You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: Marka: Q2 week 2-3


Baitang at Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pamagat

Panimula: Sa araling ito ay maipaghahambing ng mga mag-aaral ang kabihasnan at masuri


ang nilalaman ng bawat teksto tungkol sa mga sinaunang kabishanan ng Sumer, Indus, at
Tsina at matuklasan ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang ito.

Ang kabihasnang Sumer


 Mesopotamia – Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. Matatagpuan ang Mesopotamia
sa Gitnang Silangan na tinatawag na Fertile Crescent (Iraq), isang arko ng
matabang lupa na naging tagpuan ng iba’t iabng grupo ng tao mulaa sa Persian
Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Umusbong ang
kabihasnang Sumer (3500 – 3000) na itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang
kabihasnan sa buong daigdig. Dito na tuklasan ang Sistema ng pagsulat na
tinatawag na Cuneiform kung saan ay naitatala ng mga Scribe sa mga Clay tablet
ang mga mahahalagang pangyayaring nagaganap.

Ang Kabihasnang Indus


 Sa timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng ilog
Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa
Himalayas na nag-iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agricultural nito.
Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito at may mga pamayanan nang naitatag
noong panahon ng Neolitiko. Ito ay ang pamayanang Mhergah (3500 BCE) na nasa
kanluran ng ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agricultural ang pamumuhay ng
tao ditto batay sa mga nahukay na ebidensiya. Pinamunuan ang kabihasnang ito ng
mga naghaharing uri sa lipunan tulad ng mga haring pari. Dahil sa salat sa mga
punogkahoy at metal, pagsasaka ang ikinabuhay ng mga ato dito.

Ang Kabihasnang Tsina (Shang)


 Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinatawag ding
Yellow River dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng
loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agricultural na malapit dito.
Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sap ag-aayos
ng kanilang lungosd na napapalibutan ng mga matataas na pader na naging
paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain. May malinaw na pag
hahati ng lipunan sa lupain na ito, ang mga aristokrasya at ang mga mababang uri
na nailalarawan sa uri ng kanilang tirahan. Natuklasan ang Sistema ng pagsulat na
tinatawag na calligraphy na nagsisilbing tagapag isa ng Tsino.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus, Tsina)
AP7KSA-IIc- 1.4
Paalala/Mga Dapat Gawin:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


A. Panuto: Isulat ang tamang titik na sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinatawag ding
__________.
A. Clay tablet
B. Yellow River
C. The Great wall of China
D. Path along Xihao Gorge, China
______2. Natuklasan ang Sistema ng pagsulat na tinatawag na ___________ na nagsisilbing
Tagapag isa ng Tsino.
A. Scribe
B. Fertile Crescent
C. Calligraphy
D. Clay tablet
______3. Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinatawag na__________.
A. Scribe
B. Fertile Crescent
C. Calligraphy
D. Clay tablet
______4. Ang ________ ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-
Aayos ng kanilang lunsod.
A. Indus
B. Sumer
C. Ehipto
D. Shang
______5. Ito ay ang paniniwala sa mga diyos na naitatag ang templo na tinatawag na______,
Ang pinakamalaking gusali sa Sumer.
A. Ziggurat
B. Persian Gulf
C. Mohenjo Daro
D. The Great Wall of China
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Gumawa ng isang talata kung ano ang mga naiambag ng mga kabihasnang ito sa
kasalukuyang panahon na hindi kumulang sa isang daang salita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


Panuto: Likumin ang Datos ngayong nalaman moa ng lahat ng impormasyon sa mga
sinaunang kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sago tang talahanayan ng mga naging
mahalagang ambag o kontribusyon ng mga kabihasnan sa sangkataohan. Maari mong isulat
ang iyong kasagutan o kaya naman ay maaari ding gumamit ng mga larawan upang mas higit
na maunawaan at Makita nang ibang kamag aral ang hitsura/larawan ng mga ambag na ito
ng kabihasnan. Ipaliwanag mo at ibahagi sa klase ang mga kasagutan mo.

Mga Kabihasnan Mahalagang Ambag/Kontribusyon

Sumer
Indus
Tsina(Shang)
Mga Gabay na Katanungan (kung kinakailangan)
1. Alin sa Sinaunang kabihasnan ang sas palagay mo ang may pinakamahalagang
kontribusyon sa sangkatauhan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan?

Rubriks (kung kinakailangan)


Repleksyon sa Pagkatuto 1
Talahanayan. Gabay sa pag-iiskor

Antas ng pagganap Puntos Kahulugan

Katangi-tangi/Mahusay 4 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras ng


walang mali
Lubos na Kasiya-siya 3 Naisagawa ang lahat ng Gawain sa takdang oras
bagama’t may ilan lamang na mali
Kasiya-siya 2 Naisagawa ang lahat ng Gawain bagamat nasa
kalahati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang mali
Dagdagan pa ang 1 Hindi naisagawa ang lahat ng Gawain at mahigit sa
Pagsisikap kalahaati ng kabuuang bilang ng mga Gawain ang
mali

Repleksyon sa Pagkatuto 2
Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa payak na
pamumuhay patungo sa pagtatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya.

Nalaman ng mga mag-aaral na dito sa Pilipinas at ibang mga bansa sa Timog- Silangang
Asya ang namumuno ay kinilala batay sa katangian, kaugalian, at katalinuhan.

Mga Pahayag/Kaalaman Naunawaan Hindi


Naunawaan
1. Sumibol at umunlad ang mga sinaunang kabihasnan
sa mga ilog at lambak na angkop sa pagtatanim. 
2. Kabihasnan nang maituturing ang pamayanang may
3. organisadong pamamahala, relihiyon, uring
panlipunan, at may pag-unlad sa sining, teknolohiya, at 
Sistema ng pagsulat.
4. May mga pamayanang naitatag bago pa man ang
5. kabihasnan na naging transisyon sa pag unlad ng
Kabihagnang Sumer, Indus, at Tsina (Shang). 
6. Ang mga bagay at kagamitan na natuklasan ng mga
kabihasnan ay nakatulong sa pamumuhay ng mga 
Asyano sa kasalukuyang panahon.
7. May mga kaisipang Asyano (mga paniniwala) na nabuo
noon ang nanatili hanggang sa kasalukuyan. Ito ang
naging sandigan ng ilang bansa sa Asya upang 
mapatatag ang kanilang mga lungsod at liderato tulad
ng sa China.

Mga Sanggunian:
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan 7, pp. 112-116

Susi sa Pagwawasto:

Gawain sa Pagkatuto 1:
1. B Gawain sa Pagkatuto 2:
2. C
3. B
Magkakaiba ang sagot ng bawat
4. D mag-aaral
5. A

Gawain sa pagkatuto 3:

Mga Kabihasnan Mahalagang Ambag/Kontribusyon

Sumer  Kontribusyon sa paghahanap buhay,


paggamit ng perang pilak, lunar calendar,
decimal system.
Indus  Paghahanapbuhay, pakikipagkalakan,
pictogram, at grid-patterned.
Tsina(Shang)  Sistema ng pagsulat na tinatawag na
Calligraphy at pagtuklas ng potter’s wheel

You might also like