Dahil ito ang pinagbatayan ng kanilang pamumuhay
c. Dahil ito ang nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino sa kabila ng ibaiba nilang wika
d. Dahil ito ang nagsilbing simbolo ng karakter ng mga Tsino
3. Ano ang patunay na ang Mohenjo-Daro at Harappa ay planado at organisadong lungsod sa kabihasnang
Indus?
a. May pare-parehong sukat ang bloke ng mga kabahayan
b. May sentralisadong kanal sa ilalim ng lupa
c. Maayos ang pagkakagawa ng kabahayan
d. Lahat ng nabanggit
4. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng
kanilang diyos o diyosa?
a. Great Wall c. Taj Mahal
b. Ziggurat d. Hanging Garden
5. Ang sumusunod ay ambag ng Sumer maliban sa isa. Alin ito?
a. sexagesimal system
b. lunar calendar
c. gulong
d. grid pattern
6.Ang ziggurat ay ang sentro ng pamumuhay sa kabihasnang Sumer. Ito ay tumutukoy sa arkitektura noon
bilang:
a. Dakilang pader laban sa mga barbarong mananalakay
b. Kanal para sa irigasyon ng matabang lupain
c. Malaking piramide sa disyerto
d. Templo na maraming palapag
7. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng kabihasnang Shang sa kabihasnang Indus at Sumer?
a. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon
b. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa itinadhana ng simbahan
c. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula
d. Batay ang pananampalataya ng Shang sa maraming diyos
8. Naniniwala sa diyos at diyosa ang mga Sumerian. Apat ang pinakamahalaga nilang diyos; si An ang diyos
ng kalangitan, Enlil-diyos ng hangin , Enki-diyos ng katubigan at Nihursag-diyosa ng kalupaan. Batay sa
nabanggit, ano ang tawag sa paniniwala sa maraming diyos?
a. politeismo b.tinismo c. monotismo d. animismo
9. Anong antas ng lipunan kabilang ang mga haring -pari sa
kabihasnang Sumer, Indus at Shang?
a. scribe b. magsasaka c.artisano d. maharlika
10. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagiging alipin sa lipunang Sumer
maliban sa isa. Alin ito?
a. mga dayuhang nahuli sa digmaan c. nawalan ng malawak na
lupain
b. ginawang pambayad-utang d. bilanggo
11. Sa anong ilog-lambak umusbong ang kabihasnang Sumer?
a. Indus at Huang Ho c. Huang Ho at Tigris
b. Nile at Tigris d. Tigris at Euphrates
12. Ang unang sibilisasyon sa India ay umusbong sa _________.
a. Ganges b. Indus c. Brahmaputra d. Salween
13. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng paring-hari?
a. tagapamagitan sa diyos at mamamayan
b. tagakolekta ng buwis
c. tagapamahalang ispiritwal at politikal
d. tagapamahala sa ekonomiya ng nasasakupan
14. Anong lungsod ang pinakakilala sa kabihasnang Shang?
a. Mohenjo-Daro c. Anyang
b. Uruk d.Lagash
15. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi katangian ng Harappa bilang punong-lungsod sa
kabihasnang Indus?
a. May maayos na arkitektura ng mga bahay na yari sa bato
b. May mga kalyeng mayroong paagusan ng tubig
c. May sariling kusina at karaniwang binubuo ng tatlong palapag
d. May sistema ng pagsulat na cuneiform na nababasa sa mga
pampublikong lugar
16. Taong eksperto o may kaalaman sa paggawa ng isang bagay.
a. Sayantist b. Geographer c. Artisano d. Ekspert
17. Kagamitang ginawa ng tao para sa isang mahalagang layunin.
a. Grid-Pattern b. Artifact c. Ziggurat d. Fertile Crescent
18. Isang tanggulan na nagsisilbing proteksyon sa mga tao kapag mayroong mananakop.
a. Citadel b. Barangay Hall c. Municipal Hall d. Paaralan
19. Matabang lupa na hugis arko na matatagpuan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates na pinagsibulan ng
kabihasnan ng Sumer.
a. Fertile Crescent b. Pilipinas c. Bicol d. Iraq
20. Isang templo na binubuo ng maraming palapag. Ang tuktok ang nagsisilbing dambana ng mga diyos ng
mga Sumerian.
a. Paring-Hari b. Ziggurat c. Citadel d. Grid-Pattern
21. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
b. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
c. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
d. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
22. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
a. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at sistema
ng pagsulat
b. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
23. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
a. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig.
b. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
c. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng politikal
d. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
24. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura
at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao.
Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
a. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
b. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
c. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa
d. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
25. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
a. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
b. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
c. Mga seda at porselana
d. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system
B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay wasto at M kung ito ay mali.

_________1. Ang pamumuhay at panirahan sa lungsod at dilungsod ay itinuturing na sibilisasyon.


_________ 2. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.
_________3. Ang mga sinaunang kabihasnan ng Sumer, Shang at Indus sa Asya ay maituturing din na sibilisasyon.
_________4. Maituturing na nasa mas mataas na antas ang pamumuhay sa lungsod kumpara sa pamumuhay na
nomadiko pastoral.
_________5. Ang sibilisasyon ay galing sa salitang Latin na “graphe” na nangangahulugang bihasa.
_________6. Ang katangiang pisikal ang humubog sa mga Sinaunang Kabihasnang Asyano.
_________7. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin
ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino saka umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon.
_________8. Ang uri ng gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring pangkultura.
_________9. Mangangalakal ang pinakamababang uring panlipunan
_________10. Mayroong mataas na antas ng teknolohiya ang mga sinaunang kabihasnan.
_________11. Mula sa salitang Latin na “civitas “ na nangangahulugang lungsod.
_________12. Pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao.
_________13. Binubuo ng sining, kaugalian, paniniwala at gawaing panlipunan.
_________14. Paniniwala sa isang makapangyarihan na tagapaglalang.
_________15. Isang organisasyon na may namamahala at nagpapatupad ng batas.
_________ 16. Ang hari sa kabihasnang Shang ay gumagamit ng oracles bones sa panghuhula.
_________17. Naniniwala sa monotismo ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang.
_________18.. Nakatira sa ziggurat ang hari ng Shang.
_________19.. Ang paring-hari sa Sumer ay siya ring pinuno ng lungsod- estado
_________20. Ayon sa mga Sumerian ang mga kabundukan ang sentro ng supernatural sa mundo

Inihanda ni:
Bb. Mary Kathlene L. Llorin
Subject Teacher
Lagda ng Magulang:

___________________

You might also like