You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
S A N G AY N G PA M PA N G A
Lungsod ng San Fernando

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7


Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Tumutugonsa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog.


A. Kabihasnan
B. Kalinangan
C. Kaunlaran
D. Sibilisasyon
2. Ang mga sumusunod ay pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnan maliban sa:
A. Indus
B. Shang
C. Sumer
D. Nile
3. Ang mga nakatala ay mga batayang salik sa pagkabuo ng kabihasnan maliban sa:
A. Espesiyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya.
B. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya,sining at arkitektura.
C. Pagkakaroon ng oganisado at sentralisadong pamahalaan.
D. Paglaki ng populasyon at pagpangkat ng tao ayon sa kakayahan.
4. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pina-unlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na pinaunlad gamit ang bagong teknolohiya.
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa ilog at lambak.
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran.
5. Pagsunod-sunurin ang mga panahon.
1.Panahong Mesolotiko3. Panahong Neolitiko
2.Panahong Metal4.Panahong Paleolitiko
A. 1,2,3,4
B. 2,3,4,1
C. 4,1,3,2
D. 3,4,1,2
6. Unang nabuong sistema ng pagsulat na naimbento ng mga Sumerian.
A. Calligraphy
B. Cuneiform
C. Hieroglyphics
D. Sanskrit
7. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na
pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Dahil kilala ang sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami
nitong kontribusiyon sa daigdig.
B. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo.
C. Dahil nagkaroon ng matatag na sistemang politikal
D. Dahil ito ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa Fertile Crescent.
8. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian.
A. Great Wall
B. Hanging Garden
C. Taj Mahal
D. Ziggurat
9. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahilasa natuklasang dalawang lungsod na may parehong sukat ng bloke ng kabahayan at may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa.
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
D. Dahil maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.

10. Lubhang napakahalaga ng bahaging ginampanan ng mga ilog sa Asya na sinasabing naging
lundayan ng mga sinaunang kabihasnan pati sa buong mundo.Naging kapaki-pakinabang ang mga
ilog;
A. Nagamit ang mga ito na pagkuhanan ng tubig para sa agrikultura.
B. Nagamit ang mga ito para mapabilis ang transportasyon.
C. Nagamit ang mga ito para sa pakikipagkalakalan.
D. Lahat ng nabanggit.
11. Lahat ay katangian ng panahong paleolitiko maliban sa;
A. Nakadepende ang tao sa kanyang kapaligiran.
B. Nakagawa ang tao ng mga kasangkapang yari sa matulis na bato.
C. Nomadiko ang pamumuhay ng tao.
D. Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop ang tao.
12. Kinilala bilang “cradle of civilization.”
A. Fertile Crescent
B. Mesopotamia
C. Persia
D. Sumer
13. Ang itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
A. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Persian
C. Kabihasnang Shang
D. Kabihasnang Sumer
14. Ang calligraphy ay sistema ng pagsulat na natuklasan ng mga taga:
A. India
B. Sumer
C. Tsina
D. Persia

Mga kabihasnan Mahalagang Ambag o Kontribusiyon


cuneiform,ziggurat,gulong,sistema ng panukat ng timbang at
Sumer haba,pugon,
araro ,lunar calendar ,organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.
sistema ng pagsulat na pictogram,Taj Majal,Harrapa at Mohenjo-Daro
Indus
calligraphy,potters wheel.oracle bones,Great Wall of China ,haring-pari
Shang

15. Suriin ang talahanayan na naglalaman ng mgaambag o kontribusiyon ng mga sinaunang


kabihasnan.Alin ang may pinakamaraming nagawa?
A. Indus
B. Shang
C. Sumer
D. Wala

16. Alin sa mga kabihasnan ang nakabuo ng sistema ng pagsulat?


a. Indus
b.Shang
c. Sumer
d. Lahat

17. Anong kabihasnan ang nakapagpatayo ng kamangha-manghang istraktura?


A. Indus
B.Shang
C. Sumer
D.Lahat
18. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa.Kung walang tradisyunal na kultura walang makabagong
kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong
panatilihin ng tao.Ano ang mensahe ng pahayag?
A.Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong haligi ng bansa.

B.Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.


C. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
D. Isabuhay at ibahagi ang magagandang kultura at tradisyon ng bansa.
19. Isang paniniwalang Tsino ay ang “Son of Heaven” o Anak ng Langit ang kanilang Emperador ,ano
ang iyong pagkaunawa sa kahulugan ng konseptong ito?
A. Ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng diyos.
B. Ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan.
C. Namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda.
D. Namumuno ang siya dahil pinili siya ng mamamayan na anak ng Diyos.
20. Pagsunud-sunurin ang mga imperyong naitatag sa Mesopotamia.
1. Akkadian 3.Assyrian
2. Babylonian 4. Sumerian
A.1,2,3,4
B. 4,1,2,3
C. 3,1,4,2
D. 2,4,1,3
21. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kahariang naitatag sa Mesopotamia?
A. Lydian,Phoenician,Hittite,Hebreo
B. Lydian,Phoenician,Hebreo , Hittite
C. Lydian Hebreo ,Hittite,Phoenician
D. Lydian,Hittite,Hebreo,Phoenician
22. Akkadian:Haring Sargon: Babylonian:_______________
A. HaringHammurabi
B. Haring Nebuchadnezzar
C.Haring Rehoboam
D. Haring Solomon
23. Pangkat ng tao na tinaguriang ‘Tagapagdala ng Sibilisasyon.”
A. Hebreo
B. Hittite
C.Phoenician
D.Persiano
24. Ang pagsamaba sa iisang Diyos o monotheism ay kontribusiyon ng mga.
A.Lydian
B.Hebreo
C.Hittite
D. Phoenician
25. Ang salitang satrap ay ambag ng mga persiano sa kasaysayan.Ito ay nangangahulugang:
A.bayan
B.barangay
C.lalawigan
D. siyudad
26. Ang China ay nagkaroon ng tinatawag na”Apat na dakilang dinastiya”Bakit tinawag itong dakilang
dinastiya?
A. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahog ito.
B. Nakapanakop ng ibat-ibang pangkat ng tao.
C. Nagkaroon ng pag-unlad ang China sa panahong ito sa ibat-ibang larangan.
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya.
27. Hanging Gardenof Babylon : Nebuchanezzar ; Great Wall of China : ______________
A. Liu Bang
B. Shi Huang Ti
C. Wuti
D. Zheng
28. Alin ang bumubuo sa Apat na Dakilang Dinastiya ng Tsina?
a.Chin , Han , Yuan , Ming
b.Chou, Tang , Sung , Sui
c.Han , Tang , Sung , Ming
d. Sui , Ming , Zhou , Yuan
29. Sa panahong ito,nakaranas ng mahabang panahong kapayapaan ang Tsina na tinawag na “Pax Sinica”
Sa anong dinastiya naganap ang pangyayaring ito?
A. Dinastiyang Ch’in
B. Dinastiyang Han
C.Dinastiyang Sung
D. Dinastiyang Tang
30. Pagsunud-sunurin ang mga Dinastiyang naitatag sa Korea.
1. Gojoseon (2333-108 BCE) 3. Silla (668-935 CE)
2. Tatlong Kaharian (313-668 CE) 4.Balhae (698-926 CE)
A. 1,2,3,4
B. 2,3,4,1
C. 3,4,1,2
D. 3,2,1
31. Ang caste system sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan sa ibat-ibang pangkat o antas ng mga
tao.Alin sa sumusunod ang nagpapatunay tungkol sa caste system?
A.Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at karapatan.
B. Ang sudras ang pinakamataas na uri ng tao.
C. May mahahalagang gawain sa bayan ang bawat pangkat.
D. May mga mabubuting naidulot ang pagpapangkat.
32. Alintuntunin ng karangalan kung saan mahalaga ang katapatan ,karangalan at katapangan na umiral
sa Hapon sa pamumuno ng Yamato at Nara.
A. Bakufu
B. Bushido
C. Samurai
D. Regent
33. Brahmin;Pari at iskolar ; Sudras :______________
A. Alipin
B. Magsasaka
C. Mangangalakal
D. Mandirigma
34. Isa sa apat na Noble Truths ng Budhismo ay nagsasaad na “Ang buhay ay nangangahulugan na puno
ng paghihirap.Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag?
A.Bahagi na ng buhay tao ang paghihirap at pagpapakasakit.
B. Kahit na magsumukap ang tao ay makakaranas pa rin siya ng paghihirap.
C. Habangbuhay ang paghihirap ng tao.
D. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay.
35. Imperyong Maurya: Chandragupta Maurya : Imperyong Gupta :_________________.
A. Asoka
B. Chandragupta II
C. Kanishka
D. Tamerlane
36. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang sinaunang paniniwala sa bansang India?
A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal.
B. Nagpapakamatay para maisabay sa paglilibing ng kanyang asawang namatay.
C. Naliligo ng gas at sisindihan ang katawan para masunog.
D. Tumalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang bangkay ng kanyang asawa.
37. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa China
A. Sa murang edad tinatangal ang kuko ,binabali ang buto sa daliri at binabalot ng metal ang mga paa
upang hindi humaba.
B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal ang paa.
C. Sa murang edad ay binabalot na ng bakal ang paa at di pinalalabas ng bahay.
D. Ang batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.

Mga Relihiyon Tagapagtatag Aral/Paniniwala/Doktrina

Budhismo Sidharta Gautama Apat na Dakilang Katotohanan,Walong


Dakilang Daan
Jainismo Vhardamana Muling Pagkabuhay,Bawal kumain ng
karne,pumatay ng insekto,bawal magkaroon
ng ari-arian,karma,paggalang sa lahat ng may
buhay at ahimsa.
Sikhismo Guru Nanak paniniwala sa isangDiyos,reinkarnasyon
nirvana.
Kristiyanismo Hesu-Kristo Paniniwala sa Santisima Trinidad,Pitong
Sakramneto,10 utos ng Diyos, Bibliya at
kautusan ng Simbahan at Santo Papa.
Islam Muhammad Koran ang banal na aklat,paniniwala sa
Limang Haligi,Iisa ang diyos si Allah.
38. Suriin ang talaan ng mga relihiyon isinilang sa Asya.Anong relihiyon ang may 10 Utos ng Diyos?
A. Budhismo
B. Jainismo
C. Kristiyanismo
D. Sikhismo

39. Alin sa mga relihiyon ang naniniwala sa reinkarnasyon?


A. Jainismo
B. Islam
C. Kristiyanismo
D. Sikhismo

40. Anong relihiyon ang naniniwala sa Apat na Dakilang Katotohanan?


A. Budhismo
B. Jainismo
C. Islam
D. Sikhismo

41. Anu-ano ang mga relihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos.


A. Budhismo,Jainismo at Islam
B. Jainismo ,Kristiyanismo at Sikhismo
C. Kristiyanismo , Islam at Sikhismo
D. Budhismo , Islam at Jainismo

42. Confucianism: Confucius ; Taoism: __________


A. Lao tzu
B. Mencius
C. Sun Tzu
D. Li Xi

43. Philo : Pagmamahal ; Sophia : ____________


A. Kaalaman
B. Katarungan
C. Karunungan
D. Katapatan

44. Nakabatay ang legalismo sa sa makabuluhan at malakas na puwersa na dala ng


estado.Ano ang ipinapahayag ng pangungusap na ito?
A. Ang sinumang lalabag sa batas ay maaaring makaiwas sa parusa.
B. Ang may posisyon ay higit ang karapatan sa ordinaryong mamamayan.
C. Higit na mahalaga ang istriktong batas ng estado upang ang lahat ng miyembro ng
lipunan ay kumilos at gumawa ng mabutu at wasto.
C. Walang pananagutan ang estado sa pagkilos ng kanyang mamamayan.
45. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng
bansa sa Asya?
A. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa
kanilang bansa.
B. Itinaguyod at pinanatili nila ang mga Asyanong pagpapahalaga sa panahong ng
kanilang pamumuno.
C. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa.
D. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan.
46. Matapos ang talakayan ninyo sa aralin tungkol sa mga relihiyon Naatasan ka na mamuno sa paglikha
ng isang presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya.Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng
nilalaman ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at saan naitatag.
B. Kasaysayan ng relihiyon,at mahalagang aral noto.
C. Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at amg impluwensiya nito sa bansa.
D. Kasaysayan ng relihiyon,mga mahalagang aral,impluwensiya sa bansa,at kalagayan nito sa
kasalukuyang panahon.
47. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura , tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasang kumatawan?
A. Pagbibigay phamplet ng mga larawan ng katangi-tanging tanawin at kultura ng bansa.
B. Paghahanda at pagbabasa ng progress report tungkol dito.
C. Power point presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa.
D.Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura,tradisyon at mga taong nagpapahalaga rito.

48. Ikaw ay pangulo ng AP Club sa iyong paaralan at naatasan ng gumawa ng proyekto sa kahalagahan
ng mga kontribusyong Asyano.Ano ang para makita at makilala nang lahat ang mga nasabing kontribusyon?
A. Collage making contest
B. Magtakda na paligsahan sa pagsulat ng sanaysay
C. Open house exhibit
D. Quiz contest

49.Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang paligsahan ng debate ukol sa


paniniwala,pilosopiya,at misyon ng bawat paaralan.Ano ang gagawin mong paghahanda bago ang sumapit
ang paligsahan?
A. Gumawa ng outline ng isyu,magsaliksik at mag-aral sa posibleng mga katanungan.
B. Magbasa ,manood ng balita at maghanda
C. Magbasa ,magsaliksik sa isyu
D.Magsalikisik at magsanay na humarap sa karamihan

50. Hindi malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng sinaunang kababaihan sa Asya.Ito ay batay
sa kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano katulad ng suttee sa India.Ano ang ugat ng mababang
pagtinging ito sa mga kababaihang Asyano?
A. Bahagi na ng kasaysayan na ituring na mababang miyembro ang kababaihan at limitado ang
karapatan sa lipunan.
B. Hindi pinagkalooban ng langit ang kababaihan na mamuno sa lipunan.
C. Mahina ang loob at walang kakayahang mamuno
D. Hindi pinagkalooban ang kababaihan nang mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.

You might also like