You are on page 1of 3

Hinandayan National High School

Camagong, Nasipit, Agusan del Norte


Unang Markahang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 7

Name: ________________________________ Teacher: __________________ Date: __________ Score: _____

Mga Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa mga unang tao at iba pang nilalang na malatao
(humanlike creatures) na naglalakad nang tuwid noong panahong prehistoriko.
A. Fossils B. Hominid C. Homo Sapiens D. Teoryang Ebolusyon
_____2. Anong teorya ang pangunahing pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig?
A. Fossils B. Hominid C. Homo Sapiens D. Teoryang Ebolusyon
_____3. Ito ay ang pangkat ng Homo species na tinatawag na taong nag-iisip.
A. Fossils B. Hominid C. Homo Sapiens D. Teoryang Ebolusyon
_____4. Ang tawag sa anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao na siyang ginamit na pangunahing ebidensya sa
pinagdaanang ebolusyon ng Tao.
A. Fossils B. Hominid C. Homo Sapiens D. Teoryang Ebolusyon
_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid.
B. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
C. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may kakayahang gumawa ng mga kasangkapan.
D. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng Homo species na nagtungo sa ibat-ibang panig ng
daigdig at nakarating sa Asya at Europa.
_____6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo?
A. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko.
B. Ang terminong kabihasnan at sibilisasyon ay may iisang kahulugan
C. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa kalikasan.
D. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at magalaga ng hayop.
_____7. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa
daigdig.
_____8. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?
A. Sumer B. Indus C. Shang D. Lungshan
_____9. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang
diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Garden
_____10. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy?
A. Sistema ng Pagsulat B. Sistemang Pampolitika C. Sistemang Panlipunan D. Sistemang Relihiyon
_____11. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa pagitan ng Ilog Huang Ho at Yangtze?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy
_____12.. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy
_____13. Ano ang dahilan ng pagkawala ng mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?
A. Dahil sa mananakop. B. Kawalan ng mabuting pinuno
C. Kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan D. Lahat ng nabanggit
_____14.Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
_____15. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
_____16. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
_____17. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga
tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.
_____18. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi
ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag-
ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan.
_____19. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat.
A. Alibata B. Calligraphy C. Cuneiform D. Dholavira
_____20. Ito ay isang uri ng mga sinaunang pamahaan na kung saan pinamumunuan ng isang emperador.
A. Dinastiya B. Imperyo C. Kaharian D. Monarkiya
_____21. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sining ng sinaunang Asyano MALIBAN sa_________.
A. bulaklak B. diyos- diyosan C. hayop D. tao
_____22. Ito ay isang uri ng arkitekturang Islamik na naglalarawan ng mga istrukturang may minbar o pulpito.
A. Angkor Wat B. Borobudur C. Masjid/ mosque D. Ziggurat
_____23. Ito ay isa sa mga natuklasan ng mga Tsino na ginagamit sa mga sasakyang pandagat na nagbibigay ng tamang
direksyon habang naglalakbay.
A. Astrolabe B. Global Positioning System (GPS) C. kompas D. mapa
_____24. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong kung ikaw
ay naatasan na kinatawan sa kabila ng iba’t ibang balita na nagbibigay ng masamang impresyon sa ating bansa?
A. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol ditto
B. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
C. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi- tanging tanawin at kultura
D. Video presentation ng mga pinagmamalaking kultura, tradisyon at mga taong nagpapahalaga nito
_____25. Paano mapapakinabangan ang sistemang agrikultura sa kasalukuyan na pinasimulan ng mga sinaunang tao?
A. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura noon at ngayon
B. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay ng mga tao sa kasalukuyan
C. Limitado ang supply ng karne dahil hindi marunong magpaamo ng hayop ang mga tao sa ngayon
D. Agrikultura ang isa sa mga pangunahing pangkabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan
_____26. Kauna-unahang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
A. Akkadian B. Assyrian C. Babylonian D. Sumerian
_____27. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ng Imperyong Babylonia?
A. Code of Hammurabi B. Cuneiform C. Gulong D. Wala sa nabanggit
_____28. Naging ambag ng imperyong ito ang cuneiform, gulong, sistema ng panukat ng timbang at haba at paggawa ng dike.
A. Akkadian B. Assyrian C. Babylonian D. Sumerian
_____29. Imperyong nagtatag ng lungsod- estado para magkaisa ang mamamayan, pinaunlad ang sistema ng pagsusulat, pag-
usbong ng literatura.
A. Akkadian B. Assyrian C. Babylonian D. Sumerian
_____30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo?
A. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat ng mga Akkadian.
B. Ang gulong ay isa sa mahahalagag ambag ng mga Sumerian.
C. Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya ng mga Hebreo.
D. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 228 na batas na nagsilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
_____31. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo?
A. Sa Cambodia makikita ang Angkor Wat.
B. Ang Borobudur ay isang banal na templo.
C. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking isla na Luzon, Visayas, Sulu.
D. Isa sa mga dinastiyang namayagpag sa Japan ay ang Liping Goeryo at Nara.
_____32. Ito ay tumutukoy sa paniniwala sa iisang Diyos lamang.
A. Atheismo B. Monotheismo C. Polytheismo D. Wala sa nabanggit
_____33. Ito ay paniniwala sa maraming Diyos.
A. Atheismo B. Monotheismo C. Polytheismo D. Wala sa nabanggit
_____34. Pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong sumampalataya nito.
A. Buddhismo B. Kristiyanismo C. Hinduismo D. Taoismo
_____35. Itinatag ito ni Siddharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin ang
katotohanan ng buhay.
A. Buddhismo B. Kristiyanismo C. Hinduismo D. Taoismo
_____36. Relihiyong itinatag ni Guru Nanak.
A. Buddhismo B. Hinduismo C. Sikhismo D. Taoismo
_____37. Tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.
A. Bibliya B. Koran C. Torah D. Veda
_____38. Tawag sa banal na aklat ng mga Kristiyano.
A. Bibliya B. Koran C. Torah D. Veda
_____39. Ang mga sumusunod ay HINDI totoo, maliban sa __________
A. Ang banal na kasulatan ng mga Hindu ay Bibliya.
B. Politeismo ang tawag sa pagsamba sa iisang diyos.
C. Ang Hinduismo ay ang matandang relihiyong umunlad sa India at mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa
relihiyong ito.
D. Wala sa nabanggit
_____40. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo?
A. Ang Kristiyanismo ay ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod.
B. Ang pagdadasal ng limang beses sa isang araw ay bahagi ng pananampalatayang Islam.
C. Sang-ayon sa relihiyong Zoroastrianism, ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak sa kabutihan o kasamaan.
D. Wala sa nabanggit
_____41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo?
A. Ayon sa relihiyong Buddhismo, ang pagdurusa ng tao ay mawawala kung ang pagnanasa ay aalisin.
B. Ang pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya at pagpapakumbaba ay kabilang sa mga katuruan ng Taoism.
C. Ang pagkain ng karne, pagpatay ng insekto at pagkakaroon ng ari- arian ay ipinagbabawal sa relihiyong Jainismo.
D. Wala sa nabanggit
_____42. Ang mga sumusunod ay totoo MALIBAN sa _________.
A. Ayon sa legalismo ang tao ay ipinanganak na mabuti.
B. Shintoismo ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones.
C. Nakapaloob sa Four Classics at Five Books ang mga aral ng Confucianism.
D. Wala sa nabanggit
_____43. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiya sa lipunan?
A. Pagkakaroon ng respeto sa kapwa tao. C. Paggiging tapat sa serbisyo sa pamahalaan.
B. Pagsasagawa ng mga ritwal gaya ng sayaw tuwing piyesta. D. Bawal ang pagpapalaglag ng sangol sa sinapupunan.
_____44. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng impluwensiya sa moralidad?
A. Pagbabawal sa pagkiltil ng buhay ng tao.
B. Paniniwala sa mga santo at mga bagay sa kalikasan.
C. Ipinagbabawal ang pag-aasawa ng marami sa relihiyong Kristiyanismo.
D. Pag-oorganisa ng mga kawani ng gobyerno ng mga gawain na may kinalaman sa mga piyesta.
_____45. Sa bansang India, sumasama ang babaeng asawa sa funeral fire ng kanyang asawang namatay bilang pagpapakita ng
pagmamahal, ito ay tinatawag na ___________.
A. Polyandry B. Polygamy C. Purdah D. Sutte/Sati
_____46. Tumutukoy sa pag-aasawa ng isang lalaki sa maraming babae.
A. Polyandry B. Polygamy C. Purdah D. Sutte/Sati
_____47. Tawag sa sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
A. Female Infanticide B. Infanticide C. Genocide D. Pesticide
_____48. Bilang isang paraan ng pagtago sa mga kababaihan sa publiko, sila ay nagsuot ng damit na pantakip sa katawan,
mukha at buhok ng babae na tinatawag na _______. purdah.
A. Forda B. Punda C. Pundah D. Purdah
_____49. Ang mga sumusumod na pahayag ay hindi totoo, maliban sa ____________.
A. Ang pag-aasawa ng marami ay tinatawag na polygamy.
B. Female Insecticide ang sadyang pagkitil sa buhay ng mga sanggol na babae.
C. Ang tradisyon na pagsusuot ng sapatos na bakal ng mga babaeng Tsino ay tinatawag na lotus feet.
D. Lahat ng nabanggit
_____50. Bakit hindi pinapahalagahan ang batang babae sa Tsina at India?
A. Dahil sila ay babae
B. Dahil binibigyan sila ng dowry o dote kapag kinakasal.
C. Dahil ang babae ay nagbibigay ng dowry o dote kapag kinakasal.
D. Lahat ng nabanggit

You might also like