SUMMATIVE TEST in
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan:___________________________ Seksyon: _________________________ Petsa:________
Test I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pundasyon ng pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan ay nakabase sa mga kaisipang Asyanao.
Saang aspeto umiinog ang mga kaisipang ito?
A. Kultura at Relihiyon B. Pamumuno at Sining C. Relihiyon at Pamumuno D. Sining at Kultura
2. Ang panahong metal ay isang panahong may malaking ambag sa pagpapabuti ng buhay ng tao. Ano ang
ginampanan nito sa pagsisimula ng maayos na pamumuhay?
A. Paggamit ng iba’t-ibang uri ng metal.
B. Pagkakaroon ng sentralisadong pamumuhay
C. Pagpapayaman sa agrikultura
D. Pagpapatibay ng sandatahang panlakas para sa digmaan
3. Ang Tsina ay matatag, maunlad at may maayos na kabuhayan nang matapos ang Imperyong Romano sa
kanluran kaya naman tinawag at nakilala ito bilang ______________.
A. “Dynastic Cycle” B. Estadong Dharma C. Gitnang Kaharian D. Panginoong ng Daigdig
4. Ano ang naidudulot ng ilog Tigris at Euprates na naging kasagutan sa suliranin ng mga sinanunang
pamayanan sa Mesopotamia?
A. Luwad B. Masaganang patubig C. Matabang lupa D. Transportasyon
5. Ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador.
A. Dinastiya B. Imperyo C. Kaharian D. Monarkiya
6. Ito ay isang uri ng arkitekturang Islamik na naglalarawan ng mga istrukturang may minbar o pulpito.
A. Angkor Wat B. Borobudur C. Masjid/ mosque D. Ziggurat
7. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong
kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong
panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng
bansa
D. Dapat pahalagahan ang kultura ng bansa
8. Ito ay isa sa mga natuklasan ng mga Tsino na ginagamit sa mga sasakyang pandagat na nagbibigay ng
tamang direksyon habang naglalakbay.
A. Kompas B. mapa C. Global Positioning System (GPS) D. astrolabe
9. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan ?
a.paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan b.mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c.pamumuhay na nakagawian at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao
d.pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
10. Ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura at pagkakaiba-iba ng kultura ay nagsisilbing ugat na
pangkultura ng isang bansa. Dapat isanib ang inobasyong kultural sa pangangalaga sa tradisyon. Kung
walang tradisyonal na kultura, walang makabagong kultura at kung hindi maangkop sa makabagong
lipunan ang tradisyon, mahihirapan itong masalin. Ano ang kabuang mensahe nito.?
A. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Dapat proteksyunan ang mga kultura at tradisyon ng bansa.
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulong ang mga inobasyon na
makaka angkop sa makabagong lipunan.
D. Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa.
11. Nakilala ang mga Asyano sa kanilang mga sining na nagsasalarawan ng pangunahing paksa tulad ng:
A. Ispiritwalidad tungo sa kabanalan ng mga nilikha sa daigdig
B. Matotohanang larawan ng bagay sa paligid na ating nakikita
C. Mga damit, pagkain at mga makamundong bagay
D. Pisikal na anyo tulad ng pigura at katawan ng tao
12. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng wika MALIBAN sa isa;
A. maipahayag ng mga tao ang kanilang kaisipan
B. magkakaunawaan ang isa’t-isa
C. mas maging epektibo ang komunikasyon
D. maging susi ito para makapanira ng ibang tao
13. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan,
karanasan, mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga.
A. Kultura B. Wika C. Edukasyon D. Pulitika
14. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng
masamang impresyon sa ating bansa?
A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
B. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol ditto
C. Video presentation ng mga pinagmamalaking kultura, tradisyon at mga taong nagpapahalaga nito
D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi- tanging tanawin at kultura
15. Paano mapapakinabangan ang sistemang agrikultura sa kasalukuyan na pinasimulan ng mga sinaunang
tao?
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay ng mga tao sa kasalukuyan
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura noon at ngayon
C. Limitado ang supply ng karne dahil hindi marunong magpaamo ng hayop ang mga tao sa ngayon
D. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa
kasalukuyan
16. Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan na may ibat ibang antas ang mga tao.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa Caste system
A. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat
B. Ang Sudras ang pinaka mataas na uri sa lipunan
C. Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at karapatan
D. May matataas na pinuno na bahagi din ng Sudras
17. Kailan nagsimula ang edukasyong pormal?
A. nang maimbento ang pagbasa at pagsulat
B. nang magsimula ang paggawa ng mga aklat
C. nalimbag ang mga babasahin
D. lahat ng nabanggit
18. Ang sakramentong ito ay ang simula ng buhay-pamilyang Asyano.
A. Binyag B. Kasal C. Kompisal D. Komunyon
19. Ano sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuturing na
pinakamatanda at pinaka unang kabihasnan sa buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates noong 3500- 300 BC na unang nahubog
na pamayanan
b. Dahil dito natatag ang mga pamayanan at imperyo
c. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa daigdig
d. Ito ang naging tagpuan ng ibat ibang pangkat ng tao
20. Ang Ziggurat ay pinakamalaking gusali sa Sumer, ito rin ang templo kung saan matatagpuan ang
kanilang pinuno. Ano ang tawag sa lider ispiritwal at polotikal ng mga Sumerian?
a. Emperador b. Hari c. Haring Pari D. Regent
HANAY A HANAY B
______1. Kabihasnang umusbong malapit sa lambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho. A. Haring
Sargon
______2. Isang kahanga-hangang tanawin mula sa imperyong Chaldean B. Calligraphy
na umabot sa 75 na talamapakan ang taas C. Indus and Ganges River
______3. Tawag sa pinakamataas na uri ng tao sa lipunang Sumerian C. Cuneiform
______4. Pangkat ng tao na bumubuo sa kabihasnang Indus D. Sumer
______5. Pinalawak niya ang teritoryo ng Akkad bilang pinuno sa E. Hanging Garden of Babylon
pamamagitan ng pagsakop sa mga digmaan
______6. Ang imperyong ito ay may organisadong pwersa sa pagpapatayo ng mga dike F. Tigris and Euprates
______7. Ito ang pinakamahalagang ambag ng sinaunang tao sa sa kabihasnan. G. Babylonia
______8. Sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Sumer. H. Haring Pari
______9. Ano ang tawag sa dalawang malalaking ilog kung saan unang umusbong I. Shang
ang kabihasnang Sumer.
______10. Ang imperyong ito ay bumagsak ng pumanaw si Hammurabi, inatake J. Code of Hammurabi
Ito ng iba’t ibang grupo na siyang nag tulak upang maitatag ang pamayanang Hittite. K. . Dravidians
Test IV. Hanapin sa kahon ang tamang sagot na tinutukoy ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang salita ng
tamang sagot sa papel.
Shintoismo Judaismo Bibliya Allah
Islam Sidharta Gautama Koran Reinkarnasyon
Kristyanismo Relihiyon Kristo Hesus
1. Siya ay isang batang prinsipe na nagtatag ng relihiyong Buddhism.
2. Isang paniniwala kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,
paraan o nilalang.
3. Ang tawag sa banal na aklat ng Kristyanismo.
4. Ito ay isang banal na aklat ng mga Muslim na naglalaman ng mga salita ni Allah na galing kay
Muhammad sa pamamgitan ni Angel Gabriel.
5. Tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa Diyosa ng araw at iba pang Diyosa ng kalikasan.
6. Sinasabing ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig.
7. Isa ito sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
8. Ito ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
9. Siya ay ang ipinangakong Mesiyas at manunubos.
10. Ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng relihiyon sa daigdig.